You are on page 1of 3

DAILY Paaralan IS OF LAWA Antas 9

LESSON Guro PHILLINE GRACE N. ONCE Asignatura ESP


  LOG Pebrero 18, 2019 Martes
Sincerity 7:20-8:20
Petsa/Oras Markahan Ikaapat
Perseverance 8:20-9:20
Humility 10:45-11:45
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay..

B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ang mag-aaral ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na nagsasalamin ng kanyang
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.-
EsP9PKIVd-14.3
II. NILALAMAN Modyul 14 : Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sangunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro 116
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop
IV. PAMAMARAAN  
Sagutin ang katanungan.
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
Matapos maisulat ang inyong mga mithiin sa buhay, ano-ano ang mga bagay na inyong natuklasang ninanais
at/o pagsisimula ng bagong aralin
ninyong makita matapos itakda ang mga ito?
Suriin ang larawan sa ibaba.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Gabay na tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan?
2. Ano kaya ang mangyayari sa kanya kapag nagkamali siya ng tinahak na direksyon?

Sagutin ang mga tanong:


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa 1. Ano ang direksyon na iyong tinatahak?
sa bagong aralin 2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng direksyon sa buhay?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Ipaliwanag:


at paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Sa pagpapasya, kailangan mo ng gabay. Tulad ng isang bulag, lubos siyang mahihirapan sa paglalakad kung
walang tungkod na gagabay sa kanya. Ito ang nagsisilbing kasangkapan niya upang marating ang kanyang nais
puntahan. Gayundin ang tao, kailangan niya ng gabay sa pagpapasya upang hindi siya magkamali; nang sa gayon,
magkaroon ng tamang direksiyon sa pagkamit ng mga layunin. Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksiyon
ang buhay ng tao? Una, sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, ikaw ay nasa kritikal na yugto ng buhay.
Anuman ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Kung kaya’t mahalagang maging
mapanuri at sigurado sa iyong gagawing mga pagpapasya. Ikalawa, kung hindi ka magpapasya ngayon para sa
iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba para sa iyo tulad ng iyong magulang, kaibigan o ng media. Kung kaya’t dapat
na maging malinaw sa iyo ang iyong tunguhin sapagkat kung hindi, magiging mabilis para sa iyong basta na
lamang sumunod sa idinidikta ng iba sa mga bagay na iyong gagawin. Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng
malinaw na tunguhin sa buhay.
Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay? Ito ay katulad ng isang personal na kredo o
isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo
sa iyong gagawing mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang
iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng
sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay.

Talakayin:
Ayon kay Stephen Covey sa kanyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People, “Begin with the end in
mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais
mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian,
pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at magpasya sa direksyong iyong
tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon
din kay Covey, ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.

Mga dapat isaalang-alang para sa pansariling pagtataya upang makabuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay
E. Pagtalakay ng bagong konsepto
1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa pamamagitan ng
at paglalahad ng bagong
pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung
kasanayan #2
sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos
para sa iyong gagawing pagpapasya.

2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong
mga pagpapahalaga; kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang
magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay.

3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga impormasyong naitala, laging isaisip na ang layunin ng paggawa
ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang
magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.

Ipaliwang:
F. Paglinang sa Kabihasaan “ Begin with the end in Mind”.
(Tungo sa Formative Assessment)

Ano ang Misyon mo sa buhay bilang ……


G. Paglalapat ng aralin sa pang- a. Anak
araw-araw na buhay b. Mag-aaral
c. Kasapi ng lipunan
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong
buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawing mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan
H. Paglalahat ng Aralin ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na
pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa
buhay.
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
2. Ano-ano ang mga pansariling pagtataya ang dapat mong isaalang-alang upang makabuo ng Personal na Pahayag ng Misyon
I. Pagtataya ng Aralin
sa Buhay?
3. Bakit mahalagang magkaroon ng direksyon ang buhay ng tao?

