You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST IN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – GRADE 9


FIRST QUARTER
2020-2021

I. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang
papel.

1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


a. Kapayapaan b. Katiwasayan c. Kasaganaan d.Kabutihang Panlahat
2. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa pamayanan?
a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa pamayanan ang
mahalaga ay ang pagkakabukod-tanging mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ang may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga
samantalang sa pamayanan ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mga mithiin ng mga kasapi
nito samantalang sa pamayanan ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga
mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasaskop samantalang sa pamayanan ay mas maliit na
pamahalaan.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
a. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad.
b. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
c. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
d. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa
pagkamit nito
4. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mabuting ekonomiya?
a. Patas ang pamamahala
b. Napapaunlad ang lahat
c. Pantay ang pamamahala
d. Pantay at ligtas ang pamamahala
5. Ano ang nais ipahiwatig ng pangungusap na “ Ang buhay ng tao ay lipunan”?
a. Sa lipunan lang siya nakapamumuhay.
b. Lahat ng ating ginagawa at kinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. May mga pagkakataong ang tao ay nagnanais na makapag-isa
d. May iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng Kabutihang Panlahat?
a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalangg sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat.
7. Kung ikaw ang presidente ng inyong klase, paano mo maisasakatuparan sa iyong pamumuno ang kabutihang
panlahat?
8. Ano ang kahulugan ng kabutihang panlahat?
a. Ang kabutihan ng lahat ng tao.
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.
d. Kabutihan ng lipunang nararapat sa lahat ng mga kasapi nito.

9. Sumasang-ayon ka ba na ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal?


a. Oo, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
b. Oo, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga sa lipunan.
c. Hindi, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
d. Hindi, dahil sa bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
10. Nakita mong nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng iyong dalawang kamag-aral. Bilang isang
lider ng iyong klase, ano ang dapat mong gawin upang makamit ang kapayapaan na isa sa mga moral na
pagpapahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat?
a. Huwag pansinin ang mga kamag-aral.
b. Mamagitan sa mga kamag-aaral at kung hindi kayang lutasin ang di pagkakaunawaan ay humingi ng tulong
sa gurong tagapayo.
c. Ipagsabi sa iba ang nangyari.
d. Sabihin sa mga kasamang opisyal ng klase at hayaang sila ang mag-ayos ng sitwasyon.
11. Ano ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal?
a. Pagkapanalo sa halalan c. kakayahang gumawa ng batas.
b. Angking talino at kakayahan d. personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan.
12. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pag-iral ng Prinsipyo ng Sunsidiarity?
a. Pagsasapribado ng mga gasolinahan
b. Pagsisingil sa buwis
c. Pagbibigay daan sa Public Bidding
d. PAgkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay.
13. Isa sa inyong lugar ang nasalanta ng bagyo. Inatasan ka ng iyong kapitan na magbahagi ng mga relief goods sa
mga kapit bahay nyo. Paano mo ipakikita ang pantay at patas na pamamahagi ng mga relief goods?
14. Saan nakaugat ang paniniwala na ang lahat ng tao ay pantay pantay.
a. Lahat ay iisa ng mithiin c. Lahat ay dapat mayroong pag-aari.
b. Likha ang lahat ng Diyos d. lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman
15. Ano ang kahulugan ng Prinsipyo ng Proporsyo ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao..
16. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa isang bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya naman
niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dapat karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad
ng buwis.
b. Hindi mabitiwan ni Shiela ang kaniyang mga lumang damit upang ibigay sa mga kamag anak dahil mayroon
itong sentimental value sa kaniya.
c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap.
Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya makukuha ang labis na kasiyahan.
d. Isinasama ni Venus sa kaniyang pagtulog ang kaniyang aso.

17. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan ng lipunang pang-ekonomiya?


