You are on page 1of 5

Yook National High

Paaralan Baytang/Antas Grade 9


GRADES 1 to 12 School
 Daily Lesson
Guro Ginalyn M. Mazon Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Log
Petsa
November 25, 2022 Markahan Ikalawang Markahan

DAY 1 DAY 2
Pangkat /Oras Th-2:00-3:00PM F-8:10-9:10 AM
Hyacinth
Th -12:30- F- 9:30- 10:30 AM
Daffodil 1:30PM
W -7:10- 8:10 AM F- 10:30-11:30AM
Dandelions

Araw :1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
B. Pamantayan sa Pagganap Natataya ng mag-aaral ang adbokasiya ng iba’t -ibang lipunang sibil batay
sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad
(economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) o
ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang sustainable society).

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto / Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung
gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang
katuwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao. EsP9TT-IIb-5.3
D. Layunin 1. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung
gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang
kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao.
2. Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang
tao.
3. Nakagagawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan o alinmang uri ng
media na tumatalakay sa mga karapatang pantao.

II. NILALAMAN Aralin : Karapatan at Tungkulin

III. Kagamitang Panturo


Sanggunian
A.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
1.
Gabay ng Guro Edukasyon sa Pagpapakato 9, TG p. 51-52

Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 85-92


2. Kagamitan ng Mag-aaral

3. Mga Pahina sa teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resources

B.
Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Balik – Aral sa nakaraang aralin at A.Panimulang gawain
/o pagsisimula ng bagong aralin a. Panalangin
b. Paalala tungkol sa health and safety protocols
c. Pagtala ng liban sa klase
d. Mabilisang "kamustahan"

B. Tama o Mali.
1. Ginawa ang batas para sa tao at hindi ang tao para sa batas.
2. Ang batas ng tao ay ginawa ng tao upang protektahan ang mga may kapangyarihan..
3. Ang pagsunod sa batas ay nagtataguyod ng karapatang pantao.
4. Layunin ng batas ang pagtatamo ng kabutihang panlahat.
5. Nagpapalit ang batas sa paglipas ng panahon.

Sagot:
1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Mali

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin. A.Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. (gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Napatutunayang ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung
gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang
katuwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao.
2. Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang tao.
3. Nakagagawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan, o alinmang uri ng
media na tumatalakay sa mga karapatang pantao.

B. Ganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng sabayang pag-awit ng awiting


pinasikat ng Apo Hiking Society na may pamagat na “Bawat Bata”.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Panoorin ang video na naglalagom ng araling nai-download mula sa
sa bagong aralin. https://www.youtube.com/watch?v=gdaTGTFqrno. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
D. Pagtatalakay ng bagong Talakayin ang paksa gamit ang PowerPoint Presentation. Sagutan sa notbuk ang
konsepto at paglalahad ng sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 20 minuto) (Reflective/Constructivist
bagong kasanayan #1 Approach)
1. Ano ang karapatan? Bakit ito ay sinasabing kapangyarihang moral?
2. Bakit kailangang ipagtanggol nang may mataas na determinasyon ang
karapatan sa buhay? Pangatuwiranan.
3. Saan nakabatay ang karapatan? Ipaliwanag.
4. Ano ang tungkulin? Bakit ito ay obligasyong moral?
5. Bakit kailangang tuparin ng sinuman ang kanyang tungkulin na hubugin ang
sarili tungo sa pagpapakatao ayon kay Max Scheler?
6. Ano ang batayan sa pagbuo ng Pangkalahatang Deklarasyon ng mga
Tungkulin ng Tao?
7. Ano-ano ang epekto ng hindi pagtupad ng tungkulin? Ipaliwanag.
E. Pagtatalakay ng bagong MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN
konsepto at paglalahad ng A. Karapatan
bagong kasanayan #2  Kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga
bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay
 Nakabatay sa Likas na Batas Moral
 Pakikinabang ng tao dahil tao lamang ang may moral na kilos
 Kaakibat ay obligasyon o tungkulin
B. Kapangyarihang Moral ng Karapatan
 Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya ng
sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay
C. Obligasyon
  Akuin at tuparin ng tao ang kanyang tungkulin
  Igalang ng tao ang isa pang tao
Mga Karapatang Halaw sa Pacem in Terris
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga
karapatang ito
E. Mga Karapatan at ang Kaakibat na Tungkulin Nito
1. Karapatan sa buhay
 Pangalagaan ang kalusugan at ang sarili sa mga panganib ng katawan at
kaluluwa.
 Paunlarin ang talento at kakayahan.
 Pagpapagamot kung may sakit
 Umiwas sa isport na mapanganib
2. Karapatan sa pribadong buhay
 Pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian at gamitin ito upang
makatulong sa kapwa at sa pamayanan
3. Karapatang magpakasal o bumuo ng pamilya
 Suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao
  Pagiging mabuting halimbawa sa anak
  Pag-iwas sa iskandalo na makakasira sa pamilya
  Pagsasabuhay ng mga birtud bilang pamilya
4. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
  Igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba
  Paggalang sa pag-alaala sa mga patay at ninuno
5. Karapatang pumunta sa ibang lugar
  Igalang ang pribadong boundary
  Kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng
kapwa
  Paggalang sa pag-aari ng iba
6. Karapatang magtrabaho at maghanapbuhay
  Magpunyagi at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain
  Hindi pinalilipas ang oras na walang ginagawa
F. Epekto ng Hindi Pagtupad sa Tungkulin
 Kawalan ng katarungan
 Kawalan ng kapanatagan
 Pagsisisi
 Kaguluhan ng kaisipan
 Sirang pangako at uganayan sa kapwa
G. Fundamental Principles for Humanity
 Ang bawat tao - anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinyon sa mga
isyung politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon – ay may tungkulin na
pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao.
 Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal, kaya
ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at
tiwala sa sarili at kapwa.
 Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army, o pulisya ang dapat mangibabaw
sa mabuti at masama, lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay
may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.
 Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat tanggapin ang
kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan at
relihiyon nang may pagkakaisa. Huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw
mong gawin nila sa iyo.

