You are on page 1of 5

Yook National High

Paaralan Baytang/Antas Grade 9


GRADES 1 to 12 School
 Daily Lesson
Guro Ginalyn M. Mazon Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Log
Petsa
November 11, 2022 Markahan Ikalawang Markahan

DAY 1 DAY 2
Pangkat /Oras Th-2:00-3:00PM F-8:10-9:10 AM
Hyacinth
Th -12:30- F- 9:30- 10:30 AM
Daffodil 1:30PM
W -7:10- 8:10 AM F- 10:30-11:30AM
Dandelions

Araw :1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Lipunang Sibil (Civil Society),
Media at Simbahan.
B. Pamantayan sa Pagganap Natataya ng mag-aaral ang adbokasiya ng iba’t -ibang lipunang sibil batay
sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad
(economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) o
ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang sustainable society).

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto / Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao.


EsP9TT-IIa-5.1
D. Layunin 1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao.
2. Naipaliliwanag kung paano maiuugnay ang dignidad ng tao sa kanyang mga
karapatan a tungkulin?
3. Naipakikita ang mga karapatang natatamo gayundin ang paglabag sa mga ito at
nailalahad ang mga tungkulin sa mga karapatang ito.

II. NILALAMAN Aralin : Karapatan at Tungkulin ng Tao

III. Kagamitang Panturo


Sanggunian
A.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
1. Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p.45-49
Gabay ng Guro

2. Kagamitan ng Mag-aaral Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p.79-83

3. Mga Pahina sa teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan Delos Reyes,AJ, Cruz,JG Ikalawang Markahan – Modyul 1: Karapatan at Tungkulin ng
mula sa Portal ng Learning Tao, Unang Edisyon, 2020
Resources

B.
Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Balik – Aral sa nakaraang aralin at Balik – Aral sa nakaraang aralin at /o pagsisimula ng bagong aralin .
/o pagsisimula ng bagong aralin A.Panimulang gawain
a. Panalangin
b. Paalala tungkol sa health and safety protocols
c. Pagtala ng liban sa klase
d. Mabilisang "kamustahan"

B. Panuto: Gumawa ng talaan sa kuwaderno ng mga natatandaan mong


kahalintulad na pagkilos na iyong nabalitaan.
Usaping ipinoprotesta Pangalan o uri ng Petsa o taon
organisasyon
Tanong:
1. Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito na iprotesta ang mga ganitong
usapin?
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin. A.Gamit ang hawak na printed materials , ipabasa sa mag-aaral ang ang mga layunin
ng aralin. Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao.
2. Naipaliliwanag kung paano maiuugnay ang dignidad ng tao sa kanyang mga
karapatan a tungkulin?
3. Naipakikita ang mga karapatang natatamo gayundin ang paglabag sa mga ito at
nailalahad ang mga tungkulin sa mga karapatang ito
B. Ano ang mga itinuturing ninyong karapatan?
Ang tao ay tulad ng isang binhi. Mula sa pagiging isang butil, ito ay
magkakaroon ng ugat at may sisibol na mga munting dahon. Sa bawat
pagsibol ng mga dahong ito, ipinahihiwatig na may buhay at karapatan ito sa mundong
ginagalawan.
Panuto: Isulat ang iyong itinuturing na karapatan sa mga dahon.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Sagutin:


sa bagong aralin. 1. Alin sa iyong mga naisulat ang pinakamalapit na kahulugan ng
karapatang pantao? Bakit?
2. Ano pa ang hindi mo alam at gusto mo pang matutuhan tungkol sa
karapatang pantao? Ipaliwanag.
3. Para sa iyo, ano ang kahulugan ng karapatan pantao?
D. Pagtatalakay ng bagong Basahin sa modyul.
konsepto at paglalahad ng a. Karapatan
bagong kasanayan #1 b. Tungkulin
c. Ang bawat karapatan at ang kaakibat na tungkulin ng tao.
E. Pagtatalakay ng bagong Sagutin ang tanong at isulat ang iyong sagot gamit ang Venn
konsepto at paglalahad ng Diagram. Gawin ito sa sagutang papel.
bagong kasanayan #2 Paano maiuugnay ang dignidad ng tao sa kanyang mga karapatan at
tungkulin?

