You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


Villa de Bacolor, Pampanga

LABORATORY HIGH SCHOOL

Name of Student: Grade Level & Section:


School: Don Honorio Ventura State University Date: Week 1
Teacher: Michael Rey M. Valerio Quarter: First (1)

MODULE IN ESP 9

I.OBJECTIVES(Layunin)
A. Content Standard Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at
layunin nito (ang kabutihang panlahat).
B. Performance Standard Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong
sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

C. Most Essential Learning 1.1 Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
Competencies (MELC) 1..2 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang
sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o
lipunan.

II.CONTENT(Nilalaman) Paksa: Pagpapa-iral ng Kabutihang Panlahat sa Panahon ng


Pandemya
Kaugnay na pagpapahalaga: Kabutihang panlahat,
Pagsasakrapisyo

III.LEARNING
RESOURCES(KagamitangPanturo)
A. References(Sanggunian) K to12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-
Siyam na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2013

1. Additional materials from module, smart phone, and internet connection or mobile data
Learnin
2. g Resource (LR) portal
B. Other Learning Resources
(Iba pang Kagamitang
Panturo)

IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
(Ano ang inaasahang Maipamalas Mo)

Page 1 of 9
https://www.dreamstime.com/illustration/frontline.html
Sino-sino ang mga nasa larawan? Sa palagay mo sa panahon ng Enhanced Community Quarantine
(ECQ) ano ang mas inisip ng mga taong ito, ang kanilang sarili o ang higit na nakararami?
Maaaring noong panahon ng ECQ at sa kasalukuyan, mayroon kang napansing pagbabago sa
iyong sarili. Maaaring nag-iba ang reaksyon mo sa mga nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita
tulad at mga isyung nangibabaw sa media noong panahon ng ECQ. Napansin mo rin na may pakialam
ka na sa nangyayari sa lipunan. Nakikilala mo na hindi ka lang nabubuhay para sa iyong sarili at para
sa iyong pamilya. Mayroon ka ng mas malawak na mundong iyong kinabibilangan at ikaw ay isang
mahalagang bahagi nito.
Sa dalawang taon mong pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon ka ng
pagkakataong masuri ang iyong pananagutan sa sarili at sa iyong kapuwa. Ngayong taon naman ay
mamumulat ang iyong mga mata sa lipunang iyong ginagalawan. Napag-aralan mo sa asignaturang
Araling Panlipunan ang maraming bagay tungkol sa lipunan, ang kahulugan nito, layunin at marami
pang iba. Mauunawaan mo ngayonang pagkakaiba at pagkakaugnay nito sa mga aralin sa Edukasyon
sa Pagpapakatao.

B. Paghahabi ng layunin sa aralin(Ano ang inaasahang Maipamalas Mo


Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang kahalagahan ng kabutihang panlahat lalo na sapanahon ng epidemya/pandemya
tulad ng nangyari sa COVID-19 pandemic,
2. Nkapagsusuri ng mga halimbawa ng kabutihang panlahat na naipakita noong panahon ng COVID-
19 pandemic, at
3. Nakagagawa ng proyekto o adbokasiya na makatutulong sa higit na nakararami bilang pagsunod
sa “New Normal” na pamumuhay.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Pagtuklas ng Dating Kaalaman)


Gawain 1:
Mulat ka ba sa nangyayari sa lipunan sa kasalukuyang panahon? Sa iyong kwaderno sumulat ng
iiiiiiipaglalarawan ng ating pamayanan/lipunan o bansa sa kasalukuyan o sa simula ng nagkaroon ng COVID-
iiiiiiii19. Maaaring gumamit ng malikhaing paraan sa paglalarawan:tula, awitin, sanaysay, pinta at iba pa.
Mga Gabay na Tanong sa Gawain 1:
1. Paano mo inilarawan ang ating lipunan sa kasalukuyan?

Page 2 of 9
2. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang gawain? Bakit?

3. Noong panahon na laganap ang COVID-19, ano ang iyong ipinagdasal para sa ating bansa/sa iyong
pamayanan?

Gawain 2
Maaaring ang isa sa mga ipinagdasal mo noong panahon ng COVID-19 ay magkaroon ng isang ligtas at
mapayapang lipunan.
Panuto:
1. Sumulat ng isang paglalarawan ng isang ligtas at matiwasay na lipunan na iyong ipinagdarasal na
makamit.
2. Kung isusulat natin ang recipe para sa ligtas at matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at
paano kaya ito makakamit? (Siguradong nakakita ka nang recipe para sa pagluluto ng isang pagkain.
Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito. Nakasulat din ang malinaw na
detalye ng paraan ng pagluluto nito).
3. Bumuo ka ng Recipe Para sa isang Ligtas at Matiwasay na Lipunan.
Narito ang nilalaman nito.
 Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan
 Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo, at iba pa na
kakatawan ng mga elemento ng lipunan.
 Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay. (Hal. Ilagay ang
katarungann sa isang malaking lalagyan at haluan ito ng pagmamhal. Matapos itong
mapagsama ay budburan ito ng bukas na komunikasyon.)
Recipe Para sa isang Ligtas at Matiwasay
na Lipunan.

