You are on page 1of 33

Mga

Napapanahong
Isyung Lokal at
Nasyonal
(Ikalawang Bahagi)
POKUS:
GLOBALISASYON bilang proseso ng
integrasyon ng iba’t ibang bahagi ng buhay
ng tao mula sa politikal, ekonomiko
hanggang sa sosyo-kultural na epekto nito.
Gayundin ang kasaysayan at milyahe
(milestones) nito
Sanhi at bunga ng KORAPSYON sa
kontekstong Pilipino at tungkuling
ginagampanan ng DINASTIYANG POLITIKAL sa
pagpapanatili ng korapsyon sa Pilipinas
GLOBALISASYON : ISANG DEPINISYON
Malayang pagpapalitan ng mga produkto, kultura at
kaalaman ng mga bansa gayundin ang pagtamasa ng
tao sa mobilidad sa panahong ito
a. Samsung, Colgate at Coke (Pilipinas)
b. Patis (Thailand)
c. Dinuguan at Adobo (restawran sa New York City )
d. Uniqlo (Chino) tinatahi sa (Vietnam, Bangladesh at
Cambodia)
e. Paaralan (Student at faculty exchange program)
f. pelikula (Dutch o French sa mga website na ang
server ay nasa Sweden at iba pang bansa sa
Europeo
g. online encyclopedia (Wikipedia) maghanap at
mag-ambag ng impormasyon
 h. The Travels of A T-Shirt in The Global Economy –
Pietra Rivoli 2009 ( masining na ipinaliwanag ang
kabuluhan ng globalisasyon sa kontemporaryong
panahon)
Inugat ni Rivoli sa aklat kung paano nabubuo o
natatahi ang isang kamiseta sa pamamagitan ng
hilaw na materyales mula sa iba’t ibang bansa
Pag-unlad ng teknolohiya
ANG ALAMAT NG GLOBALISASYON
 SINAUNANG PANAHON ( Imperyong Roman, Persian, Greek at
Tsino)
Silk Road – mapa na kakikitaan ng mga ruta ng mga
mangangalakal
 MODERNONG PORMA NG GLOBLISASYON
 (GATT) General Agreement on Tariffs and Trade  (WTO)
World Trade Organization (2014)
a. pag-aalis ng restriksyon at limitasyon sa malayang
kalakalan
1. dekada ‘90 unti-unti nang inalis ang mga taripa o
buwis sa maraming angkat na produkto
2. Lugi ang mga bansang hindi industriyalisado o
bansang agrikultural sa ganitonng kalakaran
a. eksport – hilaw na materyales at semi-
manupaktura
import – makinarya

 World Bank at International Monetary Fund (IMF)


Institusyong nagpapautang ng salapi sa mga
mahihirap na bansang kasapi ng United Nation (UN)
ngunit mataas ang ipinapataw na interes ayon sa
kondisyon upang (matiyak ang pagbabayad at
pagtitipid sa serbisyong panlipunan)
Globalisayon sa Aspektong Politikal
UN, naging panandang bato o milestone matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
UN, tanda ng pangakong pagpapanatili ng
kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig
UN, iniluwal para maiwasan aang pagkakaroon muli ng
pandaigdigang digmaan at maitaguyod ang
kooperasyon ng mga bansa tungo sa paglutas ng mga
global na suliranin.
Dahil sa UN, nagkaroon ng estruktura ang isang entidad
na limitadong sumasaklaw sa halos lahat ng bansa sa
daigdig
UN – GENERAL ASSEMBLY – SECURITY COUNCIL
(CHINA, US, UNITED KINGDOM, FRANCE at
RUSSIA)

UN General Assembly (UNGA) taunang


nagpupulong tuwing Setyembre
nakaaapekto sa nakararaming
mamamayan (pinag-uusapan)
kapangyarihang maglabas ng resolusyon o
mga dokumento (pagkakaisa o laban sa
usapin o entidad ng gobyerno)
UN SECURITY COUNCIL (UNSC) – may
kapangyarihang patawan ng parusa ang
mga bansang lumalabag sa tuntunin ng UN at
atasan ang kasaping bansa na magpadala
ng tropa sa mga bansang nangangailangan
ng tulong

