You are on page 1of 4

FILIPINO – BAITANG 10

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


T.P. 2022-2023

PANUTO: Tukuyin sa mga pagpipilian ang tamang sagot ng mga sumusunod na aytem. TITIK lamang ang isulat sa sagutang
papel.

I. Paglinang ng Talasalitaan
1. “Nanangis nang kalunos-lunos ang dalaga sanhi ng kinasapitan nilang mag-anak.” Ano ang ibig sabihin ng salitang
nakasalungguhit sa pangungusap?
A. Kahabag-habag B. Kakila-kilabot C. Kagimbal-gimbal D. Katakot-takot
2. “Pinagkatiwalaan siya ng pamilya, subalit dagang-bahay pala.” Ang kahulugan ng sinalungguhitang pahayag ay_______.
A. Alagang-bahay B. Bantay-bahay C. Bantay-salakay D. Daga-dagaan
3. “Dinatnan sila ng sigwa habang naglalayag sa dagat.” Ano ang literal na pagpapakahulugan ng salitang
nakasalungguhit sa pahayag?
A. Bagyo B. Umaga C. Pag-asa D. Problema
Para sa aytem bilang 4-5. Piliin sa mga pagpipilian sa ibaba ang titik ng tamang sagot.
A. Dalisay – busilak B. Magkalat – Maabot C. Tula – Sukat D. Hikaw - Nakaw
4. Aling pares ng mga salita ang magkatulad ang kahulugan?
5. Alin naman sa mga pares ng mga salita ang magkaugnay ang kahulugan?
6. Ang suring basa ay isang anyo ng pagsusuri ng binasang teksto tulad ng nobela, maikling kuwento at iba pa. Ang
sinalungguhitang salita ay mahihirap na salita kabilang ang terminong ginagamit sa panuring pampanitikan na ang ibig
sabihin ay ___________.
A. Genre B. Puna C. Rebyu D. Saliksik
7. “Sumalagpak siya sa malambot na sopa.” Ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit ay ________.
A. Napaupo B. Natumba C. Napahandusay D. Napahiga
8. “Nang sagpangin ang isda, para na rin siyang nasagpang.” Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit?
A. Nagkasiraan B. Namatay C. Nasugatan D. Sunggaban
9. Sa tulong ng word association na makikita sa ibaba, ano ang kahulugan ng salitang kariktan?
Kagandahan

Simbolo Kariktan Talasalitaan

Tayutay
A. Sukat B. Tugma C. Piling Salita D. Paggamit ng matalinghagang salita
10. Sa tulong ng pag-uugnay ng mga salita, ano ang ibig sabihin ng pangangalisag ng balahibo.
Malaking takot

