You are on page 1of 25

FILIPINO 1

INIHANDA NI KONTEKSTWALISADONG
: KOMUNIKASYON SA FILIPINO

NARLYN P.
DELA CRUZ
YUNIT IV.
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL
AT NASYONAL
(Unang Bahagi)
MGA NAGBABAGANG SULIRANING LOKAL AT
NASYONAL

Kaakibat ng modernisasyon ang pagsulpot ng maraming


suliranin tulad ng pagkawasak ng kalikasan, paglobo ng
populasyon, pagtindi ng kahirapan, paglawak ng agwat sa
pagitan ng mayayaman at mahihirap, paglala ng kriminalidad,
at iba pa. Mula noong 2008, lalong naging lantad ang mga
isyung gaya ng kahirapan, migrasyon, at kawalan ng trabaho.
ANG SISTEMANG EKONOMIKO NG
PILIPINAS SA KASALUKUYAN

Mahalagang maunawaan ang sitwasyon ng sistemang ekonomiko ng


bansa upang makita ang puno’t dulo ng karamihan sa ating mga
problema. Sa kasalukuyan, nananatiling suplayer ng hilaw na
materyales, mga produktong pangkonsumo (consumer goods) na
karaniwa’y semi – manupaktura (semi – processed) lamang, at mga
manggagawa ng United States at ng mauunlad na bansa ang Pilipinas, sa
halip na maging suplayer ng mga produktong para sa domestikong
gamit. Tumatanggap naman ng puhunan, utang, at
makinarya/teknolohiya ang Pilipinas mula sa ibang bansa.
Kung papansinin, malaya ring nakapagnenegosyo ang mga dayuhan
sa bansa, gaya ng pinatutunayan ng kanilang pagmamay – ari sa
napakaraming minahan sa bansa na pinapayagan ng Mining Act of
1995. Sa madaling sabi, ekonomiyang kolonyal noon – at
neokolonyal o malakolonyal naman ngayon – ang namayani at
namamayani sa Pilipinas sa pangkalahatan.
• Economic Underdevelopment – ayon sa pananaw ng ekonomistang si
Alejandro Lichauco na nagtapos sa Harvard University, tumutukoy ito sa
kawalang – kakayahan ng isang bansa na likhain ang mga kasangkapan sa
produksyon: ang mga kagamitan na makapagbubunsod upang sila’y
makalikha ng iba pang produkto.
KAHIRAPAN SA PILIPINAS
Iba – iba ang sukatan ng kahirapan kaya naman iba – iba rin ang
estadistika hinggil sa dami ng mahihirap. Batay mismo sa datos ng
Philippine Statistics Authority (PSA), ang poverty incidence sa mga
pamilyang Pilipino noong 2006, 2009, 2012, at 2015 ay 23.4 %, 22.9
%, 22.3 %, at 21.6 %.
• Poverty Threshold – minimum na kitang kailangan para matustusan ang
mga pangunahing pangangailanganng isang pamilyang Pilipino na may
limang miyembro.
Higit na mararamdaman ang suliraning kahirapan kung
pag – uusapan ang kuwento ng mga maralita na
nagsisikap makaahon sa hirap gaya ng tinalakay ni
Espiritu (2017) sa lathalaing Buhay at Pagpupunyagi sa
Plastikan o salaysay ng mga maralitang naghahangad na
magkaroon ng sariling bahay tulad ng inilarawan ni
Malubay (2017) sa lathalaing Pira – pirasong pangarap
sa Pandi, kapuwa para sa pahayagang Pinoy Weekly.
Kung ihahambing naman ang pag – unlad ng Pilipinas sa pag –
unlad ng ibang bansa, lalong makikita ang underdevelopment ng bansa.
• Human Developmen Report (HDR) – inihayag ng United Nations (UN)
noong 2017 na nasa ika – 116 na puwesto ang Republika ng Pilipinas sa
talaan ng 188 bansa sa buong daigdig na iniraranggo ng pandaigdigang
institusyon sa pamamagitan ng Human Development Index (HDI).
• Human Development Index (HDI) – sinusukat nito ang pangkalahatang
kaunlaran o holistic development batay sa antas ng edukasyon, kalusugan, at
kita ng mga mamamayan ng bawat bansa.
• Ang Pilipinas ay ika – 99 sa HDI noong 2010, ika – 77 noong 2000 at ika – 66 naman
noong 1990. Nangangahulugan ito na dumadausdos ang kalagayan o kaya’y mabagal
ang pag – unlad ng Pilipinas, kumpara sa kalagayan at pag – unlad ng ibang bansa.
Bukod sa mga nabanggit na datos hinggil sa
kahirapan, ang mga estadistika hinggil sa
malnutrisyon, disempleyo, at iba pa ay maaari ding
gamitin upang masuri ang antas ng kahirapan sa
bansa.
• Food and Nutrition Research Institute (FNRI) –
batay sa isa nilang pag – aaral noong 2017, 26 % ng
mga batang Pilipino ang malnourished.
Kahirapan ang pangunahing dahilan ng malnutrisyon sa Pilipinas dahil ito ang
humahadlang sa mga pamilya na makabili ng masustansyang pagkain.
• Kalipunan ng Damayang Mahirap (KADAMAY) – sa pagtataya ng grupong ito,
may 30, 000, 000 Pilipino ang maituturing na maralitang tagalunsod o urban
poor.
• Enero 2018 – ayon sa PSA 5.3 % o 2.33 milyong Pilipino ang walang trabaho at
18 % naman o halos 8 milyon ang underemployed.
• Philippine Overseas Employment Administration (POEA) – hindi kataka –
takang sa kawalan ng sapat na oportunidad na makapaghanapbuhay sa sariling
bansa, halos 6, 000 Pilipino ang umaalis sa lupang tinubuan araw – araw para
magtrabaho sa ibang bansa, batay sa deployment ng OFWs noong 2016. Sa
aktuwal, mas mataas pa rito ang pigura kung isasama ang mga Pilipinong hindi
dokumentado ang pag – alis para magtrabaho sa ibang bansa.
SANHI AT BUNGA NG KAHIRAPAN

