You are on page 1of 7

Course

LM01-NGEC
Packet
Blg.6
0323

Modyul ng Pagkatuto

Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa
Filipino
Course Packet Blg.6

Mga Napapanahong Isyung


Lokal at Nasyonal

Pa
Ednalyn H. Flores January 15, 2022
BTLED 1A

Introduksyon
Panimulang Pagtataya
Pagpapa

Mga uri ng
isyung
panlipunan

Korapsyon – isa ito sa mga pinakamahirap na bigyan ng solusyon dahil mismong mga lider ng
bansa ang kasangkot.

Diskriminasyon – dahil sa pagkakaiba-iba natin sa bawat isa nag-ugat ang diskriminasyon.


May mga ibang tao na hindi tanggap ang isa at imbes na intindihin at tanggapin ang
sitwasyon, sila ay nagmamataas pa at walang habas sa panghuhusga.

Edukasyon – ito ang isa sa mga pinakamahirap na gawin ng isang tao sa bansa – ang
makapagtapos – dahil kapos at hirap sa buhay. Ang ibang bata ay kailangan magtrabaho para
mabuhay at hindi magustom imbes na mag-aral at magtapos.

Polusyon – dahil sa patuloy na pagdami ng tao, ang iba’t ibang uri ng polusyon ng bansa ay
mas lalong lumalala.

Kahirapan – ang kahirapan ang isa sa mga pinakamabibigat na mga isyu ng lipunana. Dahil sa
kahirapan, maraming tao ang hindi nakakakuha ng tamang oportunidad para mag-aral at
matuto. At malaking porsyento sa mundo ang dumarana

Korapsyon

Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o


pangungurakot (corruption) ay maaaring ituring na
krimeng tumutukoy sa kawalan ng integridad at
katapatan na isinasagawa ng isang tao o organisasyong
may hawak na kapangyarihan o awtoridad upang
makakuha ng pansariling benepisyo.
• Gawain/Aktibi.

Panuto: Ipaliwanag ang korapsyong nakasaad sa mga larawan na nasa


ibaba.

A. Base sa larawan ipinapakita na ang lalaki ay


nabigla dahil ang baul na kanyang nabuksan na may
nakasulat na Phil health funds at walang laman kahit
makano. Dahil nga sa naging isyu ng Philhealth ay may
mga pondong nawawala sa Philhealth at hindi nila ito maipaliwanag kung saan ito napunta.
Nakakalungkot na ang pinaghirapan ng mga manggagawa sa kanilang pagtatrabaho at
paghuhulog sa buwanang koleksiyon nito ay nakora pa.

B. Base sa larawan ipinapakita na


mayroong nagsspeech o nagtatalumpati at
sinasabing ayaw nya ng korapsyon, siguro ito
ay kumakandidato sa politika at sa kanyang
harapan ay may isang buwaya na
pinapalakpakan siya. At alam naman natin na
ang buwaya ay sumisimbolo sa korapsyon at
pagkasugapa o ganid.

• Pagproseso ng Gawain.
Magigay ng sitwasyon o halimbawa kung saan naggaganap ang korapsyon.
(5 puntos bawat bilang)

1. Panunuhol
Ang mga halimbawa ng panunuhol ay ang pagbabayad upang iboto ang
isang tumatakbong opisyal, pagbibigay ng pera sa mga tao upang sang -
ayunan ang isang adbokasiya o kampanya, PAG BIBIGAY NG PERA SA MGA PULIS
UPANG ITIGIL ANG IMBESTIGASYON at PAG BIBIGAY NG PERA SA MGA NAKAKITA NG
KRIMEN UPANG HINDI MAG SALITA.
2. Pangingikil
Ang pangingikil ay isang uri ng krimen o kriminolohiya na tumutukoy sa
mga sitwasyon kung saan ang paksa na pinag-uusapan ay pinipilit ang isa
pang paksa ng dayuhan, may-ari ng pag-aari at yaman ng patrimonial, na
alisin o isagawa ang isang ligal na kilos laban sa kanya (ang may-ari, ang
nang-extort na tao), Lahat ito sa pamamagitan ng mga gawa ng pananakot
tulad ng karahasan o pagbabanta. Sa kasong ito, ang nagbabayad ng buwis
o biktima ay seryosong napinsala sa pananalapi, dahil ang pangwakas na
layunin ng aktibidad ng pangingikil ay kita, ang hangarin na makinabang
sa pananalapi, na walang iniiwan na pagpipilian sa apektadong tao dahil sa
kanilang makitid na margin ng reaksyon o negosasyon.
Ang mga pamamaraan upang matagumpay na maisakatuparan ang
pagsasanay ng pangingikil ay karaniwang pananakot, kung saan, upang
matiyak ang paghimok ng apektadong tao, kadalasang direkta sa pisikal na
karahasan, unang nagkakaroon ng mga pananakot na pandiwang upang
subukang kumbinsihin ang biktima, dahil ang paghuhusga ay ginustong ng
mga kriminal.