Page 3 of 9
Mga Gabay na Tanong sa Gawain 2:
1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain?
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa at pamamaraan ng pagkakaroon ng matiwasay na lipunan?
Ipaliwanag!
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
(Integration of COVID-19)
Gawain 3: Pagsusuri ng Video o Pag iinterbyu sa Kapamilya

Panoorin ang video “Lockdown nga ba ang kailangan sa epidemic?” sa youtube, gamitin mo ang link
http://youtube.com/watch?v=MtRRly9Bs_A kung mayroon kayong internet.

Kung wala kang internet, maaaring tanungin ang magulang o miyembro ng pamilya kung ano ang alam
nila tungkol sa lockdown. Isulat ang kasagutan sa iyong journal o kwaderno.

Mga Gabay na Tanong para sa Gawain 3:

1. Tungkol saan ang video? Ano ang mensahe nito? _______________________________________


2. Bakit kailangang gawin ang lockdown at Enhanced Community Quarantine (ECQ)?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Ano ang epekto ng lockdown o ECQ lalo na sa mga:
a. arawan ang sweldo,_______________________________________________________________
b. naghahanapbuhay sa mga pribadong kumpanya,________________________________________
c. mga may maliit na negosyo na may empleyado, ________________________________________
d. may mga sariling negosyo (self-employed). ____________________________________________
4. Bakit kailangang isakripisyo ang pampublikong transportansyon, pagtitipon (civic and religious) at
paghahanapbuhay ng mga tao?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Ano ang isinaalang-alang ng pamahalaan sa paglulunsad ng lockdown o ECQ sa pagpapalawig
(extend) nito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
6. Ano ang pangkalahatang epekto ng ECQ sa ating
lipunan?___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Paglinang ng Kaalaman,


Kakayahan at Pag-unawa)
Gawain 4
Tiyak kong naririnig mo palagi ang sumusunod na ahensya noong laganap ang COVID-19. Sa pagkakataong
ito ituon mo ang iyong pansin sa mga ito: DOH, DSWD, DILG, DOLE, IATF, at PNP.
Page 4 of 9
Panuto:
1. Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat departamentong nabanggit na gumanap ng malaking
papel noong panahon na laganap ang COVID-19 sa ating bansa.
Departamento Paglalarawan
DOH
DSWD
DILG
DOLE
IATF
PNP

2. Magsagawa ng pananaliksik mula sa internet, panayam sa magulang o miyembro ng tahanan o mga


natandaan mong na balita upang matukoy ang mga sumusunod:
a. Ano ang naging layunin ng bawat departamento noong panahon ng COVID-19?
_____________________________________________________________________________
b. Ano ang naging kontribusyon nila sa lipunan? ________________________________________
c. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan? _______________________________
d. Ano ang kasalukuyang papel na ginagampanan ng mga departamentong ito sa pagpapatupad ng
“New Normal” na pamumuhay? _____________________________________________________
e. Mayroon bang naging impluwensya sa mga mamamayan ang mga naitulong o naimbag nila sa
naging sitwasyon natin noon at sa kasalukuyan? Ano-ano ang mga ito.
_______________________________________________________________________________
3. Gumawa ng isang komprehensibong ulat tungkol dito o isang dokumentaryo na maaaring i-post sa
social networking sites. (Siguraduhin na na-check ng iyong guro ang iyong ginawa bago ito i-post.)

Mga Gabay na Tanong sa Gawain 4:


Matapos maisagawa ang kabuuang proseso ay sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang naitulong ng mga ahensya ng lipunan na nabanggit sa pagkamit ng layunin ng
lipunan/pamahalaan noong panahon ng COVID-19? ________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Ano ang magaganap kung hindi matutupad ng mga ahensyang ito ang kanilang tungkulin noong
panahon ng COVID-19? _____________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Paano matitiyak na nakatutulong ang lahat ng ahensyang ito upang gawing ligtas at matiwasay ang
lipunan? ___________________________________________________________________________
4. Kung magkakaroon ng layunin sa kasalukuyan ang lahat ng mga ahensya na nabanggit, ano kaya ang
layuning ito? _______________________________________________________________________
5. Maliban sa mga ahensyang nabanggit, may ibang sektor pa ba sa lipunan ang tumulong noong
panahon ng COVID-19? Sino-sino ang mga ito at ano ang kanilang mga naitulong?
__________________________________________________________________________________

