You are on page 1of 8

PAARALA NEMESIO N.

GANAN III MEMORIAL SCHOOL BAITANG 6


N
GURO ERICSON MERAN ASIGNATURA FILIPINO
PETSA Mayo 3, 2023 MARKAHAN IKAAPAT NA
MARKAHAN

I. LAYUNIN
 Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa
A. Pamantayang pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga
Pangnilalaman sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad
ng bansa.

B. Pamantayan sa  Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan,


Pagganap pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento.
C. Pamantayan sa
Pagkatuto  Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang
(Most Essential bahagi ng pananalita.
Learning Competency) ( F6WG-IVb-i-10)

D. Integrasyon  Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa


(within curriculum pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. (F6WG-Ia-d-2)
teaching areas)
 Nakapagninilay ng katotohanan BATAY sa mga NAKALAP NA
E. Integrasyon
IMPORMASYON:
(across curriculum
teaching areas)
3.2. patalastas na nabasa/narinig
(EsP4PKP- Ie-g – 25)
“Paggawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng
II. NILALAMAN
pananalita”
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang
Pang-mag-aaral Filipino Module 6
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
portal ng learning
resource.
B. Iba pang LED TV, meta cards, mga larawan, videos, powerpoint presentation
kagamitang
panturo
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa Magandang umaga mga bata,
Nakaraang Aralin at/o handa na ba kayo sa ating
Pagsisimula ng Bagong aralin sa araw na ito?
Aralin Magandang umaga rin po Sir,
handa na po kami!

Sino ang liban sa klase ngayon?


Wala po sir!
Magaling!
 Mayroon ba kayong
takdang aralin?

Wala po sir.
Kung gayon, halina’t atin
munang balikan ang ating
nakaraang aralin.
Mayroon ako ditong kahon,
ipapaikot ko ito habang
tumutugtog. Kapag huminto
(Masayang gagawin ng mga bata
ang tugtog, kung sino man ang
gawaing ibibigay ng guro.)
may hawak ng kahon ay kukuha
ng tsokolate sa loob nito at may
nakalagay na pangungusap.
Basahin ang pangungusap at
tukuyin ang pang-uri sa
pangungusap.

Mahusay mga bata!


Ang pang-uri ay mga salitang
 Ano ang pang-uri? naglalarawan sa tao, bagay,
hayop, at lugar.

Tama!

 Nanonood ba kayo ng
Opo sir!
Telebisyon mga bata?

 Kapag nanonood kayo ng


mga programa sa TV, ano
ang kadalasang Patalastas po sir!
ipinapalabas pagkatapos
nito?

Tama!

 Anong patalastas ang


pinakapaborito ninyong (Iba-iba ang magiging sagot ng
panoorin? mga bata)
B. Paghahabi sa
Layunin ng Aralin

May inihanda ako sa inyong


video. Sabay nating panoorin (Masayang papanoorin ng mga
ito. bata ang videong inihanda ng
guro)
 Nagustuhan nyo ba ang
videong pinanood ninyo? Opo!

 Tungkol saan ang


patalastas sa video? Ang patalastas sa video ay
tungkol sa Corneto Ice Cream.

Tama!
C. Pag-uugnay ng  Ano ang patalastas?
mga Halimbawa sa Ang patalastas ay maikling
Bagong Aralin mensahe na nagpapabatid ng
mahalagang
impormasyon tungkol sa:
- gaganaping palatuntunan at iba
pang gawain
- panawagan sa madla
- kautusan ng paaralan o bayan
- pangangailangan sa hanapbuhay
- nawawala

Mahusay!
Ito rin ay isang paraan upang
makahikayat tungkol sa isang
produkto, pangyayari, tao, at iba pa
sa pamamagitan ng iba’t ibang
plataporma at kadalasan, ang
ginagamit dito ay ang midya.
Mahalaga ring tandaan na ang
patalastas ay mahalaga dahil ang
pangunahing layunin nito ay ang
pag-akit ng mga tao sa mga
malikhaing paraan. Dahil dito, mas
maraming tao na ang makakakita ng
produkto o serbisyong nais mailahad
sa publiko.

Samantala, mahalagang elemento


naman sa pagsasagawa ng isang
patalastas ay ang paggamit ng mga (Makikinig ng mabuti ang mga
bahagi ng pananalita. Ilan na rito ay bata sa paliwanag ng guro.)
ang pangngalan at panghalip.

