You are on page 1of 11

Republic of the Philippines,

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

Panrehiyong Pagtatasa para sa Kalagitnaang Taon


sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 7

Pangalan: _____ _ _ _ _ _ _ _ _ Iskor: ______ _____________


Baitang at pangkat:______ _ _ _ _ __ Petsa: ______ _ _ _ _

Panuto: Basahin ang mga aytem. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ang kritikal na panahon na maaaring bumuo o sumira ng iyong


kinabukasan.
A. pagiging paslit
B. kapanganakan
C. yugto ng pagtanda
D. yugto ng pagbibinata o pagdadalaga

2. Para sa isang nagdadalaga o nagbibinata, mahalaga na makilala ang


kaniyang pagkatao kung saan siya nababagay sa lipunan at mabuo
ang kaniyang tiwala na makibahagi sa anumang gawain o trabaho.
Ano ang isang mahalagang kaisipan na tumutukoy sa pagkilala ng
kanyang pagkatao?
A. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa kanyang
pakikipagkapwa.
B. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya.
C. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya.
D. Pagtanggap ng papel na angkop sa babae o lalaki.

3. Sila ay isang pangkat na labas sa iyong pamilya na masasandalan at


tutulong sa iyo upang mapabilang sa pamayanang ginagalawan.
A. kaibigan C. kapuwa
B. kamag-aral D. katrabaho

4. Paano makakaramdam ng seguridad sa pagpapasiya ang isang taong


nasa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata?
A. pagtuturo sa paaralan
B. sa tulong ng mga kaibigan
C. suporta ng mga kabataan sa barangay
D. sa pamamagitan ng suporta ng pamilya

5. Bakit kailangang matamo ang mga kakayahan at kilos (developmental


task) ng mga nagbibinata at nagdadalaga?
A. upang maging handa sa kinabukasan
B. upang makagawa ng mga makabuluhang gawain sa buhay
C. upang malinang ang mga kakayahan para sa maayos na
pamayanan
D. upang pagkakaroon ng isang buhay na makakabuti para sa sarili
at sa pamilya

6. Ang iyong kaibigan ay nagsinungaling sa inyong guro upang hindi


siya mapagalitan. Sa paanong paraan mo maaayos ang ganitong pag-
uugali ng iyong kaibigan?
A. Isumbong sa guro upang siya ay mapagalitan.
B. Kausapin siya at ipaliwanag na mali ang kanyang nagawa.
C. Turuan ang kaibigan upang hindi na magkamali sa susunod.
D. Sabihin ito sa mga kaklase upang malaman nila ang pangyayari.

7. Sa ating lipunan, iminumulat ang kaisipan ng mga nagdadalaga o


nagbibinata na matutuhan ang mga kakayahan na kailangan upang
makakuha ng magandang hanapbuhay sa hinaharap. Paano mo ito
mapaghahandaan?
A. maging masipag at produktibo sa pamumuhay
B. gumawa ng mga bagay na makatutulong sa iyo
C. maging mapagmasid sa iyong kapaligirang ginagalawan
D. kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan

8. Upang magkaroon ng mga tunay na kaibigan na iyong masasandalan


sa oras ng kagipitan. Ano ang gagawin mong pinakamahalagang
hakbang upang makamtan ito?
A. ipakita ang tunay na ikaw
B. alamin ang kanilang mga pangalan o edad
C. tingnan kung ano ang kanilang mga interes
D. palaging makipagkwentuhan sa kanila upang maging malapit

9. Si Francis ay isang atleta na naniniwala sa teorya ng talento at


kakayahan. Ano ang nararapat niyang gawin upang maging
matagumpay sa pagpapaunlad ng taglay na talento at kakayahan?
A. Magkaroon ng komitment sa pagsasanay ng kanyang talento at
kakayahan.
B. Sumangguni sa mga nakatatanda sa mga hakbang na gagawin.
C. Gumawa ng isang plano kung paano mas mapapaunlad ang
kanyang talento at kakayahan.
D. Alamin ang tunay na kakayahan at maghanap ng mga kaibigang
tutulong.

10. Walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento. Ang bawat tao
ay may kani-kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang mga tinedyer.
Ang iba ay ang tinatawag na late bloomer. Kung ikaw ay nasa ganitong
sitwasyon ano ang maaari mong gawin?
A. Huwag panghinaan ng loob sa mga gustong gawin.
B. Gumawa ng mga bagay na makapagpapasaya sa iyo.
C. Magkaroon ng pagninilay upang malaman ang ninanais gawin.
D. Mag-aral na mabuti at palawakin ang kakayahan upang
magtagumpay.

11. Si Fuji ay magaling sa larangan ng sining at isport. Sa iyong palagay,


kaya bang pagsabayin ni Fuji na paglaguin ang kanyang mga talento?
A. Oo, dahil nagbibigay ng tuon at oras dito.
B. Oo, dahil ito ang kanyang ninanais at dito siya nasisiyahan.
C. Oo, dahil katulad niya maraming tao ang may taglay na talento.
D. Oo, dahil kusang uusbong ang talento kung may pagpaplano at
pagsasanay upang makamit ang pangarap.

12. Ikaw ay nalilito pa kung ano ba talaga ang natatangi mong talento.
Anong paraan ang dapat mong gawin upang matuklasan mo ang
iyong natatagong kagalingan?
A. Gumaya sa mga talento ng kaibigan at kamag-aral.
B. Sundin ang sinasabi ng magulang kung saan ka magaling.
C. Sumubok sa mga paligsahan ng paaralan sa iba’t ibang larangan.
D. Magnilay-nilay upang matuklasan ang iyong natatagong
kagalingan.

13. Isa sa mga iyong kamag-anak ang naging matagumpay sa larangan ng


pagnenegosyo at naging maunlad sa kanilang pamumuhay. Kaya
naman ninanais mo ding maging isang tulad nila sa hinaharap. Ano
ang pinakakailangan mong talino at talento upang makamit ang
tagumpay na ito?
A. Intrapersonal C. Bodily/Kinesthetic
B. Interpersonal D. Mathematical/Logical

14. Suriin ang mga sumusunod na kagalingan at talento kung saan


nakaayon ang kagalingan ng isang reporter o anchor.
A. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin
ang kalooban.
B. Mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya
ng mga salita at mahahalagang petsa.
C. Interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan
na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat.
D. Ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika,
chess, computer programming, at iba pang kaugnay na gawain.

15. Sa paanong paraan mo mapapaunlad ang iyong sariling kakayahan?


A. Makinig sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa iyo.
B. Magmasid sa paligid upang malaman ang dapat na gawin.
C. Makipagtalastasan sa kapwa upang makita ang kagalingan.
D. Tukuyin kung nasaan na tayo ngayon at saan kailangang
tumungo.

16. Ang mga taong may talinong “Mathematical/Logical” ay may taglay na


talino sa mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran
at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng
lohika, paghahalaw at numero. Anong mas malapit na larangan sila
maaaring luminya?
A. artista C. doktor
B. bumbero D. pilosopo

17. Kung gusto mong makuntento sa iyong ginagawa at magiging trabaho,


ito ang nagsisilbing gabay sa iyo.
A. hilig C. oportunidad
B. kakayahan D. talento

18. Anong mga hakbang ang nararapat mong gawin upang matuklasan
ang iyong tunay na hilig?
I. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong
gawain.
II. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
III. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.
IV. Magtanong sa mga nakatatanda.

A. II at III C. I at IV
B. I, II at III D. II, III at IV

19. Anong hilig ang iyong taglay kung ikaw ay nasisiyahan sa pagpunta at
pagtuklas sa iba’t ibang lugar?
A. Artistic C. Computational
B. Clerical D. Outdoor

20. Paano makakatulong ang pagtuklas ng iyong hilig at tuon sa iyong


mapipiling larangan sa hinaharap?
A. Mapapaunlad ko ang mga ito.
B. Maisasabuhay ang mga ninanais na gawin sa buhay.
C. Makatutulong sa pagtuklas ng iyong sariling kagalingan.
D. Maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa napiling karera o
propesyon.

21. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang dahilan ng iyong
ganap na pagtuklas ng iyong mga hilig?
A. likha ng iyong mga opinyon
B. natututuhan sa karanasan
C. sa tulong ng social media
D. gawa ng iyong ambisyon

22. Anong larangan ka napapabilang kung ikaw ay nasisiyahan sa


pagbabasa at pagsusulat?
A. Clerical C. Musical
B. Literacy D. Persuasive

23. Bilang isang mag-aaral, ikaw ay nasisiyahang tumutulong sa iyong


kapuwa lalo na sa loob ng paaralan kaya naman ikaw ay naging isang
student leader. Napagtanto mo na ang pagtulong sa kapuwa ang iyong
hilig. Anong track at strand ang iyong pipiliin sa pagtuntong ng Senior
High School?
A. Academic – GAS C. TVL – Housekeeping
B. Academic – HUMSS D. TVL – Agri-Fishery

24. Sa larangan ng hilig, saan napapabilang ang mga taong nasisiyahan


sa mabilis na pag-unawa sa bilang o numero?
A. Artistic C. Outdoor
B. Computational D. Social Service

25. Sa paanong paraan mo mararamdaman ang kasiyahan sa iyong


tatahaking larangan?
A. alamin ang hilig at tuon
B. tuklasin ang mga talento
C. sundin ang kagustuhan ng iba
D. isipin ang sasabihin ng pamayanan

26. Ano ang taglay na katangian ng kilos-loob?


A. maghusga C. magsuri
B. magpasya D. mangatwiran
27. Alin sa mga sumusunod na paraan ang makatutulong upang mas
maunawaan at matuklasan ang katotohanan?
A. pag-iisip C. paggawa ng pasya
B. pananaliksik D. pagninilay at pagdarasal

28. Habang nadaragdagan ang mga natutuklasan na mga kaalaman at


karunungan, anong kilos ang dapat maipapamalas mo bilang isang
tao?
A. i-share ito sa social media
B. ituro ang kaalaman sa iba’t ibang tao
C. maging mapanagutan sa paggamit nito
D. humingi ng tulong sa mas nakatatanda

29. Paano inilarawan ni Sto.Tomas de Aquino ang kilos-loob?


A. kumilos na naaayon sa kagustuhan
B. naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama
C. panghuhusga sa opinyon ng iba sa lahat ng pagkakataon
D. pag-unawa sa mga kahulugan ng mga bagay na gustong gawin

30. Isinumbong ka ng iyong kaklase sa inyong guro dahil pinakopya mo


ng tamang sagot ang iyong mga kaibigan. Dahil dito, pinaringgan mo
siya sa social media at pinagsalitaan ng masama. Marami ang nagalit
at huli na nang maisip mo na hindi tama ang iyong ginawang
pagpopost. Anong kilos ang dapat mong ginawa sa sitwasyong ito?
A. Hindi ako dapat nagpost ng makakasakit ng kalooban dahil may
pagkakamali rin ako.
B. Hahayaan ko na lang na magalit sa akin ang mga nakakabasa.
C. Nararapat na mangyari sa kaniya dahil ipinahamak niya ako.
D. Personal ko siyang pagsasabihan sa kaniyang ginawa.

31. Bilang pangulo ng inyong silid-aralan, ano ang dapat mong gawin
kung ang iyong mga kaklase ay nagdudulot ng kaguluhan at
nagkakaroon ng hindi pagsunod sa alituntunin ng paaralan?
A. Tatahimik na lamang at hahayaan sa kanilang ginagawa.
B. Magagalit at lalapitan sila upang tumigil sa kanilang ginagawa.
C. Irereport agad sa guro upang mabigyan sila ng kaukulang parusa.
D. Kakausapin at ipapaliwanag ang maaaring idudulot ng hindi
pagsunod sa mga alituntunin.