Iba pang ahensya sa ilalim ng UN, UNESCO,


ILO, FAO, at WHO upang magtulungan sa
antas ng edukasyon, pamumuhay at
kalusugan ng mamamayan
Sosyo-kultural ng Globalisasyon
 Maaari itong ugatin sa panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo
(mapait at marahas na panahon) na lalong nagpatibay sa
ugnayan ng Kanluran at Silangan (magkapalitan ng kultura)
 Sa panahong post kolonyal, nagpatuloy ang ganitong proseso ng
pagpapalitan
 Sa kasalukuyan, lalong pinasigla ng mabilis na takbo ng teknolohiya
sa komunikasyon at transportasyon
Dekada ‘90 – naimbento ang internet
Bumilis ang paglaganap ng mga awit, pelikula at iba pa
Pagpapalitan ng impormasyon sa bansa at buong daigdig
 Sa pamamagitan nito, tumitibay ang pagsasamahan at mabuting
ugnayan ng mga bansa
Negatibong epekto ng Globalisasyon
 40% sa 7000 na wikang umiiral sa bansa ang nasa peligro
(The Endangered Language Project)
 Patakaran sa wika na pawang nakatuon sa paghubog sa
mga mag-aaral na matuto ng English (DEPEd-Bilingual
Education Mantra)
 Relihiyon bunsod ng homogenisasyon ng mga paniniwala
Jaime Bulatao, S.J., nagsiwalat ng katayuan ng
pananampalataya sa Pilipinas na (Split-level
Christianity) - pagkakahalo ng ilang Tsino at
indigenized na paniniwala sa feng shui sa kabila ng
pagiging Simbahang Katolika
Paglabnaw ng Sistema ng Pagpapahalaga
(Values System)
Indibidwalistang pananaw ng mga kabataan
Labis na pagtalima sa kulturang Kanluranin
Militarisasyon sa mga pambansang minorya
gaya ng mga Lumad at iba pa na pilit
pinaaalis sa kanilang mga ansestral na lupain
ng mga kompanya ng pagmimina
MIGRASYON:PROBLEMA O SOLUSYON?
Migrasyon
Bunga ng kahirapan sa bansa
Maari rin maganap sa loob ng bansa at hindi
lamang sa labas ng bansa
Migrasyong Internal
Migranteng internal (magsasakang walang sariling
lupa na naakipagsapalaraan sa Kamaynilaan)
Migrasyong eksternal
Migranteng eksternal
Remittance – perang padala
1989 HANGGANG DALAWANG DEKADA
(umabot ng 20 beses ang laki ng remittances
Nagpapatunay na may aktwal na pakinabang
ang migrasyon kung pinansyal ang susuriin ayon
sa (BSP) Bangko Sentral ng Pilipinas
LEP (Labor Export Policy) – nagkukubli ng kahinaan
ng ekonomiya ng bansa gamit ang pagsasampa ng
limpak-limpak na remittance
GDP – Malusog ang ekonomiya (unang tingin)
malalantad ang kahinaan sa pagsipat ng sector ng
pagmamanupaktura sa mga nakaraang taon
Sa paglaki ng remittances ay ang negatibong
paglago sa mga balance of payments sa mga
produkto
Bantulot ang gobyerno ng Pilipinas na buhayin at
palakasin ang sector ng pagmamanupaktura sa
pamamagitan ng pagdaragrag ng suporta sa mga
industriya sapagkat kuntento ang gobyerno sa
remittance ng mga OFW (salbabida ng sisinghap-
singhap na ekonomiya ng bansa) na nagpapatuloy
pa sa paglaki
Kinalilimutan ang sector ng industriya at umaasa sa
pag-eeksport ng mga manggagawa at pagkubra ng
remittance
Taliwas ang programa ng Pilipinas sa ginagawa ng
ilang mauunlad at umuunlad na bansa sa Asya
Sa pangkalahatan, mas nagbebenipisyo ang mga
bansang pinagtatrabahuhan ng mga OFW kaysa
Pilipinas, dahil ang bawat migrante ay katumbas ng
skilled na manggagawa at propesyunal
Manggagawang ineeksport ng Pilipinas – mismong utak
at katawan na kinakailangan ng bansa upang makaahon
sa kahirapan (indutriyalisasyon at modernisasyong
agricultural)
Dahil sa migrasyon, nagagawa ng maunlad na bansa
na mamili ng mas murang lakas-paggawa (race to
the bottom)
DAHILAN NG PAGPAYAG NG MGA MAYAYAMANG
BANSA SA MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA
Pagtitipid sa sweldo ng mga manggawa
Sa pananaliksik ni Tan 2013, pinatunayan na nakapag-
ambag nang malaki ang mga migranteng
manggagawa sa paglago ng ekonomiya ng
pinakamayayamang bansa (may malalaking
populasyon ng migrante batay sa World Bank) batay
sa kanilang (RGDP) Real Gross Domestic Product
Ilan sa mga Nangungunang Destinasyon ng mga OFW
(20)
Qatar, Singapore, Hong Kong, Kuwait, Norway, UAE at US
Mga Panlipunang Epekto ng Migrasyon
Epekto ayon sa pananaliksik na pinondohan ni Friedrich
Ebert Stiftung (FES), inisa-isa ni Alcid (c.2005)
Exodus ng mga nars kasama na ang mga dating
doctor (hahantong sa malubhang krisis sa kalusugan)
De-skilling ng mga propesyunal
Negatibong impact ng migrasyon
Pamilyang Pilipino
Broken families ( ipinanukala ni Senador Miriam
Defensor – Santiago ang Senate Bill 1779 noong
2007
 Ayon sa panukalang batas, mula sa ulat ng mga POEA, OWWA AT
NGO na ang mga sumusunod na suliranin ay maiuugnay sa
pangmatagalang paghihiwalay ng mga mag-asawa at ng
kanilang mga anak na malinaw na bunga ng migrasyon
Pumalyang kasal (broken marriages)
Adiksyon sa droga
Imoralidad sa seks
Krimen
Pagpapakamatay o mga psychological breakdowns
 Emperikal na ebidensya hinggil sa nasa itaas na kaso, gaya ng
isang sarbey ng OWWA sa Cordillera na sumasaklaw sa 100,000
OFW. Ayon sa nabanggit 3 sa 10 contract workers mula sa
nasabing lugar ang nag-iwan ng kanilang pamilya o
nakipaghiwalay sa asawa, batay sa kanilang remitans mula 2006-
2007(Cabreza, 2007)
Illegal recruitment
Dapat bigyang-diin na mayorya sa mga OFW ay nasa
kasibulan ng buhay, sa kanilang prime year.
(NSCB) National Statistical Coordination Board, ayon sa
kanila halos 50% ng mga OFW ay nasa edad 25-29 at
30-34
“Kailan natin mabibigyan ng oportunidad sa trabaho
ang pangkat na ito ng mga kabataan na marami’y
katatapos pa lamang ng kolehiyo upang sila’y direktang
makatulong sa paglago ng ating ekonomiya sa halip na
ekonomiya ng ibang bansa? Kailan natin maiibsan ang
social cost ng Pinoy diaspora?”
Sa pangkalahatan, pinigilan at binansot ng
migrasyon ang pag-unlad ng mga industriya
sa Pilipinas sapagkat nahirati na ang gobyerno
sa pagdepende sa remittance.
Pinalalabnaw ng samo’t saring panlipunang
epekto ang mga benepisyong nakukuha ng
bansa sa pamamagitan ng migrasyon
Marami ang nabibiktima ng pang-aabuso at
pagsasamantala
Mga Isyung Politikal
DINASTIYANG POLITICAL – suliraning
political