D. Pagtatalakay ng Integrasyon (within curriculum teaching areas)


Bagong Konsepto  Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa
at Paglalahad ng pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. (F6WG-Ia-d-2)
Bagong Kasanayan  Ano-ano ang mga bahagi
#1
ng pananalita na inyong
napag-aralan simula pa sa
unang baitang? Ang mga bahagi ng pananalita
ay ang pangngalan, pandiwa,
pang-uri, panghalip, pang-abay,
pang-ukol at pangatnig.

Magaling!

 Ano ang pangngalan? Ang pangngalan ay mga salitang


tumutukoy sa ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook at
pangyayari.
Mahusay!

 Magbigay ng mga
halimbawa ng pangngalan. Ilan sa mga halimbawa ng
pangngalan ay guro, nanay, lolo,
Magaling! lapis, suklay, paaralan, sapatos
atbp.

 Ano naman ang panghalip?

Ang panghalip ay mga salitang


panghalili sa ngalan ng tao,
Tama! hayop, bagay, pook at
pangyayari.

 Magbigay ng mga
halimbawa ng panghalip

Ilan sa mga halimbawa ng


panghalip ay siya, sila, ako,
kami, nila, natin, kayo, tayo.
Magaling!
Basahin ang usapan sa ibaba:

 Sino-sino ang nag-uusap sa Ang mga nag-uusap sa binasa ay


binasa? sina Tatay at Jun.

Tama!

 Sa inyong binasa, ano-


anong mga pangngalan ang Ang mga pangngalan na ginamit
ginamit sa usapan? sa usapan ay ang tatay, Nanay
Beng, anak, Jun, Bomer, plasa,
programa, at Araw ng Kalayaan.
Mahusay!

 Ano-ano naman ang mga


panghalip na ginamit dito? Ang mga panghalip na ginamit
ay ang niya, siya, iyo, ako, mo,
akin, at natin.

Magaling!
F. Pagtatalakay ng Ngayon naman mga bata, may
Bagong Konsepto ipapapanood ako sa inyong
at Paglalahad ng isang video. Pakinggan ninyong
Bagong Kasanayan mabuti ang usapan sa video at
#2 pagkatapos ay aalamin natin
ang mga bahagi ng
pananalitang ginamit sa usapan
katulad ng pangngalan at
panghalip. Handa na ba kayo?
Handa na po kami sir!
(Manonood at makikinig nang
mabuti ang mga bata.)

 Ano ang napanood ninyo sa


video mga bata? Ang napanood po namin ay
patalastas ng Fita at Wow
Sarap sir!
Tama!
 Ano-anong mga bahagi ng
pananalita ang ginamit sa
usapan sa inyong napanood Ang ilang bahagi ng pananalitang
na patalastas? ginamit sa usapan sa patalastas
na aming napanood ay ang
pangngalan, panghalip, pang-uri
Mahusay! at pandiwa.
 Nalaman na ninyo kung ano
ang pangngalan at
panghalip mga bata, ano
naman ang pandiwa?

Ang pandiwa ay mga salitang


kilos o galaw.
Magaling!

 Magbigay ng ilang
halimbawa ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa ng
pandiwa ay kumain, sumayaw,
matulog, maligo at iba pa.

Mahusay! Ang pang-uri ay mga salitang


naglalarawan sa pangngalan.
 Ano naman ang pang-uri?

Magaling!
Panuto: Suriin ang mga larawan
sa ibaba. Gumawa ng patalastas
at usapan gamit ang iba’t-ibang
bahagi ng pananalitang inyong
natutunan. Pumili lamang ng isa.

1.

G. Paglinang sa (Iba-iba ang magiging sagot ng


Kabihasaan (tungo
mga bata.)
sa Formative
Assessment) 2.

3.

H. Paglalapat ng Pangkatang Gawain


aralin sa Pang-
araw-araw na Ngayon naman mga bata,
buhay hahatiin ko kayo sa tatlong
pangkat. Gagawa kayo ng
isang patalastas at usapan
gamit ang iba’t-ibang bahagi
ng pananalita. Pumili kayo ng
inyong lider. Ngunit bago
ninyo simulant ang inyong
gawain, alamin muna natin
ang mga pamantayan sa
pangkatang gawain.

