You are on page 1of 11

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) 5

Unang Markahan
Pangalan: __________________________________________________ Baitang at Seksyon: _____________

Pangalan ng Guro: _____________________________________________ Petsa: _______________________

ARALIN 1: MAGIGING MAPANURI AKO


Alamin:
Nakikinig ka ba ng balita sa radyo? Nanonood ka ba ng balita sa telebisyon? Nagbabasa ka ba ng
balita sa internet, dyaryo o magazine? Napakaganda na makasanayan natin sa araw araw ang pakikinig
panonood at pagbabasa ng mga balita. Napakahalaga na tayo ay nakikialam sa mga pangyayari sa ating
kapaligiran. Dapat nating malaman ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang
napakinggan, napanood o] nabasa. Ang mabuting mamayan ng ating bansa ay marunong sumuri at pinag-
aaralan ang mga balita, hindi basta naniniwala sa mga napapakinggan, napapanood o nababasa ito
kinakailangan munang suriin upang malaman ang katotohanan.

Bilang mag-aaral ng ikalimang baitang, pinapahalagahan mo ba ang katotohanan sa pamamagitan


ng pagsusuri sa mga balita sa internet, dyaryo o magazine?

Most Essential Learning Competency with Code:


Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga: 1) balitang
napakinggan, 2) patalastas na nabasa/narinig, at 3) napanood na programang pantelebisyon. (EsP5PKP –
Ia- 27)

Gawain 1: Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na salita. Isulat ang nabuong salita sa mga patlang.
O
LIBATA LETEISNBYO YORDA RETERPOR DAYRYO

______________ 1. Ako ay napapanood sa 24 Oras. Ano ako?

______________ 2. Dito napapanood at napapakinggan ang balita. Ano ito?

______________ 3. Dito mo nadidinig ang balita sa araw-araw. Ano ang tawag dito?

______________ 4. Ano ang tawag sa tagapagbalita?

______________ 5. Ako ay binabasa araw-araw upang malaman ang mga balita. Ano ako?.

Alamin Mo: Panuto: Bassahin ang unawain ang kuwento.

Ang Balita ni Kuya Lito

Isang umaga, nakikinig ng balita sa radio si kuya lito “Magandang umaga, mga ababayan! Ito na
naman po ang RACC balita, Nagbabalita ngayon!”

Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata na may gulang na walo hanggang sampu ang
nakagat ng aso sa bayan ng San Jose ito ay ayon kay Dr. Dhan R. Alejandro ng Veterinary office.

Kung hindi ito maagapan maari itong ikamatay. “Pinag-iingat din ang mga may-ari ng aso na
maging responsable sa kanilang mga alagang hayop na pabakunaan ng anti-rabies at itali ang mga ito
upang hindi makadisgraya.
Nabahala si Kuya Lito na napakinggang balita sa radyo. Kinausap niya ang kanyang nakakabatang
kapatid. Binigyan niya ang mga ito ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso.

“Ano ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso Kuya? “ tanong ni Gian sa Kuya.

“Dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang kasama sa bahay na kumunsulta na agad sa


doctor para malapatan ng paunang lunas.”
“Salamat po, Kuya Lito.”Sabi ni Gian.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano ang natutunan mo sa kuwentong iyong binasa?

_______________________________________________________________________________
2. Nagkaroon ka ba ng pagkakataong hindi maniwala sa balitang iyong narinig sa radio, nabasa sa
pahayagan o sa internet?Ipaliwanag ang dahilan?

_______________________________________________________________________________
3. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang narinig mo sa radio, nababasa
sa pahayagan o internet?

_______________________________________________________________________________
4. Naranasan mo na ba na tama ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong narinig o nabasa?
Magbigay ng halimbawa.

_______________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong kuya ukol sa balita niyang
napakinggan?

_______________________________________________________________________________

Suriin Mo:

Dapat nating mapapahalaghan ang katotohanan sa pamamagitan ng mabuting maidudulot sa sarili


at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin, napakinggan at napapanood sa dyaryo, magasin at
radyo.

