You are on page 1of 7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

ARALIN 1: ANG PAPEL NG LIPUNAN SA TAO


LAYUNIN:
 Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang
panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan

PAGGANYAK NA GAWAIN:
Gumupit at ilagay ang iyong larawan sa gitna. Isulat sa nakalaang
espasyo ang mga bagay na sa personal na opinion mo ay makabuti
para sa iyo bilang mag-aaral. Gamiting gabay ang halimbawa.

Dagdagan ang aking


baon para sa mga
gastusin sa iba’t
ibang asignatura

Huwag ng
magbibigay ng
takdang-aralin sa iba’t
ibang asignatura
upang marami akong
oras sa paglalaro

Suriin ang iyong mga sagot sa unang Gawain.


1. Ano ang maaaring maging epekto sa pamilya, paaralan, at pamayanan kung paiiralin mo ang
kabutihang pansarili?
2. Paano makakamit ang kabutihang panlahat sa iyong sitwasyon? Isulat ang nararapat mong
gawin alang-alang sa kabutihang panlahat ng pamilya, paaralan, at pamayanan. (Pumili
lamang mula sa pamilya, paaralan, pamayanan at lipunan ng sasagutan at isulat sa tapat
nito ang iyong sagot.)

Epekto kung paiiralin ang Nararapat gawin alang-alang sa


kabutihang pansarili lamang kabutihang panlahat

Kakapusin ang budget ng aming Hindi na muna ako hihingi ng


pamilya sa aking hinihinging karagdagang baon hangga’t walang
karagdagang baon dahil tatlo karagdagang kita ang aming pamilya.
kaming magkakapatid na pare- Magtitipid na lammng ako upang
parehong nag-aaral at mapagkasya ang aking baon.
pinababunan.
Clickable links: https://eastasia.edu.ph/moodle/course/view.php?id=144
NILALAMAN NG ARALIN:

Sa pag-aaral mo sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang Ikapito, nagkakaroon ka ng malalim na


pag- unawa sa iyong pagkatao. Sa Baitang Ikawalo, natutuhan mo ang
kahalagahan ng pakikipagkapuwa at ang pagiging mapanagutan sa
pakikipag-ugnayan sa iba tungo sa makabuluhang buhay sa lipunan.

Sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang Ikasiyam,


mauunawaan mo ang pagkakaugnay at pagkakaiba ng dalawang
asignaturang ito. Samakatuwid, sa asignaturang ito, magagabayan ka
na maipamalas ang iyong mga matutuhan tungkol sa lipunan at
paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay at sa pagiging kapaki-
pakinabang na kasapi ng lipunan.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Paano


makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat? Bakit ba mahalagang ito ay makamit at
mapanatili?

Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

Narinig mo na ba ang katagang, “Wow! Ang


sosyal naman nila. Ang sarap sigurong maging sosyal,
ano?” Pero alam mong hindi mo kailangang maging
katulad nila para matawag kang sosyal. Ikaw ay likas
na sosyal dahil ikaw ay nilikhang sumasalipunan, isa
kang panlipunang nilalang.

“Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay


para sa kaniyang sarili lamang”. Kinakailangan ng
taong makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa
itinalagang likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.,
isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila Univerisity, ang buhay ng tao ay panlipunan.
Makikita ito sa kabuuan ng ating pag-iral bilang tao – sa ating pagsasagawa ng mga bagay na
kailangan upang mahubog natin ang ating sarili. Ang ating mga gawain ay panlipunan dahil
natutuhan natin ito kasama sila. Ginagawa natin ito dahil mahalaga ang mga ito sa lipunan at
iniaalay natin ito para sa ating kapuwa. Halimbawa, ang simpleng gawain na paglilinis ng ating
bakuran ay hindi makakasanayang gawin ng isang bata kung hindi ito itinuro ng pamilya.
Nakalakihan itong ginagawa ng pamilya nang tulong-tulong. Mas nangingibabaw kaysa sa halaga ng
mismong kalinisan ang pagsasama-sama at pagtutulungan. Bilang anak, alam mong iniaalay mo
ang gawaing ito sa iyong mga magulang dahil alam mong ito ay makapagpapasaya sa kanila at
kasabay nito, nakapag-aambag ang inyong pamilya sa kalinisan ng kapaligiran.

Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na
nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na iisa ang
tunguhin o layunin. Halimbawa, ang pangkat ng mga mamamahayag ay may iisang tunguhin o
layuning maghatid ng mga bagong balitang nagaganap sa bansa at maging sa daigdig. Tinitiyak
nilang makararating ito sa mga tao sa iba’t ibang paraan. Ang pangkat ng mga guro ay may iisa ang
layuning magpadaloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang lipunan o pangkat ng mga indibidwal ay
patungo sa iisang layunin o tunguhin. Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi
naman nito binubura ang indibidwalidad o pagiging katangi-tangi ng mga kasapi.

Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang


komunidad upang tukuyin ang lipunan. Mahalagang maunawaan
ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang salitang ito upang
hindi maging sanhi ng kalituhan. Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis
na nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga
indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular
na lugar. Sa isang komunidad, mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o
kabahagi. Ang bawat indibidwal ay mayroong kani-kaniyang mga layunin o tunguhin sa buhay

Kabutihang Panlahat

Bigyan naman natin ng linaw ang kahulugan ng kabutihang


panlahat. Ano nga ba ang kabutihang panlahat? Sa simpleng
salita, masasabing ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal
na nasa lipunan. Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa
pansariling kapakanan. Mahalagang maunawaan mong ang
tunguhin ng lipunan ay hindi ang kabutihan lamang ng indibidwal
o ang koleksiyon ng indibidwal na kabutihan ng mga taong
bumubuo nito. Kapag ganito ang paniniwalang mangingibabaw,
patuloy na mabibigyan ng laya ang mga malalakas na apihin ang
mga mahihina. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang
kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito. Kaya
sinasabing may kaugnayan ang tao at ang kabutihang panlahat dahil sa ang kabutihang panlahat
ay tinatanggap ng bawat indibidwal na sumasalamin sa kabuuan.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

Ang kabutihang panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang elemento:

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa


kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang kaniyang
dignidad. Sa dignidad nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at hayaang gamitin
ng tao sa lipunan.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. Ang pag-unlad ang


kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao.

Karaniwang sinusukat ito halimbawa sa

(a) mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan;


(b) epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad;
(c) kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo;
(d) makatarungang sistemang legal at pampolitika;
(e) malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya.

3. Ang kapayapaan. Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan,


kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban,
pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng
katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan. May kapayapaan kapag iginagalang ang
bawat indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng
kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad ng makatarungang kaayusan. Kailangang
nabibigyan ng seguridad ang lipunan at ang mga kasapi nito sa mabuti at maayos na pamamaraan.

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Narito ang ilang nakahahadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.


1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit
tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito. Ang
mahalaga sa iba ay ang pakinabang na kaniyang makukuha sa kabutihang panlahat na
nagmumula sa malasakit at pagsasakripisyo ng iba. Nakikinabang lamang siya subalit walang
ambag o pakinabang na nanggagaling sa kaniya. Halimbawa, ang sapat na suplay ng tubig ay
pinakikinabangan ng lahat ng tao. Subalit upang mapanatili ang sapat na suplay ng tubig sa
panahon ng tagtuyo, ang mga tao ay kailangang magtipid sa paggamit nito. Hindi lahat ng tao ay
nagnanais gawin ito sapagkat ayon sa kanila, habang may taong nagtitipid makikinabang pa rin
siya nang hindi nagbabawas ng kaniyang konsumo. Ang nakababahala dito ay kapag dumami ang
taong may ganitong pangangatwiran, masisira ang kabutihang panlahat na nakasalalay sa
suportang manggagaling sa kanila.

