You are on page 1of 8

Lyceum of the Philippines University- Laguna

Km. 54 National Highway, Makiling, Calamba, Laguna

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kalagayan o Sitwasyon ng Wikang Filipino sa mga Kabataan sa Kasalukuyang Panahon

Isinumite nina:
DE CHAVEZ, Michaela
GUTIERREZ, Anna Lou
ONG, Angela
SIMBAHAN, Shyralen
TABLIZO, Giovanni

Isinumite kay:
Bb. Ramona F. Marcelo

I.
II.

Panimula o Introduksyon
Katawan
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga
mag-aaral gayundin sa mga kabataan upang magsilbing gabay ang mga kinalalabasan
ng pananaliksik na ito, at makapagbibigay ng mga kaalaman sa mga guro at magaaral na mauunawaan ang kahalagahan ng pagkatuto at paggamit ng mga salita sa
wikang Filipino, at para mapalawak ang pakikipagtalastasan pag-uunawaan sa bawat
isa na ginagampanan ng pinakamahalagang papel ng wikang Filipino sa buhay ng tao.
Makatutulong din ang mga ito sa mga guro at tagapamahala ng paaralan na
malinawagan ang isang kabatiran sa kahalagahan ng wika. Maipabatid ang isang
paraan sa pagtuturo ng kaalaman at kaangkupan sa sarili at sa pagpapahalaga sa
kabutihan ng pag-uugali ng isang tao. Gayon din ang makapagbigay sigla sa mga
mag-aaral na madagdagan ang kanilang kaalaman sa wika at upang lalong maging
mabisa at masanay sa paggamit ng ibat-ibang wika sa ibat-ibang larangan sa estado
sa buhay ng tao.
SAKOP NG PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman kung ano na nga ba ang
kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
Ang ibat- iba klase ng wika ay nagamit batay sa kung anong midyum ng teknolohiya
ang ginamit sa paraan ng komunikasyon. Ginawa ito upang malaman ang pananaw ng
limampung (50) mag-aaral na mula sa ibat-ibang institusyon o kolehiyo na
magpapakita ng ibat-ibang sitwasyon ng paggamit ng wika, taong panuruan 20162017. Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon
lang na dapat isaalang-alang, ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng
pag-aaral ukol dito. Ang pagtitipon namin ng mga impormasyon at iba pang mga
kinakailangan na impormasyon ay ginawa sa Lyceum of the Philippines UniversityLaguna.

PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS


Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral,
tritment ng mga datos na nakuha at ang presentasyon o interpretasyon ng datos.

a. PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paraan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay
naghanda ng mga katanungan o kwestyuneyr na naglalayong makahanap ng mga datos upang
malaman ang mga salik sa kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa
kasalukuyang panahon. Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga
mananaliksik gamit ang survey form na maaaring ipadala sa Facebook messenger o kayay i-post
nang naka-custom para lang sa mga respondent.
b. MGA POKUS SA PAG-AARAL
Sa ngayon ay may limampung respondent kaming kinuha kung saan ang mga
mananaliksik ay gagamit ng quota samplings na hindi dapat ma doble ang mga respondent kayat
minabuting pag-usapan kung sino-sino ang mga kaibigang papadalhan ng survey sa Facebook.
Ang mga sasagot o respondent ay hindi bababa sa kabataang may edad na 13 hanggang 19 na
friend sa facebook ng bawat miyembro. Ang mga napiling respondent sa pag-aaral na ito ay
mula sa ibat-ibang institusyon.
c. TRITMENT NG DATOS
Ang pagtally ang paraan upang magkaroon ng datos na pagbabasehan sa gagawing ulat.

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY- LAGUNA


Km. 54 National Highway, Makiling, Calamba, Laguna
Sarbey Kwestyuneyr para sa Case Study

Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay ng paggamit mo ng wika.

1. Kailan ka huling nagpadala ng text message o SMS? _____________________________


Maaari mo bang isulat sa linya ang huling mensaheng ipinadala mo?
________________________________________________________________________
Ang SMS ba ay nakasulat sa
Filipino
Ingles
Taglish
2. Kailan ka huling nag-post ng status sa Facebook o Instagram? _____________________
Naaalala mo ba kung ano ang nilalaman ng huling post mo? Maaari mo ba itong isulat sa
linya? __________________________________________________________________
Ang post mo ba ay nakasulat sa
Filipino
Ingles
Taglish
3. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo? ______________________
Anong wika ang ginamit sa palabas na ito? _____________________________________
Mas madalas ka bang manood ng palabas pantelebisyong
nasa wikang Filipino
nasa wikang Ingles
4. Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo? ________________________________
Anong wika ang ginamit sa pelikulang ito? _____________________________________
Mas madalas ka bang manood ng pelikulang
nasa wikang Filipino
nasa wikang Ingles
5. Ano ang pinakahuling video sa Youtube na pinanood mo? _________________________
Ang video ba ay nasa wikang
Filipino

