You are on page 1of 5

n 4. Kumpletuhin Mo! Panuto: Tapusin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sa iyong kwaderno.

1. Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatutulong sa ……… 2. Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay
mahalaga dahil……….. 3. Ang ibang hilig ay maaring minamana sapaka’t ……… 4. Ang ibang hilig ay
natututuhan mula sa karanasan, halimbawa…. 5. Ang ibang hilig ay galling sa ating mga pagpapahalaga
at kakayahan kung kaya’t ……….

Gawain A
Panuto : Isulat ang titik K kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at titik O
kung opinyon. Isulat ang sagot sa kwaderno sa ESP.
1. Ang pagbabagong pisikal ay nagbubunsod ng pagbabago sa emosyon ng isang
kabataan.
2. Maraming nagaganap na pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
3. Hindi ako dapat mabahala sa mga pagbabagong nagaganap sa aking pagkatao
(pisikal, mental, sosyal) dahil natural lamang ang mga ito.
4. Kahit na sa panahon ng ating pagkabata dapat na ating paunlarin ang ating buhay
ispiritwal o moral.
5. Ang pagiging dalaga’t binata ay nagsisimula sa gulang labintatlo hanggang
labinsiyam.
6. Nais mapabilang ng isang nagdadalaga at nagbibinata sa pangkat ng mga kaedad
niya sapagkat dito uunlad ang kanyang katauhan at pagkatao.
7. Ang mga kabataan ay madaling maimpluwensiyahan ng mga taong nasa paligid
nila.
8. Ang panahon ng kabataan ay isang mahalagang yugto na nag-uugnay ng
pagkabata sa pagiging matanda.
9. Ang kabataan ay yugto ng mga pangarap.
10. Hindi magiging mabuting pinuno ang mga kabataan dahil sa kakulangan ng mga
karanasan.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno sa EsP. 1. Kapag ikaw ay mahilig sa kahit na
anong “ball games” at magaling din sumayaw, anong talino ang nangingibabaw sa iyo? a.
Bodily/Kinesthetic c. Verbal/Linguistic b. Intrapersonal d. Visual/ Spatial 2. Ang mga sumusunod ay
pagkakaiba ng talento at kakayahan MALIBAN sa: a. Ang talento ay isang pambihira at likas na
kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang
pambihirang bagay. b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang
samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip. c. Ang talento ay
mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang
dumaan sa proseso ng pagsasanay. 3. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at
kakayahan? a. Upang makapaglingkod sa pamayanan b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa
sarili at sa lipunan c. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan d. Lahat ng
nabanggit 3 4. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa late bloomer? a. mga estudyante na laging
huli sa klase b. mga tao na laging nagbibitaw ng mga pangako c. mga tao na matagal umusbong o
natuklasan ang kanilang mga talento d. lahat ng nabanggit 5. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan
ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay: a.
Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa
paligsahan at mga pagtatanghal. c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento. d.
Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa. 6. Bakit may mga taong nagsasabi na sila
ay ipinanganak na walang talento? a. dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin b. dahil
mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento c. dahil hindi pa panahon upang matuklasan
nila ang kanilang talento d. dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan at talento dahil hindi
naman ito makaagaw ng atensyon 7. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa talinong Verbal/
Linguistic? a. may mataas na tinatawag na muscle memory b. Ito ay talino tungkol sa pagbigkas o
pagsulat ng salita. c. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. d. Ito ay talino
tungkol sa mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem
solving

8. Sino sa mga sumusunod na personalidad ang maihahanay sa talinong Verbal/Linguistic? a. Angel


Locsin c. June Mar Fajardo b. Jessica Soho d. Vhong Navarro Para sa bilang 9 at 10 9. Anong talino ang
taglay ni Chris? a. Bodily/Kinesthetic c. Verbal/Linguistic b. Intrapersonal d. Visual/ Spatial 10. Anong
larangan o trabaho ang maaaring pasukan ni Chris sa hinaharap? a. accountant c. cartoonist b. call
center agent d. pulis
Si Chris ay mahilig sa pagguhit buhat ng siya’y bata pa. Sa kanyang pagpalista sa Grade 7, siya’y tumungo
sa Coordinator ng Special Program in the Arts (SPA) upang mag-audition sa kanyang talento sa pagguhit.
Gusto niya na malinang pa ang angking talento na kanyang pinili. Maliit pa lang si Joanna nang siya ay
matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa
mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa
kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang
humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi
naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si
Joanna ngunit ito ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa
edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa
kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa
mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral
ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan.
Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang
nakatatandang kapatid.
11. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna? a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang
mga magulang b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan Si Chris ay mahilig sa pagguhit buhat
ng siya’y bata pa. Sa kanyang pagpalista sa Grade 7, siya’y tumungo sa Coordinator ng Special Program
in the Arts (SPA) upang mag-audition sa kanyang talento sa pagguhit. Gusto niya na malinang pa ang
angking talento na kanyang pinili. 5 c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming
tao d. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal.
12. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna? a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing
mas magaling siya sa pag-awit sa sinuman na kanyang narinig sa paaralan. b. Kailangan niyang humingi
ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at
pagtatanghal. c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang
anumang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan. d. Kailangan niyang magsanay nang labis
upang maperpekto niya ang kanyang talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao.
13. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga
kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro, siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilang team.
Makikitang halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan
sa pag-aaral, barkada at milya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti. Ano ang maaaring maging
kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo? a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng
pagsasanay. b. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos naperpekto
na niya ang kanyang kakayahan. c. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng
katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro
kasama ang mga ito. d. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga
kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro. 6 14. Sa
pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang
araw, nilapitan siya at inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip
na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligang isports. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan
man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay
nagpasiya siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline? a. Magiging
mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa
pagsasanay. b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya makasasabay
sa kanyang mga kasama na matagal ng nagsasanay. c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil
hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng
volleyball. d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa
anumang isports sa matagal na panahon. 15. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa
asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng
lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng Ingles. Ano ang maaaring maging
solusyon sa suliranin ni Leo? a. tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin b.
tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura c. maglahad ng mga paraan kung
paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles d. lahat
ng nabanggi

You might also like