You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
UnangMarkahan-Modyul 6 (Week 6)
Ang Tunay na Kalayaan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Ang Tunay na Kalayaan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Irene Mae G. Getutua
Editor’s Name: Czarina Ritzko J. Sagarino Fe M. Gultiano Earl Adrian C. Cejas
Reviewer’s Name: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Illustrator’s Name:
Layout Artist Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Management Team:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold Cardente
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagarawan ng Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan
Modyul 6
Ang Tunay na Kalayaan

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Tunay na Kalayaan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Malugod na pagbati sa pag-abot mo sa modyul na ito! Tara! At ating aalamin
ang Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Tunay na Kalayaan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


Alamin modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


Subukin aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa na unang leksyon.

ii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
Tuklasin paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin


Suriin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
Isaisip pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin


Isagawa ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong Gawain upang


Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa


Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong saIkasampung Baitang!
Sa modyul 3, napag-alaman mo na ang konsensiya ay isang kilos ng isip na nag-
uutos o naghuhusga sa mabuting dapat gawin o masamang dapat iwasan. Tinutukoy din
ng konsensiya ang kabutihan at kasamaan ng kilos. Dahil dito mas maging mapanuri at
maingat na naitataya mo ang kilos at pasiya sa pang-araw-araw na gawain.
“Ang Kalayaan ay tunay, pag-isipan nang mabuti bago ikilos.” Dahil sa ating pagiging
malaya, nakakamit ng tao ang kagustuhan nito. Bagkus ito ang paraan upang mas higit
namalaya ang tao sa mga pagsubok na naranasan. Ngunit sa iyong pagiging malaya,
naiimpluwensyahan ang iyong pansariling kasiyahan sa mga nakikita at nadidinig mo
sapagkat ito ang paraan upang mas lalo mong mamahalin ang iyong sarili. Ngunit
napagnilayahan mo ba ang iyong kilos? Pinag-isipan mo ba ang iyong kilos ng kalayaan sa
lahat ng oras?
Layunin ng modyul na ito, na mas higit mong maunawaan na ang kalayaan ay hindi
lamang sa sarili, na ang kalayaan ay tunay na makakamit kapag iniisip at ikinikilos mo nang
may pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.

Gawain ng Tao
Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan,
at pag-unawa:
1. Nalalaman ang angkop natunay na kalayaansa kilos ng tao.
2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na
kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
(ESP10 MP-Ie-3.4)
3. Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang tumugon sa tawag ng pagmamahal
at paglilingkod. (ESP10 MP-Ie-3.3)

1
Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang hinihingi
ng tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

“Higit na nagiging Malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay
na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.”
Katanungan mula sa 1 at 2.
1. Ano ang mensahe nito?
A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
B. Ang pagiging Malaya ay nakabatay sa kilos-loob ng tao.
C. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
D. Ikaw ay Malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod.
2. Ano ang tinutukoy na mabuti?
A. Ang pagkakaroon ng kalayaan.
B. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
C. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti.
D. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Si Vincent ay maagang natulog dahil magkakaroon ng pagsusulit bukas.
B. Ibinahagi ni Kate ang kanyang pagkain sa kanyang kaklase na wala pang kain.
C. Maaagang pumunta si Eudora sa sipermaret upang bumili ng mga kinakialangan sa
bahay.
D. Hindi makapasok si James sa bahay dahil ginabihan sa pag-uwi.
4. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas,
katamaran, at iba pang negatibong-ugali?
A. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
B. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
C. Na-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
D. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong pag-uugali.
5. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Gustong pumunta ni Gia sa party kahit hating gabi.
B. Kahit pagod na galing sa trabaho si Celio ay sinamahan pa rin niyaang kaniyang
kapitbahay na isinugod sa ospital.
C. Inamin ni Rose ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush.
D. Nagagawa ni Claude ang mamasyal kasama ang kanyang mga kaibigan.
6. Base sa iyong nalalaman, alin dito ang kahulugan ng freedom from?
A. Ang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais.
B. Ang paglilingkod sa kapuwa nang walang hinihinging kapalit.
C. Ang Makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili.
D. Ang pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya.
7. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon
sa sitwasyon. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa.
B. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.