Hindi lahat ng ating napapakinggan at napapanood ay tama na agad o di kaya’y mali na ito. Lahat
ng mga impormasyong natatanggap o napapakinggan natin ay nararapat na suriin upang malaman ang
Mabuti at di mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan
at napapanood sa:

1. Dyaryo - ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas,


kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

Ang dyaryo ay isang mode ng komunikasyon sa masa. Nakatutulong ito sa paglikha ng kamalayan
sa lipunan. Ito rin ay nagdaragdag ng mga tinig laban sa isyung panlipunan, Hinihinok nila ang
karaniwang mga tao na kumilos at kumilos nang may katuwiran.

Tandaan na hindi lahat ng nababasa mo ay nagdudulot ng kabutihan dahil mayroon ding hindi
mabuting naidudulot ito sa iyong sarili at sa mga miyembro ng pamilya kagaya na lang “fake news”.

Panuto: Basahin ng mabuti ang pangungusap at bilugan ang tamang sagot.

1.) Paano makakatulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng dyaryo?


a. Makakakuha tayo ng fake news c. Magiging aktibo sa klase.
b. Mapapadali ang pag-aaral. d. Nagbibigay ng kaalamang naaangko at napapanahon

2. MAGASIN – ito ay isang uri ng babasahin na may hawig sa komiks sa unang tingin. Karaniwan itong
tumutugon sa iba’t ibang hilig ng maraming uri ng mambabasa.

Ang magasin ay isa ring pana-panahong publication na nakalimbag sa gloss-coated at matte paper
o elektronikong nai-publish (kung minsan ay tinukoy bilang isang online magazine). Ang mga magasin
ay pangkalahatang nai-publish sa isang regular na iskedyul at naglalaman ng iba’t ibang nilalaman.
Tandan na hindi lahat ng nababasa mo sa magasin ay nagdudulot ng kabutihan dahil mayroon ding
hindi mabuting naidudulot ito sa iyong sarili at sa mga miyembro ng pamilya kagaya na lang ng mga
hindi makatotohanang artikulo.

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.) Anu-ano ang mga makukuha mo sa pagbabasa ng magasin?


a. Kaalaman sa kasalukuyang ulat ng panahon.
b. Kasiyahan sa mga artikulong nababasa pati ang mga naggagandang larawan.
c. Maging sikat dahil nagbabasa ka ng magasin
d. lahat ng nabanggit

3. RADYO – ito ay isang paraan ng pagpapadala o pagtanggap ng mga salita, musika at iba pa sa
pamamagitan ng mga electric waves.

Ang pangunahing layunin ng radyo ay upang ihatid ang impormasyon mula sa isang lugar patungo
sa isa pa sa pamamagitan ng intervening media (i.e., air, space, non-conducting materials) nang
walang mga wire. Bukod sa ginagamit para sa pagpapadala ng mga signal ng tunog at telebisyon, ang
radyo ay ginagamit para sa paghahatid ng data sa form na naka-code.

Tandan na hindi lahat ng napakinggan mo sa radyo ay nagdudulot ng kabutihan dahil mayroon ding
hindi mabuting naidudulot ito sa iyong sarili at sa mga miyembro ng pamilya kagaya na lang ng mga
hindi makatotohanang balita.

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.) Ano ano ang makukuha sa pakikinig ng radyo para sa sarili at pamilya?
a. fake news lang
b. kaalaman, impormasyon at makatotohanan at di-makatotohanang balita
c. mabuting balita
d. makapag damdaming drama tuwing hapon.

2.) Paano naka tutulong ang pakikinig ng radyo sa mga mag-aaral?


a. makakakuha tayo ng fake news
b. mapapadali ang pag-aaral.
c. nagbibigay ng kaalaman, impormasyon at balita na aangkop at napapanahon
d. pwede ng lumiban sa klase kapag makikinig ka ng radyo araw-araw.

ARALIN 2: KATOTOHANAN SA PAGGAMIT NG INTERNET

Alamin:

Mahilig ka bang gumamit ng internet? Madalas ka bang nakatutok sa cellphone para magfacebook,
magtwitter, at maginstagram? Naaaliw ka ba sa mga bidyong napapanood mo sa youtube o tiktok? Ano
ang masasabi mo sa mga balitang napapanood at nababasa mo sa kasalukuyan? Mayroon ba itong epekto
sa iyong isipan at damdamin? Paano ka nagrereact sa mga napapanood mo sa internet tulad ng you tube
at netflix, sa mga nababasa mo facebook, instagram, at twitter.

