You are on page 1of 16

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung na Baitang Unang Markahan – Modyul 3: Mga

Angkop na Paggamit ng Isip at Kilos-loob Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na mayakda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.


Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Ivan Y. Arbuis
Editor: Edwin F. Gamba, Josephine Z. Macawile
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, PhD
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Raneth A. Yago (Technical)
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and OIC-
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Edukasyon sa
Pagpapakatao 10

10
Unang Markahan

Modyul para sa Sariling Pagkatuto


Mga Angk op na Paggamit ng Isip at Kilos-
loob
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Modyul
para sa araling Mga Angkop na Paggamit ng Isip at Kilos-loob.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul


sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul ukol sa Mga


Angkop na Paggamit ng Isip at Kilos-loob.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto
ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga
kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at
nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Napatunayan na ang isip at kilos-loob ay para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal
Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

A. natutukoy ang wastong paggamit ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon;


B. nababatid ang kahalagahan ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob sangayon
sa angkop na tunguhin nito; at
C. napatutunayan sa sarili ang angkop na gamit ng isip at kilos-loob.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ibinibigay ng isipan ang katuwiran upang maimpluwensiyahan ang

kilos-loob.
2. Pagmamahal ang nagtutulak sa tao upang siya ay tumulong at
maglingkod sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit.
3. Ang tunay na kalayaan ay nag-ugat sa
paghahanap at pagsasabuhay ng katotohanan.
4. Ang paggiging bulag ng isipan sa mga
pagpapahalaga ng kilos-loob ang siyang
nagtutulak sa tao na magmahal at maglingkod
sa kapwa.
5. Ang paghahanap sa katotohanan at paglilingkod ng may pagmamahal sa
kabutihan ang siyang tunay na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
BALIK -ARAL

I. PICTOWORD: Sa tulong ng mga larawan, isaayos ang mga halo-letra


upang mabuo ang mga salitang may kaugnayan sa mga araling
natalakay. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. P I S I

2. S O L I K - B O O L

A Y I S A P A P G A P
3.

4.
5.

C I M E D N A P
N A H I T U B A K
Nabatid mo sa mga
nakaraang aralin na bilang tao, ikaw ay nagtataglay ng isip at kilos-loob.
Natutuhan mo rin na dahil sa isip at kilos-loob kung kaya’t may kakayahan ang
tao na magpasya, kumilos, at tumugon sa isang kongkretong sitwasyon nang
naaayon sa sariling kagustuhan. Gayun paman dapat mo ring maunawaan na
lahat ng mga kaloob na ito ay nawawalan ng saysay kung ito ay hindi naisasagawa
nang naaangkop sa tunay na gamit at tunguhin nito.
Sa bahaging ito ay nais ko na mapatunayan sa iyong sarili kung ano ang
angkop na gamit ng isip at kilos-loob at ang kahalagahan nito sa pagtataguyod ng
kabutihang panlahat. Handa ka na ba para sa dagdag kaalaman? Kung ganun
simulan na natin ang panibagong aralin.

ARALIN
Mga Angkop na Paggamit ng Isip at Kilos-loob

Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing ito!

Panuto: Suriin ang mga larawan at itala sa kahon ang mga konseptong iyong
nabuo tungkol dito.

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
https://images.a
pp.goo.gl/9 https://images.app.goo.gl/
E3MK5t4W2ZjYRKG6 NwskWcNM3zh4kzbv5

Likas na naiiba ang tao sa hayop dahil ito ay nagtataglay ng isip at kilos
-loob.
Dahil sa mga katangiang taglay nito kung kaya’t ang mga kilos nito ay
inaasahang makatuwiran at naaayon sa katotohanan.

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
https://images.app.goo.gl ____________________________
https://images.app.goo. /q5hLYKYMGUeRPG9a6
gl/LA9oXhRxuJ4G5zw67

Ang tao ay likas na mabuti dahil sa ito ay umiiral na nagmamahal.Ang


kakayahan nitong magmahal ang nagtutulak sa kanya upang ito ay tumulong
at maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na kapalit.

Ikaw ay obra maestra ng Diyos kung kaya’t ikaw ay nagtataglay ng mga


kakayahang espesyal o pambihira. Ang taglay mo na isip at kilos-loob ang siyang
nagpapatingkad sa iyo bilang isang hiwalay na nilalang. Dahil sa isip (intellect) at
kilos-loob (will) kung kaya’t hindi kagaya ng hayop ay inaasahan ang pagiging
katangi-tangi ng iyong mga kilos sa lahat ng pagkakataon.

