You are on page 1of 23

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 4 – Modyul 3:
Kapuwa Ko, Igagalang Ko

Department of Education • Republic of the Philippines


Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 4 – Modyul 3: Kapuwa Ko, Igagalang Ko
Unang Edisyon, 2019

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng
Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang
FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga
akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang – aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim:
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumuo ng ADM Modyul

Mga Manunulat: Josephine Bruselas-Mien, Agnes Dejuras-Nocos, Lea B. Perez,


Jessica Abanto-Pura
Tagasuri at Editor: Irene F. Yazon, Dollie G. Franchie
Tagaguhit: Jed T. Adra
Naglayout:
Mga Tagapamahala: Mary Jean B. Brizuela, Shiela C. Bulawan

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) (Sample)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 4 – Modyul 3
Kapuwa Ko, Igagalang Ko
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukador mula sa publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at
ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Department of Education • Republic of the Philippines


Paunang Salita
Para sa Guro:
Mahal na kapuwa-guro, kami ay nagagalak na ang modyul na ito
ay naisakatuparan para sa mga batang nangangailangan ng tulong sa
kanilang pag-aaral. Ito ay nakadisenyo batay sa kakayahan at lebel ng
bata sa ikaapat na baitang. Tiniyak ng mga manunulat na ang mga
gawain na ibinigay sa modyul na ito ay masasagutan nila nang walang
gabay ninuman. Bago ibigay sa mag-aaral ang modyul na ito,
kailangang gawin ang sumusunod:
 ipaliwanag sa mag-aaral at sa kaniyang magulang, nakatatandang
kapatid o sinuman na gagabay sa kaniya tungkol sa wastong
paggamit ng modyul;
 ipaalala sa mag-aaral na gagamit sila ng sariling sagutang papel
sa pagsagot sa lahat ng mga gawain; at
 bigyang-diin na panatilihing malinis ang modyul sapagkat ito ay
gagamitin pa ng ibang mag-aaral.

Para sa Bata:
Mahal na mag-aaral, ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo
upang mapagtibay ang iyong pagpapahalaga at konsepto sa Edukasyon
sa Pagpapakatao. Ito ay magsisilbing tulay sa iyo upang matutuhan ang/
ang mga aralin sa mga pagkakataong hindi ka makapapasok sa
paaralan dahil sa mga katanggap-tanggap na rason.
Sa paggamit ng modyul, panatilihing malinis at kailangang isipin
natin ang iba pang batang gagamit nito. Ang mga panuto sa bawat
gawain ay malinaw na nakasaad kaya naman, basahin ito nang mabuti
upang masagutan nang wasto. Ngunit, inaasahang ikaw ay magiging
matapat sa pagsagot. Ito ay binubuo ng sampung bahagi – Alamin,
Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Payamanin, Isaisip, Isagawa,
Pagtataya, at Karagdagang Gawain. Ang mga bahaging ito ay inihanda
para sa iyo upang matutunan ang pagpapahalaga sa kapuwa nang may
paggalang.

2
Alamin

“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”, ayon sa


isang kasabihan. Nangangahulugan ito na kailangan ng tao ang
kaniyang kapuwa upang mabuhay sa mundo. Nararapat lamang na
pahalagahan sila sapagkat sila ay nilikha ng Diyos at biyayang
makakasama natin habang tayo ay nabubuhay. Paano ka nakikisama sa
iyong kapuwa? Ipinadarama mo ba sa kanila ang iyong pagmamahal?
Sa paanong paraan?

Sa modyul na ito inaasahang:


- napahahalagahan ang lahat ng mga likha na may buhay;

 paggalang sa kapuwa

Subukin

Lagyan ng tsek (√) ang bilang na nagpapakita ng paggalang sa


kapuwa at ekis (X) naman sa hindi.
_____1. Nagmumura kapag natatalo sa laro.
_____2. Sumusunod sa utos nang padabog.
_____3. Nagsasalita nang mahinahon at may paggalang sa kausap.
_____4. Iniingatan ang mga gamit ng paaralan.
_____5. Binabati ang nakakasalubong na kamag-aral.
_____6. Sinisigawan ang mga batang namimitas ng bulaklak sa
paaralan.