Ingles
Taglish
6. Ano ang huling blog na nabasa mo? __________________________________________
Ang blog ba ay nakasulat sa
Filipino
Ingles
Taglish
7. Kailan ka huling nagbasa ng diyaryo o magasin? ________________________________
Ang binasa mo ba ay nakasulat sa
Filipino
Ingles
Taglish
8. Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan? __________________
wikang katutubo sa inyong lugar _______________
Filipino
Ingles
Taglish
9. Sa alin-aling lugar mo higit na nagagamit ang wikang Filipino?
10. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino
Mahalagang-mahalaga
Mahalaga
Hindi gaanong mahalaga
Hindi mahalaga
11. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?
Mahusay na mahusay
Mahusay
Hindi gaanong mahusay
Sadyang hindi mahusay
12. Sa alin-aling lugar mo naman higit na nagagamit ang wikang Ingles? ________________
13. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Ingles
Mahalagang-mahalaga
Mahalaga
Hindi gaanong mahalaga
Hindi mahalaga
Bakit? __________________________________________________________________

14. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles?


Mahusay na mahusay
Mahusay
Hindi gaanong mahusay
Sadyang hindi mahusay
Batay sa mga isinasagot mo sa mga tanong, ano sa palagay mo ang sitwasyon o
kalagayan ng wikang Filipino sa iyong sarili at sa inyong tahanan sa kasalukuyang
panahon?
Ano naman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa iyong sarili at sa iyong
tahanan?

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS


Sa seksyong ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga sa mga 250 na
respondente mula sa ibat-ibang institusyon tungkol sa
Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

kalagayan o sitwasyon ng wikang

1. Anong wika ang madalas na ginagamit sa Social Media Networking sites at iba pang
midya sa pakikipagtalastasan?
Table 1
Wika ang madalas na ginagamit sa Social Media sites at iba pang midya sa
pakikipagtalastasan
Wika
Ingles
Filipino
Taglish
Katutubong wika

Datos
211
128
42
1

Ipinapakita ng Table 1 na Ingles ang pangunahing wika na madalas ginagamit ng


mga kabataang naging respondente sa sarbey sa mga social media sites at iba pang
midya sa pakikipagtalastan. Sumunod rito ang wikang Filipino na may 128 na bilang
ng datos, 42 naman sa wikang Taglish at isang bilang para sa katutubong wika.

2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino at Ingles?


Table 2
Kahalagahan ng pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino at Ingles
Filipino
Ingles
Mahalagang- mahalaga
29
16
Mahalaga
21
27
Hindi gaanong mahalaga
0
7
Hindi mahalaga
0
0
Ipinapakita ng Table 2 kung ilang respondente ang nagsasabi kung gaano
kahalaga ang pagkatuto ng wikang Filipino at Ingles. Mahalagang-mahalaga ang
pagkatuto ng wikang Filipino kay sa Ingles. Mahalaga ang pagkatuto ng wikang

Ingles kaysa sa Filipino. Hindi gaanong mahalaga ang pagkatuto ng Ingles kaysa sa
Filipino.
3. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino at Ingles?
Table 3
Kahusayan ng pagsasalita Filipino at Ingles

Mahusay na mahusay
Mahusay
Hindi gaanong mahusay
Sadyang hindi mahusay

Filipino
16
27
3
0

Ingles
17
25
13
0

Ipinapakita sa Table 3 kung gaano kahusay ang mga kabataang respondente sa


pagsasalita ng wikang Filipino at Ingles. Makikitang mahusay na mahusay sila sa
Ingles. Mas maraming mahusay sa Filipino kaysa Ingles. Mas maraming hindi
gaanong mahusay sa wikang Ingles.
III.

KONKLUSYON
Sa isinasagawang pag-aaral na ito ay masusing nasuri nang mabuti ang mga
sumusunod na konklusyon.
1. Mas malinaw wikang Ingles ang pangunahing wika na madalas ginagamit
ng mga kabataang naging respondente sa sarbey sa mga social media sites
at iba pang midya sa pakikipagtalastan\
2. Mas nakikita ng mga respondente ang wikang Filipino ng kahalagahan sa
pagkatuto at pagsasalita.
3. Mas nakikitaan ng kahusayan ang mga respondente sa pagsasalita ng
wikang Filipino kaysa Ingles.

You might also like