2
C. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng
tao.
D. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.
8. Base sa iyong nalalaman, alin dito ang kahulugan ng freedom for?
A. Ang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais.
B. Ang paglilingkod sa kapuwa nang walang hinihinging kapalit.
C. Ang makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili.
D. Ang pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya.
9. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
A. Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo
ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo.
B. Para maging Malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon
sa pangangailangan ng sitwasyon.
C. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya angnais na walang
nakahahadlang nito.
D. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay
sa kaniya ang kalayaan.
10. Alin dito ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Lumabas sa klase si Clarence nang walang paalam sa kanyang guro.
B. Nilinisan ni Maria ang upuan ng kanyang kaklase.
C. Maagang ipinasa ni Jude ang proyekto ng ESP sa kanyang guro.
D. Nagagawa ni cherry ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.

Aralin
Ang Tunay na Kalayaan: Tumugon sa
6 Tawag ng Pagmamahal at Paglilingkod
Isang maligayang pagtuntong mo sa ikasampung Baitang!
“Ang Kalayaan ay nakakamit higit nino man.” Natutunan mo na ang kalayaan ay
kaakibat sa lahat ng kilos. Bahagi ito sa iyong pagpapasiya at humubog sa iyo bilang isang
ganap na tao. Ngunit napagnilayan mo ba ang iyong kilos sa lahat ng aspeto? Iniisip mo ba
ang kapakanan ng kapuwa higit pa sa sarili? O uunahin ang sarili bago ang kapuwa?
Sa bahaging ito mas higit mong maunawaan na ang kalayaan ay hindi lamang sa
sarili, na ang kalayaan ay tunay na makakamit kapag iniisip at ikinikilos mo nang may
pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.

Balikan
Panuto: Ating balikan ang nakaraang paksa upang mas lalong maunawaan ang
pagkakaugnay ng modyul na ito. Basahin at suriing mabuti ang mga katangungan ng bawat
aytem. Isulat lamang ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Ano ang karaniwang katuturan ng kalayaan?
2. Ano ang responsibilidad o pananagutan ng kalayaan?
3
3. Paano nauugnay ang kalayaan sa pananagutan?
4. Ano ang ibig sabihin ng Kalayaan ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
5. Bakit sinasabi na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay nagmumula sa loob?

Tuklasin
Gawain 1 “Suriin mo , Check Ko ”
PANUTO: Tukuyin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay kalayaan na nagpapakitang kilos
sa sarili o kalayaan na nagpapakita ng paglilingkod sa kapuwa. Lagyan ng tsek kung sa
tingin mo ay naaayon sa sitwasyon bawat aytem.
Mga Sitwasyon Kalayaan na nag Kalayaan na
papakita ng kilos sa nagpapakita ng
sarili palilingkod sa kapuwa
1. Naglalagay si Ana ng make-up sa mukha
habang nasa loob ng klase.
2. Hindi mahiyain si Jorge kaya nasasabi niya
ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
3. Alam ni Kris na may pagsusulit mamayang
hapon pero imbis na magreview ay tinulungan
niya ang kaniyang ina na magbuhat ng mga
paninda.
4. Hindi mo nauunawaan ang panuto na isinulat
ng iyong guro kaya nilapitan mo ang guro at
masinsinang sinabi ito sa kaniya.
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang pagkakaiba ng sitwasyon bilang 1 at 2 sa sitwasyon bilang 3 at 4?
Ipaliwanag. ____________________________________________________________
2. Nasusuri mo ba ang kalayaan sa bawat sitwasyon? Alin dito ang nagpapakita ng
kalayaan sa sariling kagustuhan? __________________________________________
3. Nakakamit ba ng bawat sitwasyon ang tunay na kahulugan ng kalayaan? ___________

Gawain 2: “I Heart You Po!”

