You are on page 1of 59

KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA

MAKABAGONG PANAHON

______________________________________________________________________

Isang Pagbabalak na Inihanay kay:

REYMART G. MEDILO

Asignaturang Guro-Filipino

Holy Rosary Academy of Hinunagan, Inc

Hinunangan, Southern Leyte

__________________________________________________________________________

Bilang Bahagi ng mga Kakailanganin sa Asignaturang Filipino:

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

______________________________________________________________________

Mga Mananaliksik:

Trisha Kayla B. Labrador

Jemar L. Cinco

Eric D.Constantino

Pauline Mae C. Bughao

Luthe-ann E. Toyhacao

Francis Gerard P.Tilaon

Jerico D. Kuizon

Nicole R. Galit

Raiza Mae N. Luma-ad


KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA

MAKABAGONG PANAHON

TRISHA KAYLA B.LABRADOR

JEMAR L.CINCO

ERIC D. CONSTANTINO

PAULINE MAE C. BUGHAO

LUTHE-ANN E. TOYHACAO

FRANCIS GERARD P.TILAON

JERICO D. KUIZON

NICOLE R. GALIT

RAIZA MAE N. LUMA-AD

HOLY ROSARY ACADEMY OF HINUNANGAN, INC.

HINUNANGAN, SOUTHERN LEYTE

MARCH 15, 2017


DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Kalagayan ng Wikang Filipino

sa Makabagong Panahon” na inihanda at ipinagkaloob nina: Trisha Kayla B.

Labrador, Jemar L. Cinco, Eric D. Constantino, Pauline Mae C. Bughao, Luthe-

ann E. Toyhacao, Francis Gerard P. Tilaon, Jerico D. Kuizon, Nicole R. Galit at

Raiza Mae N. Luma-ad bilang bahaging kakailangan sa asignaturang Filipino

(Komunikasyong at Pananaliksik sa Wikang at Kulturang Pilipino).

REYMART G. MEDILO

___________________________
Asignaturang Guro
PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong

sumusunod na naging instrument sa pagbuo ng pag-aaral na ito:

Unang-una, sa ating Poong Maykapal na pinagmulan ng lahat ng

biyaya na kanyang binigay laung-lalo na sa karunungan, kaalaman, lakas at

determinasyon upang matapos ang pag-aaral na ito.

Kay G. Reymart G. Medilo, asignaturang guro, sa kanyang

suhestiyon na mapabuti ang pag-aaral na ito at sa kanyang panahon na

ibigay, kaalaman, at payo upang maisaayos at mapaganda ang pag-aaral na

ito.

Sa mga Guro’t kaibigan ng mga mananaliksik na walang sawang

pagbibigay kaalamang may kaugnayan sa pag-aaral na ito.

Sa mga respondent na nakibahagi sa kanilang oras at panahon

upang masagutan ang mga kwestyuner.

Sa mga magulang na nagbibigay ng lubos na pag-unawa, suportang

pinasyal, emosyonal at espiritwal na nagbigay lakas sa mga mananaliksik

upang mabuo at matapos ang pananaliksik na ito.


PAGHAHANDOG

Taos pusong inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa

mga sumusunod:

 Sa aming mahal na mga magulang

 Sa aming mahal na mga kapatid at kamag-anak

 Sa aming mga kaklase at mga kaibigan

 Sa aming mga minamahal sa buhay

Sa lahat ng inyong suporta, ang pananaliksik na ito ay naisakatuparan

MGA MANANALIKSIK
ABSTRAK

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang kalagayan

ng wikang Filipino sa makabagong panahon ng mga estudyante ng ikalabing

-isang taon ng St. Timothy.

Ang mga baryabol na ginagamit dito upang malaman kung ano na

talaga ang nangyari sa ating wika sa ngayon. Ang pag-aaral na ito ay

ginamitan ng kwestyuner, para malaman ang kalagayan ng ating wika. May

kabuuang 30 respondente, 10 lalake at 20 na babae.

Nalaman na ang may 24.98 pamantayang marka na mahalaga ang

pagkakaroon ng sariling wika. May 25.86 pamantayang marka ang

paggamit ng wika sa social media. Ang pagtangkilik ng ibang wika kaysa sa

sariling wika ay mayroong 27.50 pamantayang marka. Tumangkilik sa

wikang Filipino ngayon ay may 25 pamantayang marka. Sa huli ay may

18.28 pamantayang marka na lumawak ang wikang Filipino sa panahon

ngayon.

Ang mga guro ay kailangan gumawa ng exercise na tungkol sa

wikang Filipino. Inerekomenda na ang guro ay gumawa ng batas na

kailangang gumamit ng wikang Filipino sa pagsasalita, lalo na sa

asignaturang Filipino para mahasa sila sa paggamit ng ating sariling wika.


KABANATA 1

SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng rasyonale, suliranin, teoritakal-

konseptwal, na balangkas, ipotesis. Kahalagahan ng pag-aaral, katawagan

pananaliksik at organisisasyon ng pag-aaral.

INTRODUKSYON

Ayon kay Mario I. Miclat, PH.D., hindi ngayon lamang dekadang ito

sumulpot ang problema ng pambansang wika, o lingua franca, o wikang

panlahat. Hindi noon lamang panahon nina Quezon sa pamahalaang

kommonwealth kalahating siglo ang nakararaan. Pinag-uusapan na iyan

kahit noong mahigit apat na raang taon na.

Alam na natin ngayon na nauna ang mga Portuges kaysa Kastila na

makarating sa Mindanao na tinawag nilang Islands of Cloves. Isang grupo ng

mga Portuges na pinamumunuan ni Francisco Serrano ang nanirahan doon

nang pito hanggang walong taon mula 1512 (Zaide, Documentary Sources of

Philippine History, Vol. 1, p.50). Samantala, naikwento naman ng isa pang

Portuges, si Tome Pires, ang tungkol sa mga taga-Luzon na naninirahan sa

Malacca nong 1515.

Kung ganoon palang nagkakaisa at hindi nag-aaway-away ang mga

sinaunang Pilipinong nasa ibang bansa bago pa man makarating dito ang
mga Kastila, magandang tanong kung ano kayang wika ang ginagamit nila

kapag nag-uusap sa isa’t isa. Sayang at hindi nabanggit ni Pires. Hihinuhain

na lamang natin kung ano ang pinakalaganap na wika noon sa Luzon.

Mahigit lamang 80 taon matapos ang kwento ng mga Portuges, pinansin

naman ng Espanyol na si Padre Pedro Chirino, sa Kabanata 15 ng

kanyang Relacion de las Islas Filipinas na inilimbag sa Roma noong 1604,

ang mga sumusunod na puna:

There is more than one language in the Philippines, and there is no

single language that is spoken throughout the islands. (Tr. by Ramon

Echevarria, Makati: Historical Conservation Society of the Philippines, 1969).

The languages most used, and most widely spread, are the Tagal and the

Bisayan… Of all these languages, it was the Tagal which most pleased me

and which I most admired… I found in this language four qualities of the four

greatest languages of the world… it has the abstruseness depth and

obscurity of the Hebrew; the articles and distinctions in proper as well as in

common nouns of the Greek; the fullness and elegance of the Latin; and the

refinement, polish, and courtesy of the Spanish. (Tr. by Frederic W. Morrison

of Harvard University and Emma Helen Blair, B&R,, Vol. 12, pp. 235-242).

Ano ang sabi ni Chirino tungkol sa iba’t ibang mga wikaing Filipino?

