You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


Villa de Bacolor, Pampanga

LABORATORY HIGH SCHOOL

Name of Student: Grade Level & Section:


School: Don Honorio Ventura State University Date: Week 2
Teacher: Michael Rey M. Valerio Quarter: First (1)

MODULE IN ESP 9

I.OBJECTIVES(Layunin)
A. Content Standard Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa lipunan at
layunin nito (ang kabutihang panlahat).

B. Performance Standard Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong


sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

C. Most Essential Learning 1.3 Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na


Competencies (MELC) iiiiiiiimakamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa iiiiiii
iiiiiiiipamamagitan ng pagsasabuhaying moral na pagpapahalaga
iiiiiiiiay mga puwersang magpapatatag sa lipunan.
1.4 Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang
iiiiiiipamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan,
iiiiii pangkultural, at ipangkapayapaan.
II.CONTENT(Nilalaman) LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT

III.LEARNING
RESOURCES(KagamitangPanturo)
A. References(Sanggunian) Kto12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-
Siyam na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2013
B. Other Learning Resources module, smart phone, and internet connection or mobile data
(Iba pang Kagamitang
Panturo)

IV. PAMAMARAAN:
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
(Ano ang Inaasahang Maipamalas Mo)

Huwag kang makialam! Hindi mo pa ‘yan dapat pinakikialaman, bata ka pa!” Naalala mo pa ba ang mga
linyang ito mula sa mga magulang mo noon? May mga bagay sa iyong paligid noon na hindi mo maaaring
pakialaman dahil bata ka pa; pero lumilipas ang panahon at nagbabago ang maraming bagay. Darating talaga
ang pagkakataong mas mahalaga para sa isang kabataang katulad mo ang makialam.

Napansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Nag-iiba naba nag mga reaksyon mo sa mga
nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at sa mgaisyung nangingibabaw ngayon sa media?
Page 1 of 10
Nakahanda ka na bang lalong maunawaan kung paano makakamit ng lipunan ang kabutihang
panlahat? Nakahanda ka na bang malaman kung ano ang bahaging iyong nararapat na gampanan? Simulan
na natin, ngayon na!

Gawain 1:
Sagutin ang Unang Pagtataya!
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na
iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manial University, binubuo ng
tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan
iiiiiiang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang
iiii nag-iaaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi
iiiiinito.

c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mg kontribusyon ang nagpapalago at
iiiiiiinagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng
iiiiiiitao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang
iiiiiiitao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang
iiiiiiikaganapan ng pagkatao.

2. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan

3. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Kapayapaan c. Paggalang sa indibidwal na tao
b. Katiwasayan d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

4. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan

5. Ano ang kabutihang panlahat?


a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

Gawain 2:
Sumulat ng liham para sa lider ng ating bansa . Ano ano ang mga bagay na iyong gustong mabago
iiiiiiiisa kabutihan ng nakararami. Ano ang iyong gustong ipayo sa kanya?

Page 2 of 10
1.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Ano ang Inaasahang Maipamalas Mo)

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na:


 Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang lahat?
 Bakit ba mahalagang ito ay makamit at mapanatili?
1.1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat
1.2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya,
paaralan, pamayanan o lipunan
1.3. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto
1.4. Naisasagawa ang isang proyektong makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan 2. Naipapaliwanag ang
B. Pag-uugnay ng mganghalimbawa
kahalagahan sabagong
pag-unawasa iba’t ibang pagbabago
aralin bilang
(Pagtuklas ng isang tinedyer.
Dating Kaalaman)
Alam mo ba ang nangyayari sa iyong paligid? Lahat ng tao sa mundo hangad ang kapayapaan.
Makikita ang iba’t ibang adbokasiya sa iba’t ibang klase ng paligsahan lalong lao na sa paligsahan sa
pagandahan. Pero paano nga kaya magkakaroon ng katiwasayan sa lipunan? Kung tatanungin kita
ngayon, ano kaya ang maipapayo mo? Gawin natin ‘yan ngayon sa unang bahagi ng araling ito.