Panuto: Gumuhit ng hugis puso sa patlang kung sa tingin mo ay nagpapakita ng


kabutihan para sa kapuwa at ekis naman kung hindi.
____1. Binigyan ng tulong ni Mang Tomas ang mga pamilyang biktima ng pandemya.
____2. Si Reymond ay umuwi nang walang paalam kahit oras ng paglilinis sa silid-aralan.
____3. Masinsinang sinabi ni Jorge sa kaniyang kaklase ang sagot ng kanilang
pagsusulit.
____4. Ang pagpasok nang maaga sa paaralan.
____5. Ang pagsali ng grupo ng mga aktibista.
____6. Nagtampo ni Manita dahil hindi bilinili ang liptint na gusto niya.
____7. Si Kent ay nagwawalis sa loob ng paaralan.
____8. Tinulungan ni Rosemarie ang isang Ginang na may maraming dalang gamit.
____9. Dahil nag-iisa sa bahay si Patricia nagyaya siya na makipag-inuman sa kanyang
mga kaibigan sa kabila ng striktong patakaran ng lugar dulot ng pandemya.
____10. Tinulungan niJorge ang isang bata na walang pambiling pagkain.
4
Mga Tanong:
1. Ano ang iyong natuklasan tungkol samga sitwasyon sa itaas? May pagkakatulad
ba ang mga kilos na ipinakita sa mga sitwsayon sa iyong pang araw-araw na
gawain?
2. Alin ang sitwasyon na nagpapakita ng mabuting kilos? Masasabi mo ba na ang
kabutihan ay ang pagkamit ng tunay na kalayaan? Ipaliwanag.
3. Makatutulong ba sa tao na pagnilayan ang kaniyang kilos upang makamit ang
tunay na kalayaan? Ipaliwanag.

Suriin
Pick me a Picture!
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Punan ng salitang pick ang patlangna iyong
pinili. Dapat pumili lamang ng isa. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba pagkatapos.

1. Pag-aalaga ng mga pananim. _______ 2. Pakikinig sa Klase. _____________


_________________________________ _______________________________

3. Sundalong nakikipagbakbakan. _______


___________________________________
__
http://www.getrealphilippines.com/2018/08/few-if-
any-filipino-national-heroes-are-soldiers

Mga Tanong:
1. Bakit iyan ang napili mo sa tatlong mga larawan?
2. Sa ikatlong larawan sa itaas, nakakamit ba nila ang tunay na kalayaan?
3. Para sa iyo, bakit mahalagang pag-aralan ang Tunay na Kalayaan?

5
Pagyamanin
Tunay na Tulay.
Panuto: Bilang isang tao, madali sa atin mamili lalo na kapag ito ay nagpapaligaya sa atin.
Sa aktibidad na ito susuriin kung saan patungo ang pasiya at kilos mo. Gamit ang tulay,
pag-isipan kung alin sa dalawa ang iyong pipiliin. Isulat ang letra sabilog.

Paglalaan ng oras Paglilingkod sa


para sa pansariling Ikaw kapuwa nang
kagustuhan walang hinihinging
sapagkat ito ang kapalit sapagkat
tunay na ito ang tunay na
kaligayahan na kaligayahan na
makakamit makakamit
habambuhay. habambuhay.

A. B.
Mga Tanong:
1. Bakit iyan ang iyong pinili?
2. Base sa iyong pagpapasiya, marami bang mga bagay ang sumasagabal sa iyong
isipan? Ano-ano ang mga ito?
3. Dahil sa iyong pagpapasiya, napipili mo ba ang tunay na kalayaan? Pangatuwiran.
4. Sa iyong palagay, ano nga ba ang tunay na kalayaan?

Isaisip
Noong nakaraang modyul nakilala mo na ang kalayaan ay bahagi ng iyong buhay,
nangangahulugan na ang pagkakaroon ng kalayaan ay kakayahan na kumilos sa sariling
kagustuhan. Ngunit, naging rasyonal o naaayon sa katuwiran ang iyong pagiging malaya?
Nakakamit moba ang totoong kahulugan ng kalayaan?

Ang kalayaan, kilos na may katuwiran


- Ang pagiging malaya ay nangangahulugang mayroon kang kakayahang kumilos
nang rasyonal o naaayon sa katuwiran.
- Ang makatuwirang kilos ay humihingi ng pagiging malaya sa pagiging makasarili.
- Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay nangangailangan o humihingi ng
pagpapalit ng pokus sa buhay.

Ano naman ang pokus sa buhay?

