You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng kasipagan sa
paggawa.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakagagawa ang mag-aaral ng mga hakbang upang mapanatili ang kasipagan
sa pag-aaral o takdang gawain sa tahanan.
C. MGA KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO
Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang
itinakdang gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi.

EsP9KP-IIIb-11.4

II. NILALAMAN
A. PAKSA: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok
KBI:
KBI: Kasipagan at pagpupunyagi pairalin, pagtitipid ay panatilihin.

III. KAGAMITAN SA PAGKATUTO


A. SANGGUNIAN:
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral; p. 177
Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay sa Pagtuturo; p. 93
B. IBA PANG KAGAMITAN:
Slide deck presentation

IV. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagsasanay
Awitin ang awit na pinamagatang “Pagsubok”.

2. Balik-aral
Ayusin ang mga “jumbled letters” upang makabuo ng tamang salita.

NAGAPSIKA NUPNUPGIYAGAP MIKOP

GITPITPAID
3. Paghahanda/ Pagganyak

Pangkatang Gawain: Maglista ng mga hakbang kung paano niyo


makakamit ang isang itinakdang gawain. Iulat sa klase pagkatapos.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Gawain
Pangkatang Gawain:
Iulat ang resulta ng ginawang panayam.
Ano ang natuklasan sa resulta?
Ano ang napulot sa ginawang panayam?

2. Pagsusuri
Batay sa resulta ng panayam, naisip niyo ba na sa susunod
pwede kayong maging katulad nila? Paano mo kaya ito gagawin?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1. Paghahalaw
Pangkatang Gawain: Gumawa ng chart at isulat ang mga
gagawin sa isang araw at kung ito ay matutupad ng may kasipagan at
pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang kung paano mo ito gagawin.

2. Paglalapat
Bilang isang estudyante, bakit mahalaga ang kasipagan at
pagpupunyagi sa inyong pag-aaral?

3. Paglalahat
Gaano kahalaga ang paggawa ng chart sa mga itinakdang gawain?
Ipaliwanag.

4. Pagtataya
Gumawa ng Chart ng kahit na anong itinakdang gawain (hal:
pagpasa ng isang proyekto) nang may kasipagan at pagpupunyagi.
Isulat ang mga hakbang kung paano mo ito isasagawa.

V. TAKDANG-ARALIN

Sumulat ng isang pagninilay gamit ang pormat sa p. 177. Gawin ito sa journal.

VI. MGA TALA

VII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya: _______


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation:______
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin: _______
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation: _______
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong? ________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punong-
guro at superbisor?: _______________
G. Anong kagamitang panturo ang aking naidibuho na nais kung ibahagi sa mga
kapwa guro: _____________________

You might also like