Pareho rin ng lagi na nating inuulit-ulit na obserbasyon sa kasulukuyan, 400

taon pagkalipas. Aniya,

But though the dialects are numerous and quite distinct from one
another they are all so similar that within a few days the people can

understand each other and converse, so that to know one dialect is almost

like knowing them all. They are to each other like the Tuscan, Lombard, and

Sicilian dialects of Italia, or the Castillian, Portuguese, and Galician in

Espana.

Noon na pala, mapapansin nang madaling magkaintindihan ang mga

Pilipino sa sarili nating wika. At saka, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wikain,

tinukoy din ni Chirino na:

All these islanders are much given to reading and writing, and there is

hardly a man, and much less a woman, who does not read and write in the

letters used in the island of Manila – which are entirely different from those of

China, Japon, and India. (p.242)

Huwag magagalit ang ilan sa isa na namang obserbasyon ni Chirino,

na sisipiin ko:

The Bissayans (sic) are more rustic, … as formerly they had no letters

until, a very few years ago, they borrowed theirs from the Tagalogs. (p. 241)

Heswita si Padre Chirino. Baka iba naman ang tingin ng mga prayle

na kabilang sa ibang orden? Sa Historia General de Philipinas ni Fray Juan

de la Concepcion (Manila: Seminario de San Carlos; imprenta de Agustin de

la Rosa y Balagtas, 1788) nasasabi din na:

Sa panahon ng pananakop, ipinakatanggi-tanggi ng mga prayle na


matutunan ng mga Filipino ang Kastila. Sa kanyang survey ng

Pilipinas noong 1739, ipinahayag ni Valdes Tamon ang pagtataka kung bakit

hindi sinusunod ng gobyernong eklesiyastiko ang matagal nang batas na

nasasaad sa Nueva Recopilacion de las Indias. Dalawang naunang batas

ang tinutukoy rito, ang kay Carlos sa Valladolid noong 7 Hunyo at 17 Hulyo

1550, at ang kay Felipe IV sa Madrid noong 2 Marso 1634 at 4 Nobyembre

1636. (Tingnan, fn 93, 94, B&R, Vol. 45, pp. 184, 185) Ayon sa una,

“…although chairs are founded, where the priests, who should have to

instruct the Indians, may be taught, it is not a sufficient remedy, as the

diversity of the language is great.” Makikita na maaga pa’y hinahangad na ng

batas secula na malutas ang pagkakaroon ng sari-saring wikang gamit ng

mga Filipino. Ang mga Filipino, sa puna ni Tamon ayon sa salin ni Emma

Helen Blair, ay dapat “gradually brought to the use of the Castilian language

and endeavoring to secure instructions therein in all schools.” (B&R, Vol. 47,

p.157).

Sabagay, kung hindi pa tayo ginising ng mga propagandistang

ilustrado noong ika-19 na siglo, sa mga prayle natin ipinaubaya ang mga

gawaing pambansa habang abala tayo sa pag-aasikaso lamang ng sari-

sariling gawain sa sari-sariling isla. Sa hinaba-haba ng panahon, hindi natin

naging pambansang wika ang Kastila, tulad ng naganap sa lahat ng iba pang

bansa, ang wika sa kabisera ang naging lingua franca. Maihahalintulad iyan

sa pangyayaring hindi Moro, na nanakop sa Espanya nang 500 taon, ang

naging pambansang wika ng Espanya, kundi ang Kastila na sinasalita sa


Madrid. Puwere sa ilang tulad ni Donya Victorina, may panahon pa

nga sa kasaysayan ng ating bansa na maaring ipagmalaki sa mga probinsya

ang makapagsalita ng Tagalog, lalo na ng barayting Manilenyo nito. Kung

tama ang sabi ng ilang mananalaysay, kahit si Bonifacio nga ay hindi nag-

atubiling tawagin ang kanyang pinapangarap na estado na “Kahariang

Tagalog.”

Sabihin pa, ang pagiging lingua franca ng Tagalog ay hindi dahil sa

kolonyalismo ng Maynila, kundi sa kabila ng kolonyalismo ng banyaga.

Sinabi ni Rizal sa kanyang “Filipinas dentro de cien anos,” na

nalathala sa La Solidaridad mula Setyembre 30, 1890 hanggang Febrero 1,

1890:

History does not record in its annals any lasting domination exercised

by one people over another, of different races, of diverse usages and

customs, of opposite and divergent ideals.

One of the two had to yield and succumb. Either the foreigner was

driven out, as happened in the case of Carthaginians, the Moors and the

French in Spain, or else these autochtones or natives had to give way and

perish, as was the case with the inhabitants of the New World. (Tr. by

Charles E. Derbyshire, Gregorio F. Zaide, Documentary Sources of

Philippine History, Vol. 8, p.81).

So, hindi basta-basta sumusuko ang Filipino, hindi siya napapawi,


bagkus dumarami pa nga. Sabi ni Rizal, dahil siguro sa alak. Sabi

kasi ng mga naunang historian, nina Pigafetta at Loarca, sober pa rin ang

Pinoy kahit magdamag uminom. Kaya nga ba ang wikang Filiino ay hindi

matutulad sa Guarani o Quechua ng Paraguay o Bolivia na halos tuluyan

nang natabunan ng Espanyol. Ang independientistang paningin ni Rizal ay

inulit niya sa kwestiyon ng wika, at ipinamutawi niya sa mga bibig ni Simoun

sa El Filibusterismo noong 1891. Aniya:

Sasakupin daw tayo ng Kano. Hindi na nasabi ni Rizal kung ano ang

mangyayari sa ating wika. Gayunman, dahil sa kanyang matibay na

paniniwala sa lakas at dangal ng sambayanang Filipino, isang kongkretong

daigdig na lilikhain, hindi ng madamdaming pangarap lamang sa tinubuang

lupa, kundi ng talino, pawis, tiyaga at pagpupunyagi, ang siyang inilarawan ni

Rizal sa ating kinabukasan:

Sa pagdating ng kapayapaan matapos ang mga paglalaban, ang

ginawa nga ba natin ay tulad ng bukas na pinag-alayan ng buhay ng ating

mga bayani – ang pagsasama-samang kilos upang mapalakas ang inang-

bayan – o ang hindi na makialam sa kabuuan at ituon na lamang muli ang

pansin sa sari-sarili nating maliliit na pulo? Kung ganoon, ano ang nangyari

sa panahon nating ito ngayon?

Ang malaking balita ay ang pagkakapalusot sa House of

Representatives ng House Bill 8460, na kilala rin sa tawag na Gullas Bill.

Itinatadhana nito ang eksklusibong gamit ng Inggles sa mga pagsusulit hindi


lamang sa eskwela tulad ng National Elementary Aptitude Test at

National Secondary Aptitude Test, kundi pati na rin sa Civil Service

Examination para sa mga kawani ng gobyerno at sa licensure exam sa iba’t

ibang propesyon na pinapangasiwaan ng Professional Regulation

Commission.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Ano na ang kalagayan ng ating wika ngayon?