Sa kasalukuyan ang internet ay isa sa mga mahahalagang pinagkukunan ng ibat’t ibang


inpormasyon. Ngunit alam mo ba ang tamang paggamit nito?

Sa araling ito, sasamahan kitang tuklasin ang hiwagang nababalot sa internet. Tutuklasin din natin
ang tamang paggamit nito at ang mga mensaheng napapaloob sa ipinapahayag nito sa pamamagitan ng
iba’t ibang uri ng social media.

Most Essential Learning Competency with Code:


Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa nabasa sa internet
(EsP5PKP – Ia- 27)
Gawain 1: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong. Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng
pangungusap ay tama at MALI kung hindi.

__________ 1. Ang internet ay nakakatulong sa mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon

__________ 2. Ang social media ay bahagi ng tradisyunal na pagpapalaganap ng impormasyon.

__________ 3. Ang facebok ang pinakasikat sa lahat ng uri ng social media.

__________ 4. Ang lahat ng napapanood at nababasa sa internet ay tama at dapat paniwalaan.

__________ 5. Ang buhay ay mawawalan ng kabuluhan kung walang koneksyon ng internet.

Gawain 2: Guess the Logo. Panuto: Hulaan ang pangalan ng mga sumusunod na logo. Isulat ang iyong
sagot sa nakalaang guhit sa bawat logo.

Mga Tanong: Isulat ang sagot sa patlang


1. Ano ang mga pangunahing inpormasyon ang iyong isinulat?

__________________________________________________________________________________
2. Para sa iyo, madali lang ba o mahirap ang pagsagot sa mga katanungan sa talaan? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

__________________________________________________________________________________
3. Ano ang kabuuang tawag sa mga logong nakikita mo sa itaas? Saan mo ito kadalasang nakikita?

__________________________________________________________________________________
4. Paano mo ginagamit ang mga bagay na ito?

__________________________________________________________________________________
5. Nakatutulong ba ang mga ito sa iyo? Sa paanong paraan?

__________________________________________________________________________________
6. Bakit mahalaga na malaman mo ang mga pangunahing impormasyon na ibinibigay sa iyo ng paggamit
ng internet?

__________________________________________________________________________________
Pagpapalalim

ANO ANG INTERNET AT SOCIAL MEDIA?

Kasabay ng modernisasyon ay ang pag-usbong ng teknolohiya sa mundo ngayon. Marami nang


mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo, isa na dito ang internet.

Ano nga ba ang internet?

Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga
kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng
telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi
gumagamit ng kable (wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at
mababasa ng publiko.

Sa panahon ngayon ay hindi na lamang mga kompyuter ang makakakonekta sa internet ngunit
lahat na ng mga bagong gamit katulad ng mga tablet computer, mga cellphone, at marami pang iba.

Kakambal na ng salitang internet ang social media na kung saan ito ang lagi na ginagamit ng mga
mag-aaral ngayon sa maraming bagay. Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya
ng social media sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang
pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan.

Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-
text, pagbisita sa mga facebook chat rooms, pakikipagtalastasan sa mga online forums at sa pagtambay sa
messanger.

Ano nga ba ang social media?

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipagugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at
mga network. Bukod dito, ang social media ay may interactive
platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha,
tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at
malaganap napagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga
indibidwal.

Mahalagang isaalang-alang na marami sa mga gumagamit ng internet


ang patuloy na gumugugol ng oras para bisitahin ang maraming mga site ng social media kaysa sa
anumang iba pang uri ng site. Sa panahon ngayon, hindi na bago sa atin ang katotohanang malaki ang
naiaambag ng social media sa ikauunlad ng anumang aspeto ng buhay ng isang tao.