3. Kickbacks
Isang halimbawa nito ang paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa
isang negosyante na magbigay ng trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal
na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Mayroon
ding mga katiwalian sa ating pansariling buhay. Ang mga pangyayaring
nagaganap sa ating lipunan ay isang malinaw na repleksiyon ng iba’t ibang
pansariling katiwalian. Ang pagiging tagapangalaga ng dignidad ng tao ay
dapat maging permanenteng bahagi ng ating pakikipagkapuwa. Ito rin ay
isang panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral
tungo sa ultimong kabutihan.
4. State Capture
Halimbawa nito ay ang paglalagay o pagbabayad sa mga mambabatas
upang ipasa o aprubahan ang isang batas na aayon sa kanilang panig o
partido. Isa pa ay ang pagbabayad sa isang judge upang maipanalo ang
panig o partido na nagbigay ng bayad at pera.

• Pagpapahusay ng Gawain.
Basahin ang isang editoryal na may pamagat na Kahirapan at Korapsyon
Lupigin Ngayong 2019. Pagkatapos ay gumawa o bumuo ng isang editoryal
tungkol sa binasa.
Kahirapan at korapsiyon lupigin ngayong 2019
Mula sa hilstar.com/pang-masa/punto-mo/2019/01/01/1881382
Nilithala noong Enero 1, 2019

MARAMI ang naghihirap sa buhay. Katunayan, may mga pamilyang isang


beses lang kung kumain sa maghapon. Maraming hindi malaman kung
saan nila kukunin ang susunod na kakainin. Marami ang natutuliro kung
paano bubuhayin ang mga anak. Maraming nasisiraan ng bait dahil sa
gutom.

Sa kabila na sinasabi ng pamahalaan na gumanda ang ekonomiya ng bansa


at nahigitan ang mga kalapit bansa, marami ang hindi naniniwala. Paano’y
hindi maramdaman ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya. Patuloy pa
rin ang paghihikahos at walang maihandang pagkain sa hapag. Ang
sinasabing pag-unlad ng ekonomiya ay nananatiling drowing lamang at
nananatiling nasa pangarap lamang.

Dahil sa kahirapan ng buhay kaya maraming nangyayaring krimen. Ang


kahirapan ang isa sa mga ugat kaya may nangyayaring pagnanakaw.
Bagama’t hindi nararapat na gawing dahilan ang kahirapan para
magnakaw, mayroong dahil sa sobra na ang nadaramang kagutuman kaya
nakagagawa nang masama.

Halimbawa ay ang isang lalaking nahu-ling nag-shoplift ng isang biskuwit


sa isang store sa Maynila. Nagawa lang daw niyang nakawin ang biskuwit
dahil sa gutom. Pero kinasuhan pa rin ang kawawang lalaki.

Korapsiyon ang dahilan kaya marami ang naghihirap sa kasalukuyan.


Magkadikit ang korapsiyon at kahirapan. Dahil kinukurakot ang pera sa
kaban, nauubos ang pondo na dapat ay gagamitin para sa serbisyo sa
mamamayan. Bilyong piso ang nawawala dahil sa korapsiyon sa gobyerno.
Nangunguna ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at
Department of Public Works and Highways sa mga kurakot na tanggapan.

Marami nang nasibak si President Duterte dahil sa isyu ng korapsiyon.