2. Kamusta na ang ating wikang ginagamit ngayon?

3. Mahalaga ba kaya ito sa ating kapwa Pilipino?

4. Ano-ano ang kaugalian na napapansin natin ngayon?

5. Ginagamit pa ba natin ang ating sariling wika?

TEORITIKAL- KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Sinu-sino ang mga dayuhang nagdala ng iba’t ibang wika sa Pilipinas? Iyan

angkatanungan ng isang panauhin dito sa Sarisari etc. Maraming lahi ang nagdala ng

kani-kanilang salita sa Pilipinas noong unang panahon, ngunit ang mga wikang dinatnan

nila sa Pilipinas ay taal na Filipino. Dati’y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon

sa wave theory, ang mga ninuno ng lahing Pilipino ay dumayo sa Pilipinas nang ilang ulit

o waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tulay na lupa na nalantad dahil mas

mababaw ang mga dagat noong panahon ng kalamigang pandaigdig (Ice Age).
Nanggaling daw sila sa Indonesia, Malaysia at iba pang lugar. Libu-libong taon

daw ang pagitan ng bawat panahon ng pandarayuhan. Diumano’y ito raw ang sanhi

kung bakit may mga Ita, Ifugawat modernong Pilipino sa Pilipinas. Subalit ngayon ay hindi

na tinátanggap ang teoryang ito. Ayon sa mga bagong pananaliksik sa larangan ng wika

(comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wika ng iba't ibang grupo sa Pilipinas ay

masyadong magkakahawig kaya hindi maaaring may ilang libong taon ang pagitan ng

kani-kanilang pagdating. Makikita rin sa mga bagong ebidensya sa larangan ng

arkeolohiya na tuluy-tuloy at hindi paulit-ulit ang naging pandarayuhan sa Pilipinas. May

relasyon sa bawat isa ang mga wika sa Pilipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga

wikang ito ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga

wika mula sa mga pulo ng Southeast Asia hanggang sa Easter Island na malapit sa

South America. Malamang na ang unang mga taong nagsasalita ng iisang wikang

Austronesian ay dumatíng sa Pilipinas mula sa hilaga limang libong taon na ang

nakalipas. Nagkahiwa-hiwalay sila at nagsikalat sa buong kapuluan. Dahil sa haba ng

panahon nagkahiwalay sila, unti-unting nagbago ang kanilang pagsasalita. Dumating ang

panahon na ang mga grupong ito ay hindi na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay naging

bago na ang mga wika at pagsasalita ng iba’t ibang grupo. Ito ang mga wikang kilala natin

sa Pilipinas ngayon tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang iba. Ganito rin

ang nangyari sa ibang mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia.

Nang simulan nila ang pangangalakal sa mga pulo, nadala rin nila ang kanilang mga

bagong salita sa Pilipinas – pati yaong mga salitang natutuhan nila sa iba pang mas

malalayong bansa tulad ng India. Mula noon hanggang ngayon, ang mga Pilipino, tulad

ng lahat ng lahi sa daigdig, ay nanghihiram ng mga salita mula sa maraming dayuhang


lahi. Masasabi nating patuloy na nagbabago ang mga wika sa mundo dahil lahat

tayo ay patuloy ang panghihiram at paggamit ng mga bagong salita sa ating

pangungusap.

Bagama’t may mga wikang dayuhan na nagkaroon ng impluwensiya sa paglago

ng mga wikang Filipino, ang Pilipinas ay may sariling mga taal na wika bago pa man ito

napuntahan ng mga dayuhan.

Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika

Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may

sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang

nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.

Halimbawa: tunog ng eroplano; tunog ng doorbell; tunog ng basong nag uumpugan

Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan

ay ginagad ng tao.

Halimbawa: ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.

Halimbawa: tunog ng ahas; tunog ng tubig na dumadaloy

Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring

nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.

Hlimbawa: lahat ng tunog na sa tao nanggaling

Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan

kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously

learning the language.

Halimbawa: Wika ng mga aeta - walang nagturo sa kanila; ngunit may sistema sila
ng pagsasalita.

Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat

na“On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao

paramabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika

natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.

Halimbawa: tsaa – nakuha sa pakikipagsalimuot sa mga tsina.Kobyertos – nakuha sa

pakikipagsapalaran sa mga Espanyol.

Genesis 11: 1-9

–Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.

Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language,

Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa

daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan

sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.

TEORYANG YO-HE-HO - pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikhang

taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha

ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.

Halimbawa: Haha o tawa ; Paggalit ng isang tao

TEORYANG MUSIKA - kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON.

Sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa

komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga

detalye at impormasyon.

TEORYA NG PAKIKISALAMUHA - ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam

Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa
kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas na pangangailangan ng tao

upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa.

Halimbawa: ang dialektong illonggo at bisaya

TEORYANG MUESTRA - pinaniniwalaan sa teoryang ito na una ang pagsasalita

sapamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak

nakumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay.

Halimbawa: ang pagtuto ng “Braille” at “sign language” ng mga bulag o bingi o pipe.

Kalagayan ng Wikang Filipino


Sa Makabagong Panahon

Wikang Filipino

Teorya ng Wika

Wikan Armean PoohPooh Musika Muestra Yo-He-Yo Pakikisalamuha DingDong Bowwow

ong
Kalagayan ng Wika Kaugalian Kahalagahan ng Wika

Pigura 1: Teorya Pinagmulan ng Wika


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng pag-aaral na ito upang alamin

ang kakayan ng mga mag-aaral ng Holy Rosary Academy, kung ano na ang

kalagayan ng wikang Filipino. Inaasahan sa pag-aaral na ito ay mabigyan

pansin ang suliranin at ang maiambag nito sa ating lipunan.

Mag-aaral – ang kalabasan ng pag-aaral na ito ay mahalaga at

magagamit sa mabuting paraan ng mga kabataan. Mamulat ang kaisipan at

mabatid ng mga kabataan kung ano na ang kalagayan ng wika Filipino.

Magulang – ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang

mapatnubayan at masubaybayan nila ang kanlang mga anak tungo sa

kabutihan ng kanilang pag-aaral at makamtan ang pag-asang mapabuti ang

anak sa lahat ng pakakataon.

Mananaliksik – para sa mga mananaliksik na makakuha sila ng gabay

na may kaugnay sa kanilang pag-aaral.

Guro – ang pag-aaral na ito ay makakatulong din sa mga guro upang

magkaroo ng kamalayon kung anon a ang kalagayan ng wikang Filipino.

Pampaaralang Tagapamahala/ Punong Guro – ito’y magsisilbing

kanilang gabay para makahanap ng angkop na paraan at matulungan kung

ano na kaya ang kalagayan ng ating wikang Filipino.


KATAWAGANG PANANALIKSIK

Teorya - ay isang pagaaral o pagsasaliksik sa isang bagay o pangyayari.

Wikang Panlahat - sa English, ang ibig sabihin ng wikang panlahat ay

"national language". Ito ay nangangahulugan na maroon tayong iisang wika

na karaniwang ginagamit ng lahat ng Pinoy upang magkaintindihan

magkaiba man ang katutubong wikang ginagamit.

Lingua Franca - ay tumutukoy sa isang salita o dayalekto na ginagamit nga

dalawa o higit pang mga taong magkaiba ang pangunahing

lengguwahe upang makipagtalastasan sa isa't isa.

ORGANISASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay kinapapalooban ng apat na kabanata. Sa

unang kabanata ay ang “Suliranin at Saklaw nito”. Dito makikita ang

introduksiyon ng pag-aaral, paglalahad ng suliranin, teoritikal- konseptuwal

na pagbabalangkas, kahalagahan ng pag-aaral, katawagang pananaliksik at

organisasyon ng pag-aaral.