J. Karagdagang gawain para sa


takdang-aralin at remediation
Scores Humility Perseverance Sincerity Integrity Pagninilay
5
4
3
2
1
V. MGA TALA
0
N
Mean
MPS
___ Ang layunin ay naisagawa
____Hindi naisagawa
___Ang mga mag-aaral ay hindi nahirapan sa pagsagot sa kanilang aralin.
___Ang mga mag-aaral ay nahirapang sumagot sa kanilang aralin.
___Ang mga mag-aaral ay hindi nasiyahan dahil sa kakulangan sa kaalaman, kasanayan at interes sa aralin.
___Ang mga mag-aaral ay sa naging interesado sa aralin sa kabila ng pagbibigay ng guro ng mahirap na
VI. PAGNINILAY
katanungan.
___Nagkaroon ng kasanayan ang mga magaaral sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong kagamitan ang guro
___Karamihan sa mga mag-aaral ay nakatapos ng gawain sa tamang oras.
___Ang ibang mag-aaral ay hindi nakatapos ng gawain sa tamang oras dahil sa hindi kaaya-ayang pag-uugali.
A. Bilang ng mag-aaral na
___ Mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
___ Mag-aaral na nagangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? ___Oo ___Hindi
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin. ____ Mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
____Mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
magpapatuloy sa remediation.
Estratehiyang ginamit na nakatulong nang mabuti:
___Metacognitibong Pag-unlad- pagsusuri ng sarili, pagtatala at pag-aaral ng iba’t ibang pamamaraan at
pagtatakda ng mga bokabularyo
___Bridging – Think-pair-share, quick writes and anticipatory charts
___Schema-Building: Pagtutulad at pagkakaiba, jigsaw learning, peer teaching, at proyekto.
___Contextualization: Demonstrations, media, manipulatives, repetition, and local opportunities.
___Text Representation:: Paggawa ng mga larawan videos at laro,  
___Modeling: Examples: Malumanay at malinaw na pagsasalita,, pagmomodelo ng mga salitang nais
mong gamitin ng mga mag-aaral,, at pagbibigay ng mga halimbawang ginawa ng mga mag-aaral.
E. Alin sa mga istratehiyang Iba pang pamamaraan at estratehiyang ginamit:
pagtuturo nakatulong ng lubos? ___ Explicit Teaching ___ Carousel
Paano ito nakatulong? ___ Group collaboration ___ Diads
___Gamification/Learning throuh play ___ Role Playing/Drama
___ Answering preliminary activities/exercises ___ Discovery Method
___ Rereading of Paragraphs/Poems/Stories ___ Lecture Method
___ Differentiated Instructions
Bakit?
___ Kompletong IMs
___ May mga materyales
___ Kagustuhang matuto ng mga mag-aaral
___ Pagtutulungan ng bawat miyembro ng grupo sa paggawa ng naiatas na gawain
___ Paggamit ng Audio Visual sa aralin
F. Anong suliranin ang aking __ Pambubulas sa mga kamag-aral __ Sa pag-uugali ng mga mag-aaral
naranasan na solusyunan sa __ Makulay na Ims __ Kakulangan sa Technology Equipment (AVR/LCD)
tulong ng aking punungguro at __ English/ Computer/Internet Lab __ Iba pang gawaing pang-klerikal
superbisor?
Pagpaplanong Inobasyon::
G. Anong kagamitang panturo ang __Contextualized/Localized and Indigenized IM’s __ Localized Videos
aking naituro na nais kong ibahagi __ Making big books from views of the locality __ Recycling of plastics to be used as
sa mga kapwa ko guro? Instructional Materials
__ local poetical composition

Inihanda ni: Ininspeksyon ni: Inaprubahan ni:

PHILLINE GRACE N. ONCE FERDINAND P. PEDRONAN ARLENE M. GARCIA


Teacher I-SUB SHS Master Teacher II –AP Principal I

You might also like