You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 6

( Panitikan)
I. Layunin
A. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napanood na Maikling kwento
B. ( pabula)
C. . Napahahalagahan ang mga magandang kaugalian .
D. Naipapakita ang pag – unawa sa pinanood sa pamamagitan ng
pagsasakilos ng b ahaging naibigan o pagguhit ng isang poster
( Panonood) estratehiya
II. Paksang- Aralin:
Naipapakita ang pag – unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagsasakilos
ng bahaging naibigan o pagguhit ng isang poster
( Panonood) estratehiya ( F6VC – IIc-j-12)
A. Sangguniang Aklat : ( F6VC – IIc-j-12)
B. Kaisipan: Ang matibay na pundasyon ay di matitinag.
C. Halagang Pangkatauhan : Pagmamahal

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawainn
1. Dril
Panuto: Salungguhitan ang angkop na salita na bubuo sa ideya ng
pangungusap.

1. Umabot pa sa kabayanan ang ( habulan, habulin ) ng mga pulis at


magnanakaw.
2. Nanguna sa ( habulan, habulin ) ang anak ni mang Julian at siya
ang tumanggap ng gantimpalang salaping ipinagkaloob ng alkalde
ng bayan.
3. Ang ( habulan, habulin ) ng dalawang bus ay nauwi sa banggan at
pagkamatay ng limang pasahero.
4. .Mabilis na tumalilis ang magnanakaw nang ( habulin, habulan )
ng pulis.
5. Dali! ( Habulin, Habulan) mo si Romeo baka makalayo.

Habulan – Habulin [ ugat habol]


Ha-bu-lan [ Tag habol+ an] png. ( act of pursuing to obtain or attain ) –
pagtakbo ng isa o higit pang tao upang maabot ang sinumang tao o
alin mang hayop na nauuna..
Hal.
 Umabot pa sa kabayanan ang habulan ng mga pulis at
magnanakaw.
 Ang habulan ng dalawang bus ay nauwi sa banggan at
pagkamatay ng limang pasahero.
Ha-bu-lan [ Tag habol + an] png. ( running contest, game of overtaking
each other) - tagisan ng pagtakbo: kung baga sa tao; o kaya’y pag –
andar; gaya sa sasakyan.
Hal.
 Nanguna sa habulan ang anak ni mang Julian at siya ang
tumanggap ng gantimpalang salaping ipinagkaloob ng alkalde
ng bayan.
 Nagmula sa Mataas na Paaralang Avancena ang nagwagi sa
labanan ng habulan.
Ha-bu-lin [ Tag habol+ in] pdw. Sundan ang tao, bagay o hayop na
pawing nauuna sa pamamagitan ng pagtakbo, o paggamit ng
sasakyan.
 Mabilis na tumalilis ang magnanakaw nang habulin ng pulis.
 Dali! Habulin mo si Romeo baka makalayo.

B. Balik – Aral
Araling natapos sa nakaraang araw.

C. Pagtatalakay sa Aralin
1. Pagganyak
Pagpapakita ng isang larawan na nagpapakita ng pagtutulungan at
pagmamahalan.

2. Pagpapayaman ng Talasalitaan
Panuto: Hanapin ang angkop na kahulugan ng mga salitang nakasulat
sa bawat bilang at gamitin ito sa isang pangungusap.
1. Hindi mayayanig
2. marupok
3. matibay
4. mabangis
Matatag
Hindi matitinag
Hindi matibay
Matapang
3. Pag- unawa sa nilalaman
3.1 Ang tatlong Biik ( Pabula )
http;//www.youtube.com/c/ EnglishFairy
4. Pagsasagawa ng Malayang Talakayan
4.1 a. Panonod ng maikling kuwento ( Pabula )
Pabula – isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ay mga
hayop na kumikilos at nag –aasal na parang tao. Ito ay nagbibigay
ng moral na aral sa mga batang mambabasa. Patuk na patok sa
mga bata ang ganitong uri ng kuwento sapagkat napupukaw ang
kanilang atensyon sa mga karakter na bumubuo sa istorya.

b. Mga Tanong na dapat sagutin ng mga mag- aaral.