Ano angkop na paggamit ng isip at kilos-loob?

Tandaan:

• Dahil sa isip at kilos-loob kung kaya’t magagawa ng tao na pigilan


ang kanyang mga pandama at emosyon at mailagay ang mga ito sa
tamang direksyon
• Ibinibigay ng isipan ang kaalaman upang maimpluwensiyahan ang
kilos-loob. Kung kaya mahalagang malinang ang isipan upang ito
ay hindi maging bulag sa katotohanan.
• Ang pagiging bulag ng isipan sa katotohanan ay maaaring
magdulot ng mga kilos na hindi naaayon sa mga pagpapahalagang
moral.

• Kasabay ng pagpapaunlad ng isipan ay inaasahan rin ang


pagkatoto ng kilos-loob. Kung kaya’t habang lumalawak ang
kaalaman at karunungang natutuklasan ng isipan ay inaasahan
din na ito naipapamalas ng mapanagutan sa reyalidad ng buhay.

• Ang paghahanap sa katotohanan at maglingkod ng may pagmamahal at


pagpapahalaga sa kabutihan ang tunay na gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob.

MGA PAGSASANAY
Ngayon naman ay naiis kung suriiin mo ang mga sumusunod na kilos sa gitna ng
umiiral na Enhance Community Quaratine (ECQ) sa ating bansa dahilan sa
pandemyang COVID-19.

Gawain bilang 1:

Panuto: Markahan ng tsek () ang kahon kung angkop ang pagkakagamit ng isip at
kilos-loob sa ginawang kilos at ekis ((X) naman kung hindi. Sa ikatlong hanay
naman ilarawan kung Mabuti o Masama ang katangian ng ginawang kilos.

Mga

/X Mga Kilos sa Gitna ng Pagpapairal ng Enhanced Community Quarantine Katangian


ng
Kilos
1. Pananatili sa loob ng tahanan at pag-iwas sa publiko at matataong lugar.
2. Pagsisinungaling sa ginawang survey upang mapabilang sa Social Amelioration Program (SAP) ng
pamahalaan.
3. Pagsuot ng facemask sa tuwing lalabas para sa mga mahahalagang gawain.
4. Paggamit sa quarantine pass ng kaibigan para makalusot sa checkpoint.
5. Paggastos ng sariling allowance upang makapagbigay ng relief goods sa kapwa na labis naapektuhan
ng pandemya.
6. Pagtuligsa sa mabagal na proseso at hindi patas na pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan.
7. Pagboluntaryo sa mga isinasagawang relief operations ng lokal na pamahalaan.
8. Pag-post ng mga inspirational messages sa social media upang
palakasin ang loob ng mga kababayang labis na nalugmok dahil sa pandemya.
9. Pagtitinda online sa gitna ng umiiral na Enhanced Community
Quarantine.
10. Pakikipagsiksikan sa pila upang maunang makakuha ng relief goods na ipinamimigay ng
pamunuan ni Mayor Vico Sotto.

Pagsusuri:

Muling balikan at suriin ang iyong mga naging kasagutan sa talahanayan. Sagutin ang mga katanungan.
1. Ano ang napansin mo sa mga katangin ng mga kilos na may markang ekis at ano naman ang
katangian ng mga kilos na may markang tsek?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paano ma mailalarawan ang mga kilos na may mabuting bunga ang mga naging katangian?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, nagamit kaya ng wasto ang isip at kilos-loob sa mga kilos na may masamang
katangian?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Ano ang iyong napatunayan tungkol sa wastong paggamit ng isip at kilos-loob?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Sa paanong paraan mo nararapat gamitin ang iyong isip at kilos-loob?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain bilang 2:

Panuto: Punan ang Bulb Idea Concept Infographic ng mga salita o pahayag na iyong natutunan kaugnay
sa angkop na gamit ng isip at kilos-loob.
3

https://images.app.g
https://images.app.goo.gl/6vDT1fjPyTDL6EAb6

Gawain bilang 3

Panuto: Punan ang 5 Whys Infographic ng mga salita o pahayag tungkol sa kahalagahan ng wastong
paggamit ng isip at kilos-loob.
__________________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

PAGPAPAHALAGA
Matapos talakayin ang aralin, ano ang iyong napatunayan tungkol sa kahalagahan ng wastong
paggamit ng isip at kilo-loob? Isulat ang iyong kasagutan sa nakalaang espasyo sa pamamagitan
ng isang malikhaing pahayag.

