You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa FLIPINO 6

Aralin: Pag-uulat Tungkol sa Pinanood/ Binasa


Pangalan ng Guro: Ma. Fatima Bernaldez Section:
Petsa: Week:
Quarter: 3 Linggo 6 Duration:

I. Layunin:
• Nauunawaan ng mga mag-aaral ang nais na ipahatid ng pabulang binasa.
• Nakasagot ng mga katanungan batay sa kwentong binasa o pinanood.
• Mauulat ang tungkol sa pinanood/binasa.
II. Paksang Aralin: Pag-uulat Tungkol sa Pinanood/ Binasa
A. Sanggunian: Youtube: Pag-uulat Tungkol sa Pinanood/ Binasa
B. Kagamitan: TV, Visual Aid https://www.youtube.com/watch?v=MUb3yfuR_ow.
III. Panlinang na Gawain:
1. Pagsanay
Panoorin ang isang maikling kwento tungkol sa “Ang Alamat ng Pinya”
Alamin kung bakit pinya ang tawag sa prutas na ito.
• Ipanood sa mga mag-aaral ang vidyo ng alamat na “Ang Alamat ng Pinya” sa
tv.
• Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento tungkol sa “Ang Alamat ng Pinya”
2. Gawain:
A. Paglalahad:
Ang panonood ay proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas,
video recording at iba pang visual media. Lahat ng bagay ay maaaring
matutuhan mo sa pamamagitan ng panonood. Ang panonood ay
nakapagdudulot sa isang indibidwal na maging ang kamalayan maaaring
maging inspirasyon at maging sandigan upang gumawa ng tama.

B. Pagtatalakay:
Sa pag-uulat naman ng inyong napanood, kinakailangan mo ang
detalye ng palabas. Maaaring gumagamit ng papel at bolpen upang mailista
ang mga mahahalagang detalye at pangyayari sa kuwento na pinanood o
binasa. Kapag nakuha mo na ang mga kinakailangang mga datos sipiin at isa-
isahin ang mga ito batay sa importansya ng mga datos at impormasyong
kinakailangan, Alalahanin ang pagkakasunod-sunod na mga kaganapan,
alamin ang aral at gaing gabay ito sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay.

C. Pagpapayamang gawain:
Hatiin ang mag-aaral sa tatlong pangkat.
Panuto: Sagutain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa ibinigay na manila paper ng guro.
_______1. Ano ang hinanap ni pinang nang huli itong Makita ni Aling Rosa?
a. ulam b. plato c. prutas d. sandok
_______2. Ano ang tumubo sa bakuran ni Aling Rosa?
a. puno b. damo c. halaman d. bulaklak
_______3. Anong ugali mayroonn si Pinang?
a. Maalaga at masipag b. mapagmahal at mabait
c. tamad at matigas ang ulo d. masunurin at maalahanin
_______4. Bakit napilitang sumunod si Pinang s autos ng kaniyang ina?
a.Dahil masipag na si Pinang.
b. Dahil nagkasakit si Aling Rosa.
c. Dahil natatakot si Pinang sa ina.
d. Dahil naging masunurin na si Pinang.
_______5. Bakit biglang naglaho si Pinang?
a.Nakikipaglaro si Pinang sa kanyang mga kaibigan.
b. Naging halaman si Pinang na may maraming mata.
c. Nagalit si Pinang kaya naisipan niyang umalis ng bahay.
d. Nagtago si Pinang para hindi na siya mautusan pa ng ina.
D. Paglalahat:
Ang ulat ay isang pagpapahayag na maaring pasalita o pasulat ng iba’t-ibang
kaalaman. Ito ay bunga ng pananaliksik sa mga aklat, panonood o pakikipag-
usap sa mga taong may tanging kaalaman o pagmamasid sa bagay-bagay.
IV. Pagtataya:
Panuto: Kopyahin sa sagutang papel ang character map at punan ang mga kahon ng tamang
sagot batay sa tanong na nasa ibaba.
Ano-ano ang mga katangian ng tauhan sa alamat na iyong napanood/nabasa batay sa
kanilang pananalita at kilos?

Aling Rosa

Pinang

V. Takdang Aralin:
Panuto: Sa mga mag-aaral na may telebisyon at internet.
Manood ng isang palabas sa telebisyon na may tulad ng “Ang Alamat ng Pinya”. Habang
nanonood, itala ang mga mahahalagang detalye ng napanood. Muling isalaysay o iulat ang
iyong napanood sa pamamagitan ng pagpuno sa hinihinginh impormasyon sa ibaba. Isulat
sa sagutang papel.
Pamagat: ________________________________________________________________________________________
Tauhan: _________________________________________________________________________________________
Tagpuan: ________________________________________________________________________________________
Unang pangyayari: _____________________________________________________________________________
Huling pangyayari: _____________________________________________________________________________
Magandang-aral na nakuha sa napanood: ___________________________________________________

Remark: _______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

__________________________. _______________
Checked by: Date

You might also like