- Ito ay ang pagpapahalaga sa kapuwa at paglalagay sa kanila na una bago ang sarili.

6
Ayon ni Lipio (2004) sa kaniyang paliwanag, “Ang tunay na kalayaan ay hindi
sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang kalayaang
kabahagi ang kaniyang kapuwa.”

Dahil nabubuhay ang tao sa isang sambayanan,


ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao
sapagkat tunay na kalayaan ay pagpapahalaga sa
kapuwa: ang magmahal at maglingkod.

Dalawang Aspekto ng
Kalayaan

Kalayaan Mula (Freedom


From)
- Walang nakahahadlang sa kaniyang kilos o gumawa ng bagay-bagay.
- Ang kalagayan sa labas ng kaniyang sarili ay pangyayaring walang control at walang
kakayahang pigilan ang kalayaan.
- Ang kalayaan sa loob ng tao na kaya niyang pigilan at pamahalaan upang maging
ganap na malaya.

Kung gayon ano ang nakahahadlang sa kalayaan mula sa loob ng tao?

- Mga negatibong katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao kaya’t kahit mayroon


siyang kilos-loob, pumipigil ito sa kaniya sa pagkamit at paggamit ng tunay na diwa
ng kalayaan.

Tandaan!

- Kailangang maging malaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas,


katamaran, kapritso, at iba pang nagiging hadlang upang magawa niya ang kaniyang
uri ng kalayaan.

Kalayaan Para (Freedom For)

- Hango sa tunay na interpretasyon ni Johann sa kalayaan.


- Inuuna ang kapuwa bago ang sarili.
- Malaya sa pagiging makasarili (Unselfish)
- Ito ang diwa ng Pagmamahal sa kapwa.

7
Tandaan!

- Kailangang maging malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging
malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapuwa – ang
magmahal at maglingkod.

Pagnilayan natin ang mga halimbawa ng bawat sitwasyon. Suriin ang kilos nito.

Sitwasyon:
Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng tutulong sa kaniya
upang makatawid. Maaari ko siyang tulungang tumawid o kaya’y huwag pansinin.
Ngunit mayroon siyang pangangailangang nagsusumiksik sa aking kamalayan at
humihimok sa akina siya’y tulungan.
Hindi ko siya tinutulungan para pasalamatan niya ako o kaya’y sa magandang
pakiramdam na nagmumula sa pagtulong sa kapuwa. Bagkus nakikita ko ang
kaniyang pangangailangan at kung hindi ko ito papansinin ay alam kong hindi ako
karapat-dapat bilang ako.
Ngunit hindi ko rin makikita ang kaniyang pangangailangan at hindi ako
makatutugon kung sarili ko lang ang iniintindi ko. Kung paiiralin ko ang aking
katamaran hindi ko nanaising gambalain ako ng iba.

Tandaan!

- Ang nasa kalooban ng pagpapakatao ang nagpapakilos upang tumugon sa tawag


ng magmahal sa kapuwa. Sa pagtulong, ipinakikita na ang pananagutan ay malaya
at naliligtas ito mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran at iba apang
hindi kaaya-ayang ugali.
-

“ Ang nasa kalooban kong pagpapakatao ang nagpapakilos sa akin upang tumugon
sa tawag na magmamahal ng kapuwa” –Lopio, F, 2004 ph.14.

Ayon kay Scheler,


“Ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang tao mula sa
tinataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninanais
niyang makamit.”

8
Dalawang Uri ng Kalayaan

Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa pagpapahalaga na ninanais niyang taglayin


bilang tao. Kung paano ito ginagamit ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang tao at
nagpapakilala ng uri ng kaniyang pagpakatao. May dalawang uri ang kalayaan: Malayang
pagpili o horizontal freedom at ang fundamental freedom o vertical freedom.

Malayang Pagpili (Horizontal Freedom)

- Malayang Pagpili (Free Choice)


- Tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya
(goods).
- Pinipili natin ang isang bagay dahil nakikita natin ang halaga nito sa atin.

