You are on page 1of 28

Modyul 14

PERSONAL NA PAHAYAG
NG MISYON SA BUHAY
Balik-aral:

I Open ang browser at I


type ang
http://joinmyquiz.com
At I enter ang code
Panimula:
Pamprosesong tanong:
• Ano ang nasasalamin sa video na inyong napanood?
• Anong linya or liriko ng kanta ang tumatak s aiyo?
Bakit?
• Ano ang aral na iyong napulot?
• Bilang isang kabataan ano nakakarelate ka ba sa
awitin? Bakit?
• Alam mo ba ang
direksyon na tinatahak
mo sa buhay? Naitanong
mo na ba sa iyong sarili
kung saan ka patungo?
Misyon sa Buhay
• Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang
tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa kanya
upang makamit ang kaniyang mga layunin sa buhay.
• Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng
makabuluhang buhay at ganap na pagkatao.
Misyon sa
Buhay
• Sa tuwing magpapasiya, kinakailangang
pag- isipan ito ng mabuti upang sigurado at
hindi maligaw.
• Ito ay dapat na makabubuti sa sarili,
kapwa at lipunan.
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
•(PPMB)
Isang personal na kredo o motto na
nagsasalaysay kung paano mo ninanais na
dumaloy ang iyong buhay.
• Nagsisilbi itong simula ng matatag na
pundasyon sa pagkakaroon ng sariling
kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa
iyong layunin sa buhay.
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
•(PPMB)
Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven
Habits of Highly Effective People “Begin with the end in
mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa
iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais
mong mangyari sa iyong buhay.
• Ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na
iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(PPMB)
• Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong
na magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal
assesment sa iyong kasalukuyang buhay.
• Ang resulta nito ay magiging kapaki- pakinabang sa iyong
mapanagutang pasya at kilos. Narito ang mga dapat mong
isaalang-alang sa pansariling pagtataya:
1. Suriin ang iyong ugali at katangian.
• Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa
pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga ugali at mga
katangian.
• Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo
kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong
ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos
para sa iyong gagawin na pagpapasya.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.
• Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan
nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan
nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon.
• Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging
pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa
buhay.
3. Tipunin ang mga impormasyon.
• Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip
na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa
buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan
ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng
tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.
Ang pagsulat ng PPMB ay HINDI MADALIAN o nabubuo
lamang sa ilang oras. Ito ay kailangan mong
PAGNILAYAN, PAGLAANAN ng SAPAT na PANAHON.
Kapag nabuo mo na ito,ito ay magsisilbing SALIGAN ng
iyong BUHAY.
Sa pagbuo ng iyong PPMB, kinakailangan na nakatuon ito sa
mga nais mong mangyari sa mga taglay mong katangian at
kung paano mo makakamoit ang tagumpay gamit ang mga ito.
Ayon kay Stephen Covey, upang makabuo ng mabuting PPMB
magsimulang TUKUYIN ang SENTRO ng iyong BUHAY –
halimbawa, Diyos, Pamilya,Kaibigan,Pamayanan.
Kinakailangan mong matukoy ang sentro ng iyong buhay sapag
ito ang magbibigay sa iyo ng seguridad,paggabay,karunungan
at Kapangyarihan
Ang Personal na Misyon sa Buhay ng tao ay maaaring
mabago o mapalitan sapagkat patuloy na nagbabago ang tao
sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang
buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang
magsisilbing saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng
kaniyang buhay.
“All of us are creators of our own destiny”

• Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating


patutunguhan. Anuman ang iyong hahantungan
ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa
iyong buhay.
Sa Pagbuo mo ng PPMB, Dapat Masasagot nito
ang mga katanungang:
1. Ano ang Layunin ko sa Buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maari kong makasama at maging kaagapay sa
aking buhay?
Ayon pa rin kay Stephen Covey,nagkakaroon ng
kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:
1. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas
ang kahulugan niya bilang isang tao
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang
pagkabukod-tangi
3. Nagagampanan nang may balance ang mga tungkulin sa pamilya,
trabaho,pamayanan, at iba pa
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, at HINDI upang ipagyabang
sa iba
Ano ang Misyon?
• Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa
buhay na magdadala sa kaniya tungo sa
kaganapan.
• Ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan
ang misyon na ipinagkaloob Niya sa atin.Mula sa
misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon.
Pagkakaiba ng Propesyon sa Bokasyon
• Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang
siya ay mabuhay.
• Ang bokasyon ay galing sa salitang Latin na “vocatio”, ibig
sabihin ay “calling” o tawag. Ito ay hindi na lamang simpleng
trabaho kundi isang misyon. Dito nagkakaroon ang tao ng
tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang
kaniyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.
•Ayon kay Fr. Jerry Orbos, ang
tunay na misyon ay ang
MAGLINGKOD. Ang
paglilingkod sa Diyos at sa
kapuwa ang magbibigay sa tao
ng tunay na kaligayahan.
Sa paggawa ng iyong PPMB dapat isaalang-alang ang
kraytiryang SMART:
▪ Tiyak (Specific). Kailangan ang lahat ng isusulat mo dito ay
espesipiko . Kung kaya’t mahalaga na ikaw ay magnilay upang
makita mo ang nais mong tahakin. Hindi makatutulong sa iyo kung
pabago-bago ka ng iyong nais.
▪  Nasusukat (Measurable). Nasusukat mo ba ang iyong
kakayahan? Kailangan na ang isusulat mo sa iyong
personal na pahayag ng misyon ay kaya mong gawin at
isakatuparan.
▪ Naaabot (Attainable). Kailangan na itanong mo sa iyong sarili na ang personal na
pahayag ng misyon ko ba sa buhay ay makatotohanan? Ito ba ay kaya kong abutin
o kaya ko ba itong gawin? Ito ba ay mapanghamon?
▪ Angkop (Relevant). Ito ba ay angkop para makatugon sa pangangailangan ng
iyong kapuwa Isa ito sa kinakailangan mong tingnan at suriin. Dito ay kailangan na
ituon mo ang iyong isip na ang buhay ay kailangan na ibahagi sa iba.
▪ Nasusukat ng Panahon (Time Bound). Kailangan na magbigay ka ng takdang
panahon o oras kung kalian mo maisasakatuparan ang iyong isinulat. Ito ang
magsasabi kung ang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay iyong nagawa o
hindi.
Pagbubuod:
• Napakahalaga para sa isang kabataan na bumuo ng personal
na pahayag ng misyon sa buhay (PPMB). Ito ang
makapagbibigay ng direksiyon patungo sa iyong bokasyon.
• Ang tunay na misyon ay ang MAGLINGKOD. Ang
paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang magbibigay sa
tao ng tunay na kaligayahan - Fr. Jerry Orbos.
Tayahin ang iyong Pag-unawa:

1.Bakit mahalagang magkaroon ng direksiyon ang buhay ng


tao? Ipaliwanag.
2.Sa iyong palagay makatutulong ba ang pagbuo mo ng
Personal na Misyon sa Buhay upang maging malinaw sa
iyo ang karera o kurso na iyong pipiliin? Paano?
Ipaliwanag.
TAKDA:

You might also like