You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang

Unang Markahan – Modyul 1: Ang Tao, Ang Lipunan at Ang Kabutihang


Panlahat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Joel V. Rafal
Editor: Leilani C. Lucero at Victor M. Javeña, Ed.D.
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, PhD.
Tagaguhit: Joel V. Rafal
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Edukasyon sa
Pagpapakatao
9
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Ang Tao, Ang Lipunan at Ang
Kabutihang Panlahat
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng
Modyul para sa araling Ang Tao, Ang Lipunan at Ang Kabutihang Panlahat !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul ukol sa


Ang Tao, Ang Lipunan at Ang Kabutihang Panlahat!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat (EsP9PLIa-1.1)

Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin, inaasahang maipamamalas ng mag-aaral ang sumusunod:
A. natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat;
B. naipaliliwanag na:
1. ang tao ay panlipunang nilalang kaya likas sa kanya ang makibahagi
at mamuhay sa lipunan; at
2. ang (a) paggalang sa indibidwal na tao, (b) ang tawag ng katarungan o
kapakanang panlipunan ng pangkat, at (c) kapayapaan ay mga
elemento ng kabutihang panlahat na magdudulot ng maayos at
matatag na lipunan; at
C. nakagagawa ng mga kilos na naaayon sa mga elemento ng kabutihang
panlahat

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang inyong sagot.

1. Sa kabutihang nakararami, malaking bilang ng tao ang hindi nakatatanggap


ng kabutihan. Tama o mali ang pahayag?
__________________________________________________________________________
2. Ano ang resulta ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan?
__________________________________________________________________________
3. Ano ang pagkakaunawa mo sa kasabihang “no man is an island”?
__________________________________________________________________________
4. Bakit kailangan ng tao ang lipunan?
__________________________________________________________________________
5. Sa panahon ng pandemya, at kailangan ng tao na lumabas, ano ang
praktikal na maaari niyang gawin upang maisaalang-alang ang kabutihang
panlahat?
___________________________________________________________________________
BALIK-ARAL

Marahil napag-aralan mo na ang konsepto ng lipunan sa ibang baitang at sa


ibang asignatura. Ano ang naaalala mo tungkol sa lipunan? Magbalik aral tayo!
Panuto: Punan ang mga nawawalang letra upang matukoy ang mahahalagang
elemento ng lipunan [CITATION KAn17 \l 13321 ].

P   G K   K   T   L   D A T P   G K   K   I B  
(Ang pagiging ganito ng mga tao ang dahilan ng dibisyon sa paggawa)

P   G K   K     G N   Y -   G N   Y
(May kinalaman ang mga trabaho ng tao sa bawat isa)

K     P E R   S Y   N
(Hindi iiral ang lipunan kung wala nito)

ARALIN

Ngayong nasa baitang 9 ka na, pag-aaralan pa natin ng mas mabuti ang


lipunan at layunin nito. Simulan natin sa unang gawain.

Panuto:
1. Punan ang venn diagram ng iyong mga sagot.
2. Sa unang bilog, magtala ng mga natatamasang kabutihan para sa iyong
sarili.
3. Sa ikalawang bilog, magtala ng mga natatamasang kabutihan para sa iyong
pamilya, kaibigan at mga kapitbahay.
4. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Kabutihan
Kabutihan
sa pamilya,
sa sarili
kaibigan at
kapitbahay
Pagsusuri:
1. Ano ang napuna mo sa mga nakatala sa bawat bilog?
___________________________________________________________________________
2. Anong mga kabutihan ang natatamasa mo na natatamasa din ng iba? Isulat
mo ang mga ito sa gitnang bahagi.
3. Para sa mga kabutihang nakatala sa gitna, ang mga ito ba ay nagpapakita
ng sumusunod? Ipaliwanag ang sagot.
a. paggalang sa dignidad __________________________________________________
b. nagpapaunlad sa lahat _________________________________________________
c. nagdudulot ng kaayusan _______________________________________________
4. Alin pangkat ng kabutihan ang pinakamahirap makamit? Bakit?
___________________________________________________________________
5. Mula sa gawain, ano ang nabuong kahulugan sa iyo ng kabutihang
panlahat?
___________________________________________________________________________
6. Bakit kailangan ng tao makibahagi at mamuhay sa lipunan?
___________________________________________________________________________