3
_____7. Nagmamano sa bisitang dumadalaw sa nanay.
_____8. Hindi binubuksan ang mensahe ng nanay sa cellphone.
_____9. Kumakatok sa pintuan ng silid ng kapatid bago pumasok.
_____10. Panunukso sa kapitbahay na walang computer.

Aralin

3 Kapuwa Ko, Igagalang Ko

Ang mabuting tao ay may pagpapahalaga sa kaniyang kapuwa


anuman ang katayuan nito sa buhay. Ang pagpapahalagang ito sa
kapuwa ay maipadarama sa pamamagitan ng pagbibigay ng respeto sa
kanila. Ang respeto ay nangangahulugang pagtanggap sa isang tao
anuman ang kaniyang pagkatao, katayuan sa buhay, edad, o lahi.
Mahalagang isapuso at isabuhay ng tao ang respeto sa kaniyang
kapuwa-tao. Kapag nasasagawa niya ito, tiyak na mamahalin siya ng
taong nakakasalamuha niya.
Ibabahagi ng modyul na ito ang pagpapahalaga sa iyong kapuwa
sa pamamagitan ng paggalang sa lahat ng pagkakataon. Mauunawaan
mo ang kabutihang naidudulot ng paggalang sa kapuwa sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inihanda. Ang
pagsasabuhay mo ng pagmamahal sa kapuwa ay naipakikita kapag
taglay ng iyong puso at isip ang salitang “respeto”.

4
Balikan

Teka muna! Bago mo tuluyang tuklasin ang araling ito, iyong


balikan ang natutunan mo sa nakaraang aralin.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng


pag-aalaga sa sarili upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit?
Lagyan ng hugis puso ang bilang na tumutugon dito at ekis (X)
naman sa hindi.
________1. Naghuhugas ako ng kamay pagkatapos kong isulat
ang mahabang kuwento.

________2. Naglalaro ako sa labas ng bahay kahit tanghaling tapat.

________3. Hindi ako kumakain ng mga matatamis na pagkain dahil


ayaw kong masira ang aking ngipin.

________4. Maingat akong tumatakbo kapag nakikipaglaro ng habulan


dahil ayaw kong masugatan.

________5. Hatinggabi na akong natutulog dahil sa panonood


ng
teleserye.

Para sa Guro
Mahalagang masiguro na naunawaan ng mag-
aaral ang mga konseptong tinalakay at napag-aralan
niya sa nakaraang aralin. Kailangang matulungan siyang
5
maunawaan ang mga konseptong hindi pa gaanong
malinaw sa kaniya bago tuluyang lumipat sa susunod na
Tuklasin

Si Tinong Magalang
ni Josephine Bruselas Mien

Drawing ng teacher sa loob ng silid-aralan na inaabot ang


sertipiko sa isang batang lalaki.

“Magandang umaga Aling Doring,” bati ng batang si Tinong sa


kanyang kapitbahay habang papunta siya sa paaralan.
“Kumusta po Manong Tim, ingat po sa pagtitinda,”
pangungumusta ni Tinong sa tindero ng isda bago pumasok sa
tarangkahan ng paaralan.
Sa loob ng silid-aralan ay tahimik ang mga mag-aaral na nakikinig
sa gurong si Bb. Vida. Iyon ang araw ng pagbibigay ng Ikatlong
Markahang Pagkilala sa kanyang klase. Tinawag niya ang mga
natatanging mag-aaral na naging mahusay at nagpakita ng angking
talino sa iba’t ibang larangan. Isa sa mga batang pinarangalan ay si
Tinong Magalang na nanguna sa kanilang klase. Bukod sa pagiging
matalino, siya rin ay tumanggap ng parangal bilang “Batang Magalang
Awardee”. Ipinaliwanag ni Bb. Vida na ang parangal para kay Tinong ay
ibinigay ng paaralan para sa pinakamagalang na bata sa lahat ng mga
mag-aaral ng paaralan.
“Mga minamahal kong mga mag-aaral, palakpakan natin ang lahat
ng tumanggap ng sertipiko sa araw na ito. Ipagpatuloy ninyo ang pag-

