You are on page 1of 6

Filipino sa Piling Larangan

Isang Panukalang Proyekto

Muling Pagsasaayos ng Hotel Palmera

Isinumite ni:
DECHAVEZ, Michaela P.
Grade 11 Florida
Isinumite kay:
Ms. Ma. Maya Sathrese Manaig

I. Ang Kaligiran ng Proyekto


Ang Hotel Palmera ay naitayo sa taong 2013, dating Casa Palmera Hotel at mula sa
Palmeras Group of Hotels and Restaurant. Ang Palmera Hotel ay may barayti ng mga restaurant
at bar. Ang mga function rooms ay maaaring mapagdausan ng mga kasal, mga nagtagumpay na
corporate events. Mayroon din itong swimming pool at outdoor whirlpool, tennis court, diamond
spa at Lifespan Reflexology. Sa paglipas ng panahon ay hindi na ito nabibigyang-pansin, hindi
na rin ganoong kadalas ang pagbisita ng mamamayan at maging mga turista at iba't ibang mga
pabrika ng pagkain ang mga itinatayo malapit dito na nagiging sanhi ng mabahong amoy at baha
sa paligid ng hotel. Ang proyektong "Muling Pagsasaayos ng Hotel Palmera" ang magiging tulay
upang dagsain muli ito ng mga balik-bayan kung sila'y walang pansamantalang matutuluyan at
maging ang mga aktibidades na nagaganap rito para sa kapakanan ng mga taong naninirahan
malapit rito. Ang proyektong ito ay magbubunsod ng mataas na ura o rate ng turismo sa
barangay na kinatatayuan nito.

II. Mga Layunin ng Proyekto


1

Itaas ang kabatiran ng mga taganayon tungkol sa tamang pagtatapon ng basura.

Mapanumbalik ang mataas na ura o rate ng turismo sa barangay.

Mapanumbalik ang maganda at komportableng tuluyang Hotel Palmera

Magkaroon ng kabatiran ang mga opisyal na nagmamay-ari ng mga pabrika na ang


kanilang paligid ay walang maayos na paraan ng pagtatapon ng basura at kagamitang
imprastraktura.

Pag-usutin ang mga mamamayang maglinis ng paligid ng kanilang mga tahanan at


mga pampublikong lugar.

Hikayatin ang mga taganayong maging sangkot muli sa mga aktibidades na


isinasagawa ng Hotel Palmera

Upang maisali ang Hotel Palmera sa "Hotel Connoisseur" na kompetisyon sa San


Pablo City, Laguna.

III. Metodolohiya ng Proyekto


A. Ang lagom ng lapit sa proyekto
1

Gumawa ng mga Photo mural na nagpapakita ng mga ilegal na paraan ng pagtatapon


ng mga basura o kaparangan at mga maruruming mga lugar at itanghal ito sa lunsuran
ng nayon.

Magkaroon ng iilang mga pagtitipon sa lunsuran ng nayon para mailadlad ang mga
murals at matalakay ang mga pangunahing aksyon at kaunlaran ng Hotel Palmera.

Gumawa ng mga fliers kada buwan para mabigyang-impormasyon ang mga tao kung
saan nila dapat nilalagay ang kanilang mga basura upang mapanatili ang kalinisan at
kung nakakaapekto ba ito sa turismo ng nayon.

Bumili ng 60 gal ng oil drums at pinturahan ng panibago ang Hotel Palmera at mga
kapaligiran nito at nang makabili pa ng ibang mga materyales.

Magtulong-tulong ang mga taganayon upang malinis ang pagkakapulapol ng pintura


at salamin ng hotel.

Sumali sa 2017 "Hotel Connoisseur" competition

Maging kabilang ang media, at anyayahin ito sa pagtitipon ng nayon upang mailadlad
ang mga murals, artikulo, pahayagan, dako sa mga radyo at mga video footage na
tatagal sa loob ng hindi hihigit animnapung minuto.

Magkaloob ng mga questionnaire survey sa higit limampung residente bago


magsimula ang proyekto at pagkatapos ng Hotel Connoisseur.

B. Pakikipagsapalaran sa pamamahala ng proyekto


Kailangan naming mainam na talakayin ang panukalang proyekto na ito sa konseho ng
Barangay San Nicolas at sa San Pablo City Solid Waste Management Authority; at makakuha ng
dokumento mula sa mga youth organizations na iingkorporahin.

C. Ang pagtigil sa gawain at paglalaan ng oras sa mga Gawain


Ang proyekto ay tatagal sa loob ng anim hanggang siyam na buwan.

Unang buwan hanggang ika-apat na buwan: Ang paglalabas ng mga fliers at murals na
nagpapakita ng tamang paraan ng pagtatapon
ng mga basura; pagsangguni sa mga opisyal
upang mabigyang-pansin ang reklamo ukol sa
maling sistema ng waste disposal ng pabrika;
at pagsisimula ng pagsasaayos ng mismong
Hotel Palmera.
Ika-apat hanggang ika-walong buwan:

Pagsasaayos at pagkukumpuni ng Hotel


Palmera.

Ika-siyam na buwan:

Pagsali at pagrepresenta ng Hotel Palmera sa


"2017 Hotel Connoisseur"

D. Halaga ng Proyekto
Projected Start-up Cost
Business Start Up Year

2016

Assets

25,000

Inventory

24,000

Cash

15,000

Leasehold Improvements

15,000

Insurance

1,0000
Total

80,000

Inventory

25,0000

Procurement & Requirements

7,000

Metals

2,000

Wood, Plastics, & Composites

1,500

Thermal & Moisture Protection

3,100

Openings

3,000

Finishes

3,500

Fire Suppression

2,000

Plumbing

1,700

HVAC

900

Electrical

1,300

Paint

5,000
Subtotal

25,000

E. Konklusyon
Ang proyektong "Muling pagsasaayos ng Hotel Palmera" ay nagsusulong ng adhikaing
mapaunlad ang lipunan at mga taong kumakabilang rito. Ang pagsasaayos ng nasabing
imprastraktura ay ang pagkakaroon ng kabatiran ng mga mamamayan sa kalinisan ng
kapaligiran, ang pagsangguni ng mga taganayon sa matataas na opisyal ng isang pasilidad kung
kaya't ito ay nakakaperwisyo na, ang pagtutulungan ng mga mamamayan upang mapanumbalik
ang mataas na ura ng turismo sa kanilang nayon at matugunang mapababa ang suliranin ng
kawalang hanapbuhay at huli mapagyaman at mapataas ang antas ng kaalaman at kasanayan ng
mga mamamayan sa komunidad sa pamamagitan ng paglikha ng ibat ibang uri ng programang
pangkabuhayan at makapagtatag at makapagsimula ng matatag na negosyo at mapagkakakitang
regular sa bawat barangay.
F. Appendix
https://palmerassanpablo.wordpress.com
https://m.facebook.com/CasaPalmeraHotel/

You might also like