Halimbawa:

Katotohanan at kabutihan ay masusumpungan;


Wastong paggamit ng Isip at kilos-loob ang kailanagan;
Kaloob na talino’t kalayaan sa pagmamahal at paglilingkod lang dapat ilaan

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawaan ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Alin ang nag-uudyok sa tao upang siya ay maglingkod at tumulong sa kapwa?


A. Konsensiya C. Pagmamahal
B. Malasakit D. Pananampalataya
2. Alin ang tumutukoy sa kahulugan ng pahayag na, “Ibinibigay ng isipan ang katuwiran
bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob”? A. Magkaugnay
ang isip at kilos-loob
B. Mahalaga ang isip kaysa kilos-loob
C. Makapangyarihan ang isip kaysa kilos-loob.
D. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob.
3. Analohiya: Isip: Katotohanan, Kilos-loob: ______________________
A. Kabutihan C. Katuwiran
B. Kamalayan D. Karunungan
4. Alin sa mga kilos ang hindi nagpapakita ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob?
A. Si Erwin na ginamit ang kanyang allowance upang makapagbigay ng relief goods sa mga
nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang COVID-19.
B. Si Nurse Charie na patuloy na inalagaan ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID sa
kabila na maaari siyang mahawaan nito.
C. Si Mang Rudy na ibinalik ang walong libong natanggap na SAP dahil una ng
nakatanggap ito.
D. Si Carlo na hiniram ang quarantine pass ng kanyang kuya upang makalusot sa
checkpoint.
5. Sa paanong paraan mo maipapakita ang wastong paggamit ng isip at kilos-loob?
A. Maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon.
B. Maging mapanuri at mapili sa mga taong pakikisamahan.
C. Alamin ang katotohanan at maglingkod ng may pagmamahal sa kabutihan.
D. Maging bukas ang isipan at sumabay sa mga nagaganap na pagbabago sa kapaligiran.
SUSI SA PAGWAWASTO

5. Tama 5. A
5. Kabutihan 4. Mali 4. D
4. Pandemic 3. Tama 3. A
3. Pagpapasiya 2. Tama 2. A
2. Kilos -loob 1. Tama 1. C
1. Isip Pagsusulit Pagsusulit
Balik aral Panimulang Panapo s na

Sanggunian
A. Aklat
Constantina S. Arrogante; Carmen M. Cotabato; Nenita I De Vega; Amelia E. Punzalan, Ph. D.; Dolores S.
Quiambao; at Veronoca E. Rameriz, Ph. D., SeryeNG K to 12, Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung
Baitang, Espesyal na Edisyon 2013, Vibal Publishing House Inc., Araneta Avenue, Quezon City,
Philippines

B. Pampamahalaang Publikasyon
Kagawaran ng Edukasyon, Ekasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul Para sa Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon K to 12 Gabay Pangkurikulum (EsP10MP -Ib-1.3)
C. Online o Elektronikong Pinagmulan
https://images.app.goo.gl/AuU6xmUnfiCmuXDTA
https://images.app.goo.gl/VptTczByq68g3yaf8
https://images.app.goo.gl/V4wnGQbTgARV2qqj7
https://images.app.goo.gl/hxL7EeLEWEmNzPh29
https://images.app.goo.gl/7GBRvfv8FJ26uPQT8
https://images.app.goo.gl/NUEDRE51mskyRz1e9
https://images.app.goo.gl/ngRvMf7zvHN7ZLtJ6
https://images.app.goo.gl/G1Veg3E1uFG7yu378
https://images.app.goo.gl/sn7a4PC4sSK1CuYX9
https://images.app.goo.gl/UgAp2BK5Yud7ri2D7
https://images.app.goo.gl/1tjpfcPaDzKAUcDh7
https://images.app.goo.gl/ZDSzqbxEfcy3qiZDA
https://images.app.goo.gl/9E3MK5t4W2ZjYRKG6
https://images.app.goo.gl/NwskWcNM3zh4kzbv5
https://images.app.goo.gl/LA9oXhRxuJ4G5zw67
https://images.app.goo.gl/q5hLYKYMGUeRPG9a6
https://www.vhv.rs/viewpic/iibwJix_human-brain-clip-art-simple-human-
braindrawing/# https://images.app.goo.gl/WNL7BWys5rWmvCMx9
https://images.app.goo.gl/6vDT1fjPyTDL6EAb6

You might also like