Gawain 3:
1. Sa unang bahagi ng gawaing ito ay mahalagang maibahagi mo muna kung ano ang larawan ng
iiiiiisang matiwasay na lipunan para sa iyo. Magsulat ng limang katangian ng isang matiwasay na
iiiiilipunan.
a. ____________________________________________________________________
b. ____________________________________________________________________
c. ____________________________________________________________________
d. ____________________________________________________________________
e. ____________________________________________________________________

2. Ang iyong sagot sa tanong na ito ay maaari mong maipakita sa malikhaing pamamaraan. Maaaaring
gumuhit o gumupit ng isang larawan na nagpapakita ng matiwasay ng lipunan.

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Paglinang ng


Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa)
Gawain 4:

Page 3 of 10
Tiyak kong napag-aralan mo na sa Araling Panlipunan ang iba’t ibang institusyong panlipunan.
Sa pagkakataong ito ay itutuon ntin an gating pansin sa mga sumusunod:
 Paaralan
 Simbahan
 Pamilya
 Mga negosyo
 Pamahalaan
Panuto:
1. Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sektor ng lipunan na
naitala.
 Paaralan
 Simbahan
 Pamilya
 Mga negosyo
 Pamahalaan

2. Pagkatapos, magsagawa ng pagsasaliksik sa mga ito, maaaring gumamit ng internet


upang matukoy ang mga sumusunod:
a. Ano ang layunin ng bawat sektor?
b. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan?
c. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?
TUNGUHIN SA
LAYUNIN KONTRIBUSYON
KASALUKUYAN
 Paaralan
 Simbahan
 Pamilya
 Mga negosyo
 Pamahalaan
d. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo
iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiisa pagkamit ng kanilang layunin? Mayroon ba itong nagiging impluwensiya sa mga
iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii mamamayan at inaiambag na tulong sa pag-unlad ng lipunan?

Page 4 of 10
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Integration of GMRC
Activities and/or other activities not included in the LM’s)

Gawain 5:
Matapos maisagawa ang kabuuang proseso ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
pamamagitan ng bawat pamamaraan.

a. Ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan na nabanggit sa pagkamit ng layunin ng lipunan?
(sa pamamagitan ng pagamit ng graphic organizer)

b. Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na ito ang kanilang mga
tungkulin sa lipunan? (sa pamamagitan ng paggawa ng tula)

c. Paano matitiyak na makatutulong ang lahat ng sektor na ito upang gawing matiwasay ang lipunan?
(sa pamamagitan ng pagguhit)

Page 5 of 10
d. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit, ano kaya ang layunin na
ito? (sa pamamagitan ng paggawa ng sanaysay)

E. Paglinang sa kabihasnan (Pagpapalalim/Pagtatya ng Pang-unawa and Integration of GMRC


Concepts )
Basahin at Unawain ang tungkol sa LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT

“Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang”.
Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa itinalagang
likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas. Ayon kay Dr. Manuel Dy
Jr., isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de Manila Univeristy, ang buhay ng tao
ay panlipunan. Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunan ay nagmula sa
salitang ugat na “lipon” na nagangahulugang pangkat. Ang mga tao ay may
kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o layunin. Makikita ito sa kabuuan ng
ating pag-iral bilang tao – sa ating pagsasagawa ng mga bagay na kailangan upang
mahubog natin ang ating sarili.

