You are on page 1of 3

Pebrero 5, 2019

Dr. J. Prospero de Vera III

Chairperson, Commission on Higher Education (CHED)

3rd Floor, Higher Education Development Center (HEDC) Bldg.

Carlos P. Garcia Avenue, UP Campus, Diliman, Quezon City

Ginoong de Vera,

Magandang Araw.

Ukol sa pagpapalabas ng CHED MEMORANDUM no. 20 series of 2013 narito po ang


aking ginawang posisyong papel bilang isang estudyante ng kursong BA
Communication. Ito po'y aking mapitagang inilalapag sa inyong butihing opisina at
naghahangad na mabigyan itong pansin.

Posisyong Papel ni Darwin Beltran, Bachelor of Arts in Communication 1 B


estudyante ng Bicol University ukol sa pagtanggal ng asignaturang
Filipino sa Kolehiyo at Unibersidad

HINDI MAAARING ALISIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA MGA KOLEHIYO


AT UNIBERSIDAD, HUWAG PATAYIN ANG SARILING WIKA KATULAD NA
LAMANG NITO ANG PAGPATAY SA DIWA NG PAGKAPILIPINO.

Posisyong Papel proposyonal sa CHED MEMORANDUM no. 20 series of 2013

PANININDIGAN BILANG ISANG ESTUDYANTE NG BACHELOR OF ARTS IN


COMMUNICATION NG UNIBERSIDAD NG BICOL (BU).

Sa paglabas ng Memorandum Order No. 20 Series of 2013 mula sa Komisyon sa


Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ito ay naging isang tampok na isyu sa bawat
Kolehiyo at Unibersidad ng bansa. Bagamat sa memoramdum na ito ay naalis ang
asignaturang Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad nagbagting ito sa tenga ng
mga estudyante at guro. Nasaad man sa memo na maaaring ituro sa wikang Filipino
ang ibang General Education Curriculum o GEC na subheto katulad ng Ethics,
Mathematics in the Modern World, Purposive Communication at iba pa hindi
maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Kaugnay nito, bilang isang mag aaral ng Bachelor or Arts in Communication o


Komunikasyon sa Unibersidad ng Bicol hindi ako sang ayon sa CHED Memorandum
Order No. 20 Series of 2013. Maraming estudyante ang hindi natututo sa pagsalita
at pagbigkas ng maayos ng mga salitang Filipino. Gayon din sa pakahuluganan ng
mga malalim na salita, kung ganon paano pa kaya kung ito'y tatangalin sa Kolehiyo.
Kung mawawala ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo paano matututo ang mga
estudyante sa paggawa ng pananaliksik kaugnay sa mataas na pagsisiyasat sa
wikang Filipino. Sa pagkawala ng asignaturang Filipino marami rin mawawalan ng
trabaho lalo na ang mga gurong nakapagtapos na medyor sa Filipino. Ganoon na rin
ang unti unting pagkalusaw ng mga Departamento ng Filipino sa bawata Kolehiyo o
Unibersidad.

Ayon pa sa paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP; kung susuriing


mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng
Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil
nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: "General education
enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world,
take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and
nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the
necessity of appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the
general education program increasingly become more pressing." Hindi ba't ang
asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong
isinasaad. Gayon din ang aking opinyon rito, sariling wika natin ang makakatulong
upang linangin at payabungin ang kultura at kabihasnan ng pagkapilipino. At ito'y
masasalamin lamang sa ating wika. Ayon pa nga kay G. Bienvenido Lumbera ito ay
ang nagsisilbing diwa at pagkakakilanlan o identidad natin. Ito rin ang daan upang
makipagugnayan at mas lalong makilala ang ating bayan. Naging padala tayo sa
kung ano pa man na pamantayan ng ibang bansa. Nakikiayon tayo bansang
proyoridad ang kanilang sariling wika ngunit anong nangyari sa atin? Tila hindi man
lang magawang wikang opisyal ang wikang Filipino na totoong sariting atin.

Gayon pa man, gusto ko lamang po nyo ng inyong tanggapan na marinig ang


hinaing ng isang estudyante na hindi gusto ang nakapaloob sa memorandum na
pinalabas ng CHED. Ngunit hindi ko man masisi kung bakit ito nangyari ngunit ang
aking hangad na lamang man lamang ay mabigyang tuon pansin ang wikang
Filipino. Makita ang halaga at kung ano man ang potensiyal nito.Salamat.

Lubos na gumagalang,

DARWIN BELTRAN

Bachelor of Arts in Communication 1B

Unibersidad ng Bicol

You might also like