Ayon sa ulat Bertelsmann Foundation (2014), isang institusyong nakabase sa


Germany:
1. Kontrol ng mga iilang pamilyang elite sa politika at ekonomiya ng bansa
• Dinastiyang politikal
2. Mataas na antas ng disempleyo o unemployment at mataas na antas ng kakulangan sa
trabaho o underemployment
3. Kawalan ng sapat na access ng mga mamamayan sa edukasyon, lalo na sa kolehiyo
• World Bank East Asia and Pacific Regional Report (2012) – sa kanilang ulat na pinamagatang Putting
Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia, binigyang – diin na walang
bansang nagkamit ng papataas na antas ng kita nang hindi muna nagtala ng pagtaas ng bilang ng mga
college enrollee at graduate.
4. Nagkakaroon ng malawakang protesta ang iba’t ibang non – government organization
(NGO) laban sa mga umiiral na kalakaran sa lipunan
UNEMPLOYMENT: MAY SOLUSYON BA?

Dahil sa matinding kahirapan at mataas na antas ng unemployment sa Pilipinas,


marami ang napipilitang mangibang – bansa. Upang hindi na gaanoang maraming
Pilipino ang mgaing migrante, kailangang lutasin ng bansa ang suliranin ng
unemployment. Maraming walang trabaho sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng
paglinang sa sektor ng agrikultura at industriya sa bansa.
Dalawang pangunahing reporma ang maaaring maging gulugod o backbone ng
paglutas sa unemployment at sa pag – unlad ng bansa:
1. Ang tunay na reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura
2. Makabansa at pambansang industriyalisasyon
MGA HAMON SA SUSTENTABLENG
KAUNLARAN

1. Mabilis na paglobo ng populasyon ng daigdig


2. Pagbabalanse sa pangangailangang lumikha ng trabaho at gamitin ang mga likas na
yaman ng mundo
3. Pangangailangang isalba ang kalikasan sa tuluyang pagkawasak
4. Hindi maayos na alokasyon o distribusyon ng mapagkukunan ng pangangailangan
5. Sa mauunlad na bansa, isa sa pangunahing hamon sa sustentableng kaunlaran ang
konsumerismo.
• Konsumerismo – tumutukoy sa labis na pagkonsumo sa iba’t ibang produkto lagpas
sa kinakailangan, at lagpas sa antas na sustentable para sa kalikasan.
6. Ang pag – iral ng inequality sa kalusugan
MGA HAMONG KAUGNAY NG CLIMATE
CHANGE

