Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara I District
Poblacion Sur, Sta. Barbara, Pangasinan
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na bilang. Isulat ang titik ng pinakaangkop
na sagot sa patlang.
____1. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
____2. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan ng taong sumalipunan maliban sa:
A. Hinahanap ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o
kakulangang materyal.
B. Dahil sa lipunan, nagagawa ng tao maipagyabang ang kanyang yaman.
C. Sa lipunan maibabahagi ang kaalaman at pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa kapwa.
D. Sa tulong ng lipunan nahuhubog ang tao upang makamit ang kanyang kaganapan.
____3. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?
A. Ang lipunan ay nakatutulong sa paghubog ng pagkatao.
B. Ang tao ay hinuhubog sa lipunan upang maging perpekto.
C. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
D. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.
____4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
A. Pagsasapribado ng mga gasolinahan.
B. Pagsingil ng buwis.
C. Pagbibigay daan sa Public Bidding.
D. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay.
____5. Paano masasabi na mayroong pagkakaisa ang isang pamilya?
A. Ginagampanan ng bawat kasapi ang kanya-kanyang tungkulin.
B. Ang mga anak ay kani-kaniyang handa ng pagkaing kanilang nais.
C. Ang mga magulang ay nagsisikap bigyan ng magandang buhay ang pamilya.
D. Ang mga anak ay nagsisikap na makapagsarili.
____6. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?
A. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan.
B. Pagkakaroon ng kaalitan.
C. Bayanihan at kapit-bahayan.
D. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong.
____7. Sa kabila ng krisis pangkalusugan dulot ng virus na COVID19, marami ang sumusunod
sa panawagan na “stay home”, nagpapaabot ng tulong at nag-aalay ng panalangin para sa
kagalingan at kaligtasan ng lahat. Ito ay pagsasabuhay ng prinsipyo ng:
A. Subsidiarity. B. Pamumuno. C. Pagkakaisa. D. Pakikisama.
____8. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?
A. Pamamahala sa budget ng tahanan.
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan.
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng yaman ng bayan.
____9. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
A. Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.
B. Pinangungunahan ng estado, napangangasiwaan at maibabahagi ng patas ang yaman
ng bayan.
C. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop
sa kakayahan.
D. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang
bansa.
____10. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?
A. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.
B. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.
C. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad
ng bansa.
D. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin
ang sariling kakayahan.
____11. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng halimbawa ng isang organisasyon ng lipunang
sibil?
A. Pagnanais ng mga mamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na
bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan.
B. Nailalagay natin sa mas mababang antas ang kabuluhan ng mga materyal na bagay na
ating tinatamasa.
C. Ang pagtugon ng mga simbahan sa iba’t ibang kalagayan ng piling mamamayan.
D. Pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa pagkawatak-watak ng bawat isa.
____12. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohan dahil:
A. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
B. nagpapasiya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
C. maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
D. pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon.
____13. Paano nakatutulong ang lipunang sibil sa mga mamamayan?
A. Naibibigay ng mga pulitiko ang pera sa mga tao sa panahon sa eleksiyon.
B. Naibibigay ng mga nanunungkulan sa gobyerno ang mga yaman ng bansa sa mga tao.
C. Naibibigay ng mga pulitiko at mga nanunungkulan sa gobyerno ang mga
pangangailangan ng mga tao.
D. Naibibigay ng lipunang sibil ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na hindi
kayang tugunan ng pamahalaan.
____14. May limitasyon ang yaman ng isang tao. Darating ang punto sa ating buhay na
nangangailangan tayo ng tulong o serbisyo ng ating kapwa-tao. Paano matutugunan ang
pangangailangan ng isang tao kung sakaling nagawa na ng gobyerno ang lahat na dapat
gawin ngunit kulang pa rin ito?
A. Maghintay kung kailan darating ang tulong.
B. Magnanakaw upang may pambili ng makakain.
C. Mangibang bayan o bansa upang maghanap ng trabaho.
D. Pag-oorganisa ng grupo na may tunguhing mag-aabot ng tulong o magtuturo sa
komunidad ng mga programa ng alternatibong pangkabuhayan.
____15. Hindi ikabubuti ninuman ang kasinungalingang bunga ng pagdadagdag-bawas sa
katotohanan. Ang pahayag na ito ay_______.
A. Tama, dahil ang pagsisinungaling ay nakadepende sa sitwasyon.
B. Tama, dahil ang pagbaluktot sa katotohanan ay isang panlilinlang.
C. Mali, sapagkat ang lahat ay nagkakasala at hindi karapat-dapat sa katotohanan.
D. Mali, kung ang katotohanan ay makakasama sa kalusugan ng isang tao ay panatilihin
na lamang ito na lingid sa kanyang kaalaman.
II. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng mga pangungusap ay
katotohanan at MALI kung hindi.
_______ 16. Sa tahanan natin unang natutunan ang tamang asal at pag-uugali.
_______ 17. Ang paaralan ay ang sektor na nakaaapekto sa paghubog ng kaalaman ng tao.
_______ 18. Ang pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan ay halimbawa ng
kabutihang panlahat.
_______ 19. Ang kabutihang panlahat ay nakabatay sa puso at pagmamalasakit.
_______ 20. Ang indibidwalismo ay nakatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
_______ 21. Ang pamahalaan ang nangunguna sa pampolitikang gawain ng bansa.
_______ 22. Mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
_______ 23. Ang bawat mahusay na paghahanap-buhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa
kolektibong pagbagsak ng bansa.
_______ 24. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na siyang
lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao.
_______ 25. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang
paggawa.
III. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang tinutukoy ng
bawat bilang.
IV. Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang batay sa pagkakaugnay ng mga
konsepto. Isulat ang sagot sa patlang.
46. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagiging mabuting kasapi ng
lipunan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
47. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, paano mo sinosolusyonan ang kakulangang
ito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Pinagtibay:
ROMELITA B. PERALTA
Dalubguro I
OLIVIA P. TERRADO, DA
Punungguro IV