You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
LUNA DISTRICT
STO. DOMINGO-SAN ISIDRO INTEGRATED SCHOOL
First Quarter Examination
Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat
sa answer sheet. Gumamit lamang ng MALALAKING LETRA.

Para sa bilang 1-8, Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Piliin ang sagot mula sa
kahon. Isulat lamang ang letra.

A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral

1. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.


2. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting suliranin.
3. Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong tatay.
4. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga kapatid.
5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.
6. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.
7. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna.
8. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat.

9. Si Ferdie ay malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na lahat ng laruan ay kanya. Ngayon
marunong na siyang magbahagi sa mga kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:
A. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan C. Pagtamo ng mapanagutan asal
B. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan D. Pagtanggap ng papel sa lipunan
10. Ang sumusunod ay paghahanda para sa paghahanapbuhay. Alin dito ang hindi?
A. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig at kalakasan.
B. Magkaroon ng plano sa kursong nais.
C. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay.
D. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan.
11. Para kay ate, ang pamilya ang mahalaga sa buhay ng tao. Kaya nagsisikap si ate na makatapos ng pag-aaral upang
matulungan ang aming magulang sa pagpapa-aral sa aming magkakapatid at sa iba pang gastusin sa bahay. Ano ang
katangian na ipinakita ni ate?
A. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
B. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal.
C. Paghahanda para sa pagpapamilya.
D. Pagtanggap ng papel sa lipunan bilang babae.

Para sa bilang 12 at 13, basahin ang sitwasyon sa kahon at sagutin ang sumusunod na tanong.

Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang kanyang nais. Kahit
hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Pag-aaral
nang mabuti ang kanyang ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa tulong ng gabay ng kanyang
magulang ay umaasa siya na matutupad niya ito.

12. Ano ang ipinakita ni Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin
nagbago ang nais niya?
A. Alam niya talaga kung ano ang nais niya sa buhay. C. Ipinakita ang tunay na ikaw.
B. Nanatiling bukas ang kumonikasyon. D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan.

13. Anong tulong ang ibinigay ng magulang ni Leah upang matupad ang kanyang pangarap?
A. Pagganyak sa kanyang pangarap. C. Disiplina sa araw araw.
B. Gabay sa pagtupad ng pangarap. D. Kakayahang iakma ang sarili.

Para sa bilang 14-18, isulat ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili at B
kung hindi.
14. Ang pagkakaroon ng kalakasan ay mula sa pagtanggap ng mga kahinaan at pagsisikap na mapaunlad ito.
15. Walang pinipili sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mag-aaral upang magtagumpay sa buhay.
16. Ang pag-iisip ng mga bagay na hindi maganda kahit hindi pa nangyayari ay tanda ng pagiging positibo.
17. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito kahirap.
18. Ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ay pinaniniwalaan na bahagi ng plano ng Diyos at may kalakip
na magandang kapalaran.

Para sa bilang 19-21, basahin ang sitwasyon sa kahon at sagutan ang sumusunod na tanong.

Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka na
nakukuha sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa
pagsasalita ng Ingles.

19. Ano ang maaaring maging solusyon sa suliranin ni Leo?


A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita
at
pagsusulat sa Ingles.
B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura.
C. Hayaan na lamang na maging mababa ang marka.
D. Maki-usap sa guro na ipasa siya.
20. Paano mo ipinapakita na positibo ka sa kabila ng mga hinaharap na suliranin?
A. Kapag nanatili ka lamang sa loob ng inyong tahanan upang iwasan ang suliranin.
B. Kapag umiiwas ka sa iba na makasama sila para iwasan ang sasabihin nila.
C. Kapag hinaharap ang suliranin at gumagawa ng mabuting paraan na lutasin ito.
D. Kapag nawawalan ka ng pag-asa sa buhay.
21. Ano ang gagawin mo para matuto kang makihalubilo sa kapwa?
A. Makikisangkot o makikibahagi sa mga gawain sa paaralan kasama ang mga kamag-aral.
B. Sasama sa mga paanyaya ng kaibigan kapag kasama ang kapatid.
C. Laging dadalo sa mga pagtitipon o handaan kahit saang lugar.
D. Sasama kahit kanino na lamang.

Para sa bilang 22-23, basahin ang sitwasyon sa kahon at sagutan ang sumusunod na tanong.

Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay
nilapitan siya ng isang kaklase at inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip
na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan na sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng
volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam
ay nagpasiya siyang sumali rito.

22. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?


A. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo na at
wala naman siyang talento sa paglalaro nito.
B. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anomang
isports
sa matagal na panahon.
C. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa
pagsasanay.
D. Hindi siya makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal nang nagsasanay.
23. Sa murang edad ay dapat nang matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa
paligsahan at mga pagtatanghal.
B. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
C. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa.
D. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent.