Sa ikalawang kabanata naman ay ang “Rebyu ng Kaugnay na

Literature”. Napapaloob dito ang mga kaugnay na pagbasa, kaugnay na

literatura, kaugnay na pag-aaral, dayuhan man o lokal.

Sa ikatlong kabanata ay ang “Metodolohiya”. Napapaloob dito ang

mga desinyo ng pananliksik, lugar ng pananliksik, paraan ng pagsusuri ng

datos, paraan ng, paglikom ng datos at kalahok ng panaliksik.


Sa ikaapat na kabanata ay napapaloob ang mga paglalahad,

pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos.

Sa ikalimang kabanata ay napapaloob ang mga kabuuan ng mga

natuklasan. Konklusyon at rekomendasyon


KABANATA II

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Sa kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay nakalikom ng mga

mahahalagang datos at impromasyon bilang pagpapatibay sa pag-aaral na

ito. Ito ay kinabibilangan ng kaugnay na pagbasa ng napapalooban ng mga

batas na nagsasaad o may kaugnayan sa wika, magasin artikulo at iba pa.

sa kaugnayan na literatura ay kinabibilangan ng mga teorya na may

kaugnayan sa pananaliksik at ang kaugnay na pag-aaral ay na papalooban

ng mga pag-aaral na may kaugnayan sa ginaawang pananaliksik sa loob at

labas ng bansa.

Kaugnay na Pagbasa

Ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis tungo sa pagkakaisa ng mga

mamamayan. Ang kaisipang ito ay isinaad ni Manuel Luis Quezon, ang tinaguriang Ama

ng Wikang Pambansa (Cabrera, 2009). Ang wikang pambansa ay isang mahalagang

instrumento sa pagkakaroon ng pambansang pagkakaisa o nasyonalismo. Ang pagtatag

ng isang pambansang wika ay isang simbolo ng pagkakaroon ng iisang hangarin. Ayon

kay Catacataca, Espiritu, at Villafuerte (2001), lubhang importante ang adapsyon ng

panlahat na pambansang wika sapagkat ito ay makapangyarihang kasangkapan sa

pagbuo ng pangkalahatang unawaan at pagkikintal ng pambansang pagmamalaki ng

sambayanan. Nabanggit sa talumpati ni Felipe R. Jose noong Agosto 16, 1934 na

kinakailangang―ipakilala sa mundo na ang mga Pilipino ay wala na sa ilalim ng

bandilang Espanyol o Amerikano. Kailangan nang mahalin ang kalayaan at kaluluwa ng


bayan – ang wikang sarili. Sapagkat ang wika, alin mang bansa sa sang sinukob ay

siyang ginagamit na mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng kanilang damdamin,

sa pagtuklas ng karunungan at pagtatanggol ng karapatan‖ (Almario, 2011). Ang

wika ay nakatali sa ating kultura. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng

sariling pagkakakilanlan. Ang wika ang kasangkapan sa pagpapadaloy ng kultura,

ang kultura naman ang humuhubog sa kung paano gumagana ang wika sa tiyak na

lipunan o pangkat- tao, atang wika naman ang lingguwistikong sagisag ng mamamayang

nagsasalita nito na nagbubuklod ng kalinangang pinagsasaluhan (Empaynado, 2012).

Ngunit ang sinasabing ―cultural identity ay nag-iiba na rin dahil sa malawakang

impluwensya ng ibang kultura. Kung lahi ang magiging basehan, hindi nagkakalayo ang

hitsura ng isang Pilipino sa isang taga- Indonesia, Myanmar, Malaysia at iba pang

Asyanong lahi. Ang wikang Filipino ay isa sa mga tanging patunay ngpagiging isang

bansang malaya. Ang bawat Pilipino ay may tungkulin na pahalagahan at mahalin ang

sariling wika. Ito nalamang ang maaring pagkakaiba sa ibang lahi. Ang wikang Filipino ay

ang nalalabing diwa 23 gating damdaming makabayan at pambansang pagkakaisa at

kailangan itong bigyan ng kaukulang pagpapahalaga.

Kaugnay na Literatura

A. Filipino bilang “lingua franca (common language)”

Isa sa pinakaesensyal na konsepto ng wikang Filipino ay ang pagiging

pambansang lingua franca nito. Ito ay nangangahulugan na nagsisilbi itong pangalawang

wika ng mas nakararami sa buong bansa na karaniwang ginagamit sa

pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa iba kahit na mayroong mga unang wika o


katutubong wika tulad ng Bisaya, Ilokano, Kapampangan at iba pang dayalekto, ay

nagkakaunawaan pa rin ang bawat isa. Ayon kay Komisyoner Wilfrido Villacorta (sa

Catacataca, et al., 2001), ang Filipino ay isang ―umiiral na wikang pambansa, at

ang nukleo nito ay Pilipino. Ang pormalisasyon nito ay kailangang isagawa sa sistemang

pang- edukasyon at iba pa subalit hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito

pormalisado ay hindi ito umiiral. Ito ay lingua franca. Sa pagkakadeklara ng

Filipino bilang Wikang Pambansa noong 1987, pinaniniwalaan nila na ang Wikang

Filipino ay isang ―tunay, natural at dinamikong wika na ginagamit at

naiintindihan ng karamihang Pilipino sa buong bansa mula sa iba’t ibang

etnolingguwistikonggrupo. (Catacataca, Espiritu, & Villafuerte, 2001). Maraming

akademiko ang nagpatunay na ang wikang Filipino ang pambansang lingua franca.

Ayon kay Dr. Ernesto A. Constantino, ―ang pinili naming wika na idedebelop

bilang, ang wika naman ayon kay Atienza (1996) ay inilarawan niya na isang

―wikang compromise o linguafranca. Pinunto naman ni Flores (1996) na

ang Filipino ay isang lenggwahe ng ―kulturang popular na nagmula sa Metro

Manila at pinalaganap sa buong kapuluan. Kaugnay nito, dahil sa mabilis na

paglaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng mas midya, hindi maiiwasang maging

pambansang lingua franca ang wikang Filipino dahil ito ay nagsimula sa Sentro o Metro

Manila. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (1992), binigyang kahulugan nila ang

wikang Filipino:

Ito ay katutubong wikang sinasalita at isinusulat sa Metro Manila, sa

National Capital Region at sa iba pang urbanisadong sentro ng kapuluan na

ginagamit na midyum ng komunikasyon ng iba’t ibang etnikong grupo. Tulad

ng alinmang buhay na wika, nadedebelopang Filipino sa pamamagitan ng


panghihiram mula sa wika ng Pilipinas at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng

wikang angkop sa mga sitwasyong panlipunan ng mga grupong may iba-

ibangkinagisnang lipunan at para sa paksa ng pag- uusap at mga

pandalubhasang talakayan.

B. Filipino vs. Pilipino

Nararapat na ituring ang Filipino bilang wikang pambansa hindi Pilipino. Ang

Pilipino ay itinuturing na mono- based national language (Bernales, et.al, 2011) sapagkat

ang nilalaman at istruktura nito ay hango sa Tagalog. Nagbunga ito ng di- magandang

reaksyon sa mga di-Tagalog sapagkat hindi sila nagiging bahagi ng pagpapayaman at

pagpapaunlad ng wikang pambansa. .Ayon kay Geruncio Lancuesta, Filipino ang dapat

idebelop hindi Pilipino dahil ito ay wikang nakabase sa mixed Tagalog ng Maynila. Iginiit

niya na ang Filipino ay gumagamit ng mga alpabeto ng Kastila kabilang dito ang c, ch, f, j,

ll, n, q, m, y, x and z samantalang ang Pilipino ay gumagamit ng mga alpabeto sa balarila

ni Lope K. Santos na siyang purong Tagalog. Ang mga hiram na letra ay pananatilihin sa

kanyang orihinal na anyo at hahayaan ang publiko sapagbabago ng mga baybay ayon

sa kanilang ararw- araw na paggamit (Catacataca, et.al, 2001). Ang pagbabago mula

Pilipino sa Filipino ay ginawa hindi lamang para sa representasyonng mga di- Tagalog.