Kulag Pangangalisag ng balahibo Sindak

Kilabot
A. Duwag B. Guniguni C. Hilakbot D. Pangamba
11. Hinihintay nila ang pamasko na darating. Ipaliwanag ang pinagmulan ng sinalungguhitang salita.
A. Pa + masko B. pam + pasko C. pang + pasko D. pasko + pa
12. Ang iyong kinabukasan ang nakataya rito. Tukuyin ang pinagmulan ng sinalungguhitang salita.
A. kina- + bukas + -han B. ki- + -na- + bukas + -an C. ka- + -in- + bukas + -an D. ka- + -in- + bukasan
13. Ang salitang nagtatapon isama sa salitang kuwarta, makabuo ng ibang kahulugang (collocation) na,
A. Mayaman C. Nagbibigay ng salapi sa kawanggawa
B. Nag-iipon ng kuwarta sa barko D. Walang patumanggang gumasta
14. “Katulad ng ibong nasa himpapawid.” Ano ang sagisag ng salitang nakasalungguhit sa taludtod?
A. Digmaan B. Kalayaan C. Pangarap D. Pag-ibig
15. Takpan mo ang basura. Ipaliwanag ang salita batay sa etimolohiya.
A. takip + an B. tak + pan C. takip + in D. an + takip
II. Wika at Gramatika
16. “Tunay na sa isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela.” Alin sa sumusunod na
salita ang ginamit sa pangungusap upang magpahayag ng pagsang-ayon?
A. Tunay B. Tunay na C. at D. ng lipunan
17. “Sa pagdami ngayon ng kaso ng COVID-19, tila magtatagal pa ang ECQ.” Alin sa mga salita sa pangungusap ang
ginamit sa pagpapahayag ng paghihinuha?
A. Sa pagdami B. ngayon C. ng COVID-19 D. tila
18. "Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang buhay sa mundo." Anong uri ito ng opinyon?
A. Katotohanan B. Pagsang-ayon C. Pagtutol D. Pananaw
Para sa aytem bilang 19-25. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod na pahayag. Piliin lamang sa mga
pagpipilian sa ibaba ang titik ng tamang sagot.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
19. Inuuhaw ang halaman tuwing tag-araw.
20. Bumaha ng dugo sa Marawi nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga military at mga terorista.
21. Nagdadalamhati ang buwan sa paglubog ng araw.
22. Tila rosas ang kagandahang taglay ni Maria Clara.
23. Ang iyong balita ay isang punyal sa kaniyang dibdib.
24. Sa kagubatan, ang mga ibo ay nagsisiawit tuwing umaga.
25. Wasak ang mukha ni Samuel matapos siyang makipagsuntukan kay Rico.
Para sa aytem bilang 26-28. Tukuyin ang mga sumusunod na pananaw kung ito’y pagtutol o pagsang-ayon. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
26. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang buhay sa mundo.
27. Totoong kailangan ng pagbabago kayat gawin natin ito sa tamang paraan.
28. Totoong ganoon nga ang nangyari subalit hindi iyan nais kong ipahayag sa iyo.
29. “Sa wari ko’y isang malaking pagkakamali kung hindi tayo susunod sa batas.” Alin sa pahayag ang salitang ginamit sa
paghihinuha?
A. wari B. kung C. hindi D. sa batas
30. “Sa palagay ko, kailangan nating magtulungan upang labanan ang sakit ng lipunan.” Anong salitang nagpapahayag ng
hinuha ang ginamit sa pangungusap?
A. Sa palagay ko B. upang C. labanan D. ng lipunan
III. Panunuring Pampanitikan
31. Si Thor ang pinakatanyag na diyos ng mitolohiyang Norse. Ano ang tawag sa kaniyang sandatang maso?
A. Excalibur B. Tambuli C. Mjolnir D. Frejlord
32. Ano ang ikinagalit ni Thor kay Skrymir?
A. Hindi nakatulog si Thor dahil sa lakas ng hilik ng higante.
B. Masyadong pagod at gutom si Thor.
C. Hindi niya nabuksan ang sisidlan ng pagkain.
D. Hindi man lang nakaramdam ng sakit ang higante kahit tatlong beses na siyang pinalo ni Thor.
33. Bakit hindi nagtagumpay sa mga pagsubok ni Utgard-Loki sina Thor?
A. Dahil lubhang napakahirap ng mga pagsubok na inihanda ni Utgard-Loki.
B. Dahil sa pagiging mainitin ng ulo ni Thor kaya siya nagkamali sa mga pagsubok.
C. Gumamit ng mahika si Utgard-Loki upang mandaya dahil batid niyang malakas na kalaban si Thor.
D. Pinagkaisahan sina Thor at ang kaniyang mga kasamahan ng mga alagad ni Utgard-Loki upang di sila manalo.
Para sa aytem bilang 34. Basahin at unawain ang talata sa loob ng kahon na nasa ibaba.