Pagpapalalim

Ang Tao, Ang Lipunan at Ang Kabutihang Panlahat

Narinig mo na ba ang matandang pahayag na “no man is an island” ng


makatang si Richard Donne [ CITATION Don47 \l 13321 ]? Sinasabi nito na ang tao ay
hindi mabubuhay ng mag-isa at kailangan niya ang lipunan. Para sa ating mga
Pilipino, may kasabihan tayo na katumbas nito, ang “walang sinuman ang
nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang namamatay para sa sarili
lamang”, na mula sa awiting “Pananagutan” na sinulat
ni Fr. Eduardo P. Hontiveros [ CITATION Con19 \l 13321 ]. ang tao ay isang
Mula naman sa Edukasyon sa Pagpapakatao baitang 9, panlipunang nilalang o
modyul para sa mag-aaral, sinasabi rito na ang tao ay social being kaya likas
isang panlipunang nilalang o social being kaya likas sa sa kaniya ang
kaniya ang makibahagi at mamuhay sa lipunan. makibahagi at
Sumasang-ayon ka ba rito? mamuhay sa lipunan

Bakit kailangan ng tao ang lipunan?

 Ang tao ay panlipunang nilalang. Ang mga gawain niya ay


may impluwensiya ng lipunan.
 Ang tao ay hindi perpekto o ganap at likas sa kaniya ang
magbahagi ng kaalaman at pagmamahal.
 Ang tao ay may mga pangangailangan o kakulangan mula sa
materyal na kalikasan.

Ano ba ang lipunan at ano ang layunin nito? Ang lipunan ay


mula sa salitang “lipon” na ang kahulugan ay pangkat. Nabubuo ang pangkat na
ito dahil sa iisang layunin o tunguhin. Ang layunin naman ng lipunan ay ang
kabutihang panlahat. Ang kabutihang panlahat ay ang kabutihang tinatanggap ng
bawat indibidwal na kasapi ng lipunan. Ito ay kabutihan para sa lipunan na
nararapat na bumalik para sa lahat ng miyembro nito.

Iba ang kabutihang panlahat sa kabutihan para sa nakararami at lalo na


iba sa kabutihang pansarili. Nagiging mahirap minsan abutin ang kabutihang
panlahat kaya mas pinipili na lang ang kabutihan ng nakararami ngunit, sa
kabutihang nakararami, mayroon pa rin maliit na bilang ng tao na hindi
nakatatanggap ng kabutihan. Kung lagi namang kabutihang pansarili ang iisipin,
magiging makasarili at hindi makatao ang isang indibidwal. Makatwiran ang
paghangad sa kabutihang pansarili basta ito ay tugma sa kabutihang panlahat.

Mayroong tatlong elemento ang kabutihang panlahat. Ang mga ito ay


magdudulot ng kaayusan at katatagan sa lipunan. Ang mga ito ay mula sa
Compendium of the Social Doctrine of the Church:

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Ang kabutihang panlahat ay


nagpapahalaga sa kalikasan ng tao. Hindi ito lubos na
iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang
dignidad ng tao. Kaya tungkulin ng bawat kasapi sa
lipunan, pati ang mga namumuno, na kilalanin, igalang,
protektahan ang karapatan at dignidad ng mga tao.
Bata man o matanda, mayaman o mahirap, may
kapansanan o wala, lahat ay may karapatan at dignidad.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng


pangkat. Ang kabuuang pokus ng panlipunang
tungkulin ng tao ay ang pag-unlad. Nararapat na
makamit ito ng lahat. Kung ang iilan lang ang
umuunlad sa lipunan, hindi nito tinutugunan ang tawag
ng katarungan.

