You are on page 1of 4

Learning Area Filipino VI Grade Level VI

W-3 Quarter 4 Date

I. LESSON TITLE Pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita isyu o
usapan
II. MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES (MELCs)  Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita o isyu
F6PS-IVc-1
III. CONTENT/ A. Naipapamalas ang kakayahan sa pagpapahayag at pagkamatatas sa pagsasalita ng sariling opinyon o reaksiyon
CORE CONTENT sa isang napakinggang balita, isyu o usapan
 Nauunawaan ang napakinggang balita, isyu o usapan
 Nagagamit ang iba’t ibang pahayag na karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon o
reaksyon sa isang napakinggang balita isyu o usapan
 Napahahalagahan ang pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon sa napakinggang balita, isyu o
usapan.
(Sanggunian): Alab sa Filipino 6, pahina 174-178

IV. LEARNING Time


Learning Activities
PHASES Frame
A. Introduction 20 Sa araling ito, maipamamalas mo ang kakayahan at pagkamatatas sa iyong pagsasalita at pagpapahayag ng
Panimula minuto sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita o isyu . Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
naipapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.
Ano nga ba ang reaksiyon? Ang reaksiyon ay isang damdamin o emosyon na nagpapakita ng pagsang-ayon o
pagsalungat hinggil sa isang paksa o isyu. Maaaring magkaroon ng iba’t ibang reaksiyon sa isang isyu depende sa
pananaw o opinyon ng tao.
Paalaala: mga pahayag
Ano naman ang opinyon? Ang opinyon ay tumutukoy sa paniniwala, sariling saloobin o mga palagay
hinggil sa isang paksa, bagay o pangyayari. Maaari ring gamitin ang mga pahayag na sa palagay ko, sa aking
opinyon, sa tingin ko, sa aking pananaw, naniniwala ako, kung ako ang tatanungin sa pagpapahayag o pagbibigay
ng iyong sariling opinyon.
Paano ba kayo nagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan? Sa
napakinggang isyu, balita o usapan ay dapat tandaan ang mga sumusunod:
1. Suriing mabuti ang mga pangyayari bago magbigay ng opinyon
2. Piliing mabuti ang salitang gagamitin o bibitawan
3. Maging maingat sa pagbibigay ng iyong opinyon o reaksiyo dahil nakasalalay dito ang iyong pagkatao.
Upang higit mo pang maunawaan ang mga ito ay maaari mong panoorin ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=YxdqJEvvE7c . Mayroon pang mga kasanayan na maaari mong tingnan sa
Alab sa Filipino 6, pahina 174-178.

B. Development 40 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Pagpapaunlad minuto Ngayon ay ipabasa sa sinumang kasama sa bahay ang kuwentong pinamagatang, Pandaka, Ang Isdang Napakaliit,
na matatagpuan sa pahina 174-177 ng aklat na Alab Filipino 6. Pakinggan itong mabuti. Pagkatapos ay sagutan
ang mga pahayag o tanong sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon at isulat sa iyong sagutang papel
ang tamang sagot.

1.Kung ikaw ang tatanungin, paano mo mailalarawan bilang isda si Pandaka?


2. Sa tingin mo, bakit labis ang pagkaawa ni Pandaka sa sarili?
3. Batay sa iyong pananaw, ibigay ang mga natutuhan ni Pandaka sa paaralan.
4. Sa iyong palagay, bakit kaya nasabi ni Pigme na magiging isang bayani si Pandaka?
5. Sa iyong paniniwala, kalian ba maituturing na bayani ang isang tao?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Pakinggan/panuorin ang balita sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=7qusDm3epL0 at ibigay ang
iyong reaksiyon sa bawat nilalaman ng balita. Kung walang internet sa bahay maaari ring ipabasa sa
sinumang kasama sa bahay ang nilalaman ng balita sa ibaba at pakinggan itong mabuti. Iguhit ang kung
sumasang-ayon ka at kung hindi .Ipaliwanag ang iyong kasagutan. Isulat sa iyong sagutang
papel ang tamang sagot.
IV. LEARNING Time
Learning Activities
PHASES Frame
EXTENDED SCHOOL YEAR
Pinag-aaralan na ng Department of education na gawing dalawang lingo lamang ang summer break ng
elementaya at hayskul. Pahahabain naman daw ang kasalukuyang school year upang makumpeto ang kanilang
school requirement sa ilalim ng distance learning ngayong pandemya.
Base sa orihinal na latag ng School Calendar 2020-2021, sa June 11 magtatapos ang klase ng mga
estudyante mula elementarya hanggang highschool pero baka humaba pa iyan.”kami ay may balak na
magdagdag o magpropose ng dalawang linggong dagdag ngayong quarter, so ang ibig sabihin magmo-nove
ang school calendar ng dalawang linggo kapag naapprove ito”(Diosdado San Antonio Under Secretary for Curriculum
and Instruction DEPED).
Pag-uusapan sa Executive Committee ng Department of Education o DepEd ang panukalang extension ng
school calendar para sa second quarter. Isa sa mga dahilan ay para bigyan ng sapat na pagkakataon ang mga
estudyante na makumpleto ang kanilang school requirement sa ilalim ng distance learning ngayong pandemya.
Sa field report na nakarating sa DepEd noong First Quarter nasa 99 % naman dawn a mga estudyante ang
nakasunod sa mga school requirement.
May ilang hindi pabor na dagdagan pa ang araw ng pasukan. Hindi lang pahirap sa mga estudayante
gayundin daw sa mga magulang gaya ni Bernie Barcia na apat ang mga anak na nag-aaral. “Ang mga bata ano
hindi natututo ng maayos kasi magulang na ang gumagawa (Bernie Barcia magulang)” .
Meron din naman na pabor sa panukala, “Mas maigi iyon kasi mas maraming matutunan ang mga bata
(Norma Mendoza magulang)”, pero ang dalawang buwang summer break ay pinag-aaralan na rin daw iksian. “Hindi na
magkakaroon ng mahabang summer break sa pagitan ng dalawang taong pasukan, baka dalawang linggo lang
pag-uusapan din yan “ Diosdado San Antonio Under Secretary for Curriculum and Instruction DEPED).