2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. Nais ng taong
maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin nang walang ibang nanghihimasok o
nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong ganito na magambala ang kaniyang personal na buhay –
nagnanais na “mapag-isa”. Hindi niya pinapakay ang pakinabang mula sa kabutihang hatid ng
sakripisyo ng iba subalit ayaw rin niyang magambala para sa kabutihan ng iba. Sa kulturang ito,
mahirap makumbinse ang taong isakripisyo ang kaniyang kaunting kalayaan, personal na hangarin
at pansariling interes para sa kapakanan ng “kabutihang panlahat” dahil para sa kaniya, hindi niya
kailangang mag-ambag sa kabutihang panlahat kundi ang manatiling malaya sa pagkamit ng
kaniyang personal na kabutihan.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa
nagagawa ng iba. Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan ang mas malaki at
mabigat na pananagutan kaysa sa iba. Halimbawa, upang kayanin ng mga mahihirap ang pagbili ng
produkto, kailangang tanggapin ng negosyante ang mababang tubo o kita mula sa mga produkto; o
ang pangkalusugang seguridad ay maging abot kaya ng lahat, ang health insurance ay may
mababang premiums o ang doktor ay tumanggap ng mababang sahod. Ang tingin ng ilan sa
ganitong sitwasyon ay hindi makatarungan.

Kagandahang-loob

Pakikisama, Pakikitungo at
Pakikiramay

Paggalang sa Dangal ng Tao

Pagiging makatao
Paraan ng Pagpapakita ng
Pagpapahalaga sa Lipunan
Pakikipagbayanihan

Paninindigan

Pagiging Maka-Diyos

Pagiging Makabayan

PAGSASANAY:

Paghinuha ng Batayang Konsepto


Panuto:
1. Buuin ang Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer sa ibaba.
2. Hinuhain ang mahalagang konsepto mula sa babasahin para mabuo ito.
3. Gamiting gabay ang Mahalagang Tanong na: Paano makakamit at mapanatili ang kabutihang
panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?

Nagpapatatag Pagsisikap Kabutihang Panlahat


Makamit Moral Mapanatili

Ang _______________ ng bawat tao na ___________________ at __________________ ang


_____________________ sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng _______________ na pagpapahalaga ay
mga puwersang _______________ sa lipunan.

PAGLALAHAT:

Ang isang lipunnag maipagmamalaki ay ang lipunang may katatagan. Ito ay isang virtue
mula sa salitang “tatag” na ang ibig sabihin ay tibay. Ito ay ang lipunang patuloy nakikibaka upang
maabot ang katiwasayan at kapayapaan sa gitna ng suliranin ng bayan.

Ang disiplinang pansarili at pagkakabuklod ng pamilya ay pagpapahalagang nakatutulong sa


pagkakaroon ng isang katangi-tanging lipunan. Kung ang bawat pamilya ay itinuturo ang disiplina,
mababawasan, kung hindi man mawawala nang lubusan ang problema ng lipunan. Ayon nga sa
kasabihan, “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”

SANGGUNIAN:
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
ISBN 978-07-2974-6

Karapatang-ari ng Vibal Publishing House, Inc. at nina Constantina S. A rrogante; Nenita I. De Vega;
Dolores S. Quiambao; at Veronica E. Ramirez Ph.D.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
ARALIN 1: ANG PAPEL NG LIPUNAN SA TAO
Pangalan: ___________________________________________Petsa:_______________ Marka: ________

PAGTATAYA:

WORD SEARCH
Gawain 1: Buhat sa nagiging pagtatalakay sa kabutihang panlahat at
pagkakaisa sa loob ng pamilya, hanapin sa puzzle sa ibaba ang mga mahahalagang
salita na iyong dapat matandaan ukol sa araling ito.
S I N A T I O N A L P R I D E
U P B O L U N T L R I S M O T
P P I M I G U E L I N I O F I
E E C R U T H K E C A J T F K
R P A A I D O L Y E Y E H E A
C M Y K I T A R K L N N I C E
A C K U L T U R A I D N I O N
T U J A S O N A A N T E N N A
D T R E N E W A L E S I B L I

Gawain 2: Isulat sa loob ng kahon ang mga pagpapahalagang kailangang taglayin


upang makamit ang kabutihang panlahat. Bumuo ng konsepto mula sa mga isinulat
na sagot.

KABUTIHANG PANLAHAT

Halimbawa:
Respeto sa
kapuwa

Nabuong Konsepto:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

PAGLALAPAT/PAGNINILAY:
Sa iyong sagutang papel, isulat ang iyong nararamdaman at reyalisasyon mula sa mga
gawain. at magtala ng mga aral na iyong nakuha mula sa araling Ang Papel ng Lipunan sa
Tao.

___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________

You might also like