Professional Documents
Culture Documents
ARALIN 3:
PAGTUKOY SA KAHALAGAHAN NG KAGALINGAN SA PAGGAWA
Targeted Most Essential Learning Competencies (MELCs)
Maipaliwanag na ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod ay kailangan upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa, at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong kaloob.
Maipamalas ang patunay sa kagalingan sa paggawa at serbisyo sa pamamagitan ng de-kalidad na gawain o
produkto.
Maibahagi nang buong husay ang mga kakayahan at mapasalamatan ang Maykapal sa mga talentong ipinagkaloob.
Lesson Objectives
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.
Nakabubuo ang mag-aaral ng panlahat tungkol sa kabutihang naidulot ng paggawa sa sarili, kapwa/pamilya, at
lipunan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa kuwentong binasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Paano iniangat ni Jose Ma. Concepcion III ang kalidad ng kanilang produkto?
3. Ayon sa kaniya, ano ang pinakamahalagang papel ng kompanya sa kaniyang mga manggagawa?
TALAKAYAN (DISCUSSION)
Kagalingan sa Paggawa
Ang kagalingan sa paggawa ay ang pagganap o pagtupad ng kinakailangang gawain upang makamit, matapos, o
mabuo ang inaasahang bunga na kasiya-siya at may mataas na uri ng paggawa. Masasalamin sa kagalingan sa paggawa ang
mga kaalaman, kakayahan, at pagpapahalaga ng manggagawa sa mataas na uri o kalidad ng pagkakagawa sa nabuo o
natapos na gawain. Dahil dito, itinuturing na kayamanan o asset ang manggagawa na may kagalingan sa paggawa sa isang
samahan, tanggapan, o establisimyento.
2. Pagiging Malikhain – maparaan, madaling matuto, at may kakayahang makagawa batay sa ano mang bagay na
mayroon sa kaniyang paligid.
3. Pagiging mapanagutan at may disiplina – marunong gumamit ng kaniyang oras nang wasto, tinatapos ang isang
gawain bago iwanan ito o magsimula ng iba, pinanatiling de-kalidad ang trabaho, at sumusunod sa ano mang mga
alituntunin o batas na may kinalalaman sa gawain.
GAWAIN 1
Isulat ang GO kung ang bawat kilos na isinasaad sa pangungusap ay nagpapakita ng kagalingan sa paggawa at isulat
naman ang STOP kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_______1. Nawalan agad ng interes sa trabaho si Maynard nang makita niya ang mga katiwalian sa kanilang kompanya.
_______ 2. Ipinangako ni Robert na hindi magiging hadlang ang kahirapan sa kaniyang pagsusumikap na matamo ang kaniyang
pangarap na maging isang imbentor.
_______3. Alam ni Russel na may kapansanan siya, pero ginamit niya ito upang ipakita sa kanilang pamilya na malaki ang
maiaambag niya kung magsusumikap siya.
_______4. Maingat na tinupad at sinikap ni Rose na ayusin ang schedule ng kaniyang trabaho upang hindi maantala ang
trabaho ng iba.
GAWAIN 2
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ipaliwanag kung paano mababago ang maling gawaing nakasaad sa bawat
isa upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Si Larry ay maraming plano sa buhay. Marami siyang magandang ideya, ngunit pagdating sa aktuwal na paggawa, ni hindi
niya masimulan kahit isa.
2. Si Michel ay maraming kakayahan, kaya simula lang siya ng simula ng iba’t ibang mga gawain ngunit wala siyang natatapos.