You are on page 1of 5

MALOLOS MARINE FISHERY SCHOOL AND LABORATORY

Lesson Exemplar Guro EMIE B. MACLANG- Teacher I Baitang/Pangkat 9- D


Banghay Aralin sa Petsa March 28, 2022 Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Pagtuturo Oras 10:30-11:30 AM Markahan Ika-apat na Markahan

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pansariling


Pangnilalaman salik sa pagpili ng tamangkursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, sining at isports, negosyo o hanapbuhay.
B. Pamantayan sa Pagganap Nagtatakda ang mag-aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng hai
skul na naaayon sa taglayna mga talento, pagpapahalaga,
tunguhin at katayuang ekonomiya.
C. Kasanayang Pampagkatuto Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at
hilig(mula Baitang 7)at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong
akademiko, o teknikal-bokasyonal, siningat palakasan o
negosyo.a. Nasusuri ang mga pansariling salik sa pagpili
ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at
isports, negosyo o hanapbuhay.b. Nakagagawa ng isang
sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay.c. Napahahalagahan ang
pansariling salik sa pagpili ng kurso.
EsP9KP-IVa-13.1

D. Pagpapaganang Kasanayan Ano ang larawan ng isang matiwasay na pamayanag para sa iyo? Tukuyin ang
kaugnayan ng Prinsipyo ng Subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa para sa
isang matiwasay na pamayanan.?
E. Pagpapayamang Kasanayan Nakagagawa ng kabutihang panlahat sa lipunan, pamayanan, pamilya at
paaralan.
II. NILALAMAN
Modyul 13: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng
T a m a n g K u r s o n g  Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining
at Isports, Negosyo o H a n a p b u h a y .

III. KAGAMITANG PANTURO


1. Mga Sanggunian
A. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
 TG p. 105-113

B. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p.202-215


pang-mag aaral
C. Mga Pahina mula Teksbuk
D. Mga kagamitan mula sa https://www.youtube.com/watch?v=Zqfn3ybSmQY laptop, LCD
Portal o Learning Resource projector, kartolina, pentel pen
Materials
2. Mga kagamitan para sa https://www.youtube.com/watch?v=Zqfn3ybSmQY laptop, LCD
pagpapaunlad ng pagkatutuo projector, kartolina, pentel pen, youtube
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain 1. Pagtawag sa mga pangalan ng mga mag-aaral na dumalo sa birtwal
na klase. ( Roll Call)
2. Panalangin- May saliw ng awit para sa Panginoon “ Alam Kong May
Magagawa ang DIyos” https://youtu.be/clECUH27zeI
3. Awiting Makabayanhttps://youtu.be/I-cgIb_CFiM
4. Himno ng Paaralan
5. Pagbibigay ng mga alituntunin habang isinagawa ang birtwal na
klase
(House Rule)
5. Paglalahad ng layunin at mga kasanayang pampagkatuto
(MELCs)
B. Pagbabalik-aral A. Sagutin ang sumusunod na katanungan.
Naaalala mo pa ba ang mga natukoy mong track o kurso noong nasa Baitang
7 ka? Ano- ano ito? Mula sa pagbabalik-tanaw mo, dalawang taon mula
ngayon, may pagbabago kaya sa iyong talento, hilig, kasanayan(skills),
pagpapahalaga at mithiin? Gayundin, sa nais mong kuning kurso sa
pagtuntong sa Senior High School? Tumawag ng 1-3 mag-aaral upang
magbahagi ng kanilang pagbabalik-tanaw. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective
Approach)

B. Ipasagot ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin.


Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Inquiry-Based/Reflective Approach)

Paunang Pagtataya
1. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit
niya sa pagpapasya at malayang pagsasakilos ng kanyang pinili at
ginusto nang may pananagutan dito? a. kagalingang mangatuwiran
at matalas na kaisipan
b. kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
c. kalinawan ng isip at masayang kalooban
d. kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob

2. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang


makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin
ay makipag-ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
a. makiangkop c. makipagkasundo
b. makialam d. makisimpatya

3. Alin sa mga pansariling salik ang dapat pagbatayan tungkol sa pagpili


ng kursong may kinalaman sa iyong kahusayan tulad ng pakikiharap
sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay,
pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa? a.
hilig
b. kasanayan (skills)
c. pagpapahalaga
d. talento

4.) Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat
ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento.
Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin
sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili
mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
a. pahalagahan at paunlarin.
b. pagtuunan ng pansin at palaguin.
paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat d. tuklasin at
gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso.

5. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay


naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na
Senior High School? a. makinig sa gusto ng mga kaibigan
b. huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. magbasa at maglaan ng panahong makapag-isip at magplano
d. humingi ng tulong sa Guidance Counselor sa inyong paaaralan at pag-
aralan ang desisyon

6. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang
kakayahan ng kanyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kanyang
ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba
pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at
mga paalaala daan upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang
isinagawa ni Cita? a. katayuang pinansyal
b. mithiin
c. hilig
d. pagpapahalaga

7. Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kanyang


mga magulang sa negosyong ipinundar simula noong bata pa siya
hanggang sa kasalukuyan. Sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos
lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging
bukas-palad ng kanyang mga magulang. Sa kanyang propesyon ngayon,
dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya
kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging
gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso? a. hilig
b. pagpapahalaga
katayuang pinansyal d. kasanayan

8. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga educational


book, kasabay din ang pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong
napaunlad nang siya ay sumasali sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo.
Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na
niya ang magiging linya ng kanyang propesyon, ang maging journalist. Alin
sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni
Cecil ang tagumpay ng kanyang piniling hanapbuhay?
a. kasanayan c. mithiin
b. hilig d. pagpapahalaga

9. Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kanyang mga magulang sa
gusto niyang kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa
Maynila. Gayunpaman, ang kanilang lokal na pamahalaan ay nanghihikayat
ng mga potensyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na
pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay sasailalim sa 6-month training
at pagkatapos ay may naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kanyang
pagsasarili, naisip niyang ito ang magiging daan tungo sa kanyang magandang
pangarap para sa kanyang sarili at pamilya. Pumayag siya at naging desidido sa
kanyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni
Melchor sa kanyang naging desisyong maghanap ng alternatibo bilang tugon
sa lumalaking demand sa lipunan? a. katayuang pinansyal
b. mithiin
c. pagpapahalaga
d. kasanayan

10. Alam ni Diane ang kanyang galing at husay pagdating sa Matematika.


Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay namana niya sa kanyang ama. At
ang kanyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa kanyang ina.
Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang
10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kanyang pipiliing
kurso.Suportado rin siya ng kanyang mga magulang lalo’t siya naman ay
bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon.
Kahanga-hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na magpasya
para sa kanyang sarili. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya
sa pagpili ng kurso? a. mithiin c. pagpapahalaga
b. kasanayan d. hilig

C. Paghabi sa Layunin ng Aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
( Pagganyak ) Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig(mula
Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, o
teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo.
1. Nasusuri ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong
akademiko o teknikal- bokasyonal, sining at isports, negosyo o hanapbuhay.
sa pipiliing track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo
at isports.
2. Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay.
3. Napahahalagahan ang pansariling salik sa pagpili ng kurso.

B. Ipasuri ang video clip tungkol sa Senior High School. (gawin sa loob ng
5 minuto) (Reflective Approach)
https://www.youtube.com/watch?v=Zqfn3ybSmQY

Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Ano ang ipinahahayag ng video clip na iyong napanood?
2. Bakit mahalaga ang Senior High School para sa mga kabataan?

D. Pagtuklas
Gawain 1
Pakinggan at unawain ang mensahe ng Video .. Liham ng Isang Ama sa
Kanyang mga Anak. https://youtu.be/0Y_Aui43gJk
Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging kailangan upang
mapagtagumpayan ang kasamaan ay ang di-pagkilos ng mga mabubuting
tao.” (All that is necessary for the triumph of evil is that good men do
nothing)?
E. Paglinang ng mga Gawain 2
Kaalaman, Kakayahan at Tukuyin ang paksa at mensahe napanood at napakinggang Video.
Pang-unawa Tema at Paksa Mensahe/ Salitang
maituturing na hiyas
na kaalaman.
Simbahan
Bansa / Pamayanan
Paaralan
Pamilya

G. Pagpapalalim a.Tukuyin ang kahulugan ng pamilya, paaralan, bansa, lipunan,


pamayanan at simbahan.
b. Anu-ano ba ang inaasahan ng tao sa pamahalaan?
c. Anu -ano ang maaring magawa ng bumubuo sa lipunan upang
magkaroon ng maaliwalas na pamayananan?
d. Ipaliwanag ang prinsipyo ng Subsidyarity at Prinsipyo ng pagkakaisa.
H. Paglalapat a. Paano nakakatulong ang inyong pagkakapare-pareho sa pagiging
(Pagasasabuhay ng isang matatag na samahan?
Pagkatuto) b. Paano naman ninyo/mo hinaharap ang pagkakaiba-iba upang
mapanatili ang magandang samahan?
c. Paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng pagkakakisa at
subsidiarity sa pamayanan?
I. Paglalagom Suriin ang sumusunod na larawan at tukuyin kung ano ang nais ipakita
nito.Tumawag ng 2-3 mag-aaral para sa kanilang kasagutan.(gawin sa loob
ng 5 minuto) (Inquiry-Based Approach)
Suriin ang sumusunod na larawan at tukuyin kung ano ang nais ipakita
nito.Tumawag ng 2-3 mag-aaral para sa kanilang kasagutan.(gawin sa loob
ng 5 minuto) (Inquiry-Based Approach)

V. PAGTATAYA

Sagutan ang sumusunod na aytem ayon sa kaangkupan sa iyo. Isulat ang bilang
ng kaukulang pagpipilian.

Legend:
4 – Palagi 3 – Madalas 2 – Paminsan-minsan 1 – Bihira 0 – Hindi
____1. Pinananatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit.
____2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin,
____3. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
____4. Madali akong makasunod sa mga patterns.
____5. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng aking
mga kamay.
____6. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
____7. May kamalayan ako sa aking paniniwala o pagpapahalagang
moral. ____8. Nasisiyahan akong pagsama-samahin ang mga bagay
batay sa kanilang pagkakatulad.
____9. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang
ipaliliwanag. ____10. Malaki ang naitutulong sa aking memorya at pang-unawa
kung inililista ang mahahalagang bagay.
____11. Nasisiyahan akong mag-ayos ng silid.
____12. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay.
____13. Mahirap para sa akin ang umupo nang matagal sa loob ng mahabang
oras.
____14. Mas masaya ako kapag maraming kasama.
____15. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang isang
asignatura.
____16. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal o pangkapaligiran.
____17. Madali para sa akin ang lumutas ng mga suliranin.
____18.Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng
sulat, e- mail, texting (cellphone), telepono at mga social network
sites.
____19. Nasisiyahan akong gumamit ng iba’t ibang uri ng pamamaraang
pansining.
____20. Madali para sa akin ang sumunod sa wastong galaw.

VI. TAKDANG -ARALIN


Bilang Panapos na Gawain
Gumawa ng isang vison board kung saan ipinapakita ang iyong sarili
sampung taon mula ngayon.

Prepared By: Checked By: Noted By:

EMIE B. MACLANG MARIA ARLYN M. MACALANSAG


Teacher I Head Teacher III

You might also like