You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Quezon Calauag National High School
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 10

I. PANUTO: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Isang panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinapahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro,
saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral.
a. Balagtasan b. Tula c. Sanaysay
2. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing
pag-aaral at malalim na pag-kaunawa sa paksa.
a. Pormal b. Di-pormal c. Talinghaga
3. Anyo ng panitikan na binubuo ng mga saknong at taludtod.
a. Tula b. Sanaysay c. Pagsasalaysay
4. Naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na
mahiwaga at metapisikal.
a. Matatalinghagang salita b. Simbolismo c. Tula
5. May malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan
at pagkamalikhain ng anumang wika.
a. Matatalinghagang salita b. Simbolismo c. Tula
6. Ito ang bilang ng oantig sa bawat taludtod.
a. Tugma b. Sukat C. Kariktan
7. Ito ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin.
a. Pagsasaling-wika b. Pagpapakahulugan c. Idyoma
8. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal sa tanghalan.
a. Dagli b. Maikling Kuwento c. Dulang Pandulaan
9. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
a. Tuwirang Pahayag b. Pagsasalaysay c. Di-tuwirang Pahayag
10. Ayon sa kanya ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang sanay”.
a. Michel de Montaign b. Genoveva Edroza Matute c. Alejandro G. Abadilla
11. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
a. Paglalahad b. Pangangatuwiran c. Pagsasalaysay
12. Ito ay nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng
paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
a. Mitolohiya b. Maikling Kuwento c. Dulang Pandulaan
13. Ito ay pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang
lugar.
a. Nobela b. Alamat c. Tala ng paglalakbay
14. Ang pagsasalaysay ay batay sa tunay na pangyayari.
a. Anekdota b. Dagli c. Maikling Kuwento
15. Ito ay nahahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masasalimuot na pangyayari.
a. Dulang Pandulaan b. Nobela c. Talambuhay
16. Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao, pook o
bansa.
a. Kasaysayan b. Nobela c. Talambuhay
17. Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
a. Kasaysayan b. Alamat c. Talambuhay
18. Ito ay isang uri ng pamumuno o liderato na kung saan ang mga tumatayong lider o
namumuno sa isang nasasakupan ay nasa ilalim ng mga kababaihan.
a. Patrilinear b. Matrilinear c. Faza
19. Siya ang hari ng Ozi at ungwana sa Tana Delta at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
a. Toby b. Liongo c. Saadi
20. Ito ang bagay na kapag natamaan si Liongo sa pusod ay mamamatay siya.
a. Espada b. Kutsilyo c. Karayom
21. Ito ay isang uri ng pamumuno o liderato na kung saan ang mga tumatayong lider o
namumuno sa isang nasasakupan ay nasa ilalim ng mga kalalakihan.
a. Patrilinear b. Matrilinear c. Faza
22. Ang akdang “Mullah Nassreddin” ay anekdota na mula sa Persia? Iran na isinalin sa
Filipino ni:
a. Idries Shah b. Roderick P. Urgelles c. Alejandro G. Abadilla
23. Tinaguriang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng
katatawanang estilo sa pagsulat.
a. Mullah b. Saadi d. Liongo

Para sa mga bilang 24-28.


Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod: 

a. Kagubatan b. Karagatan c. Katawan


d. silid-aklatan e. Tinapay f. prutas
_____ 24. Bulaklak: hardin :: aklat: _____________ 
_____ 25. Berde: kapaligiran :: asul: ____________
_____ 26. Espirituwal: kaluluwa :: pisikal: _____________ 
_____ 27. Puso: katawan :: _____________ : puno
_____ 28. _____________ : gutom :: tubig: uhaw

Para sa bilang 29-30.


Ibigay ang wastong katumbas sa wikang Filipino ng mga salita sa bawat bilang. Isulat ito sa
nakalaang patlang.
29. Green : ____________
Gray : ____________
Pink : ____________

30.  Department : ____________


Office : ____________
Secretary : ____________

Para sa bilang 31-35.


Ibigay ang ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa.
31.
32.
33.
34.
35.

Para sa bilang 36-40.


Magbigay ng (5) mapagkukunan ng paksa
36.
37.
38.
39.
40.

You might also like