F. Paglinang sa Kabihasahan Tukuyin ang mga karapatan at tungkulin kung tama o mali
( Tungo sa Formative 1. Ang karapatan ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga
Assessment) pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang
kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao.
2. Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o
a. maisasakatuparan ng isang tao.
3. Ang babaeng nagdadalang-tao, tungkulin ng ina na pangalagaan ang kaniyang
sarili upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol.
4. Tungkulin lamang ng gobyerno ang pagtulong sa mga nasalanta ng
baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit o pera, mga bagay na
tunay nilang kailangan.
5. Ang lahat ng tao ay may karapatang maghanapbuhay
G. Paglalapat ng aralin sa pang – Bakit mahalagang maging malinaw ang mga karapatan at tungkulinng isang
araw –araw na buhay. indibidwal ?
Paglalahat ng Aralin Tsart ng mga karapatan at mga paglabag sa mga ito
H. Nalaman mo na ang kahulugan ng karapatang pantao. Ngunit may mga panahon na
nilalabag ang mga ito.
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang
lubusang mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin. Pagkatapos ay ibigay ang
iyong tungkulin sa bawat katapatang nabanggit.

Mga Karapatan Mga Paglabag sa bawat Karapatan


1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa Hal. Aborsiyon
pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang
pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay (pagkain,
damit, tahanan, edukasyon,
pagkalingang pangkalusugan, tulong
sa walang trabaho, at tulong sa
pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag
ng opinyon at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng
relihiyon at pagsunod sa konsensya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa
ibang lgar upang manirahan
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok
sa mga pampublikong gawain o
proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon
ng batas laban sa mga paglabag sa
mga karapatang ito

I. Pagtataya ng Aralin Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang pinakatamang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Ang _____________ ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng
isang tao.
A. Karapatan B. Konsensiya C. Sinseridad D. Tungkulin
2. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
A. pagsuot ng uniporme
B. pagsuot ng Identification Card (ID)
C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
D. lahat ng mga nabanggit
3. Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang
kamatayan sa mga kriminal o nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mo ba na ibalik ang
ganitong klaseng parusa?
A. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
B. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.
C. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi
naman ginawa.
D. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay
at tanging Siya lang ang may karapatang bawiin ito ayon sa Kanyang
kalooban.
4. Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais
pumasok sa isang supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya
pinatuloy ng gwardya. Tama ba ang naging pagtrato sa kanya?
A. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya
sa loob.
B. Hindi, dahil may pambayad naman siya.
C. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa
labas.
D. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may
karapatan at kalayaan din siya kagaya ng iba pang mamamayan
5. Ang mga sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa
___________.
A. Terorismo
B. Pagbabayad ng utang
C. Pagpatay sa sanggol
D. Diskriminasyong pangkasarian
6. Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan?
A. Sa paggawa ng moral na kilos.
B. Dahil tao lang ang may isip.
C. Dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na kilos.
D. Dahil tao lang ang marunong kumilos.
7. Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao?
A. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tinedyer
B. Mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero
C. Isang Linggo ng hindi makapagtinda sa palengke dahil sa pandemya.
D. Pinagtatrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang
makatulong sa mga magulang
8. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang
mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng produktibo. Ito ay karapatan sa _______.
A. pribadong ari-arian
B. mag-impok sa bangko
C. bumili ng mga ari-arian
D. umangkin ng ari-arian
9. Kapag nilabag ang karapatang pantao magkakaroon ng _____________.
A. pag-iisip ng pagsisisi
B. pananagutan
C. damdamin ng pagsisisi
D. pagmumuni
10. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na
binatilyo na may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa
at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan
sa aking mga kaeskwela.
B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming grupo habang
naghihintay siya ng may mabakante.
C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng
lugar para sa mga taong may kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may
kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan..

J. Karagdagang Gawain Para sa Gumawa ng isang lingguhang plano ng mga tungkuling gagawin upang
Takdang –Aralin at remediation . maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin.
ARAW TUNGKULING GAGAMPANAN
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo

1. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos gawin ang gawain?


2. Paano makatutulong ang pagtutupad sa tungkulin sa pagbuo ng iyong
pagkatao/pamilya/paaralan/lipunan/pamahalaan?

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na


Daffodil :____________ Hyacinth____________ Dandelion_________
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aarl na
nagangailangan ng iba pang Daffodil :____________ Hyacinth____________ Dandelion_________
gawain para sa remediasyon

C. Nakaktulong ba ang remedial? Daffodil :____________ Hyacinth____________ Dandelion_________

D. Bilang ng mag-aaral na
nakakaunawa sa aralin Daffodil :____________ Hyacinth____________ Dandelion_________
E. Alin sa istratehiya pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anung suliranin ang aking
naranasaan nasolusyunan sa
tulong nga aking punong guro at
superbisor
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong ibahagi sa nga
kapwa guro?
Daffodil Hyacinth Dandelion
Index of Mastery
10- 5- 10- 5- 10- 5-
9- 4- 9- 4- 9- 4-
8- 3- 8- 3- 8- 3-
7- 2- 7- 2- 7- 2-
6- 1- 6- 1- 6- 1-
0- 0- 0-

Ginawa ni:

GINALYN M. MAZON
Teacher II

You might also like