Global warming ang itinuturong dahilan ng pagbabago sa klima. Ang pagtaas na ito ng
temperature ay bunga ng pagtaas ng greenhouse gas emission sa atmospera sa mga
nakalipas na dekada dahil sa industriyalisasyon ng ngayo’y mauunlad na bansa sa
Kanluran at umuunlad na bansa sa Silangan.
Ang mga greenhouse gas emission na ito ay nakahadlang sa pagsingaw ng init na
dulot ng araw. Ang mga sumusunod ang epekto ng climate change:
1. Mas uminit ang temperature lalo na sa mga lugar na tropikal
2. Humahaba at lumalala ang panahon ng tagtuyot sa ibang lugar, at sinasaklaw na rin nito maging ang
mga lugar na dati – rati’y hindi naman nakararanas ng tagtuyot.
3. Ang mga bagyo ay lalong naging malalakas, bagay na nagbubunsod ng malawakang pagbaha
maging sa mga lugar na dati’y hindi binabaha
4. Umuulan na ng yelo sa ilang lugar na dati – rati’y hindi naman nangyayari
iyon
5. Tumataas na ang lebel ng tubig sa dagat (sea level) dahil sa pagkalusaw ng
yelo sa rehiyong Arktiko
6. Higit na ramdam at tuwiran ang epekto ng climate change sa aspektong
pang – ekonomiya
7. Mas mahirap ang pagtantiya sa tamang panahon ng pagtatanim
8. May negatibong epekto sa seguridad sa pagkain ng daigdig
9. Mataas na gastusin sa disaster risk response at mitigation
10. Posibleng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng mundo
• Kyoto Protocol – isa sa mga kasunduang naglilimita sa greenhouse gas emission
TUGON NG PILIPINAS SA CLIMATE CHANGE

Bilang tugon sa climate change, isinabatas ng Pilipinas ang Batas Republika Blg.
9729 o Climate Change Commission Act of 2009. Itinatadhana ng nasabing batas ang
pagtatatag ng Climate Change Commission sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo. Bahagi
ng tungkulin ng Climate Change Commission ang pagbuo ng National Climate Change
Action Plan (NCCAP) na sumasaklaw sa pitong prayoridad na nakaangkla sa mga
pangunahing kahinaan ng bansa:
1. Seguridad sa pagkain
2. Kasapatan ng suplay ng tubig
3. Estabilidad ng kalikasan at ekolohiya
4. Seguridad pantao
5. Sustentableng enerhiya
6. Mga industriya at serbisyong climate smart
7. Paglinang ng kaalaman at kapasidad
POLUSYON SA TUBIG, HANGIN, AT LUPA

Polusyon – tumutukoy sa pagkakaroon ng mga contaminant tulad ng kemikal


o anupamang bagay na bumabago sa kalagayan ng likas na kapaligiran, at kung
gayo’y karaniwang may negatibong epekto.
1. Polusyon sa Tubig – karaniwang bunga ng industriyal na aktibidad dahil marami sa mga
pabrika sa bansa ang walang liquid waste treatment facilities kaya karaniwang ang mga
ilog ang nagiging tapunan ng mga duming nagmumula dito.
2. Polusyon sa Hangin – sanhi ng pagdami ng insidente ng pagkakasakit sa baga at sa puso
ng mga Pilipino. Inaakalang karaniwang dulot din ng mga industriyal na aktibidad.
Pinakamalala ito sa mga lugar na urban tulad ng Metro Manila.
3. Polusyon sa Lupa – tumutukoy sa kontaminasyon ng lupa sa pamamagitan ng
pagtatambak ng mga basura sa ibabaw ng lupa at pagtagas ng mga dumi o kemikal sa ilalim
ng lupa.
PAGMIMINA SA PILIPINAS: SANHI NG PAGKASIRA
NG KALIKASAN, PAKINABANG PARA SA IILAN

Problemang pangkalikasan din ang mapangwasak na pagmimina sa


ilang bahagi ng bansa. Bagama’t nakapag – aambag nang kaunti sa
ekonomiya ng bansa ang pagmimina, dapat bigyang – diin na
nagdudulot din ito ng maraming suliraning panlipunan at
pangkalikasan gaya ng:
1. Dislokasyon ng mga katutubong mamamayan na karaniwang pinalalayas sa
kanilang lupang ninuno o ancestral domain
2. Mga insidente sa pagmimina
Mga Epekto ng Pagmimina
Itinala ng isang aklat ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM)
na inilathala noong 2005:
1. Nagdudulot ng pagkawasak ng natural habitat o tirahan ng mga hayop
2. Pagkalason ng mga ilog at kontaminasyon ng lupa na dulot ng tumatagas na kemikal sa
minahan
3. Pagkawala ng natural na taba ng lupa
4. Peligrong bunga ng mga estrukturang tulad ng dam na maaaring magdulot ng biglaang
pagbaha
5. Polusyon dahil sa pagtagas ng kemikal sa mga drainage ng minahan
6. Pagtagas ng petrolyo mula sa mga makinarya at iba pang aparato
7. Pagtagas ng mga kemikal sa waste treatment facilities
8. Pagbuga ng usok ng mga makinarya sa pagmimina
9. Pagbuga ng alikabok na dulot ng pagdurog sa lupa at mga bato
10. Paglaba ng methane mula sa mga minahan
DEFORESTATION, MABILIS NA
URBANISASYON, AT IBA PA