F. Paglinang ng Kabihasnan (Pagpapalalim)

Basahin ang talakayan tungkol sa Kabutihang Panlahat sa sanaysay sa ibaba:

“Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang.” Kinakailangan ng taong
makibahagi at mamuhay sa lipunan. Isa ito sa itinalagang likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na
Batas. Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na
nagangahulugang pangkat. Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o layunin.
Madalas na ginagamit ang salitang komunidad upang tukuyin ang lipunan. Ang salitang komunidad ay galing
sa Latin na communis na nangangahulugang common o magkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng
mga indibidwal na nagkakapareho ng interes, ugali, o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar.
Sa isang komunidad, mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi.
Page 5 of 9
Mulat tayo sa isang mundo na KApatid, KAmag-anak, KAklase, KAbabayan, at marami pang ibang kasama
na ngayon sa lipunang ating ginagalawan. Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na “The Person
and the Common Good” (1966), hahanapin talaga ng tao na mamuhay sa lipunan sa dalawang mahalagang
dahilan. Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o ganap at dahil likas para sa kanya
ang magbahagi sa kanyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal. Pangalawa, ginusto ng taong mamuhay sa
lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan. Mahalaga ring
makipag-ugnayan siya sa kaniyang kapuwa upang matugunan ang pangangailangang ito at mapunuan ang
kaniyang kakulangan. Hindi makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan kung hindi matutugunan ng lipunan
ang kaniyang mga pangangailangan.

Ayon kay Sto. Tomas Aquinas, may akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan lamang ng
lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkalikha. Mahalaga sa pagpapakatao ang pagkalikha ng
tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan (Dy, 1994). Malaki
ang nagagawa ng lipunan sa paghubog ng iyong pagkatao. Mayroon itong impluwensya sa paraan ng iyong
pag-iisip at pagkilos. Lahat ng iyong iniisip, nararamdaman, sinasabi, at ginagawa ay naiimpluwensyahan ng
lipunan na iyong kinabibilangan.

Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit, ang tumulong at
matulungan sa panahon ng pangangailangan. Naipakikita ang pagmamalasakit na ito sa pagdamay at bukas-
palad na pagtulong sa kapuwa nang walang hinhintay na kapalit. Maraming pagkakataon na atin itong nakita
sa panahon na tayo ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na napakaraming tao ang nag-
abot ng kanilang tulong sa mga taong nangangailangan. Bumuhos ang tulong sa mga frontliners natin sa mga
ospital at kapulisan na nagbabantay sa mga checkpoint. May mga indibidwal, grupo at organisasyon na
tumulong sa mga kababayan natin na nawalan ng pagkakakitaan. Naryan din ang tulong at ayuda na
nanggaling sa ating pamahalaan. Dahil dito, umusbong ang pagtitiwala sa kapuwa na siyang dahilan ng sama-
samang pagkilos tungo sa isang mithiin. Nangibabaw sa pagkakataong ganito na hindi lamang ang personal
na kabutihan ng indibidwal ang nilalayon ng lipunan kundi ang kabutihang panlahat. Ang kabutihang panlahat
ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa
pansariling kapakanan. Ang tunguhin ng lipunan ay hindi ang kabutihan lamang ng indibidwal o ang koleksyon
ng indibidwal na kabutihan ng mga taong bumubuo nito. Kapag ganito ang paniniwalang mangingibabaw,
patuloy na maibibigyan ng laya ang mga malalakas na apihin ang mga mahihina. Ang tunay na tunguhin ng
lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito. Kaya
siansabing may kaugnayan ang tao at ang kabutihang panlahat dahil ang kabutihang panlahat ay tinatanggap
ng bawat indibidwal na sumasalamin sa kabuuan.

May pagkakaiba ang kabutihan ng nakararami sa kabutihang panlahat. Ang pag-iral ng nakararami ay
nanatiling nag-iiwan ng ilang kasapi ng hindi makatanggap ng kabutihan. Ang isakripisyo ang buhay ng isang
pasyente upang subukan ang gamot o vaccine na maaaring makatulong sa mga taong may karamdamang
hindi pa natutuklasan ang lunas tulad ng COVID-19 ay maaaring katanggap-tanggap kung paiiralin ang
kabutihan ng nakararami. Ngunit ito ay nagiging kabutihang panlahat kung kusang –loob na inialay ng
pasyente ang kanyang buhay para sa kagalingan ng lahat ng may sakit at sa mga taong posible pang dapuan
nito sa matagal na panahon. Ngunit hindi nangangahulugang magkahiwalay ang personal na kabutihan sa
kabutihang panlahat. Ipinaliwanag ni Sto.Tomas Aquinas na ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa
tunguhin ng bawat indibidwal. Nangangahulugan itong tugma ang personal na kabutihan sa kabutihang
panlahat. Ibig sabihin, hindi dapat ihiwalay ng tao ang kani-kanilang sarili sa paghahanap ng makabubuti sa
bawat isa sa kanila kundi sa ang magtipon-tipon upang hanapin ang kabutihang panlahat na magkakasama.
Sa analogong ito, ang pag-asam ng pagkakaroon ng malusog na puso o baga, ay makakamit sa pagiging
bahagi nito sa katawan subalit hindi kailangang ihiwalay ang bahaging ito ng katawan upang makamit ang