Ulat ni Jun Veneracion –GMA

_____ Pinag-aaralan na ng Department of education na gawing dalawang lingo lamang ang


summer break ng elementaya at hayskul.
_____ Pahahabain ang kasalukuyang school year upang makumpleto ang school requirements
sa ilalim ng distance learning.
_____ Pag-uusapan sa Executive Committee ng Department of Education o DepEd ang
panukalang extension ng school calendar para sa second quarter.
_____Hindi lang pahirap sa mga estudayante gayundin daw sa mga magulang ang pagdadagdag ng araw ng
pasukan.
_____Hindi na magkakaroon ng mahabang summer break sa pagitan ng dalawang taong
pasukan, baka dalawang linggo lang pag-uusapan din yan.

Gawain sa pagkatuto Bilang 3:


Ibigay ang iyong sariling opinyon o reaksiyon sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa pamamagitan ng paggamit sa pangungusap ng mga sumusunod na pahayag sa loob ng kahon .

Sa palagay ko Sa tingin ko
Sa aking pananaw
Sa aking opinyon kung ako ang tatanungin

C. Engagement 30 Pagtibayin pa natin ang iyong mga natutuhan. Ipabasa sa sinumang kasama sa bahay ang mga isyu. Pakinggan
Pakikipagpalihan minuto itong mabuti at unawain. Pagkatapos, sagutan ang mga gawain sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Ibigay ang sariling opinyon at reaksiyon sa bawat isyu o pahayag. Sundin ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Halimbawa:
Isyu: Paghito ng pag-aaral ng maraming estudyante dahil sa pandemya.

Opinyon:
Para sa akin hindi dapat huminto sa pag-aaral dahil sa pandemya sapagkat napakaraming paraan para maituloy
ang edukasyon sa mga tahanan, gaya ng paggamit ng modyul, telebisyon, online classes at iba pa.
Reaksiyon:
Nakalulungkot isipin na maraming mag-aaral ang nahinto sa pag-aaral dahil sa pandemya.

1. Paglobo ng bilang ng nagkakaroon ng sakit na Covid 19.


IV. LEARNING Time
Learning Activities
PHASES Frame
Opinyon:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Reaksiyon:

__________________________________________________________________________________________

2. Pag-eextend ng MECQ sa lungsod ng Cavite.

Opinyon:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Reaksiyon:

____________________________________________________________________________________________

3. Pagpapairal ng curfew sa buong bansa.

Opinyon:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Reaksiyon:

____________________________________________________________________________________________

4. Pagbabakuna sa mga mag-aaral laban sa Covid-19

Opinyon:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Reaksiyon:

____________________________________________________________________________________________

5. Pagbubukas ng paaralan sa darating na pasukan 2021-2022.

Opinyon:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Reaksiyon:

____________________________________________________________________________________________

D. Assimilation 10 Binabati kita sapagkat napagtagumpayan mo ang lahat ng pagsusulit. Ngayon naman ay sagutan mo sa sagutang
Paglalapat minuto papel ang sumusunod:

Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag.

Mahalaga pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon ang paggamit ng ____________________ na salita


upang hindi makasakit ng damdamin ng ibang tao.

Laging tatandaan na sa pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan sa
napakinggang isyu, ay dapat tandaan na ___________ mabuti ang mga pangyayari bago magbigay ng opinyon.
Piliing mabuti ang _____________ gagamitin o bibitawan
Maging maingat sa pagbibigay ng iyong opinyon o reaksiyo dahil nakasalalay dito ang iyong ___________.
V. ASSESSMENT 10 Makinig ng isang napapanahong isyu at ibigay ang iyong sariling opinyon o reaksiyon hinggil dito.
minuto Sa susunod na aralin ay matutunan mo ang pagsusuri at pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip na teksto
(fiction at non-fiction).
IV. LEARNING Time
Learning Activities
PHASES Frame
VI. 10 Isulat mo sa iyong kwaderno ang iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
REFLECTION minuto Naunawaan ko na________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________.
Naisasagawa ko na_______________________________________.

Prepared by: JHOAN G. DIMAPILIS Checked by: MARIBETH RIETA


ESP Filipino

You might also like