Mga Dapat Isaalang-alang Para sa Ligtas at Responsableng Paggamit ng Internet


1. Magkaroon ng malinaw na patakaran sa tahanan at paaralan ukol sa paggamit ng kompyuter, internet,
at social media.
2. Alamin ang pagkakaiba ng publiko at pribadong impormasyon. Panatilihing nakapribado ang iyong
personal na impormasyon.
3. Ang pasilidad ng internet ay para sa layuning pang-edukasyon lamang. Iaccess o buksan ang internet
sa pahintulot ng guro. Bisitahin lamang ang mga aprobadong sites sa internet.
4. Huwag maglathala, magbigay, o mamahagi ng anumang personal na impormasyon tungkol sa iyo o sa
ibang tao (katulad ng tirahan, email address, telepono).
5. Ipinagbabawal ang paggamit ng ipinagbabawal na chat rooms na maaaring magdulot ng kapahamakan
para sa mag-aaral.
6. Gamitin lamang ang mga ligtas na search engine sa internet. Halimbawa: www.kidzui.com
www.kids.aol.com www.surfnetkids.com
7. Pumili ng password na mahirap mahulaan, at palitan ito kung kinakailangan.
8. Huwag ibigay ang password kaninuman (maliban sa mga magulang) at siguraduhing naka-log-out ka
sa site na ginamit bago patayin o i-off ang kompyuter.
9. I-shut-down ang kompyuter at i-off ang koneksiyon ng internet kung tapos nang gamitin ang mga ito.
Huwag hayaang nakabukas ang mga ito kapag hindi ginagamit. Maging matalino at mapanuri sa
paggamit ng internet at social media!

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang internet?
2. Ano ang iba’t ibang uri ng social media?
3. Anong platform ng social media ang paborito mong gamitin? Bakit?
4. Bilang mag-aaral nakakatulong ba ito sa iyo? Sa paanong paraan ito nakakatulong sa iyo?
5. Paano mo sinusuri ang mga napapanood mo at nababasa sa mga social media platform gamit ang
internet?
6. Bilang mag-aaral responsible ka ba at mapanuri sa paggamit ng internet? Sa paanong paraan?

Gawian 3. Panuto: Suriin ang sumusunod na social media platform. Lagyan ng kaukulang kulay ang mga
impormasyon na ipinapahayag nito.

ARALIN 3: MABUTING GAMIT NG IMPORMASYON

Alamin:

Isang malaking bahagi ng ating buhay ang paggamit ng iba’t-ibang pinagkukunan ng mga
impormasyon; dyaryo, magasin, radio, telebisyon pelikula at internet/computer. Isa ring malaking bahagi
ang ginagampanan ng mga ito, lalo’t higit ang computer para sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng ika-21
siglo. Ito ang mga pangunahin nating pinagkukunan ng iba’t-ibang kaalaman at impormasyong
kinakailangan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Paano kayo bilang mag-aaral gumagamit ng
nasabing pinagkukunang impormasyon. Paano mo ginagamit ang mga impormasyon na nakukuha mo sa
dyaryo, magasin, radyo, telebisyon pelikula at internet? Bilang isang mag-aaral, kinakailangan na
nauunawaan natin ang mga impormasyong ating nakukuha at kinakailangan na ito ay nasusuri kung may
magandang naidudulot sa iyo at sa iyong pamilya.

Most Essential Learning Competency with Code:


Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang
babasahin, napapakinggan at napapanood sa: 1) dyaryo, 2) magasin, 3) radyo, 4) telebisyon, 5) pelikula, at
6) internet (EsP5PKP – Ib - 28)

Gawain 1: Panuto: Isulat sa patlang ang M kung Mabuti at DM kung Di-Mabuti ang naidudulot sa pamilya
ang bawat pangungusap
_______1. Si Michael ay nakabasa sa dyaryo ng malaswang balita.
_______2. Naghahanap ng trabaho ang iyong kuya itinuro mo sa kanya ang classified ads.
_______3. Karahasan at patayan ang laman ng balitang binabasa ni Kaloy.
_______4. Dito nakita ng iyong Ate Loreign ang magagandang desinyo ng damit na kanyang tatahiin.
_______5. Hilig ng iyong ama na sagutan ang crossword puzzle.
Alamin Mo: Panuto: Basahin ang tula sa ibaba.

MGA PINAGKUKUNANG IMPORMASYON: ATING SURIIN

Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin t’wina,


Nang pahayaga’t magasin gayundin ang lathain
Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman
Ang radyo at telebisyon palagi nating pakinggan.

Siyempe pa sa pagtuklas ng katotohanan,


At marubdob na pananaliksik ang kinakailangan
Sa tulong ng internet isang pindot mo lamang
Makikita mong lahat ng iyong kailangan.

Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan


Mahalaga ang pagtuklas sa katotohanan
Sa mga makukuha mong ibat-ibang kaalaman,
Maging mapanuri, upang di malilihis ng daan.