6
aaral nang mabuti dahil darating ang araw, ito ang magiging susi ng
inyong tagumpay,” paalala ng guro.
“Mano po Inay, mano po Itay,” sabay abot sa magulang ng mga
sertipikong dala-dala niya.
Tuwang-tuwa si Tinong na ibinalita ang mga natanggap na awards
pag-uwi sa bahay.
Laking tuwa ng magulang nang makita ang mga ito, lalo na ang
sertipiko para sa batang magalang, hindi kaila sa kanila sapagkat
kilalang-kilala si Tinong sa kanilang lugar. Lahat kasi ng
nakakasalubong niya ay kaniyang binabati. Lagi siyang nakangiti sa
mga taong nadaraanan niya sa kalsada kakilala man o hindi. Kung
nakikipag-usap naman napakagalang niya kung sumagot. Ang mga
matatanda sa kanilang lugar ay kinalulugdan si Tinong dahil sa walang
araw na hindi sa kanila nagmamano. Halos lahat ng mga tao sa kanila
ay masaya kay Tinong dahil sa kaniyang taglay na magagandang
katangian. Kaya, walang duda na tinawag siyang batang magalang.
“Bagay na bagay sa kaniya ang apelyido niyang Magalang.” laging
sambit ng mga tao sa kanilang lugar.

Ngayon natapos mo ng basahin ang kuwento. Sagutin ang


sumusunod na mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang magandang balitang dala ni Tinong sa kanyang
magulang?

A. Nanalo siya sa patimpalak ng pagguhit.


B. Napili siya bilang kalahok sa Pandistritong Tagisan ng
Talino.
C. Niregaluhan siya ng bagong sapatos at relo ng kaniyang
guro.
D. Naparangalan siya bilang pinakamatalinong mag-aaral sa
kanilang klase at pinakamagalang na bata sa buong
paaralan.

7
2. Ano ang naging damdamin ng magulang ni Tinong sa natanggap
na mga parangal ng anak?

A. naiyak
B. natuwa
C. nag-alala
D. nalungkot

3. Bakit dapat pamarisan si Tinong ng mga batang tulad mo?

A. Dahil magaling siyang sumayaw..


B. Dahil namimigay siya ng baon.
C. Dahil madaldal at palabirong siyang bata.
D. Dahil bukod sa matalino at masipag, napakagalang pa niya.

4. Ang mga sumusunod ay mga gawaing kapuri-puri sa batang si


Tinong Magalang maliban sa isa.

A. Nagmamano sa mga nakikitang nakatatanda sa kaniya.


B. Nginingitian ang mga nadaraanan kakilala man o hindi.
C. Binabati ang bawat taong nakasalubong o nakita sa daan.
D. Hindi gumagamit na magalang na pananalita tulad na po at
opo.

5. Sa palagay mo, kahanga-hanga ba ang batang si Tinong? Bakit?

A. Hindi po, dahil hindi ko siya gusto.


B. Hindi masyado, dahil bata pa lang siya.
C. Opo, dahil may mabuti siyang kalooban, at magalang sa
kapuwa.
D. Hindi ko alam, dahil baka nagpapakitang-gilas lang siya para
magka-award sa paaralan.