REBELYON – Suliraning ekonomiko at isyung


political

Dinastiyang Political – Institusyon –


Pamilyang Elite (estrukturang ekonomiko)
Kontemporaryong Sistemang
Politikal ng Pilipinas
 Pilipino – huling linggo ng labanan – Japanese
 Ikalawang Digmaang Pandaigdig – Amerikano (bumalik)
 Hunyo 4, 1946 – ipinahayag ng Amerikano ang diumano’y wakas
ng kanilang okupasyon sa Pilipinas
 Ang tanikala ng kolonyalismo ay makikita pa rin sa
kontemporaryong sistemang political ng bansa
 Impluwensyado ng mga dayuhan ang sistemang political
Napakadaling makalusot sa sangay ng ehekutibo ng
alinmang kasunduang paborable sa Amerika gaya ng
Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)
 DEKADA ‘90 – pinalayas ng Pilipinas ang base militar na
Amerikano ngunit sa ilalim ng EDCA ay maaari nang
maging base militar ng alinmang bahagi ng bansa
 Patakarang ekonomiko, impluwensyado ng mga
dayuhan
Philippine Mining Act of 1996 pinapayagang magmay-
ari ng 100% ng malalaking minahan ang mga dayuhan
sa kabila ng isang probisyon sa Konstitusyon
 Patakarang pang-edukasyon, sistemang Kto12
 Kaya naman ayon sa mga istoryador at ekonomista na
sina Renato Constantino, Edberto Villegas at Alejandro
Lichauco ay malakolonyal o neokolonyal ang sistemang
political saa Pilipinas
 Pagiging elitista ng sistemang political
 Malaking porsyento ng mga posisyong ehekutibo at lehislatibo sa
antas local o nasyonal ay kontrolado ng mga prominenteng
angkan o dinastiyang political