Halimbawa:
Kailangan mong bumili ng bagong sapatos dahil sira na ang iyong ginagamit. Sa pagpunta
mo sa isang department store marami ang pagpipiliang sapatos kaya’t naghanap ka ng
komportable sa iyong paa, bagay o angkop sa iyong personalidad, istilo at pamantayan ng
pananamit na inaasahan ng iyong mga kaibigan sa iyo at kung saan ito susuotin.

Fundamental Option (Vertical Freedom)

- Nakabatay sa uri o istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao.

Halimbawa:

Nang tanungin mo ang saleslady kung magkano ang sapatos na napili mo, ito ay
nagkakahalaga ng isang libong piso. Eksaktong isang libo ang dala mong pera pero anim
na raan lang ang budget na nakalaan para sa sapatos dahil ang dalawang daan ay pambili
ng kailangang-kailangan mong gamit sa eskuwela at ang dalawang daan, allowance mo
sa isang buong linggo.
Kung bibilhin mo ang sapatos sa ganoong halaga, pinahahalagahan mo ang
pansarili mong kasiyahan kaysa sa iyong pag-aaral at ito ang sinisimulang linangin sa
sarili. Mas ninanais ang kaaya-ayang pakiramdam kaysa sa unahin ang mas mahalaga sa
buhay - sa sitwasyong ito, ang pag-aaral.

Sa kabuuan,

- Kaugnay ng pagiging moral na indibidwal, may dalawang fundamental option na


bukas sa tao;
- Pataas tungo sa mataas na halaga o fundamental option ng pagmamahal
- Pababa tungo sa mas mababang halaga o ang pagiging makasarili (egoism)

9
Ang fundamental option ng pagmamahal ayon kay Johann ay isang
panloob na kalayaan (Inner Freedom)

Katulad ng ating mga bayani na nagpapakita rin ng pagmamahal sa bayan. Dahil sa


kanilang panloob na kalayaan ay isinakripisyo ang buhay alang-alang sa kapakanan ng
kapuwa. Hindi naman kailangang magsulat, magpunit ng sidula o gumamit ng tabak upang
ipakita ang pagmamahal sa bansa. Maraming aspeto na nagpapakita ng pagmamahal mo
sa bayan – sa kapuwa.
Ngayon naunawaan mo na ang tunay na kahulugan ng kalayaan, suriin mo ang iyong
kilos at ang dahilan mo sa paggawa nito. Sana ay naging malinaw sa iyo na kailangan mong
hubugin ang iyong sarili upang maging isang mabuting tao, na may Kamalayan,
Konsensiya, at may Kapanagutan sa kilos upang makamit ang Tunay na Kalayaan ang
Magmahal at Magpakatao.

Isagawa
Solution Writing
Panuto: Sa pagkakataong ito ay napatutunayan mo na ang tunay na kahulugan ng
kalayaan ay ang kakayahang magmahal at maglingkod. Ngayon, balikan at suriin mo
naman ang iyong mga naging pasiya at kilos nitong mga nagdaraang araw. Isa-isahin mo
ang mga negatibong katangiang naipamalas mo na maaaring nagging hadlang sa iyong
paggamit ng tunay na kalayaan. Sundin ang pormat sa ibaba.