Tandaan Mo

8
Walang pinipiling edad ang pagbibigay ng respeto sa kapuwa-tao.
Ang salitang respeto ay nangangahulugang pagbibigay ng halaga sa
kapuwa anuman ang kaniyang estado sa buhay. Sa madaling salita ito
ay paggalang sa kapuwa.
Lahat ng tao ay pantay-pantay na nilikha ng Diyos kung kaya’t
bawat isa ay may karapatang igalang at makaramdam ng pagmamahal
ninuman. Maraming paraan ang maaaring gawin upang maipakita ang
paggalang sa iyong kapuwa. Bahagi na ng ating kultura ang kaugaliang
ito. Ang pagmamano sa mga nakatatanda ay isang paraan ng
pagrespeto na namana natin sa ating mga ninuno. Ang pagiging
maasikaso sa bisita, pagbibigay ng pagkain at inumin o ang pag-alok ng
matutulugan ay ugaling nagpapakita ng pagiging mabuting tao sa
kapuwa. Ang paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap ay tanda ng
paggalang hindi lang sa nakatatanda kundi sa kahit sinumang
nakakasalamuha. Ang pagtanggap sa kamalian, paghingi ng
paumanhin, pagsunod sa utos ng magulang at pagtulong sa kapuwang
nangangailangan ay mga kaugaliang nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kapuwa.
Tiyak na pagmamahalan at magandang samahan ang
mangingibabaw kapag pinaiiral ang kaugaliang paggalang sa kapuwa.

Suriin

Suriin ang nakasaad sa bawat bilang. Unawain nang mabuti at


piliin sa loob ng kahon ang titik na katumbas ng pangalan ng kapuwa
na pinapakitaan ng paggalang.

A. Paggalang sa matanda
B. Paggalang sa guro

9
C. Paggalang sa kaibigan
D. Paggalang sa magulang
E. Paggalang sa nakatatandang kapatid

1. Sa paaralan habang nagpapahinga ang gurong si Gng. Adora


pagkatapos ng pananghalian, tahimik naman na nagbabasa ng
aklat ang mga bata. Iniiwasan nilang mag-ingay para hindi
maistorbo ang pamamahinga ng kanilang guro.

2. Naglilinis ka sa loob ng bahay. Inilagay mo ang isang vase ng


bulaklak sa kaliwang bahagi ng telebisyon. Nang makita ito ng ate
mo ay pinagsabihan kang ilipat sa ibang lalagyan dahil delikado
itong mahulog. Nagpasalamat ka sa kanya at sinunod ang
kaniyang sinabi.

3. Si Karl at Paul ay masayang naglalaro sa likod ng kanilang bahay


ng biglang tinawag ng tatay. Lumapit sila at nagmano.
Nagpasalamat sa pamamagitan ng halik at yakap nang
matanggap ang magandang regalo nito.

4. Naglalaro ka sa bahay ng kaibigan mong si Peter. Marami siyang


bagong laruan tulad ng motorbike at remote control car. Sa
kagustuhan mong makasakay din sa ganitong laruan, mahinahon
kang nagpaalam kay Peter na agad namang pumayag sa iyo.

5. Nasa tindahan si Dayle upang bumili ng asukal at gatas. Naabutan


siya doon ni Lola Flora na bibili rin sa tindahan. Umuulan ng mga
oras na iyon, kung kaya’t pinauna ni Dayle si Lola Flora sa pagbili
sa tindahan. Ipinahiram rin niya ang dalang payong sa matanda.

10
Payamanin

Gawain 1
Pag-aralan ang nasa comic strips. Alin dito ang nagpapakita ng
paggalang sa kapuwa. Lagyan ng tsek ang loob ng kahon.

Nanay: Nak! Tawagin mo na ang tatay mo


Ipapaguhit sa
nang makakain na tayo.
pormang komik strip
Anak: Opo, Inay tatawagin ko na po si Tatay.
Anak: Tay, halika na po, kakain na po tayo.

Unang Mag-aaral: Wala pa si mam. Ipapaguhit din po ito.


Ikalawang mag-aaral: Tara huwag na nating hintayin.
Ikatlong Mag-aaral: Iwanan na natin si Mam,
Kasalanan niya kung hindi tayo maabutan.

Lola: Magandang hapon mga apo. (nasa may pintuan bumisita sa mga apo)
Unang Apo: Lola mano po. Kumusta po. Ipapaguhit din po ito.

Ikalawang apo: Mano po Lola, Ititimpla po kita ng gatas.

