You are on page 1of 2

Pangalan: ____________________________________ Baitang/Pangkat: ___________ Iskor: __________

Paaralan: _____________________________________ Guro: ____________________ Asignatura: ESP 9


Manunulat: Kleepsy Joy F. Caspe Tagasuri: Cleopatra M. Ruiz,
Pablo L. Eulatic Jr., Ph.D.,
Lorna T. Padua, PSDS
Paksa: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid At Q3, Week 8, LAS # 1
Wastong Pamamahala Sa Naimpok
Layunin: Napatutunayan na ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na
naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa,
lipunan at bansa
Saggunian: Gayola, S.T., et al.2015.Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul Para sa Mag-aaral . 5th Floor
Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City; FEP Printing Corporation p 170.
________________________________________________________________________________________
Ang Kasipagan na Nakatuon sa Disiplinado at Produktibong Gawain
Nilalaman
Sa nakaraang mga aralin, napag-alaman natin na ang kasipagan ay tumutukoy sa gawain na
pinagsikapang tapusin nang may kalidad. Ito ay isang napakahalagang katangian sapagkat nakakatulong ito
na mapalago ang mga kaaya-ayang kalikasan ng tao katulad na lamang ng pagiging matiyaga, matapat at
may integridad. Ang mga ito ay may malaking ambag sa kanyang pag-unlad bilang isang mahalagang bahagi
ng lipunang kinabibilangan.
Bukod pa dito, makakamit lamang ng tao ang inaasahang magandang buhay kung siya ay masipag,
may dedikasyon at may disiplina. Kaya nga hindi sapat na maging masipag lamang kundi nararapat na
marunong ding pagtuonan ng pansin ang disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa itinakda nating
mithiin.

GAWAIN 1. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga sitwasyon. Isulat sa patlang
ang
salitang TAMA kapag nagsasaad ang mga ito ng kasipagan na nakatuon sa disiplinado at
produktibong gawain at MALI naman kung hindi.
_____1. Naglaro muna si Allan ng mobile legends bago simulang sagutin ang mga gawain sa kanyang
modyul.
_____2. Nagtatrabaho lamang si Mang Efren kapag may nakabantay sa kanya.
_____3. Puring-puri ng kanilang manager si Gina dahil ibinibigay nito ang pinakamahusay na kalidad ng
trabahong inaasahan mula sa kanya
_____4. Kahit mag-iisang linggo pa lamang na nagsisimulang magtrabaho si Doming, nagbitiw siya sa
kompanyang pinasukan dahil hindi daw siya magaling sa paggamit ng mga makabagong makinarya.
_____5. Madalas, madaling natatanggap sa trabaho ang mga taong responsable at maaasahan na gawin ang
trabahong nakaatang sa kanila ng may kalidad kahit walang nakabantay sa kanila.

GAWAIN 2. Panuto: Bilang isang mag-aaral sa panahon ng pandemya, sumulat ng isang makabuluhang
“ISLOGAN” na makapagbibigay sa iyo ng motibasyon na magkaroon ng kasipagan na nakatuon sa disiplinado
at produktibong pagsasagawa ng mga gawain sa iyong pag-aaral (10 puntos).
Rubrics sa Islogan
Krayterya Napakahusay (5) Mahusay (4) Paghusayin Pa (2)
1. Kalinisan:
Malinis at walang bura ang pagkakasulat
2. Pagkamalikhain
Kaaya-aya at kakaiba ang isinulat na islogan
3. Kaangkupan ng Konsepto
Angkop sa konsepto ang isinulat na islogan

You might also like