F. Paglinang sa Kabihasahan Magtala ng limang karapatan bilang bata at sabihin kung ito ay malaya at masaya mong
( Tungo sa Formative natatamasa. Iranggo ito ayon sa antas ng kasiyahang iyong nararanasan. Gamitin ang
Assessment) bilang 1-5.
G. Paglalapat ng aralin sa pang – Gumawa ng liham para sa iyong magulang na nagsasaad ng iyong
araw –araw na buhay. pasasalamat sa pagkakaloob nila sa iyo ng mga pangunahin mong
karapatan: pangalan, damit, tirahan, edukasyon, pagkain, at iba
pang katulad nito. (Constructivist/Integrative Approach)
Paglalahat ng Aralin Itanong sa mag-aaral
H. 1. Ano-ano ang mga karapatan at tungkulin ng tao.
2. Paano napahahalagahan ang pagtupad ng tungkulin bilang isang Pilipino.
3. Paano naipakikita ang mga karapatang natatamo at ang wastong pagtupad sa
tungkulin sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon

Kaakibat ng karapatan ng isang tao ay ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa na


igalang ang karapatan nito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng
damdaming pagsisisi. Kasama sa pagiging moral ng tao ay ang tungkulin. Ang
pagtalikod o hindi pagtupad sa tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may
malaking epekto sa sarili

I. Pagtataya ng Aralin Aling tungkulin ang kaakibat ng bawat karapatan sa ibaba?

J. Karagdagang Gawain Para sa Pumili ng linya sa Panatang Makabayan. Isulat ito sa long typewriting bilang islogan.
Takdang –Aralin at remediation . Lagyan ng konting disenyo at ipaskil sa alinmang bahagi ng silid-aralang itinakda ng
guro. Tiyaking madali itong mabasa upang magsilbing paala-ala ng ating mga karapatan
at tungkulin bilang tao.
Sundin ang sumusunod na kraytirya sa pagbibigay puntos:
1. Malinaw ang pagkakasulat ng bawat salita. (6 puntos)
2. Simple subalit malikhaing disenyo. (4 puntos)

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na


Daffodil :____________ Hyacinth____________ Dandelion_________
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aarl na
nagangailangan ng iba pang Daffodil :____________ Hyacinth____________ Dandelion_________
gawain para sa remediasyon

C. Nakaktulong ba ang remedial? Daffodil :____________ Hyacinth____________ Dandelion_________

D. Bilang ng mag-aaral na
nakakaunawa sa aralin Daffodil :____________ Hyacinth____________ Dandelion_________
E. Alin sa istratehiya pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anung suliranin ang aking
naranasaan nasolusyunan sa
tulong nga aking punong guro at
superbisor
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong ibahagi sa nga
kapwa guro?
Daffodil Hyacinth Dandelion
Index of Mastery
10- 5- 10- 5- 10- 5-
9- 4- 9- 4- 9- 4-
8- 3- 8- 3- 8- 3-
7- 2- 7- 2- 7- 2-
6- 1- 6- 1- 6- 1-
0- 0- 0-

You might also like