11
Ikatlong Apo: Mano po Lola. Wow, lalo ka pong gumanda
sa suot mong pulang damit.

Gawain 2
Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Ano ang iyong gagawin
sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Inutusan ka ng guro upang ihatid ang mga report cards ng inyong
klase sa opisina ng punongguro upang papirmahan ang mga ito.
Pagpasok mo ay nakita mong may mga gurong nasa loob habang
kausap sila ng punongguro.

A. Aatras sa pagpasok at muling babalik sa silid-aralan.


B. Mabilis na iaabot sa punongguro ang mga dalang report
cards.
C. Babatiin lahat ang mga gurong nasa loob ng opisina kasama
na ang punongguro bago iabot ang dalang report cards.
D. Sabihan ang punongguro na inutusan ka ng iyong guro at
hihintayin mo ito hanggang sa matapos siyang magpirma.

2. Magkasama kayo ng iyong lola papuntang mall. Sumakay kayo ng


jeep, puno na ito ng pasahero subalit may isa pang matandang
babae na nais sumakay. Wala na itong maupuan kaya nakiusap
ito na makasingit upang makarating agad sa kaniyang
pupuntahan, Naawa ka sa kaniyang kalagayan dahil siya ay
mahina at matanda na.

A. Pauupuin ko si lola sa tabi ko.


B. Hindi ako makikialam at hindi kikibo.
C. Sabihan ko ang drayber na huwag ng pasakayin ang
matanda.
D. Hahayaan ko ang lola na sumingit at umupo sa sahig ng
jeep.

3. Araw ng Sabado, ikaw ay nasa loob ng bahay samantalang ang


iyong nanay ay naglalaba sa labas ng bahay. Ilang sandali ay

12
narinig mong may tumatawag sa may tarangkahan ninyo. Tumahol
nang tumahol ang alagang aso ninyo na ikinatakot ng taong
tumatawag sa pangalan ng nanay mo.

A. Hindi ko papansinin kung sino man ang tumatawag.


B. Hahayaan siyang tumawag dahil hindi ko naman kilala.
C. Lalapitan ang mga aso para sawayin at sasabihan ang bisita
na tatawagin ko ang nanay.
D. Sasabihan ko ang nanay na magtago dahil may taong
naghahanap sa kaniya.

Isaisip

Sa iyong palagay, mahalaga ba ang iyong kapuwa? Dugtungan


ang talata sa ibaba para mabuo ang konsepto nito.

Mahalaga ang aking kapuwa dahil _________________________


________________________________________, kaya dapat ko silang
________________________________________________________

Isagawa

Isulat sa loob ng tsart ang gawaing ginagawa mo upang


maipadama ang pagpapahalaga sa iyong kapuwa.
Ang kapuwang mahahalaga sa Paraan ng Pagpapahalaga
akin…

13
Halimbawa: Nanay Sinusunod ko nang maluwag sa
kalooban ang kaniyang iniuutos
sa akin.

1. lolo
2. tatay
3. guro
4. kaklase
5. ate

Pagtataya

A. Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita


ng paggalang sa kapuwa at salitang MALI kung hindi.

________1. Binabati ang guro sa pagpasok sa paaralan.

________2. Pangungulit sa kapatid na natutulog.

________3. Pagsagot sa nanay nang padabog kapag ayaw sundin


ang utos.

________4. Pagpapatuloy ng mga kapamilyang galing sa


ibang
probinsya.

________5. Paghalik sa magulang pagkagaling sa paaralan.

14
B. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang kaugaliang paggalang sa kapuwa ay nagpapakita ng


pagmamahal sa ______________.

A. sarili
B. kapuwa
C. sarili at kapuwa
D. sarili, kapuwa at Diyos

2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa kapuwa


maliban sa isa.

A. Pagtulak sa taong nauna sa pila.


B. Pakikinig sa magulang na nagpapangaral.
C. Pagbati sa kaklaseng nanalo sa patimpalak.
D. Pakikipagkuwentuhan nang hindi nakakaistorbo sa iba.

3. Napadaan ka sa bahay ng kaibigan mo. Tinawag ka niya at


inalok ng meryenda. Pumasok ka sa loob ng bahay at nakita
mo ang iba pang kapamilya. Ano ang iyong gagawin?