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng badyet sa isang bahay.
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito Sa mga pangangailangan ng tao.
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan.
18. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay ang pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan samantalang ang patas
ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan.
b. Ang pantay ay ang pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan samantalang ang patas
ay ang pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang kakayahan.
c. Ang pantay ay ang pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan samantalang ang patas
ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan.
d. Ang pantay ay ang pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan samantalang ang patas
ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng tao.
19. Ano ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
b. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
c. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
d. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.
20. Bakit gumagawa at nagpapatupad ng batas ang pamahalaan?
a. Upang ang lahat ay maging masunurin
b. Upang walang magmalabis sa lipunan
c. Upang bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.
d. Upang maatiyak na matutugunan ang pangangailangan ng lahat.
21. Sa iyong palagay bakit nagkukusa tayong nmag-organisa at tugunan ang pangagailangan ng nakararami?
22. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?
a. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
b. Pagbibigay lunas sa suliranin ng karamihan.
c. Pagpaparating ng mga kailangan sa pamahalaan.
d. Pagbibigay pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
23. Ano ang kahulugan ng “mass media”?
a. Impormasyong hawak ng marami.
b. Paghahatid ng maraming impormasyon.
c. Impormasyong nagpasalin salin sa marami.
d. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.
24. Sa iyong palagay bakit kailangang gampanan ng mass media ang tungkulin nilang maghatid ng katotohanan?
Ipaliwanag
a. Dahil wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
b. Dahil nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
c. Dahil maari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
d. Dahil ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon.
25. Paano masasabing walang kasinungalingan sa media?
a. Kung mayroong pagbabangit ng maliit na detalye.
b. Kung mayroong pagpapahayag ng sariling kuro-kuro
c. Kung mayroong paglalahad ng isang panig ng usapin.
d. Kung mayroong paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.
26. Bakit tayo nananatiling kaanib ng isang institusyong panrelihiyon?
a. Dahil sa kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
b. Dahil sa kakayahang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
c. Dahil sa kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
d. Dahil sa pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
27. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng lipunang sibil?
a. Pagkukusang loob
b. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
c. Walang pag-uuri
d. Pagiging organisado
28. Alin sa mga sumusunod ang adbokasiya ng isang samahan ang maituturing na isang lipunang sibil?
a. Pagtatanim ng mga puno. c. pagmamasid sa mga ibon
b. Malayuang pagbibisikleta d. pagsisid sa mga bahura (coral reefs)
29. Ito ay ang mga nabuong gawi ng isang pamayanan.
a. Kalinangan c. kilos
b. Kaugalian d. kultura
30. Nagpaplanong magsagawa ng isang feeding program ang isang samahang kinabibilangan mo. Alam mong
maraming bata sa kalapit barangay nyo ang nangangailangan ng benepisyong hatid ng programang pinaplano
nyo. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi nalang sasali para hindi maabala.
b. Hahayaan nalang ang mga kasamahan sa pagpaplano
c. Imumungkahi nalang ang kalapit baranggay bilang beneficiary.
d. Magmumungkahi nalang ng ibang lugar dahil nahihiya ka na isagawa ang programa sa kalapit baranggay.
31. Alin sa ating lipunan ang may ugnayang naka angkla sa pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong
kasaysayan ng pamayanan.
a. Lipunang sibil c. Lipunang Pampolitika
b. Lipunang Moral d. Lipunang Pang-ekonomiya
32. Kung ikaw ay kakandidato bilang kapitan ng iyong baranggay, ano ang maaari mong maging programa upang
matugunan ang pangangailangan ng iyong mahihirap na nasasakupan?
a. Livelihood Program
b. Clean and green project
c. Scholarship para sa mga mag-aaral
d. Feeding program para sa mga batang malnourish
33. Anong lipunang sibil ang isang grupo ng mga kababaihan sa Pilipinas ang nagtipon tipon noong 1984 at naging
isang pampolitikong partido?
a. Angela c. Manuela
b. Gabriela d. Melchora
34. Anong anyo ng lipunang sibil ang may layuning magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan?
a. Media c.Pamahalaan
b. Paaralan d. simbahan
35. Sino ang nagwika ng “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo
kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa”
a. Aristotle c. John F. Kennedy
b. St. Thomas de Aquinas d. Bill Clinton

36. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?
a. Mamamayan c. pinuno ng simbahan
b. Pangulo d. kabutihang Panlahat
37. Paano naipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
a. Pagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kaniyang ari-arian kaysa sa kaniyang sarili.
b. Sa pagmamayabang sa kaniyang mga kaibigan at kakilala ng dami ng kaniyang naimpok na pera
c. Sa pagpapakita na kaya nyang bumili ng mamahaling gamit.
d. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.
38. Alin sa mga sumusunod ang maaring ihambing sa isang pamayanan?
a. Pamilya c. organisasyon
b. Barkadahan d. magkasintahan
39. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?
a. Sama samang pagtakbo para sa kalikasan
b. Bayanihan at kapitbahayan.
c. Pagkakaroon ng kaalitan
d. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong.
40. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap ng kabutihang panlahat sa pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan
upang higit na matupad ang layuning ito.
a. Lipunang Politikal c. Komunidad
b. Pamayanan d. Pamilya
41. Paano masisiguro na ang lahat ng bahay ay magiging tahanan sa lipunang pag-ekonomiya?
a. Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mahihirap na pamilya.
b. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.
c. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan.
d. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.
42. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman? Ipaliwanag.
43. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bansa?
a. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad
b. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.
c. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa.
d. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan.
44. Ito ang pinaka mabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa.
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
45. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
a. Lahat ay magiging masunurin
b. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
c. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
d. Walang magmamalabis sa lipunan.
46. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
a. Sa ganito natin maipakikita ang ating pagkakaisa
b. Ang sama samang pagkilos ay nagpapagaan sa Gawain
c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
47. Siya ang senador na naging masigasig na kakampi ng Gabriela sa senado.
a. Teofisto Guingona c. Edgardo Angara
b. Raul Roco d. Nene Pimentel
48. Siya ang batang blogger na humimok sa mga kabataang babaeng Pakistani na igiit ang karapatang matuto.
a. Ignacia c. Malala Yousafzai
b. Gabriela d. Peachy Bretaña
49. Ito ang mga katangian ng iba’t ibang anyo ng lipunang sibil maliban sa:
a. Bukas na pagtatalastasan c. May pag-uuri
b. Pagiging organisado d. Pagkukusang loob
50. Ang sama samang paggawa ng ________ ay maituturing na isang lipunang sibil.
a. pagsisid sa mga basura c. pagmamasid sa mga ibon
b. pagtatanim ng mga puno d. malayuang pagbibisikleta.

You might also like