1. Patungkol saan ang napanood mong maikling kuwento?


2. Sinu – sino ang mga karakter sa kuwento?
3. Anu – ano ang mga katangian ng magkakapatid na biik?
4. Batay sa ating napanood nating kuwento saan yari ang bahay
ng magkakapatid na biik?
5. Sino sa magkakapatid na biik sa iyong palagay ang may
matatag na pundasyon ng bahay.
6. Ano ang ginawa ng magkakapatid pagkatapos masira ang una
at ikalawang bahay?
7. Kung Ikaw ay isa sa magkakapatid na biik, tutulungan mo rin ba
ang iyong mga kapatid pagdating sa sakuna? Bakit?
8. Anong pag uugali ang ipinamalas ng kanilang kapatid upang
matalo nila ang lobo?
9. Sa iyong palagay bakit hindi natinag ang huling bahay na
hinipan ng lobo?

4.2 Pangkatang Gawain


a. Pangkatin ang mga mag – aaral sa limang grupo
Pangkat 1 – Muling isadula ang naibigan mong parte sa kuwento
Pangkat 2 – Gumawa ng isang maikling tula tungkol sa naibigan
mong parte sa napanood na kuwento.
Pagkat 3 – Gumawa ng isang islogan tungkol ayon sa kuwentong
napanood.
Pangkat 4 – Gumawa ng isang awitin tungkol sa kuwentong
napanood.
Pangkat 5 – Gumawa ng Akrostik gamit ang salitang
PAGMAMAHAL.

Rubriks

1. Kahusayan ----------------------------50%
2. Kaugnayan ________________40%
3. Hikayat ___________________10%
100%

5. Pagsusuring Pampanitikan

Pabula – isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ay mga hayop
na kumikilos at nag –aasal na parang tao. Ito ay nagbibigay ng moral na
aral sa mga batang mambabasa. Patuk na patok sa mga bata ang ganitong
uri ng kuwento sapagkat napupukaw ang kanilang atensyon sa mga
karakter na bumubuo sa istorya.

6. Pagpapahalagang Pangkatauhan
6.1 Tanong:
 Batay sa napanood mong kuwento ano sa tingin mo ang
nais iparating/ ipahiwatig nito, Ipaliwanag ang iyong sagot.
D. Paglalagom
1. Sino sa inyo ang muling makakapagbuod ng pinanood na kuwento (
Pabula)?
E. Paglalapat
Kung ikaw ay isa sa mga magkakapatid, paano mo maipakikita ang
pagmamahal mo sa kanila, bakit?

F. Pagtatasa / Pagtataya
Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng mga katangiang
naibigan mo sa napanood nating kuwento ( pabula)

IV. Takdang Aralin


1. Magsaliksik ng iba’t – ibang wika sa ating bansa.
V. Tala
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
VI. Pagninilay
A. Aling estratehiy` a sa pagtuturo ang aking naisakatuparan nang
maayos?Bakit ito naisakatuparan nang maayos?

Mga Puntos kung bakit ito naisakatuparan nang maayos.


1.
2.
3.
Mga puntos kung bakit hindi ito naisakatuparan nang maayos:
1.
2.
3.

B. Kausapin ang mga mag –aaral ang nakaunawa ng aralin at ang mga
nangangailangn ng tulong.
C. Anu – anong mga suliranin o balakid ang aking naranasan na kung saan
ang aking punungguro at superbisor ay matutulungan ako sa paglutas ng
mga ito?

Mga maaaring hingan ng tulong/ suporta:


Dalabguro
Punungguro
Superbisor

G.Jesus F. Payomo Jr.


Paaralang Elementarya ng
San Antonio

You might also like