Malalaswang panoorin patuloy na lumalaganap,


Mga blogsite sa internet na ponograpiya ang makakalap
Mga larong mararahas, mahu-hook ka sa isang iglap
Di mo namamalayan, masamang epekto ang ýong nasagap

Kaya kaibigan , kaisipaý palawakin


Maging mapagmatyag, mensahe’y timbangin
Impormasyon at teknolohiya ay biyaya sa atin,
Kaya ating pagyamanin at h‘wag abusuhin.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Tungkol saan ang tulang inyong binasa?

__________________________________________________________________________________
2. Anu-ano ang mga pinagkukunang impormasyong nabanggit sa tula?

__________________________________________________________________________________
3. Anu-ano ang mga mabuting dulot ng mga ito sa atin? Di mabuting dulot?

__________________________________________________________________________________
4. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo/telebisyon o
nababasa mo sa pahayagan? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Itala ang iyong mga napanood sa telebisyon , pelikula at internet. Paano ito nakakaapekto sa iyong
kaisipan at damdamin? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Tandaan Mo
Tunay na napakahalaga ng paggamit ng iba’’t-ibang media (pahayagan, magasin, radyo,telebisyon
at internet o kompyuter sapagkat napapagaan nito ang ating buhay, lalo’t higit sa mga mag-aaral na
naghahanap ng kalutasan na may kinalaman sa kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ito
napapadali ang ating mga gawain at natututo rin ang mga mag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa
larangan anumang disiplina.

Malaki ang epekto ng media sa atin. Subalit hindi lahat ng ating nababasa at napapanood ditto ay
tama at totoo. Kailangan maging mapanuri sa mga binabasa, pinapakinggan, pinapanood at
pinupuntahang sites sa internet, dahil marami sa mga ito ay nagdudulot ng karahasan at kalaswaan na
maaring makapinsala sa ating sarili at pamilya. Masasabi nating malaki ang naitutulong ng media at
teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t-ibang aspekto ng kaalaman at edukasyon. Ngunit dapat din nating
pakaisipin na nararapat lamang na gamitin natin ito nang tama. Huwag nating hayaan na abusuhin ang
ating sarili ng teknolohiya na maaring makapagdulot sa atin ng negatibong epekto kapag hindi ginamit sa
tamang paraan. Maging mapanuri at mapagsiyasat sa mga bagay na nakakagulo dala ng mga ito para na
rin sa ating kapakanan ng ating pamilya.

Subukin Mo

Panuto: Basahin mga pangungusap. Ilagay sa patlang ang kung mabuti ang naidudulot nito sa sarili at
pamilya at kung hindi mabuti.

______1. Walang bawal sa mga nakapost sa Facebook o internet.


______2. Dapat laging kasama ang mga magulang sa panood ng pelikula.
______3. Kunin at pulutin lamang ang tama sa mga palabas.
______4. Manood ng malalaswang palabas kahit ipinagbabawal ng magulang.
______5. Humanap lamang sa Google ng mga importante at sagot sa takdang-aralin mo.

ARALIN 4: BUKAS ANG ISIP KO, MAG-AARAL AKO

Alamin:
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at
matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat
lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa atin sa inaasam na mga mithiin.
Maipapakita ng isang mag-aaral ang kanyang kawilihin at positibong saloobin sa pag-aaral sa
pamamagitan ng pakikinig sa talakayan, pakiki-isa sa mga gawaing pampaaralan, at kusang loob na
pagpasok sa paaralan. Sa tulong ng mga nabanggit na katangian mas magiging masaya at kanais-nais
ang mga mangyayari sa paaralan.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata
sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang
kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon
ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa ating buhay,
pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay
na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito.

Most Essential Learning Competency with Code:


Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral: 1. pakikinig, 2.
pakikilahok sa pangkatang Gawain, 3. pakikipagtalakayan, 4. pagtatanong, 5. paggawa ng proyekto (gamit
ang anumang technology tools), 6. paggawa ng takdang-aralin, 7. pagtuturo sa iba (EsP5PKP – Ic-d - 29).

Gawain 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha 😊 kung tamang saloobin sa pag-aaral ang tinutukoy ng
pangungusapat malungkot na mukha ☹ kung mali ang ipinapahiwatig nito.