3. Ang kapayapaan. Ito ay resulta ng pagkakaroon ng


katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan.
Kung may paggalang sa bawat indibidwal at umiiral ang
katarungan, magkakaroon ng kapayapaan. Natural lang
ang di-pagkakasunduan. Mahirap din minsan paboran
ang lahat kung kaya minsan ang pinapoboran ay ang
nakararami. Gayun pa man, dapat na dinadaan sa
maayos na usapan ang hindi napagkakasunduan.

Dahil panlipunang nilalang ang tao, nararapat na bigyan niya ng halaga ang
lipunan. Magiging maayos at matatag ang lipunan kung iiral ang kabutihang
panlahat. Upang umiral ito, nararapat na sikaping makamit ng bawat kasapi ng
lipunan ang mga elementong ito.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1

Panuto:

1. Sumulat ng isang kapana-panabik na pahayag na magbubuod sa iyong


natutuhan mula sa modyul na ito. Isulat sa loob ng kahon.
2. Maaari din na i-post sa iyong mga social media accounts ang pahayag na ito.

Gawain 2

Panuto:

1. Pagnilayan ang mga saloobin tungkol sa kabutihang panlahat sa ating


lipunan sa kasalukuyang panahon ng pandemya.
2. Isulat ang iyong pagninilay sa isang puting papel at isama sa pagpasa ng
modyul na ito.
3. Lagyan ng iyong pangalan, pangkat at baitang at ng sariling pamagat.

Gawain 3
Bilang patunay na natutuhan mo ang mahahalagang konsepto ng modyul na ito,
isabuhay mo ang mga ito.

Panuto:

1. Ngayong panahon ng pandemya, mag-isip ng tatlong mapanghamong gawain


na magpapakita ng tatlong elemento ng kabutihang panlahat.
2. Sa loob ng tatlong araw, gawin ito. Pagkatapos ay itala mo ang mga ito sa
tsart sa ibaba.
3. Ipaalam sa magulang ang mga gagawin.
4. Sagutin ang mga tanong.

Mga Elemento ng Kabutihang Mga Gawain


Panlahat

1. Paggalang sa indibidwal na Hal: Magsasaliksik ako ng mga artikulo


tao tungkol sa karapatan ng mga kabataan at
ibabahagi ko sa aking social media accounts
upang maging mulat din ang iba.
2. Tawag ng katarungan o
kapakanang panlipunan ng
pangkat
3. Kapayapaan

Mga Tanong:

Ano ang natutuhan mo sa karanasan mo sa tatlong gawaing ito?

_________________________________________________________________________

Ano ang naging reaksiyon ng magulang mo?

_________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita mula sa talaan upang
mabuo ang konsepto ng aralin.
1. Anong mahalagang konsepto ang makukuha mo mula sa graphic organizer
na ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto:
1. Mag-isip ng limang moral na pagpapahalaga na natutuhan mo mula sa
modyul.
2. Gumupit ng limang larawan (o magprint mula sa internet) ng nagsisimbolo
sa bawat moral na pagpapahalaga.
3. Idikit ang mga ito sa isang malinis na papel.
4. Lagyan ng paliwanag ang bawat larawan.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang lipunan?
A. Ito ay pangkat ng mga tao na may iisang layunin o tunguhin.
B. Ito ay mga tao na na handang sumunod na batas at pamahalaan.
C. Ito ay mga indibidwal na namumuhay nang maayos sa isang
pamayanan.
D. Ito ay mga miyembro ng isang samahan na pinaglalaban ang kanilang
karapatan.

2. Ano ang pokus ng panlipunang tungkulin ng tao na nararapat na makamit


ng bawat isa?
A. Pag-unlad B. Pagpapahalaga
C. Pagsunod sa batas D. Pakikipaglaban sa pamdemya

3. Ano ang kahulugan ng pahayag na “ang tao ay panlipunang nilalang”?


A. Ang tao ay bahagi ng lipunan.
B. Ang tao ay may panlipunang tungkulin.
C. Bumubuo ang tao ng pamilya mula lipunan.
D. Ang pakikibahagi at pamumuhay kasama ang kaniyang kapwa ay likas
sa tao.
4. Ano ang mangyayari kung ang kabutihang pansarili ay hindi naman tugma
sa kabutihang panlahat?
A. Uunlad ang bawat isang kasapi.
B. Magiging mabagal ang pag-unlad ng tao.
C. Titigil ang pagsunod ng mga tao sa batas.
D. Magkakaroon ng hindi pagkakasundo ang tao at ang lipunan.