32. Ano ang inaasahang magagawa mo bilang isang nilalang na may isip
at kilos-loob?
A. Gagawin ang mga bagay na gusto kong gawin.
B. Magiging mapanuri ako sa aking kapwa at paligid.
C. Ako ay magiging mapanagutan sa aking gawi at kilos.
D. Ako ay magpapatuloy sa pagsasaliksik upang mapaunlad ang
aking sarili.

33. Ito ay may mas mataas na pamantayan sa paghuhusga ng kilos o


pasya kung ito ay mabuti o masama.
A. alituntunin sa simbahan C. likas na batas moral
B. batas ng tao D. utos ng mga magulang

34. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagpapasya kung ano ang
tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon?
A. kakayahan C. konsensiya
B. kilos-loob D. talino

35. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas-Moral?


A. Taglay natin ang kabutihan at karunungan na nagmumula sa
Maylikha.
B. Malaya tayong gawin ang nais at gustong gawin.
C. Ginagawa ng tao ang nakabubuti sa kapuwa.
D. Marunong tayong sumunod sa batas ng tao.

36. Ano ang mabuting naidudulot ng konsensiya sa wastong paglalapat


ng kaalaman sa pagpapasya?
A. Nakikilala ang mga taong nakapaligid sa kaniya.
B. Nahuhusgahan kung ang ginawa ay tama o mali.
C. Natutukoy ng tao ang kanyang mabuting pagpapasya lamang.
D. Napupuna lamang niya ang mga pagkakamali na nakikita nya sa
kaniyang kapwa.

37. Nakapulot ka ng pitaka at ng iyong binuksan ay naglalaman ito ng


malaking halaga kasama ang mga I.D. ng may-ari. Nagkataon na may
sakit ang iyong nanay at kailangan mo ng pambili ng gamot. Ano ang
iyong nararapat gawin sa sitwasyong kinakaharap?
A. Itatago at ipambibili ko ng gamot ng aking nanay.
B. Hahayaan ko na lamang ito sapagkat hindi ito sa akin.
C. Ituturo ko ang ibang tao kapag may nagtanong sa akin.
D. Isosoli ko ito sa may-ari dahil hindi natin dapat angkinin ang mga
bagay na hindi sa atin.

38. Paano nauugnay ang Likas na Batas Moral sa konsensiya ng tao?


A. Kinikilala ang kakayahan ng tao na magpasya na naaayon sa
kanyang kagustuhan.
B. Binibigyang direksyon ang pagpapasya at pagkilos ng tao sa
mabuti.
C. Magdidikta sa gagawin ng isip at kilos.
D. Maghuhusga sa bawat pasya o kilos.

39. Paano maiaangkop sa kasalukuyang sitwasyon ang kasabihang “Ang


kalayaan ay hindi lubos, ito ay may limitasyon?”
A. Maging mapanagutan sa anumang kilos na gagawin, mabuti man
ito o masama.
B. Malaya siyang gamitin ang kaniyang kilos-loob sa mga bagay na
gustong gawin.
C. Kailangang sundin ang dikta ng isip at puso upang maging
malaya.
D. Walang sinuman ang pwedeng magtakda ng kilos para sa kaniya.

40. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang indikasyon ng pagkakaroon


ng kalayaan?
A. sabihin ang nais sabihin kahit makasasakit sa damdamin ng
kapuwa
B. kunin ang lahat ng bagay na gustong kunin
C. pagsali sa mga away at kaguluhan
D. pumili ng namumuno

41. Paano makakamtan ng mga kabataan ang tunay na kalayaan?


A. pagsali sa mga pangkat na ninais na makasama
B. paggawa ng mga bagay na gustong gawin
C. pagsunod sa likas na batas moral
D. malayang mamuhay mag-isa

42. Maraming mga kabataan ngayon ang namumulat sa maagang


pakikipagrelasyon sa murang edad na nagiging dahilan ng maagang pag-
aasawa at pagbubuntis. Sa iyong palagay, wasto ba ang paggamit nila
ng kalayaan?
A. Oo, dahil lahat ay may karapatang magmahal at mahalin.
B. Hindi, dahil mapapagalitan sila sa kanilang mga magulang.
C. Oo, dahil hindi niya dapat pigilan ang kanyang nararamdaman.
D. Hindi, dahil magiging malaya sila sa kanyang pasya pero hindi ang
maaaring magiging bunga nito.

43. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng


kalayaan?
A. Sumusunod ako sa batas ng tao.
B. Isasaalang-alang ko ang kabutihang pansarili lamang.
C. Ang aking pagkilos ay sumasalungat sa Likas na Batas Moral.
D. Handa akong harapin ang anumang kahihinatnan ng aking
pagpapasya.

44. Nagandahan ako sa nadaanan kong mga bulaklak sa parke at ninais


kong silang pitasin. Napigilan ako dahil may karatulang nakasulat na
bawal silang pitasin. Paano ako magiging responsible sa aking kilos sa
sitwasyong ito?
A. Pipitasin ko at magkukunwari na hindi ko napansin ang karatula.
B. Kukuha lang ako ng isa para hindi halata na pumitas ako.
C. Hindi ko sila pipitasin dahil ito ay pagsuway sa batas.
D. Mag-uutos ako sa iba para pitasin ang mga ito.

45. Hinikayat si Carlo ng kaniyang mga kaklase na maglaro ng basketbol


at huwag na munang gawin ang mga takdang-aralin. Tinanggihan
niya ang anyaya ng kaniyang mga kaklase dahil mas gugustuhin pa
niya na bigyan ng oras ang kaniyang pag-aaral kaysa sa maglaro.
Anong pamamaraan sa pagpapaunlad ng paggamit ng kalayaan ang
ipinakita ni Carlo?
A. Piliin lagi ang tama at maging responsable sa bawat pagpapasyang
gagawin.
B. Sumunod sa alituntunin ng Likas na Batas Moral kung nanaisin.
C. Maging matalino sa pagpapasya para sa ikabubuti ng sarili.
D. Maging mapanuri sa mga gawi at kinikilos ng mga kaibigan.

46. Ito ay ang karapatan o pagiging karapat-dapat ng isang tao na


respetuhin at pahalagahan ng kanyang mga kapuwa tao.
A. dignidad C. katarungan
B. kalayaan D. pagmamahal

47. Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng


isang tao?
A. `Iangkop ang sarili sa komunidad na kanilang kinabibilangan.
B. Paggalang at pagrespeto sa kanila sa lahat ng pagkakataon.
C. Tulungan sila sa kanilang pangangailangan.
D. Kumilos ka na naaayon sa batas.

48. Paano ko maipapakita ang paggalang sa dignidad ng aking kapuwa?


A. Sasawayin ko ang kanilang desisyon kapag ito ay mali.
B. Tutulong ako sa aking kapuwa sa abot ng aking makakaya.
C. Ibibigay ko ang aking paggalang kapag nakakasama ko lang sila.
D. Hindi ako titingin sa antas ng kanilang buhay; mayaman man o
mahirap.
49. Isang pamilya ang nakatira sa gilid ng kalsada ang nais tulungan ng
isang pangkat ng mga mag-aaral. Dumulog sila sa tanggapan ng
DSWD upang pansamantalang mahanapan sila ng matitirhan. Paano
nila pinahalagahan ang dignidad ng pamilya?
A. pagtanggap at pagrespeto sa kanila bilang tao
B. pagsama sa kanila sa paghahanap ng tirahan
C. pagbigay sa kanilang pangangailangan
D. pagtrato sa kanila na naaayon sa batas

50. Hindi iba ang turing ng pamilyang Dela Cruz sa kanilang mga
kasambahay. Kasabay silang kumakain at ibinibigay ang kanilang
mga kailangang benepisyo. Anong pamamaraan ng paggalang at
pagmamalasakit ang kanilang ipinamalas sa kanilang mga
kasambahay?
A. Pagkilala sa kanilang dignidad at pagkapantay-sa karapatan bilang
tao.
B. Pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan ayon sa kanilang
kasunduan.
C. Pakikitungo ayon sa kanilang karapatan bilang kasambahay.
D. Pag-unawa sa kanilang kalagayan bilang mga kasambahay.

You might also like