Ang ating mga gawain ay panlipunan dahil natutuhan natin ito kasama sila. Ginagawa natin ito
dahil mahalaga ang mga ito sa lipunan at iniaalay natin ito para sa ating kapwa. Halimbawa, ang
simpleng gawain na paglilinis ng ating bakuran ay hindi makakasanayang gawin ng isang bata kung
hindi ito itinuro ng pamilya.
Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang komunidad upang tukuyin ang lipunan.
Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang salitang ito upang hindi
maging sanhi ng kalituhan. Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na
nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal
na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Sa
isang komunidad, mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi. Ang
bawat indibidwal ay mayroong kanikaniyang mga layunin o tunguhin sa buhay.
Mas magiging madali ang pag-unawa nito gamit ang halimbawa: Mayroong dalawang guro na
nagtuturo sa magkaibang paaralan. Sila ay bahagi ng isang lipunan, isang pangkat ng mga indibidwal
na ginagabayan ng isang layunin: ang magbigay ng edukasyon/kaalaman sa kanilang mga mag-aaral.
Page 6 of 10
Pero walang malalim na ugnayan sa dalawang guro na ito. Limitado ang nalalaman nila tungkol sa isa’t
isa. Ngunit dumating ang pagkakataon na nagsama sila sa isang scholarship at naging malapit na
magkaibigan, naging magkumare at nabuo ang mas malalim pa nilang ugnayan. Naniniwala ang isa
na may malaking maiaambag ang kaniyang bagong kaibigan para sa paggabay sa kaniyang anak
kung kaya niya ito ginawa. Sa pagkakataong ito, hindi na lamang bahagi ng isang lipunan ang
dalawang guro kundi naging bahagi na ng isang komunidad.
Mulat tayo sa isang mundo na KApatid, KAmag-anak, KAklase, KAbabayan, at marami pang
ibang kasama na ngayon sa lipunang ating ginagalawan. Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat
ng aklat na “The Person and the Common Good” (1966), hahanapin talaga ng tao na mamuhay sa
lipunan sa dalawang mahalagang dahilan. Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang
perpekto o ganap at dahil likas para sa kanya ang magbahagi sa kanyang kapwa ng kaalaman at
pagmamahal. Pangalawa, ginusto ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o
kakulangan mula sa materyal na kalikasan. Mahalaga ring makipag-ugnayan siya sa kaniyang kapuwa
upang matugunan ang pangangailangang ito at mapunuan ang kaniyang kakulangan. Hindi makakamit
ng tao ang kaniyang kaganapan kung hindi matutugunan ng lipunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
Ayon kay Sto. Tomas Aquinas, may akda ng aklat na Summa
Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang
layunin ng kanyang pagkalikha. Mahalaga sa pagpapakatao ang
pagkalikha ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng
lipunan at binubuo niya ang lipunan (Dy, 1994). Malaki ang nagagawa ng
lipunan sa paghubog ng iyong pagkatao. Mayroon itong impluwensya sa
paraan ng iyong pag-iisip at pagkilos. Lahat ng iyong iniisip,
nararamdaman, sinasabi, at ginagawa ay naiimpluwensyahan ng lipunan
na iyong kinabibilangan.

Binubuo ang TAO ng


LIPUNAN, Binubuo ang
LIPUNAN ng TAO

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.
- Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang
karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
- Karaniwang sinusukat ito halimabaw sa pampublikong sistema sa pangkalusugan, epektibong
pampublikong pangkaligtasan at seguridad, kapayapaang pangkaligtasn ng mundo makatarungang
sistemang legal at pampolitika; malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya
- Mahalagang may mamagitan upang masigurong nakakayanan at nararating ang mga ito ng bawat
isa sa lipunan. Kapag nangyayari ito, natutugunan ang tawag ng katarungan o kapakanang
panlipunan ng pangkat.
3. Ang kapayapaan (peace).
- Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o
kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay.
- Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at
seguridad ng makatarungang kaayusan.

Page 7 of 10
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang
bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng
iba.

Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat


1. Ang lahat ng tao ay dapat mabigyan ng pagkakataong makakilos ng Malaya gabay ang dayalogo,
katarungan at pagmamahal.
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.

