You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

UNIVERSITY OF SOUTHEASTERN PHILIPPINES


Tagum-Mabini Campus

Di Masusing Banghay-Aralin sa
Filipino III

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian (Payak at Tambalan)
b. napahahalagahan ang gamit ng payak at tambalan sa isang pangungusap
c. nakapagbibigay ng sariling opinyon o halimbawa ng payak at tambalang
pangungusap

II. PAKSANG ARALIN


Paksa : Payak at Tambalang Pangungusap
Sanggunian : Agarrado, P. et al.,Alab Filipino V p. 184
Kagamitan : Cartolina, Worksheets, printed texts, marker

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
Tanong:
 Ano ang pinag-aralan natin noong nakaraang diskusyon?
 Bakit mahalaga ang mga uri ng pangungusap?
2. Pagganyak
 Ipakita ang mga pangungusap sa mga bata na nasa pisara.
1. Si Dianne ay kumakain
2. Si Mary ay nagbabasa at nagsusulat
3. Si Bes at Peliz ay tumutula
4. Gusto ni Bob na sumali sa paligsahan ngunit nahihiya siya
5. Nais ni Ana na sumayaw samantala nais ni Elsa na umawit

Tanong:
 Ano ang napansin niyo sa mga pangungusap na ipinakita?
 Ano ang pagkakaiba ng mga pangungusap?

B. Paglalahad ng Aralin
1. Paglalahad
 Payak na pangungusap-nagtataglay ng isang diwa o kaisipan
Halimbawa: Si Dianne ay kumakain.
 Tambalang pangungusap-ito ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap na
pinag-uugnay ng pangatnig.
 Mga uri ng pangatnig na ginamit sa tambalang pangungusap ay at, o, ni, ngunit,
subalit, samantala, at iba pang kauri nito.
Halimbawa: Gusto ni Bob na sumali sa paligsahan ngunit nahihiya siya.
Mga anyo o kayarian ng payak na pangungusap
1. Payak na simuno at payak na panaguri
[Type text]

Halimbawa: Si Juan ay masipag.


2. Tambalang simuno at payak na panaguri.
Halimbawa: Si Dianne at Sol ay sumasayaw.
3. Payak na simuno at tambalang panaguri
Halimbawa: Si Mary ay nagbabasa at nagsusulat.
4. Tambalang simuno at tambalang panaguri
Halimbawa: Si Sheena at si Jed ay magpinsan at magkaklase.

 Pangkatin ang klase sa apat na pangkat. Ipagawa sa bawat pangkat ang


sumusunod:
 Mga dapat tandaan sa bawat pangkat.
1. Pumili ng isang lider
2. Magtulungan sa gawain
3. Pumili ng taga-ulat

 Unang pangkat- 3 halimbawa ng Payak na simuno at payak na panaguri


 Ikalawang pangkat- 3 halimbawa ng Tambalang simuno at payak na panaguri.
 Ikatlong pangkat- 3 halimbawa ng Payak na simuno at tambalang panaguri
 Ika-apat na pangkat- 3 halimbawa ng Tambalang simuno at tambalang panaguri

2. Pagtatalakay
 Ipaulat sa mga mag-aaral ang output ng bawat pangkat
Tanong: Ano ang napansin niyo mula sa ginawang activity?
 Magbibigay ang guro ng mga salita sa mga bata.
 Gagamitin ng mga bata ang mga salita upang makabuo ng isang payak at tambalang
pangungusap.
 Bubunot ang mga bata kung ang gagawin nila ay payak na pangungusap o tambalang
pangungusap.

3. Paglalapat
 Babasahin ng malakas sa mga bata ang mga salita na inihanda ng guro.
 Paunahan sila ng pagbigay ng pangungusap nito.
 Itaas ang kamay sa gustong sumagot.
 Gagawin nila ito sa loob ng isa’t kalahating minuto sa pasalitang paraan.

4. Paglalahat
Tanong:
 Ano-ano ang mga natutunan mo sa aralin?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay payak o tambalan.


1. Hinog na sa pagsabog ang Bulkang Mayon.

2. Iniakyat na ng PHIVOLCS sa Alert Level 3 ang babala sa bulkan.


3. Nagtalaga na ang pamahalaang panlalawigan ng mga viewing area na maaaring
puntahan ng mga turista at ipinagbawal ang mga nakahiligang gawain sa pagbisita sa
lalawigan tulad ng ATV ride patungong Mayon.
4. Sinabi ng PHIVOLCS na muli na namang nakapagtalaga ng pagyanig ang bulkan at ang
walo sa pagyanig ay may kinalaman sa pag akyat ng magma sa bibig ng bulkan.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY OF SOUTHEASTERN PHILIPPINES
Tagum-Mabini Campus
5. Sa kabila ng pagbuga ng usok wala naman daw naitalang volcanic quakes sa nakalipas na
24 oras ngunit hindi maiwasang mangamba ng mga residente na nakatira malapit sa
bulkan.
6. Anuman ang ating ikinabubuhay ay nagmumula sa biyayang dulot ng kalikasan subalit
inaabuso natin ito hanggang sa maubos.
7. Pinalilikas na ang mga mamamayan sa ligtas na lugar bago pa man pumutok ang bulkan.
8. Maraming naaakit na lokal o dayuhang turista sa ganda ng Bulkang Mayon.
9. Mapipilitang anihin na ang mga palay o hayaan itong madaluyan ng mainit na lava
mula sa sumabog na bulkan.
10. Wala kang marinig na pagdaing ni pagtutol sa mga mamamayang inililikas.

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Maghanap ng isang maikling talata o teksto. Ilista ang mga payak at tambalang
pangungusap. Ilagay ito sa kwaderno.

Inihanda ni:

JESA T. ZONIO
Pre-Service Teacher - USeP

Iniwasto ni:

SIR ALLAN L. BATALUNA


Cooperating Teacher

You might also like