Higit pa rito ang kadahilanan ng pagpapalit ng P sa F. Kinailangang gawin iyon upang

magkaroon ng kongkretong sagisag ng modernisasyong pinagdaraanan ng ating wikang

pambansa tulad ng pagdaragdag ng walong titik sa alpabeto at ang paglinang dito salig

sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Ito ay mga pagbabagong iba

sa wikang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapalit ng P sa F, nakakaptyur ng Filipino

ang bagong konseptong wikang pambansang nililinang salig hindi sa Tagalog lamang
kung hindi maging sa iba pangwikang katutubo, kasama ang Ingles, Kastila at iba pang

nakakaimpluwensya sa ating kabihasnan (Bernales,et al., 2011). Mula rito, bukod sa

pagiging lingua franca at dinamikong wikang may iba’t ibang barayti, malinaw

ang kabatirang ang Filipino ang wikang panlahat na likas sa mga Pilipino at sumasalamin

sa mayamang kalinangan ng Pilipinas bilang bansang multikultural at multilingguwal; na

isa itong mainam na wikang sasapat sa pangangailangan ng mga mamamayan upang

talakayin ang masaklaw na aspekto ng buhay- Pilipino at bilang wikang panlahat

naimpukan ng karunungan ng bansa na mag- aalaga sa pambansang pag- unlad.

C. Kaugnayan ng Wikang Filipino bilang pambansang wika sa unlad pang-

ekonomiya.

Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag

ng ekonomiya sa isang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at

transaksiyon ng bawat tao sa isang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi

pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang

bansa.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Dr. George Francisco, ang wikang Filipino ang pambansang

wika ng Pilipinas. Ibig sabihin, ito ang inaasahang wikang magbubuklod

tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Bilang lingua franca, ito ‘yung wikang

inaasahang nauunawaan at kayang salitain ng lahat ng tao saanmang pulo

ng Pilipinas siya naninirahan. Bukod dito, ito ay nakasaad sa ating Saligang


Batas. Samakatwid, ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa at identidad ng mga

Pilipinong naninirahan sa Pilipinas.

Sa elementarya, ipinakikilala ang mother tongue—kung ano ang inang

wika ng mga bata sa isang lugar, ang paggamit niyon ang kailangang

mahubog muna sa kanila. Kapag nahubog na iyon, tsaka lamang ipapakilala

ang wikang Filipino (at Inggles). Ibig sabihin, foundational ang pag-aaral ng

inang wika para mabilis na matutunan ng mga bata sa elementarya ang

Filipino.

Bakit mabilis? Kasi magkakaugnay ang mga wika sa Pilipinas.

Halimbawa, ang salitang “bigas”: sa ibang lugar, ito ay “bug-as,” “bag-as,” o

“big-as.” Magkakaiba man ang tunog, alam mo naman na nabibilang sila sa

iisang pamilya ng wika (Malayo-Polynesian language). May paralelismo ang

pag-aaral ng inang wika patungong Filipino. Hindi ito mahirap para sa mga

bata, kumpara sa pag-aaral ng Ingles.

Sa high school naman, integrasyon na ito ng wika at panitikan (o

literatura). Inaasahan natin na magamit ang wika bilang instrumento sa

pagkatuto ng mga piyesang literatura, gaya ng mga maiikling kwento, nobela,

tula, atbp. Ang empasis sa sekundarya ay mga piyesang literatura, lokal

man, pambansa, o pandaigdigan. At Filipino ang instrumento para matutunan

ang mga ito.

Filipino sa tersyarya

Sa tersyarya naman, inaasahan natin na mas mataas na diskurso na

ang paggamit ng Filipino: pang-akademiko, pampolitika, pangnegosyo, at iba

pang mga domain. Ngayon, paano ba mapapasok ng wikang Filipino ang

mga domain na ito? Kaya bang magamit ang Filipino sa pag-aaral ng mass
media? Sa Engineering? Sa Sciences? Sa turismo?—gaya ng ginagawa nila

sa ibang bansa?

Ipasok natin ang usapin ng ASEAN integration. Napakahalagang may

araling Filipino sa tersyarya dahil bawat unibersidad ngayon sa ASEAN

Region ay bumubuo ng isang sentro (center) na may kinalaman sa ASEAN

studies. Halimbawa, sa Korea, Japan, Singapore, Malaysia, Indonesia, may

mga sentro sila na may iba’t ibang dibisyon: may Philippine Division,

Malaysian Division, Singaporean, atbp. Ano ang pinag-aaralan dun? Sa

Philippine Division, Philippine studies ang pinag-aaralan, at kasama ang wika

doon.

Dahil nga may ASEAN integration kung kaya’t napakahalaga ng tawid-

kultural na pagkatuto. Halimbawa, kung may isang Pilipinong estudyante na

pupunta sa Singapore (o Malaysia o Indonesia) upang mag-aral doon ng

Singaporean studies, para matutunan niya ang kultura, itinuturo din sa kaniya

ang wika. At ang makakapagbigay lang niyan ay ang mga tersyaryang

institusyon. Kung kaya nga, kailangan talaga sa mga unibersidad na lumikha

ng sentro para sa ASEAN studies.

Hindi matatawaran ang pagyabong ng wikang Filipino sa elementarya

at high school. Pero ang higit na makakapagpayaman para sa

intelektwalisasyon ng wikang Filipino ay ang nasa tersyarya. Kasi nga, ang

tersyaryang edukasyon ay discipline-based. Ibig sabihin, may mga domain

siya, at maaaring lumawak ang paggamit ng Filipino sa mga domain na ito sa

pamamagitan ng mga pananaliksik sa wika.

Katapatan sa wika
Kamakailan lamang ay bumisita ako sa Japan. Naobserbahan ko

doon na masigla nilang ginagamit ang wikang Nihonggo para mapalago ang

IT (information technology) nila. Sa Pilipinas kasi, ang kulang na nakita ko ay

ang katapatan (loyalty)—kasi may tinatawag na language loyalty e. Ang

loyalty ng mga tao, wala sa wikang Filipino. Hirap mapasok ng Filipino ang IT

dahil, bukod sa masyadong teknikal (maraming jargons), marami sa mga

iskolar natin sa IT ay edukado sa kanluraning unibersidad.

Magandang balita nga naman na napapasok na ng wikang Filipino ang

mga teknikal at bokasyunal na kaalaman (IT, automotive, atbp.). Dangan

lamang at limitado. Mas magiging intelektwal kasi ang paggamit ng Filipino

kapag ang gumalaw dito ay mismong ang mga iskolar na alam ang proseso

ng pagsasalin at pagbuo ng mga materyal sa pag-aaral ng mga domain.

Kasi nga, karamihan sa mga gumagamit ng Filipino sa pagtuturo ng

mga teknikal/bokasyonal na kurso ay hindi pa bihasa sa tamang alituntunin

ng ating wika. May mga pagkukulang sa paggamit ng bantas (punctuation),

mayroon ding hindi angkop na gamit ng salita, atbp. Kasi nga…hindi sila

dalubhasa sa wika.