A. Yuyuko na lang ako para hindi sila makita.


B. Titingnan ko lang sila habang ako’y kumakain ng meryenda.
C. Magtatago ako sa likod ng kaibigan ko para hindi nila
mapansin.
D. Babatiin silang lahat at magmamano ako sa nakatatanda sa
akin.

4. Nagkagulo sa bakuran ng kapitbahay mo. Lumapit ka upang


alamin ang nangyayari. Nakita mong nakikipag-away ang
pinsang mong si Fred. Minumura at pinipintasan niya ang isang
bata. Sa pangyayaring ito, ipinakita ba ni Fred ang paggalang
sa kaniyang kapuwa? Bakit?

15
A. Opo, dahil ipinagtatanggol lang niya ang sarili.
B. Opo, dahil hindi maaaring apihin ng kapuwa.
C. Siguro hindi, dahil nakikipag-away si Fred.
D. Hindi po, dahil ang pagmumura at pamimintas ay
nakasasakit ng damdamin ng kapuwa.

5. Bakit mahalagang igalang at pahalagahan ang ating kapuwa?

A. Upang maipagyabang ko sa aking mga kaklase na ako ay


magalang.
B. Upang makatanggap ako ng pabuyang pera mula sa aking
magulang.
C. Upang tumaasa ang aking marka sa ESP.
D. Upang maipakita ang pagpapahalaga natin sa kanila.

Karagdagang Gawain

Itiman ang hugis puso kung ang mga pahayag ay nagpapakita ng


paggalang sa kapuwa.

“Aba! Akala mo naman kung sino ka? Magaling ka lang


kumanta pero ang tanga-tanga mo.” sambit ni Mina kay Meme.

“Nay, sige po pupuntahan ko na si Aling Pining.” tugon ni


Bimbi sa kaniyang nanay.

“Hoy huwag ka ngang umarte-arte, manang-mana ka sa Lola


mong uugod-ugod na.” pagpipintas ni Dewey sa kapitbahay niyang
si Jonie.

16
“Pasok po kayo Tita at Tito. Mano po. Maupo muna kayo at
tatawagin ko si nanay.” ang sabi ni Karl sa mga bisita.

“Kain ka po, mukhang gutom na gutom ka na. Saan ka po


nakatira? Ito po, damit ni tatay isuot mo, napakarumi na rin po kasi
ng damit mo.” sambit ni Lala sa lalaking nakita malapit sa
kanilang bahay.

17
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. X 6. X
2. X 7. √
3. √ 8. √
4. √ 9. √
5. √ 10. X

Balikan
1. X
2. X
3.
4.
5.

Tuklasin
1. D
2. B
3. D
4. D
5. C

Suriin
1. B
2. E
3. D
4. C
5. A

Payamanin
Gawain 1
/

18
Gawain 2
1. C
2. A
3. C

Isaisip

Mahalaga ang aking kapuwa dahil hindi ako mabubuhay kung


wala akong kasamang kapuwa, kaya dapat ko silang mahalin, igalang at
pahalagahan.

Isagawa

Maaring sagot:
1. Lolo - Lagi akong nagmamano kapag nakikita sila.
2. Tatay - Sinusunod ang utos niya nang maluwag sa
kalooban
3. Guro - Binabati kapag nakikita sa loob o labas man
ng paaralan.
4. Kaklase - Maayos akong nakikipaglaro sa kanila.
5. Ate - Lagi kong sinusunod ang mga sinasabi sa akin.

Pagtataya

A. 1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
B. 1. D
2. A
3. D
4. D
5. D

Karagdagang Gawain

Binabati kita sa mahusay mong pag-aaral ng modyul


na ito. Ipagpatuloy mo ang mabuting pakikitungo sa iyong
kapuwa.
Tandaan mo na walang pinipiling edad at estado ang
paggalang sa kapuwa.
19
Lagi mo itong gawin sa lahat ng
taong iyong nakakasalamuha.
References

20
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

You might also like