• Deforestation – tumutukoy ito sa pagkalbo sa mga


kagubatan. Sa mga nakalipas na taon ay bumilis ito sa
bansa, at lalong lumalawak ang saklaw nito, bunsod ng
mabilis na urbanisasyon, legal at ilegal na pagtotroso,
pagkakaingin, pagmimina, at mga sunog sa kagubatan
(forest fire).
Batay sa pananaliksik ng grupong Kalikasan, ang pagmimina ay sanhi rin ng
deforestation dahil pinayagan ng Mining Act of 1995 ang mga korporasyong
nagmimina na mamutol ng puno sa mga lugar na saklaw ng kanilang operasyon.
Idinagdag pa ng nasabing grupo na ang pagtatanim ng mga halamang
nakapagpoprodyus ng biofuels tulad ng jatropha ay nakasisira rin sa likas na
kalagayan ng mga kagubatan sa bansa.
• Urbanisasyon – tumutukoy sa paglawak ng saklaw ng mga lugar na urban sa isang
bayan o bansa.
• World Bank – ayon sa kanilang ulat noong 2017, maaaring umabot sa 102 milyong
Pilipino ang nakatira sa mga lugar na urban pagdating ng 2050. Ang ganitong mabilis na
urbanisasyon ay ibinubunga ng konsentrasyon ng debelopment ng imprastraktura,
trabaho, industriya at iba pa sa iilang lugar lamang.
BASURA, BAHA AT IBA PANG PROBLEMA

Sa mga lugar na urban ay karaniwang malaking problema ang


basura, na karaniwang isa rin sa mga dahilan ng pagbabara ng mga
kanal at estero, at nakapagpapalala sa baha kapag tag – ulan. Maaari
itong lutasin sa mga pamamagitan ng:
1. Pagkakaroon ng waste management
2. Wastong pagtatapon ng mga basura ay nagsisimula sa segregasyon at
koleksiyon
3. Kailangan ng materials recovery facility (MRF) upang maisagawa nang
maayos ang segregasyon
Bukod sa wastong pagtatapon ng basura, ang paglilimita at
pagbabawas ng basura ay bahagi rin ng waste management.
Ang dalawang prosesong ito’y mabisang naipatutupad sa
pamamagitan ng reuse, reduce, at recycle o kampanya ng
muling paggamit o paghahanap ng mapaggagamitan sa mga
bagay na inaakalang patapon na, pagbabawas ng basura, at
pagrerecycle o pagpoproseso ng basura upang muli itong
magamit.
Ayon kay Ma. Teresa Oliva, program officer ng Environmental Studies
Institute ng Miriam College, limang E ang kailangan upang makapagplano ng
maayos na waste management ang bawat komunidad: education, engineering,
enterprise at enforcement (edukasyon, inhinyeriya, negosyo at pagpapatupad ng
batas).
1. Edukasyon – pagpapalaganap ng kaalaman o impormasyon tungkol sa iba’t ibang uri
ng basura
2. Inhinyeriya – tumutukoy sa paggamit ng mabisa at modernong teknolohiya na
makatutulong sa wastong pagpoproseso ng mga basura, at pagrerecycle ng materyales na
maaari pang muling pakinabangan.
3. Negosyo – tumutukoy sa pag – iisip ng mga paraan ng pagkita ng salapi mula sa basura
o pagrerecycle ng mga ito
4. Pagpapatupad ng batas
KOMUNIKASYON AT MGA SULIRANING
LOKAL AT NASYONAL

Mahalaga ang papel ng komunikasyon, ng


pakikipagtalastasan sa paglalarawan, pagtalakay, at
paghanap ng mga solusyon sa mga problemang ating
mga komunidad at ng buong bansa.

You might also like