Sa Japan, ipinakikilala ang IT, Sciences, Humanities, Arts sa wika nila

sa murang edad pa lamang. E dito sa atin? Kaya nga kahit pagdating nila ng

postgraduate, kahit sa propesyon nila, equipped na sila. Sa Pilipinas kasi,

parang hindi natin magagawa na magamit agad ang Filipino sa Siyensya, sa

Engineering, atbp. Hindi pa sa ngayon. Ang loyalty kasi ng mga tao, nasa

wikang Inggles.

Iyon ang isang pinakamalaking suliraning kinakaharap ng wikang

Filipino, lalo na kung gagamitin ito sa mga maimpluwensyang domain, gaya


ng law, business, medicine, sciences, etc. Mas ginagamit lang ang Filipino sa

domain ng arts, humanities, social sciences, media. Kumbaga may dibisyon.

Hindi gaya sa Korea, Japan, o Indonesia: kahit anumang domain, mayroon

silang language loyalty. Lagi nilang sinasabi, “Isasalin namin ito sa wika

namin.” Kasi nga,trained and equipped ang mga tao sa mga bansang iyon

mula elementarya hanggang tersyarya sa wika nila.

Kaya dapat talaga, hybrid. Ibig sabihin, maaaring mass media man

ang disiplina ko, nakapag-aral naman ako ng Filipino. Hybrid na yun. Kaya ko

nang magturo ng Filipino sa mass media. Hindi pwedeng uni- o mono-

disciplinal lang. Dapat cross-disciplinal—pinagsasanib-pwersa mo iyong

lakas ng dalawang disiplina.

Sa tersyarya, ang kasanayang inaasahan ay ang makapagsuri o

makabuo ng argumento ang mga bata gamit ang Filipino sa proseso ng

kanilang pag-iisip at sa artikulasyon ng kanilang iniisip.

Bukod sa pagtuturo ng Filipino sa pa-diskursong pagdulog (discourse

approach), pwede rin kasing ituro sa kolehiyo yung translation o pagsasalin.

Kumbaga, isang kurso ng mga bata na nasa kurikulum ay pagsasalin. Kung

talagang gusto ng pamahalaan na mapalaganap ang Filipino upang isulong

ang pambansang identidad, atbp., dapat ang lahat ng kurso, may isang

subject na pagsasalin (translation). Basic translation.Sa ganung paraan,

natutulungan ng akademya ang pamahalaan para maisakatuparan ang

pagiging intelektuwalisado ng wikang Filipino.

Iyon ang isinusulong ko: kung mawawala ang mga kasalukuyang

araling Filipino sa tersyarya, palitan na lamang natin sila ng (1) araling

Filipino na angkop sa iba’t-ibang disiplina at (2) pagsasalin sa Filipino ng iba’t


ibang disiplina. Magtutulungan tayo—si Filipino teacher na mahusay sa

Filipino, at iyong mga estudyante na mahusay sa disiplina. Magsasama

ngayon sila. Ang resulta noon ang siyang sagot sa panawagan ng gobyerno

na gawing intelektwalisado ang Filipino, habang isinusulong natin ang ating

kultural at pambansang identidad sa pamamagitan ng pagpapayaman pa sa

ating wika.

Lokal

Ayon kay Edward Supir, ang wika ay isang likas at makataong

pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipian, damdamin at mithiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng

mga sagisag na binuo at tinanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting

paglinang sa loob ng maraming daang taon at nagbabago sa bawat

henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na

isang set ng mga hulwaran na gawi na pinagaaralan o natutuhan at

ginagamit sa ibat-ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Doctor Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog

Pilipino/ Filipino: Do they differ sa bisa ng Executive Order No. 134 na

nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala

ang tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa.

Ayon kay Doctor Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang

Pilipinas ay multilingual at multicultural, nabubulklod ang atingmga watak-

watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming

tinig ng ibat-ibang rehiyon kundi gayon din sa isang midyum na Wikang

Filipino. Sa makatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa

pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.


Dayuhan

Iilang pag-aaral ng mga dayuhan. Ang Gramatica

Bisaya (Guillen), Diccionario de idiomas Filipinos (Blumentritt), Vocabulario

Pangasinan-Castellano (Austria Macaraeg) ay iilan sa mga pag-aaral noong

1898.

Ang siyentipikong pag-aaral sa wika ay nagsimula pagdating ng mga

Amerikano. Ang mga mahalagang pag-aaral sa panahong ito ay isinagawa

nina Cecilio Lopez, Morice Vanoverberg, Otto Scheerer, Hermann

Costenoble, Carlos Everett Conant, Frank R. Blake, and Leonard Bloomfield.

Ang anim na artikulo ni Costenoble ay tungkol sa mga salitang ugat na

binubuo ng isang pantig lamang (monosyllabic), sa pagkakaiba at

pagkakahawig ng mga tunog sa iilang major na wika sa Pilipinas, at

ikinumpara rin niya ang mga pandiwa sa mga wikang ito. Si Otto Scheerer ay

maraming naisulat, simula ng 1909 hanggang 1932, tungkol sa mga wika sa

hilagang Luzon --Kalinga, Ilongots, Isinai, Batak, Isneg, at Bontoc. Si

Vanoverbergh ay sumulat ng gramatika at diksyonaryo ng Iloko, mga

etnograpiyang pag-aaral ng mga Isneg at Kankanay.

Si Conant ay may mga sampung pag-aaral tungkol sa mga wika ng

Pilipinas mula 1908 hanggang 1916. Kabilang na rito ang mga pag-aaral sa

ponolohiya ng Turirai (1913); ang ebolusyon ng "pepet vowel" sa 30 wika sa

Pilipinas; ang mga tunog na "f" at "v" sa iilang wika sa Pilipinas; at

ang correspondence ng mga tunog na R-G-H-Y-NULL at R-L-D-G sa mga

wika sa Pilipinas--na kung saan iklinasipay niya ang mga wikang Tagalog,

Bikol, Bisaya, Ibanag, Magindanao, Tausug, at Bagobo bilang "g-


languages," ang Ilokano at Tiurai,"r-language," ang Pangasinense, Kankanai,

Ibaloy, Bontoc, at Kalamian "l-languages," at ang Kapampangan, Ivatan,

Sambal, "y-languages." Tiningnan rin niya ang ebolusyon ng tunog na /l/ sa

Indonesia sa Tagalog, Bisaya, Bontok, Kankanay, Samal, Mandaya, Isinai,

Sambali, Inibaloi, Ivatan, at Ilongot. May mga pag-aaral rin siya tungkol sa

gramatika ng wikang Isinai at sa mga salitang ugat sa Kapampangan na

naging monosyllabic.
KABANATA 3

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito inalalahad ng mga mananaliksik ang

pamaraang ginagamit sa disenyong pananaliksik. Paraan ng pangongolekta

ng datos instrument ng pag-aaral at paraan sa pagsusuri ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pagnanais ng mga mananaliksik na mabatid ng mga mag-aaral na

ano na kaya ang kalagayan ng wikang Filipino sa makabagong panahon.

Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng questionnaire ng mga mag-aaral,

para malaman ang kalagayan ng wikang Filipino sa makabagong panahon.