Mga negatibong Mga sitwasyon na Ano ang naging epekto Mga kilos ko na dapat
Katangian na naging naipakita ko sa akin at sa aking kong baguhin upang
hadlang sa aking kapuwa? mapatunayan na tumu-
paggamit ng tunay gon ako sa tawag ng
na kalayaan pagmamahal at pagli-
lingkod.
Halimbawa: Dahil nakatira kami Nakokonsensiya ako Ang pagiging madamot ay
Pagiging Madamot sa bahay ng aking dahil may anak siyang isang negatibong ugali.
pinsan ay hindi ako pinapakain at ako ay Dapat ay pagisipan nang
nagbahagi para wala. Nabagabag ako, mabuti ang desisyon
pambayad ng mga kaya naapektuhan ang upang hindi ko masasak-
gastusin sa bahay. aking pagiging ganap tan ang kalooban ng
na tao. pinsan at pamilya nito.
1.
2.
3.
4.
5.
Mga Tanong:
1. Ano ang napapansin mo sa iyong kilos?
2. Mula sa sitwasyon, nasusuri at naitataya mo ba ang iyong pasiya bago gawin ang
kilos?
3. Bakit mahalagang malaman ng tao ang tunay na kalayaan?
4. Bilang isang tao, paano mo isasabuhay ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
10
Tayahin
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi
ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
B. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.
C. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging Malaya.
D. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.
2. Ito ay isa sa dalawang aspekto ng kalayaan na kung saan ang kalayaan ay nasa loob ng
tao.
A. Freedom For C. Freedom From
B. Horizontal Freedom D. Vertical Freedom
3. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas,
katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
A. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
B. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian
C. Na-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
D. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong pag-uugali.
4. Ito ay isa sa uri ng kalayaan na kung saan tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin
ng taong makabubuti sa kaniya.
A. Freedom For C. Freedom From
B. Horizontal Freedom D. Vertical Freedom
5. Ito ay isa sa dalawang aspekto ng kalayaan na kung saan ay inuuna ang kapuwa bago
ang sarili.
A. Freedom For C. Freedom From
B. Horizontal Freedom D. Vertical Freedom
6. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Humingi ng pagkain ang pulubi kay Kate ngunit hindi niya ito binigyan dahil nag-iisa
na lamang ito at gutom na din siya.
B. Dahil pagod galing sa trabaho si Kris ay nakatulog sa sa loob ng silid-aralan habang
nagkaroon ng klase.
C. Pagkatapos ng kanilang rest time, napansin ni Greg na marumi ang labas ng silid-
aralan kay kumuha siya ng walis at naglinis.
D. Nakita ni Vincent na may maraming dalang gamit ang kaniyang president sa klase.
Imbis na tulungan ay hindi niya pinansin ito.
7. Bakit sinasabi ni Johann na ang fundamental option ng pagmamahal ay panloob na
kalayaan?
A. Dahil nabubuo ang sariling pasiya at kilos kahit may pumipigil nito.
B. Sapagkat nilalaan nito ang sarili na mabuhay kasama ang kapuwa at Diyos.
C. Sapagkat nagpapakita ito ng mataas na hangarin ng tao.
D. Dahil naniniwala ang tao na may isip at kilos-loob kaya kayang gawin ang kilos sa
lahat ng pagkakataon.
8. Ano ang tinuturing na kakambal ng kalayaan?
A. Kilos-loob B. Konsensiya C. Pagmamahal D. Responsibilidad
11
9. Isa sa uri ng kalayaan na nakabatay sa uri o istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao.
A. Freedom For B. Horizontal Freedom C. Freedom From D. Vertical Freedom
10. Ito ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao tungo sa maaari niyang hantungan at
itakda ang paraan upang magamit ito.
A. Kilos-Loob B. Kapanagutan C. Konsensiya D. Kalayaan

Karagdagang Gawain
Build me Up!
Panuto: Mabisa ang pagkatuto kung nailalapat ang natutuhan at naunawaan sa pang-araw-
araw na buhay. Ang pag-unlad ay matatamo sa pamamagitan ng paggamit nito sa buhay
nang paulit-ulit hanggang ito ay maging bahagi na ng iyong pagkatao. Subukin mong gawin
ang gawaing nakasaad sa bahaging ito.
Simulan mo dito:
1. Pumili ng isang negatibong katangiang taglay na nakahahadlang sa paggamit mo ng
tunay na kalayaan na kailangan mong baguhin sa iyong sarili.____________________
2. Magtala ng paraang gagawin upang mapagtagumpayan o malampsan ang negatibong
katangiang taglay na nakahahadlang sa paggamit ng tunay na kalayaan._____________
3. Magbigay ng tatlong angkop na kilos upang maisabuhay ang tunay na kalayaan
(Magmahal at Maglingkod sa kapuwa)._______________________________________
4. Ano ang iyong natutuhan sa Gawain? _______________________________________
5. Ano ang iyong natutunan sa ating Paksa? _____________________________________

