Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Bataan
Schools Division Office – Hermosa Annex
SUMALO INTEGRATED SCHOOL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Total
PANUTO:
Basahin ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop nasagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
I. Knowledge
II. Process/Skills
_____23. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa
kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag-
kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b.Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko lang ang pangyayari.
24. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa maling
pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan
nang hindi maganda ang matandang drayberay naroon sa tabi niya ang
kanyang paslit na apo.
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis upang mamagitan sa
kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at pagsasabihan sila na tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
_____25. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na
binatilyo na hindi maikakailang may kapansanan sa paglalakad. Napansin
mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at
gutom na.
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay
siya ng malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan sa aking mga kaibigan.
c. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar sa
binatilyong may kapansanan
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyo habang naghihintay siya
ng mauupuan.
_____26. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito
ng
a. kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa
b. mas malalim na pagkakaintindihan
c. karunungan
d. wala sa nabanggit
_____27. Ang isyung ito ay madalas na nangyayari sa probinsya kung saan ang lupang alam
nila na pamana ng kanilang mga ninuno ay pilit na inangkin ng mga
mayayamang negosyante.
a. Terorismo c. Pagkamkam ng Lupa
b. Pang-aabuso d. Diskriminasyong Pangkasarian
_____28. Pagbibigay o paglalagay ng kategorya o kahulugan ang isang tao o bagay
a. diskriminasyon c. pang- aabuso
b. stereotyping d. wala sa nabanggit
_____29.Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng
tao upang makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
_____30. Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa
kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?
a. Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa
kaniyang kapwa.
c. Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay
makatulong at magsilbi sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
_____31. Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?
a. May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
b. May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa
paggawa
c. May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
d. Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa
_____32.Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?
a. kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan
(means) sa pagkamit ng tunguhin.
b. kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi
nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.
c. kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang
kaniyang matamasa ang bunga ng kaniyang pinagpaguran.
d. kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang katuturan ng kaniyang paggawa
_____33.Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang
pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa
bago ang sarili.
_____ 34. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na
mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito
ay mahalaga sapagkat:
a. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang
pangangailangan ng lipunan.
b. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.
d. Lahat ng nabanggit
_____ 35. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso
hanggat kaya mo at mayroon kang kayang gawain para sa ikabubuti ng
iyong lipunan.
a. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha
ayon sa wangis ng Diyos.
b. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibo kasapi nito at ginagawa
niya ito bilang pampalipas oras.
c. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kanilang nais o pakay ay humihinto
na sa kanilang ginagawa.
d. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroong silang
hinihintay na kapalit.
_____ 36.Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay tinuturan ni Marian ang mga batang hindi
nakapag- aaral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
b. Si Dingdong ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang
mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Daniel na bumoto at piliing mabuti ang tunay
na karapat- dapat na mamuno.
d. Sumali si Kathryn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais
niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng
kaniyang mga kapit-bahay.
_____ 37. Hindi makakalahok si James saBrigada Eskwela ng kanilang paaralandahil
kinakailangan niyang alagaan ang kanyang lola na maysakit ngunit siya ay
nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis at sako na paglalagyan
ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita niJames?
a. Impormasyon c. Sama-samang Pagkilos
b. Sama-samang pagsuporta d. Pagsuporta
III. Understanding
“Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay
ng katuturan dito.” (Anonymous)