Lugar ng Pananaliksik

Ang Holy Rosary Academy ay itinatag noong 1948 sa pamamagitan ng

Kataas-Rev. Manuel Mascariñas, D.D., ang Bishop ng Palo, tinulungan ng Rev.

Fr. Gregorio M. Florendo, ang kura paroko ng Hinunangan, bilang tugon sa

kahilingan ng ilang kilalang mga Katoliko sa bayan. Ang paaralan ay nagtuturo

sa kurikulum nito sa Ingles.

Ang mga malalaking parokya kumbento ay utilized bilang paunang gusali

ng paaralan. Bilang ng mga taon nagpunta sa paaralan ay magagawang

magdagdag ng ilang mga gusali at mga pasilidad upang matugunan ang

pagtaas ng pangangailangan ng mga estudyante nito at sa mga


pangangailangan ng Bureau of Private Schools. Sa kabila ng mga maraming

mga setbacks, tulad financial shortages at natural calamities, paaralan survived

at sa parehong oras mukha ang hindi tiyak hinaharap sa isang lubos na

matatag na batayan.

Ang paaralan ay orihinal na inaalok lamang ng isang unang sa ikatlong

taon akademikong secondary course. May mga dalawang taon ng paaralan,

1950-1952, kung saan ito inaalok ng isang kumpletong pangalawang course

kasama ang isang unang taon ng Junior Normal College. Ngunit pagkatapos ng

taon ng paaralan 1951-1952, lamang ng isang kumpletong pangalawang kurso

na may bokasyonal na mga paksa ay inaalok.

Sa pamamagitan ng pagtaas ng pagpapatala bilang ng taon na nagpunta

sa, HRA huli outgrew kanyang unang bahay kung saan ay ang parokya

kumbento. Kaya sa 1968, sa panahon ni Rev. Fr. Frederick Wakeham, SFM, at

sa pamamagitan ng dedikado pagsisikap ng maraming parishioners, ang isang

bagong HRA gusali ay constructed mula sa mga pondo na nakolekta sa isang

lugar lamang at mula sa ibang bansa.


Pigura 2: Mapa ng Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.- Senior High School

Department
Pigura 3: Mapa ng Hinunangan
Instrumentong Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwestiyuner upang makuha

ang mga sagot ng mga mag-aaral na kinakailangan sa pag-aaral na ito. Ang

kwestiyuner ay dapat sagutan ng mga respondante ayon sa kanilang

pananaw.

Paraan ng Pagsusuri ng Datos

Ang mga mananaliksik ay lumikom ng mga impormasyon na

nababatay at naayon sa mga baryabol upang matugunan ang mga

pangangailangan at masagutan ang mga suliranin sa pananaliksik na ito.

Humanap ng mga angkop na batayan upang mapatunayan na ang mga

nalikom na datos ay may sapat na basihan para maisagawa ng maayos ang

pag-aaral na ito.

Paraan ng Paglikom ng Datos

Sumulat ang mga mananalisik ng kahilingan sa punong guro ng

naturang paaralan upang maisagawa ang palatanungan ng mga mananliksik.

Humingi rin ng pahintulot ang mga mananaliksik sa gurong nagtuturo ng

asignaturang Filipino 11 upang maisagawa ang pananaliksik na ito sa mga

estudyanteng nasa ikalabing-isang baitang. Ang mga mananaliksik ay

ipinamahagi ang mga kwestiyuner sa mga respondenteng mag-aaral na

mayroong sabjek na Filipino 11.


Kalahok ng Pananaliksik

Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa

ikalabing- isang baitang (St.Timothy) ng Holy Rosary Academy of

Hinunangan, Inc, Hinunangan, Timugang Leyte. Mayroong 42 respondente.

St. Tiothy Kalahok Bahagdan

Lalaki 17 40%

Babae 25 60%

Kabuuan 42 100%
KABANATA IV

RESULTA AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga resulta, pagsusuri at

interpretasyon ng mga datos.

Ang mga tiyak na katanungan na sasagutin sa pag-aaral na ito ay ang

mga sumusunod:

1. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng sariling wika?

2. Malaki ba ang epekto sa paggamit ng wika sa social media?

3. Nakakaapekto ba ang pagtangkilik ng ibang wika kaysa sa sariling wika?

4. Bilang isang estudyante, natatangkilik mob a ang wikang Filipino sa

ngayon?

5. Lumawak ba ang wikang Filipino sa panahon ngayon?


Talahanayan 1: Kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika.

Katanungan 1
30
25
20
15
10
5
0
OO HINDI SIGURO WALA SA NABANGGIT

Series 1

Sa Talahanayan 1. Makikita ang resulta ng gaano kahalaga ang

pagkakaroon ng sariling wika, na may pinakamarami ang sumagot na Oo na

may 28 puntos at 0 puntos ang nakakuha na Hindi mahalaga ang pagkakaroon

ng sariling wika. Mula sa talahanayan ginawa, mula sa 30 respondente ay

nakakuha ng kabuuang 24.98 porsyento bilan pamantayang marka.


Talahanayan 2: Epekto sa paggamit ng wika sa Social Media

Katanungan 2
30
25
20
15
10
5
0
OO HINDI SIGURO WALA SA NABANGGIT

Series 1

Sa talahanayan 2. Makikita ang epekto ng paggamit ng wika sa social

media, may pinakamarami ang sumagot na Oo nay may 26 puntos at 1 puntos

ang sumagot na wala sa nabanggit. Mula din sa talahanayang ginawa, mula 30

respondente ay nakakuha ng kabuuang 25.86 puntos bilang pamantayang

marka.
Talahanayan 3: Epekto ng pagtangkilik ng ibang wika kaysa sa sariling
wika.

Katanungan 3
25

20

15

10

0
OO HINDI SIGURO WALA SA NABANGGIT

Series 1

Sa talahanayan 3. Epekto ng pagtangkilik ng ibang wika kaysa sa

sariling wika, may pinakamarami ang sumagot na Oo nay may 20 puntos at 1

puntos ang sumagot na wala sa nabanggit. Mula din sa talahanayang ginawa,

mula 30 respondente ay nakakuha ng kabuuang 27.50 porsyento bilang

pamantayang marka.
Talahanayan 4: Tinatangkilik nila ang wikang Filipino sa ngayon.

Katanungan 4
25

20

15

10

0
OO HINDI SIGURO WALA SA NABANGGIT

Series 1

Sa talahanayan 4. Tinatangkilik nila ang wikang Filipino sa ngayon, may

pinakamarami ang sumagot na Oo nay may 21 puntos at 0 puntos ang sumagot

na wala sa nabanggit. Mula din sa talahanayang ginawa, mula 30 respondente

ay nakakuha ng kabuuang 25 puntos bilang pamantayang marka.


Talahanayan 5: Lumawak ang wikang Filipino sa panahon ngayon.

Katanungan 5
12

10

0
OO HINDI SIGURO WALA SA NABANGGIT

Series 1

Sa talahanayan 5. Lumawak ang wikang Filipino sa panahon ngayon,

may pinakamarami ang sumagot na Oo nay may 11 puntos at 1 puntos ang

sumagot na wala sa nabanggit. Mula din sa talahanayang ginawa, mula 30

respondente ay nakakuha ng kabuuang 18.28 puntos bilang pamantayang

marka.
KABANATA V

KABUUAN, MGA NATUKLASAN AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ay tinalakay ang kabuuan ng mga natuklasan,

konklusyon at mga iminungkahing rekomendasyon.

