You are on page 1of 4

Kagawaran ng Batayang Edukasyon

Quezon City Campus


T.P. 2022-2023

Unang Markahang Pagsusulit


Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Pangalan:___________________________________ Iskor:__________
Baitang at Seksiyon: __________________________ Petsa:__________

I. Maramihang Pagpili

Panuto: Basahing maigi at unawain. Piliin ang pinakawastong sagot sa bawat bilang. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Ikaw ay marunong tumanggap ng pagkakamali kapag ipinapakita mo na:

a) Inaamin nang tapat ang nagawang pagkakamali at handang tanggapin ito.


b) Pilit na itinatanggi ang nagawang pagkakamali sa takot na mapagalitan.
c) Manatiling tahimik na lamang para hindi malaman ang nagawang pagkakamali.
d) Umiwas sa mga kasama ng hindi mahalata ang nagawang pagkakamali.

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga


magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa
mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa
kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si
Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang
humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang
kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga
gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit
ito ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang nakatatandang
kapatid.

2. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?

a) Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang


b) Ang kagustuhan niyang umawit sa bahay.
c) Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
d) Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at
magtanghal.

3. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?

a) Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa
sinoman na kanyang narinig sa paaralan.
b) Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa
lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.
c) Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang
anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan
d) Kailangan niyang magsanay nang labis upang mapaghusay pa niya ang kanyang talento at
hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao.
4. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?

a) Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan.


b) Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan.
c) Upang makapaglingkod sa pamayanan.
d) Upang maging sikat.

Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga


sa kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang
nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos
naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis
na kaabalahan sa pagaaral, barkada at pamilya hindi na siya
nakapagsasanay nang mabuti.

5. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?


a) Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
b) Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na
niya ang kanyang kakayahan.
c) Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang
pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
d) Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan
na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.

6. Sa anong larangan ang talento ni Cleo na mapababayaan?


a) matematika
b) visual/spatial
c) bodily kinesthetic
d) intrapersonal

Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang


kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase ay
inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang
isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligang sports hanggang sa
kasalukuyan. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa
kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga
agam-agam ay nagpasiya siyang sumali rito.

7. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?

a) Magiging mahusay siya sa paglalaro dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa


pagsasanay.
b) Hindi siya makasasabay sa mga kasama na matagal nang nagsasanay.
c) Magiging mahirap ang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyan pisikal na katangian lalo na at
wala naman siyang talento sa paglalaro volleyball.
d) Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa
anomang isports sa matagal na panahon.

8. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:

a) Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at


kakayahan ng tao.
b) Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng
pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal.
c) Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento.
d) Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa.

9. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili MALIBAN sa:


a) Ito ay hindi namamana.
b) Ito ay nababago sa paglipas ng panahon.
c) Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili.
d) Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan.

Mababa ang marka ni Prim Quin sa Filipino dahil hirap


siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka na
nakukuha sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob
na mag-recite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng Filipino.

10.Ano ang maaaring maging solusyon sa suliranin ni Prim Quin?

a) Makipagdaldalan sa mga katabi upang mahasa sa pagsasalita ng wikang Filipino.


b) Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura at maglapat ng mga paraan
kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat
sa Filipino.
c) Kainisan ang mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino.
d) Hayaan na lamang niya na may mababang marka siya.

II. Tukuyin kung ang bawat pahayag ay tama o mali. Isulat ang LABAN kung tama at
BAWI kung mali ang isinasaad ng pahayag.

__________ 11. Ayon kay Professor Erickson, napapatunayan ang kahusayan ng tao sa pamamagitan
ng tiwala sa sarili.
__________ 12. Ang pag- unlad ng tao ay nagsisimula sa kaibigan.
__________ 13. Ang paggawa ng plano sa Pagpapaunlad ng sarili o “Personal Development Plan” ay
tulad ng isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa pagpapaunlad ng sarili.
__________ 14. Kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at matagumpay sa
anumang larangan. Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at matamang
pagsasanay. Wika nga sa Ingles “Practice makes pride”.
__________ 15. Ang agila ay maaring mabuhay ng pitumpong taon. Subalit para maabot iyon ay
kailangan niya ng isang matinding pagpapasya. Mamamatay siya kung ayaw na niyang mapalitan ang
kanyang lumang balahibo, tuka at kuko. Kung nais naman niyang madagdagan pa ang buhay,
kailangan niyang lumipad sa isang mataas na bundok. Sa tuktok ng bundok siya gagawa ng kanyang
pugad at dito magsisimula ang mga pagbabago sa kanya.

III. Matching Type

Panuto: Tukuyin ang mga larangang inilalarawan sa Hanay A. Piliin ang sagot sa Hanay
B. Isulat ang titik ng sagot sa linya sa tabi ng bawat bilang sa hanay A.

HANAY A HANAY B

_____16. Pagkukumpuni ng electric fan A. PERSUASIVE

_____17. Pagtutupi-tupi ng mga papel na ipandidisenyo B. COMPUTATIONAL

_____18. Pag-aalay ng tula sa mga kinagigiliwan C. MECHANICAL

_____19. Page-encode ng mga dokumento D. OUTDOOR

_____20. Pagba-budget ng allowance E. LITERARY

F. CLERICAL

G. ARTISTIC

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni: Inaprubahan ni:

Bb.Carla B. Concha Bb. Hazel Joie A. Navarro G. Dhonny P. Bacuyag


Guro sa Asignatura Akademikong Tagapag-ugnay Punongguro

You might also like