Tandaan:
Ang dignidad ng tao ay nangagailangan ng pagkamit sa kabutihang panlahat. Ganap lamang na
masasabing tunay na kinilala ang dignidad ng lahat ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang
kabutihang panlahat. Ang lahat ng tao ay nararapat na magmalasakit upang lumikha o sumuporta sa mga
institusyong panlipunan at paunlarin ang kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal na sumasalamin sa
lipunan.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Pagsasabuhay)


Gawain 6:
1. Gamit ang internet o telebisyon. Mag saliksik ng isang survey tungkol sa mga suliraning
kinakaharap ng isang komunidad o pamayanan.
2. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan o pang-edukasyon.
Maaaring may iba pang makita sa proseso ng pagsasagawa nito.
3. Mahalagang isama ang inyong komunidad o pamayanan sa isasagawang survey.
4. Makatutulong kung gagawa ng isang action plan upang matiyak na maisasagawa ng maayos ang
mga nakaplanong gawain. Makatutulong sa iyo ang pormat na nasa ibaba.
(*Maaaring gumamit ng ibang papel sa pagsagot)
MGA TAONG
GAWAIN/ TIYAK NA PANAHONG INAASAHANG
SULIRANIN SANGKOT/KASALI
SOLUSYON LAYUNIN ILALAAN OUTPUT
SA GAWAIN

G. Paglalahat ng aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)


Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang kahulugan ng lipunan? _____________________________________________________
2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? ________________________________________________
3. Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ______________________________
_______________________________________________________________________________
4. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, magiging madali ba o mahirap ang pagkamit ng tunay
na layunin ng lipunan? Pangatwiranan.

Page 8 of 10
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan?
Ipaliwanag ang bawat isa.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

H. Pagtataya ng aralin (Pagganap/Pagninilay)


Marahil bilang isang mag-aaral, iniisip mong masyado pang maaga para masubok kung kaya
mo nang pairalin ang kabutihan sa iyong lipunang ginagalawan sa kasalukuyan. Ngunit mahalagang
maunawaan mong bawat tao sa lipunan, anuman ang kaniyang katayuan sa buhay at edad ay
mayroong pagkakataong magbahagi ng kaniyang magagawa upang matiyak na makakamit ang
kabutihang panlahat.

Gawain 7:
Panuto:
1. Mahalagang magamit ang mga konseptong natutuhan sa modyul na ito upang maisakatuparan
iiiiiiiang gawaing ito. Sa gawaing ito ay magsagawa ka ng pagsusuri sa mga pagkakataon sa iyong
iiiiiiibuhay bilang isang mag-aaral at kabataan kung saan:
(a.) napangibabaw mo ang kabutihang panlahat at
(b.) mas napangibabaw mo ang kabutihan ng iyong sarili o ng iilan kaysa sa kabutihang
iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiipanlahat.

2. Maaaring isagawa ang gawaing sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa magulang o sa iba I I


I pang mas matanda. Maglaan ng panahon upang mag-usap bilang pangkat para sa pagbabahagi
iiii ing mga ikaranasan.
.
3. Ilista ang mga ito gamit ang pormat sa ibaba.

Pagkakataong Nangibabaw ang Paraan kung paano ito mas


Naging Bunga
Kabutihang Panlahat mapapayaman
1.
2.
3.
Pagkakataong Nangibabaw ang Nararapat gawin upang mas
Kabutihang Pansarili o Naging Bunga mapanaig ang kabutihang
Kabutihan ng Nakararami panlahat
1.
2.
3.

I. Karagdaganggawain para sa takdang aralin at remediation.


Gawain 8:
Sa isang malinis na bond paper, gumawa ng isang poster na nagpapakita ng isang malusog na
pamayanan na isinasaalng alang ang kabutihang panlahat ng kanyang mamamayan.
(Paki’attached lang po ang natapos na output)

Page 9 of 10
Prepared by:

MICHAEL REY M. VALERIO, LPT

Subject Teacher

Noted:

JERAME N. GAMBOA, Ed.D.

Principal, Laboratory High School

Page 10 of 10

You might also like