Kabuuan

Ang pinakalayunin sa pag-aaral na ito ay upang masuri kung ano na

talaga ang kalagayan ng ating wikang Filipino. Ang tiyak na tanong na

sasagutin ay ang mga sumusunod: Mahalaga ba ang pagkakaroon ng

sariling wika? Malaki ba ang epekto sa paggamit ng wika sa social media?

Nakakaapekto ba ang pagtangkilik ng ibang wika kaysa sa sariling wika?

Bilang isang estudyante, natatangkilik mob a ang wikang Filipino sa ngayon?

Lumawak ba ang wikang Filipino sa panahon ngayon?

Sa pagnanais ng mananaliksik na masuri na malaman kung ano na

talaga ang kalagayan ng ating wikang Filipino sa makabagong panahon.

Kung ito ba ay binigyan natin ng pagkakahalaga o ipinagwalang bahala na

ito.

Ang mga datos ay na ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng ating

sariling wika.
MGA NATUKLASAN

1. Ang mga estudyante ay may 24.98 pamantayang marka na

mahalaga ang pagkakaroon ng sariling wika.

2. Ang mga estudyante ay may 25.86 pamantayang marka ang

paggamit ng wika sa social media.

3. Ang mga estudyante ay may 27.50 pamantayang marka ang

pagtangkilik ng ibang wika kays sa sariling wika.

4. Ang mga estudyante ay may 25 pamantayang marka ang

tumangkilik sa wikang Filipino ngayon.

5. Ang mga estudyante ay may 18.28 pamantayang marka na

lumawak ang wikang Filipino sa panahon ngayon.

Konklusyon

Ang kalagayan ng wikang Filipino sa makabagong panahon ay

tuluyan ng naglaho at ipinagwalang bahala ng mga estudyante. Imbis

na gamitin natin ito, ipinagwalang bahala nila, gumamit pa sila ng

ibang linggwahe at hindi na nila pinahalagahan ang ating sariling wika.


Rekomendasyon

1. Ang mga guro ay kailangan gumawa ng exercise na tungkol sa

wikang Filipino.

2. Inerekomenda na ang guro ay gumawa ng batas na kailangang

gumamit ng wikang Filipino sa pagsasalita, lalo na sa asignaturang

Filipino para mahasa sila sa paggamit ng ating sariling wika


SANGGUNIAN

Internet

http://www.languagelinks.org/onlinepapers/wika6.html

https://www.scribd.com/doc/109042737/Ang -Kahalagan-at-Mga-Kadahilanan-

Kung-Bakit-Wikang-Filipino-Ang-Wikang-Pambansa-at-Ang-Kaugnayan-Nito-Sa-

Unlad-Pang-ekonomiya

http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-

disseminationscd/language-and-translation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-

ngayon/

https://www.scribd.com/doc/16632371/teorya-ng-wika
KURIKULUM VITAE

Jemar L. Cinco

Sto. Niño 1, Hinunangan, Southern Leyte

Personal na Data

Pangalan: Jemar L. Cinco

Tirahan: Sto. Niño 1, Hinunangan, Southern Leyte

Relihiyon: Roman Catholic

Petsa ng Kapanganakan: Enero 20, 1999

Karanasang Pang-edukasyon

______________________________________________________________________

Elementarya: Otama Elementary School

Sekondarya: Canipaan National High School

Senior High School: Holy Rosary Academy Of Hinunangan, Inc.

KURIKULUM VITAE
Eric D. Constantino

Labrador, Hinunangan, Southern Leyte

Personal na Data

Pangalan: Eric D. Constantino

Tirahan: Labrador, Hinunangan, Southern Leyte

Relihiyon: Roman Catholic

Petsa ng Kapanganakan: Oktobre 21, 1999

Karanasang Pang-edukasyon

______________________________________________________________________

Elementarya: Hinunangan West Central School

Sekondarya: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc

Senior High School: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.


KURIKULUM VITAE

Luthe-ann E. Toyhacao

Balagawan, Silago, Southern Leyte

Personal na Data

Pangalan: Luthe-ann E. Toyhacao

Tirahan: Balagawan, Silago, Southern Leyte

Relihiyon: I. F. I

Petsa ng Kapanganakan: Oktobre 26, 1999

Karanasang Pang-edukasyon

______________________________________________________________________

Elementarya: Balagawan Elementary School

Sekondarya: Mercedes National High School

Senior High School: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.


KURIKULUM VITAE

Maria Nicole R. Galit

Poblacion, Hinunagan, Southern Leyte

Personal na Data

Pangalan: Maria Nicole R. Galit

Tirahan: Poblacion, Hinunagan, Southern Leyte

Relihiyon: Roman Catholic

Petsa ng Kapanganakan: Nobyembre 18, 1999

Karanasang Pang-edukasyon

______________________________________________________________________

Elementarya: Hinunagan East Central School

Sekondarya: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.

Senior High School: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.


KURIKULUM VITAE

Jerico D. Kuizon Jr.

Patong, Hinunagan, Southern Leyte

Personal na Data

Pangalan: Jerico D. Kuizon Jr.

Tirahan: Patong, Hinunagan, Southern Leyte

Relihiyon: Roman Catholic

Petsa ng Kapanganakan: Disyembre 06, 1999

Karanasang Pang-edukasyon

______________________________________________________________________

Elementarya: Hinunagan East Central School

Sekondarya: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.

Senior High School: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.


KURIKULUM VITAE

Pauline Mae C. Bughao

Poblacion, Hinunagan, Southern Leyte

Personal na Data

______________________________________________________________________

Pangalan: Pauline Mae C. Bughao

Tirahan: Poblacion, Hinunagan, Southern Leyte

Relihiyon: Roman Catholic

Petsa ng Kapanganakan: Agosto 28, 1999

Karanasang Pang-edukasyon

______________________________________________________________________

Elementarya: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.

Sekondarya: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.

Senior High School: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.


KURIKULUM VITAE

Francis Gerard B. Tilaon

Labrador, Hinunagan, Southern Leyte

Personal na Data

______________________________________________________________________

Pangalan: Francis Gerard B. Tilaon

Tirahan: Labrador, Hinunagan, Southern Leyte

Relihiyon: Roman Catholic

Petsa ng Kapanganakan: Oktobre 17, 1999

Karanasang Pang-edukasyon

______________________________________________________________________

Elementarya: San Francisco Central School

Sekondarya: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.

Senior High School: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.


KURIKULUM VITAE

Raiza Mae N. Luma-ad

Panalaron, Hinunagan, Southern Leyte

Personal na Data

______________________________________________________________________

Pangalan: Raiza Mae N. Luma-ad

Tirahan: Panalaron, Hinunagan, Southern Leyte

Relihiyon: Roman Catholic

Petsa ng Kapanganakan: Nobyembre 27, 1998

Karanasang Pang-edukasyon

______________________________________________________________________

Elementarya: Hinunangan East Central School

Sekondarya: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.

Senior High School: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.


KURIKULUM VITAE

Trisha Kayla B. Labrador

Salog, Hinunagan, Southern Leyte

Personal na Data

______________________________________________________________________

Pangalan: Trisha Kayla B. Labrador

Tirahan: Salog, Hinunagan, Southern Leyte

Relihiyon: Roman Catholic

Petsa ng Kapanganakan:March 11, 2000

Karanasang Pang-edukasyon

______________________________________________________________________

Elementarya: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.

Sekondarya: Holy Rosary Academy of Hinunangan, Inc.

Senior High School: Holy Rosary Acadsemy of Hinunangan, Inc.

You might also like