Page 6 of 9
layuning ito. Kailangan lamang na tugma ang layunin ng bawat bahagi ng katawan sa buong katawan at ito ay
ang kalusugan. Kailangang nakakabit ang bawat bahagi ng katawan sa buong katawan upang makamit ang
layuning ito.

Nangangahulugan ito na makakamit ng tao ang kanyang personal na kabutihan sa pagiging bahagi ng
lipunan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Pagsasabuhay)


Gawain 5
Sumulat ng aktwal na ginawa noong panahon ng COVID-19 na nagpakita ka ng pagmamalasakit at
pagtulong sa panahon ng pangangailangan. Magtala rin ng mga isinagawang pagsasakripisyo ng sariling
kagustuhan at kabutihan para manguna at mangibabaw ang kabutihang panlahat.

Gawain sa Panahon ng COVID-19

Sakripisyo Ng Sariling Kagustuhan Para Sa Kabutihang Panlahat

Kung sa panahong iyon ay wala kang nagawa, hindi pa huli ang lahat. Ngayong ipinaiiral ang mga
patakaran sa “New Normal” na pamumuhay, ano ang handa mong gawin para sa iba at para sa kabutihan ng
nakararami. Isulat ang mga ito sa iyong kwaderno.

H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)


Batay sa napag-aralan. Buuin ang konsepto ng aralin.
Page 7 of 9
1. Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat?
_________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?
_________________________________________________________________________________

I. Pagtataya ng Aralin ( Pagganap/Pagninilay)

Pagnilayan muli ang iyong ginawa o ipinatupad ng mga ahensya noong panahon ng ECQ.
Mahalagang magamit ang mga konseptong natutuhan sa modyul na ito upang maisakatuparan ang
gawaing ito. Magsuri sa mga sitwasyon noong lockdown at ECQ kung saan (1) nangibabaw ang kabutihang
panlahat at (2) mas nangibabaw mo ang kabutihan ng sarili o ng iilan kaysa sa kabutihang panlahat.
Ilista ito gamit ang pormat sa ibaba:
Mga Pagkakataong
Naging bunga nito sa
nangibabaw ang kabutihang Naging bunga sa sarili
pamayanan/bansa
panlahat

Mga pagkakataon na
nangibabaw ang kabutihang Naging bunga nito sa iba Naging bunga sa sarili
pansarili

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin

Sa tulong ng miyembro ng iyong pamilya gumawa ng isang quilt-ang pinagsama-samang piraso ng tela na
pinagdugtong-dugtong sa pamamagitan ng pagtatahi
Panuto:
1. Mag-isip ng mahalagang sangkap na kinakailangan upang matiyak ang pagkamit ng layunin ng iba’t
ibang ahensya para malampasan ang sitwasyon natin sa kasalukuyan. Maaring amgbahagi din ang
miembro ng iyong pamilya o ang iyong mga kaibigan.
2. Pagkatapos mong makuha/mailista ang mga sangkap, Ilagay ang bawat isa sa isang piraso ng telang
may sukat na 1x1 na talampakan. Gumamit ng kahit na anog klase ng tela (kahit lumang tela) o kung
anumang kulay.
3. Mag-isip ng isang simbulo na kumakatawan sa bawat sangkap. Iguhit ang simbolo sa telang gagamitin.
4. Matapos ang pagdidisenyo sa mga piraso ng tela, sa tulong ng iyong pamilya pagdugtong-dugtungin
ang mga ito upang mabuo ang quilt. Maaari rin gumamit ng print-out kung kayo ay may internet,
computer at printer. Maaari ring gumuhit sa mga pirasong papel at ito ang pagdugtong-dugtungin
upang gawing quilt kung walang computer at printer.

Page 8 of 9
5. Maaaring isabit sa labas ng bahay o sa bulletin board ng barangay ang iyong ginawa upang maipakita
sa lahat ang mahalagang mensaheng inihahatid nito.

Prepared by:

MICHAEL REY M. VALERIO, LPT

Subject Teacher

Noted:

JERAME N. GAMBOA, Ed.D.

Principal, Laboratory High School

Page 9 of 9

You might also like