Susi sa Pagwawasto

malaya. 10. Puso


10. B 9. Ekis
malayang kilos-loob upang maging
B 9. 8. Puso
kailangan ng tao ng “higit” pa sa
C 8. 7. Puso
5. Dahil hiwalay sa ginagawa o kilos ng A 7. 6. Ekis
upang makamit ito. A 6. 5. Ekis
B 5. 4. Puso
hantungan at ang itakda ang paraan
A 4. 3. Ekis
kilos-loob tungo sa kaniyang maaaring
D 3. 2. Ekis
4. Ang kalayaan ay ang katangian ng B 2. 1. Puso
ay malayang pinag-isipan ang kilos. A 1.
Gawain 2
3. Nauugnay ito sapagkat sa pagpapasiya Subukin: paglilingkod sa kapuwa.
pagpapasiya sa kabutihan tungo sa sarili.
4. Kalayaan na nagpapakita ng
2. Ang responsibilidad ng kalyaan ay ang paglilingkod sa kapuwa.
3. Kalayaan na nagpapakita ng
paghadlang sa kilos ng tao. D 10. sa sarili.
1. Ang kalayaan ay ang walang D 9. 2. Kalayaan na nagpapakita ng kilos
A 8. sa sarili.
Balikan: B 7. 1. Kalayaan na nagpapakita ng kilos
C 6.
Suriin: “Answers may Vary” A 5. Gawain 1
B 4.
A 3. Tuklasin:
Pagyamanin: “Answers may Vary” C 2.
D 1.
Vary”
Isagawa: “Answers may Vary” Tayahin Karagdagang Gawain: “Answers may
12
Mga Sanggunian

Mary Jean B. Brizuela et.al., Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (DepEd-IMCS: FEP Printing Corporation 2015)
page 65-79.
Covey, S. (1998)The 7 Habits of Highly Effective Teens: The Ultimate Teenage Success Guide. Ontario:
Fireside
Dy, Manuel Jr. B. (2012). Philosophy of Man (Selected Readings). Quezon City: Katha Publishing Co., Inc.
Lipio, F. (2004).Konsensiya Para sa mga Katolikong Filipino.Mandaluyong City. National Bookstore
Philip, J. (2006). I Choose to Be Free: The Power of Faith Hope & Charity. Manila: Sinag-Tala Publishers
Articulo, A.C. et al. 2003 Values and Work Ethics. Trinita, Publishing Inc. Meycauayan, Bulacan.
De Torre, J. M. et al. 1992. Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Southeast Asian
Science Foundation Sinag-tala Publisher. Inc.
Pablo, P.J II, 1991. Laborem Exercens (Ukkols sa Pagtratrabaho ng Tao), Archdiocese of Manila Labor
Center.
Plattele M. G. (1965) Social Philosophy. Pittsburg: Duquesne University Press.
Mga Dyornal
Cross-Sectoral Study of Corruption in the Phil. Committee for the Evangelization of Culture Phil. 2002.
Province of Society of Jesus, Published by Ateneo de Naga University
Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Education Series for Fourth Year High School.
1992. Manila: Sinag-Tala Publisher. Inc.

Mula sa Internet:
Dy, Manuel Jr. B. Liberation and Values.Chapter VIII.Retrieved October 16, 2014, from
www.books.google.com.ph/books?id=GT7KOQ
McKay B. & K. (2012).A Man’s Life, on Manhood, Personal Development. Retrieved October 14, 2014, from
http://www.artofmanliness.com/2012/02/21/freedom-from-freedom-to/

XinhuaNet.U.S., Filipino soldiers participate in "Balikatan 2018" drillshttp://www.xinhuanet.com/english/2018-


05/09/c_137166660_7.htm
Etika 107.blogspot.com/2004/09 – Ikalawang aklat ng etika nikomekayo. Retrieved July 5,2014 https://
secure.ethicspoint.com/domain/media/fil/gui/27241/ code.pdf
Integridad Retrieved July 14,2014, form http://votenetphilippines.weebly.com/
uploads/6/7/0/8/6708089/aralin_10_integridad.pdf
Korapsyon (March 2012) Retrieved March 18,2014, from http://
www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.youtube.
com%2Fwatch%3Fv%3DnpNF9ByzIsE&h=BAQFhHfNz
Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan. Retrieved March 28,2014,from http:// reura,os.tripod.com/values-
education-subject.html

Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:


Department of Education
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

13

You might also like