You are on page 1of 1

Luntiang Kalikasan, meron pa nga ba?

Akda ni Ralph galing sa LakbayDiwaPinas.com

Sabi nila nung nagsaboy ng biyaya ang Diyos sa sanlibutan, isa ang ang Pilipinas sa mga sumalo nito kaya
tinagurian itong Pearl of the Orient Seas. Napakasarap isipin na may paraiso pala sa Timog – Silangan ng
Asya, subalit hanggang sa ngayon ba ay maituturing pa rin ba nating Pearl of the Orient Seas ang
Pilipinas. Ikaw sa tingin mo? Karapat – dapat pa bang itawag iyon sa ating Inang Bayan? Hawak pa ba
natin ang titulo na yun? Nakakalungkot isipin ngunit parang unti-unti na itong nawawala sa imahe ng
ating bayan. Huwag naman sana.

Hindi man tayo ganun kayaman na bansa at hindi man tayo ganun kasabay sa daloy ng modernisasyon
buhat ng teknolohiya, mayaman naman tayo sa likas na yaman. Kung ating iisipin, napakabait ng ating
Panginoon sapagkat malaking porsyento ng likas na yaman ang ipinagkatiwala at ipinagkaloob niya sa
atin. Sa kabilang banda, napakasakit isipin na unti-unti na itong naglalaho sa kadahilanan na ang mga
nakikinabang nito ang siyang tumutuldok sa buhay ng mga ito. Tayo! Tayong mga makasarili at mga
mangmang ang may kasalanan sa pagkasira ng mga kaloob na yaman mula sa Diyos. Kung ating
papansinin, buhay lang natin ang ating iniisip at pagkatapos pakinabangan o kunin ang intensyon mula sa
kalikasan ay wala na tayong pakialam kung anong mangyayari. Kasakiman ang ating pina-iiral, hindi man
lang natin naisip na may buhay din ang kalikasan. Sa mga nagdaang oras, araw, linggo, buwan, taon at
panahon na may masaklap na kaganapan buhat ng higanti mula sa kalikasan ay hindi natin maaaring
sisihin ang Diyos na may likha sa lahat. Tila naniningil lang ang kalikasan sa mga kalokohan at kawalang –
hiyaan na ginawa ng mga tao sa agos ng buhay niya.

Sana isang araw, mula sa malalim na pagkakahimbing natin ay magising tayo sa katotohanan bago pa
mahuli ang lahat at tuluyang bawiin ng Panginoon ang lahat ng kanyang nilikha. Sana maisip din natin
kung paano magpahalaga sa mga bagay na nasa paligid natin. Maraming paraan para mabago ang lahat,
maaari mo itong umpisahan sa wastong pagtatapon ng iyong basura sa tamang lugar. Hindi pa huli ang
lahat at sana magising tayo sa katotohanan.

You might also like