5. Paano makatutulong ang hindi paglabas ng bahay sa kabutihang panlahat


sa panahon ng pandemya?
A. Nagiging mas kaunti ang polusyon sa pamayanan.
B. Nakatitipid ang bawat isa sa hindi paglabas ng bahay.
C. Mahihinto ang paglipat ng sakit dahil hindi dididikit ang tao sa isa’t isa
sa paglabas sa publiko.
D. Nababawasan ang mga gumagamit ng sasakyan na nagiging sanhi ng
malubhang trapik sa kalsada.
PAGWAWASTO
Paunang Pagsubok:

Kasanayan
(Batay sa
Tamang Sagot Paksa
Bloom’s
Taxonomy)
Kahulugan ng
1. Mali Pagtataya
kabutihang panlahat
Elemento ng kabutihang
2. Kapayapaan Kaalaman
panlahat
3. Ang tao ay hindi mabubuhay
Tao ay panlipunang
mag-isa dahil kailangan niya ang Pag-unawa
nilalang
kaniyang kapwa.
4. May mga pangangailangan
siya na tanging lipunan lang ang
Tao ay panlipunang
makapagbibigay. Ang lipunan Pagbubuo
nilalang
ang makabubuo sa kaniyang
kaganapan
5. Magsuot ng facemask at
Kabutihang Panlahat Paglalapat
panatiliin ang social distancing

Balik-aral
1. PAGKAKATULAD at PAGKAKAIBA (Ang pangunahing pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga tao ang bumubuo sa pinakahigit na panlipunang
institusyon – ang dibisyon ng paggawa)
2. PAGKAKAUGNAY-UGNAY (Magkakaiba man ang trabaho ng mga tao,
magkakaugnay naman ang mga ito)
3. KOOPERASYON (Hindi iiral ang lipunan kung wala nito)
Pagsasanay
Gawain 1:
1. ang tao ay panlipunang nilalang kaya likas sa kanya ang
makibahagi at mamuhay sa lipunan; at
2. ang (a) paggalang sa indibidwal na tao, (b) ang tawag ng
katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat, at (c)
kapayapaan ay mga elemento ng kabutihang panlahat na
magdudulot ng maayos at matatag na lipunan
Panapos na Pagsubok

Kasanayan (Batay sa
Tamang Sagot Paksa
Bloom’s Taxonomy)
1. A Kahulugan ng Lipunan Kaalaman
Elemento ng Kabutihang
2. A Kaalaman
Panlahat
Tao ay Panlipunan
3. D Pag-unawa
Nilalang
4. D Kabutihang Panlahat Pagbubuo
5. C Kabutihang Panlahat Pagbubuo
SANGGUNIAN
Anil Kumar, K. 2017. Concept-Of-Society-And-Culture-Mentors4IAS.pdf. Accessed
June 28, 2020. http://mentors4ias.com/wp-
content/uploads/2019/05/Concept-Of-Society-And-Culture-
Mentors4IAS.pdf.
Concepcion, Pocholo. 2019. "Pressreader." Concert to mark 50 yrs of Jesuit music
Philippine Daily Inquirer. July 12. Accessed July 28, 2020.
https://www.pressreader.com/philippines/philippine-daily-inquirer-
1109/20190712/281505047788296.
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa
Mag-aaral (Pasig City: Awtor, 2015), 41-44o-.
Roberts, Donald Ramsay. 1947. "The death wish of John Donne." PMLA, 62 (4) 958-
976. https://www.jstor.org/stable/459141.

You might also like