You are on page 1of 2

ESP 9 QUARTER 4 REVIEWER 2

Piliin ang letra ng tamang sagot

1. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang isang
tao bilang kabahagi sa mundo ng paggawa maliban sa:
a. Ang kanyang sariling gusto,kakayahan at pagnanasa
b. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya at lipunan
c. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya
d. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa
2. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan na maaring
maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya?
a. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong mapapasukan
b. Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipinong inaabuso sa ibang bansa
c. Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabaho, maging sa ibang bansa, na
angkop sa hilig, talento,at kakayahan na ayon sa kursong natapos.
d. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis sa kita ng mga
manggagawa
3. Ayon kay Rev.Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa.
Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
a. Kapayapaan b. Kaligayahan c. Kaligtasan d. Kabutihan
4. Bakit mahalaga na ang isang tao ay magkaroon ng tamang direksyon?
a. Upang siya ay hindi maligaw c. Upang mayroon siyang gabay sa pagpapasiya
b. Upang matanaw niya ang hinaharap d. Upang magkaroon siya ng kasiyahan
5. Ano ang ibig sabihin ng SMART?
a.Specific,Measurable,Artistic, Relevant,Time Bound
b.Specific,Measurable,Attainable, Relevant,Time Bound
c. Specific,Manageable, Artistic, Relevant,Time Bound
d. Specific, Manageable,Artistic, Relevant,Time Bound
6. Alin sa mga sumusunod ng pansariling pagtataya ang hindi angkop sa paglikha ng Personal na
Misyon sa Buhay?
a. Suriin ang iyong ugali at katangian c. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
b. Sukatin ang mga kakayahan d. Tipunin ang mga impormasyon
7. Alin ang makabubuti sa pagsasagawa ng pagpapasya?
a. Sarili, simbahan at lipunan c.Paaralan,kapuwa at lipunan
b. Kapuwa, lipunan at paaralan d.Sarili,kapuwa at lipunan
8. Ito ay hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. Misyon b. Bokasyon c. Propesyon d.Tamang direksyon
9. Ayon kay Stephen Covey, maging makapangyarihan ang Misyon natin sa buhay kung __.
a. Nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga.
b. Nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
c. Nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
d. Kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa
10. Maaring magbago ang Personal na Misyon sa buhay ng isang tao, dahil ______________
a. araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
b. mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto sa mga sitwasyon sa buhay.
d. maaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
a. Ito ay batayan ng tao sa kanyang pagpapasiya.
b. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyari sa iyong buhay.
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
d. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.
12. Ano ang tamang gawin sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa
nalalapit na Senior High School?
a. Makinig sa gusto ng kaibigan
b.Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag aral
c.Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
13. Sa Teoryang Multiple Intillegences ni Dr. Howard Gardner, ano ang dapat mong gawin sa mga
talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa
pagtuntong mo ng Senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtutuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
14. Ito ay hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. misyon b. bokasyon c. Propesyon d. Tamang Direksiyon
15. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi
sa buhay-sa-mundo na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isat' isa at makipagtulungan?
a. Makiangkopb. Makialam c. Makipagsundo d. Makisimpatiya
16. Ano ang tumutukoy sa isang pambihirang biyaya at likas na kakayahan?
a. Kasanayan b. Hilig c. Talento d. Katayuang pinansyal
17. Anong pansariling salik ang dapat isaalang-alang ng isang mag-aaral sa kanyang pagdedesisyon
sa pagpili ng kurso na binibigyang konsiderasyon ang kahirapan?
a. Kasanayan b.Katayuang-pinansyal c. Mithiin d.Pagpapahalaga
18. Anong kasanayan (skills) na lumulutas tungkol sa teknikal na bagay at nagpapahayag ng
damdamin sa malikhaing paraan?
a. Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao (People Skills)
b. Kasanayan sa mga bagay-bagay (Things Skills)
c. Kasanayan sa mga datos (Data Skills)
d. Kasanayan sa mga ideya at solusyon (Idea Skills)
19. Alin sa mga pansariling salik na pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kahusayan sa isang
bagay o tiyak na abilidad sa pakikiharap sa mga tao at paglutas ng mga mahihirap na bagay at pagkuha ng
mga datos at iba pa?
a. Talento b. Pagpapahalaga c.Kasanayan d.Hilig
20. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng tao sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos nang may
pananagutan?
a.Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
b.Kalinawan ng isip at masayang kalooban
c.Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
d.Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan

You might also like