24. Alin sa sumusunod na kasabihan ang may kaugnayan sa talento at kakayahan?


A. Honesty is the best Policy C. The feeling is mutual
B. Practice makes Perfect D. Time is Gold
25. Saan nagsisimula ang pag-unlad ng tao?
A. kapwa B. paaralan C. pamilya D. sarili
26. Ayon kay Professor Erickson, napatutunayan ang kahusayan ng tao sa pamamagitan ng _____________.
A. karanasan B. masusing pagsasanay C. pinag-aralan D. tiwala sa sarili
27. Ito ay tumutukoy sa pagkagusto o pagiging masaya sa ating ginagawa.
A. hilig B. mithiin C. tiwala D. tiyaga
28. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nababago ng ________.
A. lugar B. panahon C. pera D. siyensya
Para sa bilang 29-30, tukuyin ang kung anong uri ng talino ang naaayon sa bawat larangan.
29. ARKITEKTURA
A. Visual/Spatial B. Verba/Linguistic C. Musical/Rhythmic D. Naturalist
30. GURO
A. Visual/Spatial B. Interpersonal C. Intrapersonal D. Naturalist

Para sa bilang 31-34, tukuyin ag larangan ng hilig ng sumusunod.


31. Pagbibisekleta.
A. Computational B. Mechanical C. Outdoor D. Scientific
32. Pagkukumpuni ng sirang electric fan.
A. Computational B. Mechanical C. Outdoor D. Scientific
33. Magaling lumikha ng awit.
A. Artistic B. Literary C. Musical D. Social service
34. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
A. Mechanical B. Outdoor C. Scientific D. Social service
35. Mula pa pagkabata, hilig na ni Sara Geronimo ang pag-awit kung kaya naman isa siya sa pinakasikat na babaeng
singer sa Pilipinas. Ano ang larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
A. Literary: ideya B. Mechanical: datos C. Musical: tao D. Outdoor: bagay
36. Ang sumusunod ay paraan ng pagtuklas ng hilig maliban sa:
A. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin.
B. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
C. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawain.
D. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
37. Bago naging pangulo ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, siya muna ay may matagal at malawak na
karanasan sa pagiging lingkod-bayan ng Davao. Anong mga larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
A. Clerical, social services, persuasive: tao, ideya, datos
B. Social services, literary, clerical: tao, ideya, bagay
C. Persuasive, clerical, mechanical: bagay, tao, datos
D. Outdoor, persuasive, artistic: tao, ideya, datos

Para sa bilang 38-47, basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon, pagkatapos piliin sa loob ng kahon ang
letra ng pinaka-angkop na sagot.

A. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan C. Napakikinggan


B. Natutuhan mula sa mga karanasan D. Namamana

38. Hindi nakakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit na ano man ang nararanasan niya sa buhay.
39. Mula pagkabata, nakita mo ang pagkahilig ng iyong mga magulang sa paghahayupan. Sa iyong paglaki naging hilig
mo na rin ito.
40. Sa tuwing may nakikita ka na mga pulubi at iba pang nangangailangan ng iyong tulong ay laging laan ka na
tumulong sa abot ng iyong makakaya kagaya ng pagbibigay ng pagkain, limos, at iba pa.
41. Kapag nakakakita si Isko ng street children, lagi niya silang pinaaalahanan kung gaano kahalaga ang edukasyon
dahil dati rin siyang palaboy sa lansangan.
42. Tuwing magdiriwang ng kaarawan sina Mang Oni at Aling Viellle, pangunahing bisita nila ang mga balo at
naghahanda sila ng espesyal na pagkain at mga regalo para sa mga ito.
43. Noong nabubuhay pa ang ama ni Yjo, lagi nitong napapansin ang pagiging mahinahon nito sa pakikipag-usap sa
kaninoman kaya ngayon iyon din ang napapansin sa kanya ng kanyang mga katrabaho.
44. Sinundan na rin ng mga anak ang yapak ng kanilang ama kaya ngayo’y sila ang nasa pulitika sa kanilang lugar.
45. Tuwing may kalamidad, nagbibigay ng donasyon si Aling May sa abot ng kanyang makakaya.
46. Si Efren “Bata” Reyes Jr. ay kilala sa buong mundo sa larangan ng billiard. Naging dalubhasa siya rito sapagka’t
lagi siyang nakakapanood at nakakapaglaro ng bilyar.
47. Mula nang magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang hilig ng kanyang ama sa larangan ng
boksing kaya naging hilig na rin niya ito.

48. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa
mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng
inlges. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?
A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita
at
pagsusulat sa Ingles
B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
C. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin
D. Lahat ng nabanggit
49. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
A. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
B. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
C. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
D. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw
atensyon.
50. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad
nito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa
paligsahan at mga pagtatanghal
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa

Prepared: Checked:

SHEILA MAE J. FABAVIER-MAILEM RUDY R. MARIANO, JR, PhD


Mathematics 9 Teacher School Head

You might also like