Ano ang iyong reaksiyon sa tinuran ng dating Chairperson ng CHED na si Patricia Licuanan na: “...After the 12th year, they would presumably better equipped for the jobs out there. So, they would not have to go to college anymore
Ano ang iyong reaksiyon sa tinuran ng dating Chairperson ng CHED na si Patricia Licuanan na: “...After the 12th year, they would presumably better equipped for the jobs out there. So, they would not have to go to college anymore
Ano ang iyong reaksiyon sa tinuran ng dating Chairperson ng CHED na si Patricia Licuanan na: “...After the 12th year, they would presumably better equipped for the jobs out there. So, they would not have to go to college anymore
1. Ano ang iyong reaksiyon sa tinuran ng dating Chairperson ng CHED na si
Patricia Licuanan na: “...After the 12th year, they would presumably better equipped for the jobs out there. So, they would not have to go to college anymore” Di ako sang ayon sa pahayag ng dating Chairperson ng CHED na si Patricia Licuanan, dahil pinipigilan nito ang mga kabataan na pumasok sa mas mataas na antas ng edukasyon. Para sa akin ang K-12 ay solusyon para mapantayan ang pang internasyonal na kurikulum at hindi solusyon para wag na lang ipagpatuloy ang kolehiyo. Para sa akin ang K-12 ay naglalayon na gabayin ang mag-aaral sa pagpili ng mga nais nilang maging na propesyon sa hinaharap; mapa academikong trak man o bokasyonal na trak. 2. Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong _____ ano ang iyong paninidigan kaugnay ng pagpapatupad ng CMO 20, s. 2013 o pagtanggal ng asignaturang Filipino sa GE Curriculum sa kolehiyo? Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong sekondaryang edukasyon sa siyensya. Tutol ako sa sa pagpapatupad ng CMO 20, s. 2013 o pagtanggal ng asignaturang Filipino sa GE Curriculum sa kolehiyo. Wikang Ingles ang pangunahing ginagamit sa kurso namin lalo na ang mga libro na gingamit namin ay nasa wikang ingles, kaya mas mainam na pagtutukan namin ang wikang ito, ngunit sa klasrum o sa paaralan ang pangunahing layunin namin ay ang ipaunawa ang mga impormasyon sa mas madaling paraan, at wikang Filipino ang mas mainam na gamitin dahil ito ay mas nauunawaan ng mga mag-aaral. Kaya nararapat lang na pagtuunan ng pansin ang wikang mas maiintidihan ng mga mag-aaral. Di solusyon ang tuluyang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo, ang nararapat na gawin ay ang ibigay ang kurikulum ng asignaturang Filipino na akma sa kurso. 3. Ano-ano ang posibleng epekto ng CMO no, 20, s. 2013 sa pambansang identidad at kaunlaran? Ang pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay makakaapekto sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Dahil dito, mawawalan ng interest ang mga mag- aaral na nasa mababang baitang, sapagkat hindi na ito sakop ng kurilikulum sa kolehiyo, kaya mas pagtutununan na lang ng mga kabataan ang mga asignaturang mas kailangan sa kolehiyo. Dahil dito, maapektuhan ang kalaaman ng mga kabataan sa wikang Filipino at kapag hindi na pryayoridad ng mga mag-aaral ang asignaturang ito mawawalan na ng halaga ang pag-aaral ng wikang Filipino.