Sabi niya, basta may naamoy siyang singaw ng korapsiyon sa isang
tanggapan, sisibakin agad niya ang sangkot na opisyal. Ganunman, kahit
na marami nang naalis sa puwesto dahil sa korapsiyon, marami pa rin ang
hindi natatakot.
Dapat maging mabangis pa ang Presidente sa pagsibak sa mga kurakot.
Talasan pa ang pang-amoy para maubos ang mga kurakot.

Kapag nagtagumpay sa paglupig sa korapsiyon, kasunod na ring


mawawala ang kahirapan na nakasakmal sa mamamayan. Inaasahan
ngayong 2019 na malulupig na ang dalawang problemang ito sa lipunan.

• Paglalahat. (Pangkatang Gawain)


Bilang paglalahat, manuod ng dokumentaryong may
pamagat na “Kalam” ng Iwitness ng GMA News.
https://youtu.be/vXaeu_UXSs
Isa-isahin ang mga problema o isyung nakapaloob sa dokumentaryo at ang
bawat pangkat ay magbabahaginan sa klase.

• Aplikasyon
Bumuo ng isang RoundTable Discussion tungkol sa mga napapanhong
korapsyon sa bansa.
Ang guro ay malakayan na mamili ng paksa.
Sagot:
Maraming korap sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayon. Walang patawad. Kahit na
nasa gitna ng paglaban sa COVID-19 ang bansa, patuloy ang pangu--ngurakot ng mga
taong gobyerno. Maski ang pondo sa social amelioration program (SAP) ay
kinu---kurakot ng mga barangay kapitan. Sa halip na ibigay nang buo ang SAP na para
sa mahihirap, kalahati lang ang ibibigay at ang kalahati ay sa sariling bulsa nila nilalagay.
Hanggang ngayon, marami ang nag-rerek-lamo na hindi sila nakatanggap ng SAP sa
unang tranche. Iyon ay dahil kinurakot ng barangay official.
Ikalawang kalaban: Kahirapan.
Maraming mahirap na Pilipino at ngayong sinalanta ng COVID ang bansa, inaasahang
darami pa ang bilang ng mga magsasalat sa buhay. Lolobo ang bilang ng mga walang
trabaho sapagkat marami nang nag-sarang kompanya, establisimento, pabrika at
pak-torya. Maraming magugutom na pamilya dahil walang pag-kakakitaan.

Panghuling Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang pinapahayag sa mga sumusunod na bilang. Isulat ang
sagot sa patlang.
Kickbacks ____________- 1. Iligal na kabayaran sa isang taong may
awtoridad na magpasya o mang-impluwensiya sa mapipiling bigyan ng
kontrata o transakyon.
pangingikil______________2. Paggamit ng pananakot, paninira, o iba pang
pagbabanta upang mapuwersang makipagtulungan ang isang tao.
panunuhol_____________ 3. Ang pagbibigay ng benepisyo upang
maimpluwemsiyahan ang kilos o desisyon ng isang tao.
korapsyon______________ 4. Pinakapalasak sa lahat ng isyung panlipunan
sa buong Sandaigdigan.
Pautang o iba pang serbisyong pinansyal 5. Kabayaran ng isang kumpanya
sa bank manager o loan officerupang makuha ang approval sa pautang.

B. Pag-isa-isahin:
1-5 Korapsyong Pribado-sa-Pribado
1. Purchasing at Procurement- Nagaganap ang korapsyon sa pagitan ng Sales
representative ng isang kumpanya at sa purchasing manager ng isa pang kumpanya.
2. Pautang o Iba pang serbisyong Pinansyal- Ang bank manager o loan officer ay
tumanggap ng kabayaran mula sa isang pribadong kumpanya upang makuha ang
approval sa pautang.
3. Pag eempleyo at pagbibigay ng PromosyonUpang masiguro ang pagka empleyo o
kaya’y promosyon ng isang individual, ito ay nagbibigay ng regalo o “suhol” sa
personnel Director ng kumpanya.
4. Audits- Sa pamamagitan ng kabayarang ibinigay sa mga auditor ng isang Accounting
firm, napagtatakpan at hindi nila napapansin ang ilang iregularidad na umiiral sa isang
kumpanyang kanilang ino-audit.
5. Publisidad at Promosyon- Ang isang kumpanya ay nagbibigay ng kabayaran sa mga
mamamahayag, upang ang mga ito ay pumanig sa kumpanya.

You might also like