 Ano-ano ang mga


pamantayan sa pangkatang
gawain?
Ang mga pamantayan sa
pangkatang gawain ay:
1. Makipagtulungan sa mga
kagrupo.
2. Sumunod sa lider.
3. Gumawa ng mabilis at
tahimik.
4. Basahin at unawain ang
panuto.
5. Linisin ang mga kalat
pagkatapos ng gawain.
Magaling!

Ngayon naman ay tinatawagan


ko ang mga lider upang kunin
ang envelop ng inyong Pangkat 1 – Ang Arte Mo!
pangkat. Gumawa ng isang patalastas
tungkol sa ipinagmamalaki
ninyong produkto sa inyong
barangay. Paano mo
mahihikayat ang mga mamimili
upang tangkilikin ito? (Iaarte ito
ng pangkat.)

Pangkat 2 – Ang Ganda Ko!


Gumawa ng isang patalastas
tungkol sa turismo sa inyong
lugar. Paano mo mahihikayat
ang mga turista na dumayo sa
inyong barangay upang makita
ang mga magagandang tanawin
rito? (Iaarte ito ng pangkat.)

Pangkat 3 – Makikisaya Tayo!


Gumawa ng isang patalastas
tungkol sa nalalapit na pista o
taunang pagdiriwang sa inyong
barangay. Paano mo
mahihikayat ang mga taong
dumalo at makisaya sa
pagdiriwang na inyong
gaganapin? (Gagawa ng digital
poster ang pangkat.)

(Gagawin ng mga bata ang


pangkatang gawain sa gabay ng
guro.)
I. Paglalahat ng Integrasyon (accross curriculum teaching areas)
Aralin  Nakapagninilay ng katotohanan BATAY sa mga NAKALAP NA IMPORMASYON:
3.2. patalastas na nabasa/narinig
(EsP4PKP- Ie-g – 25)
 Paano mo masusuri kung Masusuri natin ang isang
ang isang patalastas ay patalastas kung makatotohanan
makatotohanan at hindi at hindi isang fake news kung
lang fake news? mayroon tayong masusing pag-
iisip. Dapat nating pagnilayan ng
mabuti ang mga impormasyong
ating nababasa o napapanood
upang magkaroon tayo ng
tamang pagpapasya kung
paniniwalaan natin o hindi ang
ating napanood o nabasa.

Tandaan: Ang Mapanuring pag-


iisip ay kinakailangan upang (Makikinig ng mabuti ang mga
malaman ang katotohanan sa bata sa paliwanang ng guro.)
narinig o nabasang patalastas
upang hindi maling
impormasyon ang iyong
maihatid sa ibang tao.
Ang patalastas ay maikling
 Ano ang patalastas? mensahe na nagpapabatid ng
mahalagang
impormasyon tungkol sa:
- gaganaping palatuntunan at iba
pang gawain
- panawagan sa madla
- kautusan ng paaralan o bayan
- pangangailangan sa hanapbuhay
- nawawala

Magaling!
 Ano-ano ang mga bahagi Ang mga bahagi ng pananalitang
maaaring gamitin sa paggawa ng
ng pananalitang maaaring
patalastas at usapan ay
gamitin sa paggawa ng
pangngalan, panghalip, pang-uri,
patalastas at usapan? pandiwa at iba pa.

Mahusay!
K. Pagtataya ng Aralin Panuto: Gumawa ng patalastas at
usapan sa mga larawan gamit ang
(Performance) iba’t-ibang bahagi ng pananalita.
Salungguhitan ang mga bahagi ng
pananalitang ginamit sa patalastas
at usapan.

A.

B.

L. Karagdagang
Panuto: Gumupit ng mga patalastas sa mga pahayagan o kahit anong
Gawain para sa
babasahin at tukuyin ang mga bahagi ng pananalitang ginamit rito. Idikit
Takdang-Aralin at
ito sa malinis na bond paper.
Remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
M. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
N. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation
O. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral nan a nakaunawa sa
aralin
P. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
Q. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
R. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking guro at
superbisor?
S. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa kapwa ko mga guro
Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Romblon
District of San Andres
NEMESIO N. GANAN III MEMORIAL SCHOOL
Jun Carlo, San Andres, Romblon
ooOoo

BANGHAY-ARALIN SA
PAGPAPAKITANG-TURO

FILIP
INO 6
Ikaapat
na
Markahan
Inihanda ni

ERICSON MERAN
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni

LEONISA M. ROYO
Gurong Tagapamatnubay

Sinang-ayunan ni

ERNANIE G. FABILA
Ulong Guro I

You might also like