Limang anak na lalaking ngayon ay mga nagbibinata na ang ipinagkaloob sa kanya. Limang lalaking araw-araw
niyang ipinaglalaba ng pants, t-shirts at brief. Ipinagluluto ng almusal, tanghalian, hapunan. Na mga walang alam kundi
pumasok sa eskwelahan, maghingi ng baon, maglakwatsa, bumarkada, mag-TV, magtelepono atbp. Kunsumisyon!
34. Anong teoryang pampanitikan ang binibigyang-diin ng talata sa itaas?
A. Sikolohikal B. Humanismo C. Naturalismo D. Realsimo
35. Sa kuwentong “Aginaldo ng mga Mago,” kanino inihalintulad ang mag-asawang Jim at Della?
A. Tatlong hari B. Santa Claus C. Hesus D. mga bata
36. Ano ang suliranin ni Della sa kuwentong Aginaldo ng mga Mago?
A. Ang handa nila sa pasko. C. Bibilhin na palamuti sa kanilang bahay sa pasko.
B. Ibibigay na regalo sa asawa niyang si Jim. D. Ang kanilang ibibigay na regalo sa kanilang anak.
37. Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay. Anong uri ito
ng Teoryang Pampanitikan?
A. Humanismo B. Imahismo C. Realismo D. Marxismo
Para Aytem bilang 38-40. Basahin at unawain ang tula sa ibaba at sagutan ang sumusunod na mga katanungan.
“Ang Magsasaka”
Sa maghapong singkad, ikaw’y nasa-linang
Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw (1)
Ang basal na lupa’y mabungkal mo lamang
Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili,
Nakintal ang (2) isang ginintuang saksi,
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
(3) Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.
A. Sukat B. Tugma C. Simbolismo D. Tayutay
38. Ayon sa tula sa itaas, anong elemento ang sinalungguhitan bilang 1?
39. Anong elemento ang sinalungguhitan bilang 2?
40. Anong elemento ang sinalungguhitan bilang 3?
41. Ang England, tulad ng Pilipinas, ay mayaman sa panitikan gayundin ng mga tanyag na mandudula. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa mga mandudula noong panahon ng Renaissance?
A. William Shakespeare B. Ben Jonson C. Elizabeth Barret Browning D. John Donne
42. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng kahulugan ng tulang soneto?
A. Tulang damdamin na may labing-apat na taludtod
B. Tulang pumapaksa sa simpleng paraan ng pamumuhay
C. Tula ng pamamanglaw at kahapisan sa isang minamahal
D. Tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tauhan.
43. Ang mga sumusunod ay naglalahad ng mga katangian ng tulang pandamdamin o liriko maliban sa ____________.
A. Puno ng masidhing damdamin ng tao. C. Nagsasalaysay ng kabayanihan ng tauhan sa tula.
B. Itinatampok ng may-akda ang sariling karanasan. D. Nasasalamin ang karanasan at guniguni ng may-akda.
44. Batay sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat,” ang marlin ay kumakatawan sa taong nanatili sa iyong tabi sa gitna ng
pagsubo. Anong elemento ng nobela ang binibigyang-diin nito?
A. Tauhan B. Pananaw C. Tema D. Simbolismo
45. Alin sa mga sumusunod na elemento ng nobela ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela?
A. Banghay B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema
46. Alin sa mga sumusunod ay mga kulturang makikita sa Sintahang Romeo at Juliet maliban sa isa?
A. Paniniwala sa wagas na pag-ibig.
B. Pagdiriwang ng Pasko kasama ang Pamilya.
C. Alitan sa Pagitan ng mga mahaharlikang angkan.
D. Paggamit ng kapangyarihan ng magulang sa mga anak.
47. Anong uri ng dula ang dulang “Sintahang Romeo at Juliet?”
A. Melodrama B. Romansa C. Trahedya D. Parsa
Para sa aytem bilang 48-50. Bumuo ng tatlong (3) hinuha ukol sa magiging kalalabasan ng ipinapahayag ng mga sumusunod
na larawan. Gumamit ng angkop na salita sa pagbibigay ng hinuha. Salungguhitan ang mga
ginamit na salita sa paghihinuha. Tiyaking wasto ang baybay ng mga salita sa bawat pahayag.

48.
49.
50.

Higit na karangalan ang magtagumpay sa mga bagay na pinaghihirapan. -Ma’am Cris 

Inihanda ni: CRISLENE I. TAÑADA Iniwasto ni: NONITA D. GOLEZ


Guro sa Filipino 10 Koordineytor sa Filipino

You might also like