You are on page 1of 2

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252/
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

GAWAIN: Makapagsulat ng isang balitang pampalakasan ayon sa mga iba’t-ibang uri ng sports.
(GOOGLE CLASSROOM)

A. basketball

B. volleyball

C. sepak takraw

D. track & field

E. badminton

F. table tennis

G. chess

H. swimming

I. archery

I BROQUEZA, MARY GRACE GALLEGO

BALIKAN: Pinoy, wagi sa iba’t ibang kompetisyon sa


loob at labas ng bansa, kampeon sa archery.
Isa sa patunay na hindi pahuhuli ang Pilipinas sa isport na ito ang dating national
player sa archer na si Earl Yap.
Katulad ng tennis, table tennis, at taekwondo, ang archery ay kabilang sa mga isport
na sariling isip at katawan lamang ang puhunan. Hindi rin ito nakabase sa lakas ng
isang manlalaro.
Hindi kagaya ng sikat na mga laro kagaya ng basketball at volleyball, maaaring laruin
ang archery kahit mag-isa. Kaya naman hindi biro ang paglaan ng oras at dedikasyon
sa naturang isport.
Humakot na ng maraming gintong medalya sa archery si Earl sa iba’t ibang
kompetisyon sa loob at labas ng bansa kaya hindi maikakailang eksperto na siya ang
isport na ito.
Matapos ang 15 taong pamamayagpag sa competitive archery, nagdesisyon na ito na
tumigil sa paglahok sa mga patimpalak. Ngunit, huminto man sa pakikipagtagisan ng
galing sa archery, hindi namamatay sa kanya ang halaga ng laro.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252/
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

Ibinahagi ni Earl na nais pa rin nitong makatulong at humubog ng mga bagong archers
na maaaring maging kinatawan ng Pilipinas sa iba’t ibang torneo.
Ayon sa kanya, tamang form at muscle memory ang isa sa mga mahahalagang
matutuhan sa archery. Nangangailangan rin ito ng puspusan na ensayo para maging
mas mahusay.
"Archery is a demanding sport when it comes to developing your muscle memory.
Muscle memory kasi is only achieveable by repeating the same action over and over
again. So kailangang mag-
practice ka everyday. Kailangang may mga competitions ka na sasalihan para mahasa
ka in terms of managing yung emotions mo or yung kaba," ayon kay Yap.
Ngayon, nagtuturo si Yap ng archery sa mga estudyante dahil naliligayahan siyang
magbahagi ng kanyang talento. Nakatutok din siya sa kanyang negosyong may
kinalaman sa archery, lalo na nang sumikat ang isport simula nang lumabas ang libro
at pelikulang 'The Hunger Games'.
"It's also rewarding to share your knowledge. At the same time, once may naturuan
kang student tapos maging team mate mo, eventually rewarding siya," aniya.

You might also like