Mga Porma ng Korapsyon


 Pandarambong (overpriced)- lampposts
 Pinondohan pero ‘di tinapos – Bataan Nuclear Power Plant at North
Rail Project
 Hindi talaga naitayo
 Malversation – paggamit ng pondo ng gobyerno sa alinmang bagay
na hindi awtorisado
 Paggasta para sa substandard na materyales
 Pekeng proyekto (pagbubulsa ng pera ng gobyerno)
 Suhol mula sa indibidwal o korporasyon
Mga Ugat ng Korapsyon
 Panahon ng Espanyol nagsimula ang korapsyon
 Cabeza de Barangay – maningil ng buwis
 Gobernador-heneral (Espanyol)
 Sistemang Padrino o backer – lumitaw noong panahon ng
Espanyol na susuporta sa isang tao na gustong magkatrabaho sa
gobyerno o kaya’y makakuha ng mataas na posisyon
 Lokal na Elite o principalia – mga dating datu, rajah at maharlika
 Mga dating pinuno – nagiging cabeza de barangay at
gobernadorcillo (principalia at ilustrado)
 Indio – ordinaryong mamamayan
 Pamilyang asendero – nanatiling bahagi ng alta sociedad
Mga Dinastiyang Politikal
 Ayon sa pananaliksik ni Prop. Dante Simbulan sa kanyang
aklat na “ The Modern Principalia: The Historical Evolution of
Philippine Ruling Oligarchy (2007) mula 1946 hanggang 1963,
may 169 dinastiya sa Pilipinas na pinagmulan ng 584 opisyal
ng gobyerno, 7 presidente, 2 bise-presidente, 42 senador at
147 kinatawan sa Kongreso
 Ayon sa pag-aaral ng Asian Institute Management Policy
Center (2011) ay mahigit 100 o 68% ng mga kinatawan sa
ika-15 Kongreso na nahalal noong 2010 ang may kamag-
anak sa ika-12, 13, 14, at 15 na Kongreso o kaya naman ay
mga local na opisyal na nahalal noong 2001, 2004, 2007 at
2010.
Mga multi-milyonaryo na ang average na kabuoang
yaman ay P52 MILYON
Kontrolado ng mga dinastiya ang partido political
Kasapian o membership ng mga nangungunang partido
Lakas-kampi - 76%
Partido Liberal – 57%
Nationalist People Coalition – 74%
Partido Nacionalista – 81%
 Ayon sa database ng Philippine Center for Investigative
Journalism (PCIJ) mahigit apat na dekada nang may
kapangyarihang political ang dinastiyang Abad, Aquino,
Cojuangco, Marcos, Macapagal, Magsaysay, Ortega at
marami pang iba.
Ayon sa aklat na “ The Rulemakers, How the
Wealthy and Well-born Dominate Congress”
(2004) nina Sheila Coronel et al., halos isang
siglo ng kontrolado ng mga dinastiya ang
sistemang political ng bansa. Hindi purong
asensero ngunit lahat ng angkan ay pawing
mayayaman at maituturing na bahagi ng
noveau rich.
Bunga ng Korapsyon
 Kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan na
magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan
 Pagliit ng pondo na maaaring magamit ng pamahalaan para sa
mga serbisyong panlipunan gaya ng pabahay, edukasyon,
transportasyon at kalusugan
Ayon sa World Bank, 200 bilyong piso kada taon ang
napupunta sa korapsyon
 Kawalan ng tunay na partido political sa bansa
 Sa pangkalahatan ang pagtamlay ng suporta ng mamamayan sa
gobyerno ay ang pagtamlay ng kanilang partisipasyon sa halalan
at iba pang prosesong political. Samakatuwid, ang mababang
kalidad ng demokrasya ay mauugat sa pagkakaroon ng mga
makapangyarihang dinastiya
Mga Solusyon sa Korapsyon
Repormang political na nagbabawal sa mga dinastiyang
political
Article II, Section 26
2001 unang nagfile ng Anti-Dynasty Bill (Bayan Muna)
 2011 House Bill 3413 (Anti-Political Dynasty Bill)
isinampa sa kongreso ng mga partylist na Bayan
Muna, Gabriela Women’s Party, Anakpawis,
Kabataan, at ACT Teachers  Konsolidong House Bills
172, 837 at 2911 na inakda rin ng mga nasabing
partylist at ng tatlo pang kongresista
Senate BILL 2649 – Iniakda ni Sen. Miriam Defensor
Santiago na naka-file sa senado

Mga batas na magpapatibay pa sa representasyon


ng mga grupong marginalized (gaya ng sistemang
party-list)

Pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong


mamamayaan na lumahok sa politika gaya ng mga
partylist
Pagsasagawa ng voters’ education forum sa
panahon ng eleksyon at pagkatapos nito
Pagsusulit!

You might also like