______ 1. Makinig na mabuti kapag may nagsasalita.


______ 2. Aktibong makilahok sa mga talakayan at pangkatang gawain.
______ 3. Makipagtalo sa ka-grupo kapag hindi na sunod ang gusto.
______ 4. Pakinggan ang opinion o ideya ng mga kasama.
______ 5. Makipagsabayan sa pagsasalita ng guro.

Alamin Mo
Ano ang mangyayari kapag di tayo marunong makinig sa hinaing ng iba?

Panuto: Basahin at unawain ang isang alamat.

Alamat ng Keyboard

Noong unang panahon sa mga mundo ng letra at numero, naghahari ang grupo ng mga
numero.Sila ang nagpapatupad ng mga batas, namumuno upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Sabi ng grupo ng mga letra, “Dapat, tayo naman ang mamuno sa ating bayanupang magkaroon ng
pagbabago at mas mapa-unlad natin ang ating bayan”! Lagi na tayong alipin dito!” Dahil dito, naglunsad ng
pag-aaklas ang mga grupo ng mga Letra laban sa pamumuno ng mga numero,” Nagkaroon ng digmaan at
nagkasira-sira ang pamumuhay nila. Dahil sa ginawang ito ng mga grupo ng Letra.Nagalit ang Inang
Diwata, maayos naman daw ang pamumuhay nila noon hanggang sa magkaroon ng di pagkakaunawaan.
Pilit na pinag-aayos ng Inang Diwata ang dalawang grupo, ngunit ayaw pa rin nilang mag-ayos.

Sa galit ng mga Inang Diwata, sinumpa niya ang mga numero at letra na maging keyboard sa ibang
dimension. Sa makabagong panahon at henerasyon ngayon ang keyboard ay ginagamit sa
paaralan,establisyemento at marami pang iba.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Ano ang pamagat ng alamat?

__________________________________________________________________________________
2. Sino ang dalawang grupong nabanggit sa kwento?

__________________________________________________________________________________
3. Bakit naglunsad ng pag-aaklas ang grupo ng mga Letra?

__________________________________________________________________________________
4. Bakit nagalit ang Inang Diwata?

__________________________________________________________________________________
5. Ano ang kinalabasan ng di pagkakaunawaan ng dalawang grupo?

__________________________________________________________________________________

Pagsusuri at Pagbabahaginan
Panuto: Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral? Isulat
ang sagot sa iyong kwarderno. Gamitin ang kahon sa pagtala ng iyong sagot.

Subukin Mo

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang Oo kung tama ang pangunugsap at H kung
hindi. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Sitwasyon Oo Hindi


1. Nakikinig ako sa oras ng talakayan o kaya ay pagnagsasalita ang guro.
2. Tumutulong ako na matapos ang nakalaang gawain sa inyong grupo.
3. Gumagamit ako ng magagalang na salita tuwing ako ay nagtatanong
sa aking guro.
4. Nagpakita ng pagkagalit at pagka-inis sa pag-aaral?
5. Nagbibigay ako ng ideya tuwing pangkatang gawain.

Pangalan: _________________________________ Baitang at Seksyon: ________________

Pangalan ng Guro: ________________________ Petsa: ______________ Iskor:

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 5


UNANG MARKAHAN
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. Ano ano ang makukuha sa pakikinig ng radyo para sa sarili at pamilya?
a. fake news lang
b. kaalaman, impormasyon at makatotohanan at di-makatotohanang balita
c. mabuting balita
d. makapag damdaming drama tuwing hapon.
_____ 2. Isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas, kadalasan itong
inilalathala ng araw-araw o lingguhan.
a. radyo b. dyaryo c. magasin d. telebisyon
_____ 3. Anu-ano ang mga makukuha mo sa pagbabasa ng magasin?
a. Kaalaman sa kasalukuyang ulat ng panahon.
b. Kasiyahan sa mga artikulong nababasa pati ang mga naggagandang larawan.
c. Maging sikat dahil nagbabasa ka ng magasin
d. lahat ng nabanggit
_____ 4. Paano makakatulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng dyaryo?
a. Makakakuha tayo ng fake news c. Magiging aktibo sa klase.
b. Mapapadali ang pag-aaral. d. Nagbibigay ng kaalamang naaangko at napapanahon
_____ 5. Paano naka tutulong ang pakikinig ng radyo sa mga mag-aaral?
a. makakakuha tayo ng fake news
b. mapapadali ang pag-aaral.
c. nagbibigay ng kaalaman, impormasyon at balita na aangkop at napapanahon
d. pwede ng lumiban sa klase kapag makikinig ka ng radyo araw-araw.
_____ 6. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:
a. buksan ang computer at maglaro ng online games c. kumain at uminom
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin d. lahat ng nabanggit
_____ 7. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang dapat mong gawin?
a) Panatilihin itong isang lihim.
b) Tumugon at hilingin mo sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng hindi
naaangkop na mensahe.
c) Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.
d) Tawagan at sigawan ang agent ng Internet Service Provider
_____ 8. Sa paggamit ng internet sa computer shop, alin sa mga ito ang dapat gawin?
a) Maaari kong i-check ang aking facebook at magpost ng komentong nakakainis sa post ng
ibang tao sa anumang oras na naisin ko.
b) Maaari akong pumunta sa ipinagbabawal na chat rooms gamitin ang instant messaging
para makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan.
c) Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga pinayagang
websites kung may pahintulot ng guro o magulang ko.
_____ 9. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o address
sa hindi mo kilalang site, dapat mong:
a) ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na gawin ito.
b) i-post ang impormasyon sa anumang pampublikong websites tulad ng Facebook, upang
makita ninuman.
c) iwasang ibigay ang personal na impormasyon online, dahil hindi mo batid kung kanino ka
nakikipag-ugnayan.
d) lahat ng nabanggit ay tama
_____ 10. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na sa iyong palagay ay hindi naangkop,
ano ang dapat mong gawin?
a. Huwag pansinin. Balewalain.
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
c. Ipaalam agad sa nakatatanda.
d. Lahat ng nabanggit
_____ 11. Ano ang dapat gawin upang malaman kung mabuti o hindi mabuti ang mga napakinggan sa
radyo?
a. gumamit ng mapanuring pag-iisip
b. hayaan na lamang kung ano ang napakinggang balita kahit mali
c. maging negatibo sa lahat ng mga napakinggan sa radyo
d. paniwalaan lahat ng napakinggan sa radyo
_____ 12. Ano ang di-mabuting naidudulot sa pagbabasa ng magasin?
a. nagbibigay ng mga hindi makatotohanang artikulo
b. naglalaman ng mga larawan, salita, ideya na di mabuti sa mga bata
c. paninira sa lipunan o sa ibang tao ng di makatutuhan
d. lahat ng nabanggit
_____ 13. Ano ang dapat gawin upang malaman kung mabuti o hindi mabuti ang naidudulot sa binabasa
sa dyaryo?
a. kaalaman sa kasalukuyang ulat ng panahon
b. kasiyahan sa mga artikulong nababasa pati ang mga naggagandahang larawan
c. maging sikat dahil nagbabasa ka ng magasin
d. lahat ng nabanggit
_____ 14. Tumutukoy sa sistema ng pakikipagugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha,
nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad
at mga network.
a. Social Media b. telebisyon c. Teleserye d. Anunsiyo
_____ 15. Pwedeng manood ng Rated SPG ang mga bata kahit walang gumagabay.
a. tama b. mali c. siguro d. huwag pansinin
_____ 16. Kailangan ng mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang
kinabukasan.
a. Pagkain b. Damit c. Edukasyon d. Seguridad
_____ 17. Alin sa mga sumusunod ang gagawin sa oras na nagtatalakay ang guro?
a. magsalita ng malakas pa sa guro c. tumawa ng malakas
b. sumigaw at umiyak d. makinig ng mabuti
_____ 18. Ano gagawin kapag gustong sumagot sa tanong ng guro?
a. kumain b. magtaas ng kamay c. tumalon d. sumayaw
_____ 19. Dapat magpakita ng pagka-inip at pagkaantok sap ag-aaral?
a. tama b. mali c. siguro d. walang sagot
_____ 20. Institusyong tagahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral.
a. simbahan b. ospital c. paaralan d. parke

Performance Task: (20 Puntos)

Sa iyong sariling pag-unawa, paano mo masusuri ang mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at
miyembro ng pamilya ng anumang babasahin, napakinggan at napapanood? Gumawa ng ilustrasyon gamit
ang isang maliit (short) at malinis na papel o bond paper.

You might also like