You are on page 1of 11

1 of 10

Ang feasibility study na ito ay naglalayong magtatag ng Café Bakery bilang isang income-
generating proyekto ng ika-3 pangkat.

Background

Ang dahilan sa likod ng pangalang “Café Films” na may salawikaing “Film Memories that
Last for a Lifetime.” ay dahil sa pandemya. Milyun-milyong tao ang namatay sa iisang iglap
lamang, nang hindi man lang nakapagpaalam sa kanilang mga minamahal sa buhay; hindi
nakauwi sa kani-kanilang mga pamilya, pagbagsak ng mga negosyo, at marami pang iba.
Dahil sa pandemya, napagtanto ng mga tao ang kahalagahan ng kanilang mga minamahal sa
buhay, at kung ano ang kanilang tunay na layunin sa mundong puno ng kawalang-
katiyakan.‘Film Memories that Last for a Lifetime’ ay nagbibigay kahulugan na sana, sa
“Café Films” ay makalikha kayo ng mga alaala na magtatagal habang buhay sa inyong mga
puso.

Ang Café Films ay tutuon sa paglilingkod sa aming mga mamimili nang may de-kalidad na
serbisyo bilang sentro ng panlipunang pakikipag-ugnayan – isang lugar para magtipon,
makipag-usap, magbasa, maglibang, o magpalipas ng oras.

Ang estratehiya sa marketing ng Café Films ay magpakita ng aming mga de-kalidad na


produkto, pamamahala, at mga photobooth. Ang produkto ay saklaw ng mga maiinit at
malalamig na mga inuming nakabatay sa kape, espresso, tsaa, tinapay, cookies, pastry, atbp.
Ang pagprepresyo ng negosyo ay maihahambing sa kumpetisyon, ngunit may karagdagang
halaga ng mga features ng agarang serbisyo at kombenyensya. Ang pamantayan ng presyo
ng mga inumin at pastry ay ₱47.60 at ₱42.00. Ang Café Films ay magpapatupad ng murang
promosyong kampanya na kinabibilangan ng mga flyer, banner, at tarpaulin na nakapuwesto
sa mga estratehikong lugar malapit sa mga paaralan o malls.

Ang Café Films ay direktang nasa ilalim ng pangagasiwa ng General Manager. Ang mga
tungkulin ng Marketing, Pananalapi, at Administratibo ay hahawakan ng aming mga tauhan.
Ang mga tauhan ay mangangailangan ng High School Diploma, higit na edukasyon at
karansan sa industriya ay higit na isasaalang-alang, maayos na komunikasyon, pamamahala
ng oras, kasanayan sa pagpaplano, atensyon sa detalye, kakayahang maglakad, yumuko, at
tumayo sa mahabang panahon, at may kaalaman sa pangunahing matematika at kasanayan sa
kompyuter.

Magkakaroon ng 2 ganap na groupo sa loob ng Café Films: Production at Marketing, at


Finance at Administrative. Kasama sa produksiyon ang Head Barista at Head Servers; na
magpapatakbo ng café bakery pati na rin sa pang araw-araw na imbentaryo, at pagpapanatili
ng kagamitan. Mabibilang sa Marketing, Pananalapi, at Administratibo ang promosyon, pati

Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)


na rin ang pamamahala sa pagsasanay ng mga barista at serbidor, pagsubaybay, at pagganap
sa pananalapi.

Goals & Objectives

1. Produkto – Magbigay sa mga mamimili ng mga de-kalidad na produkto at serbisyo.


2. Komunidad – Magbigay ng suporta sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
kampanyang “No-to-Plastic” polisa para sa dine-in at take-out service.
3. Industriya – Pagbutihin ang customer-client relationships, pangkalahatang karanasan, at
kamalayan sa tatak.
4. Imungkahi ang Negosyo sa panaderya ng café at ang nakaplanong lugar ng operasyon nito.
5. Tukuyin ang targeted market at epektibong estratehiya sa merkado.
6. Tukuyin ang epektibong pamamaraan ng serbisyo, teknikal, at proseso ng pagpapatakbo.
7. Makapaglahad ng naaangkop na istraktura ng organisasyon para sa mahusay na
pagpapatupad ng iminungkahing negosyo.
8. Masuri ang kakayahang pinansyal ng imungkahing proyekto ng negosyo.

Market Trends

Ang industriya ng café bakery ay lumago nang napakalaking halaga sa Pilipinas sa nakalipas
na ilang taon. Ang Starbucks at Nestle – ang mga pambansang pinuno ay may kinita na
$32.914B at $94.4B sa nakaraang taon 2022.

Mas gumagastos ang mga Pilipino sa mga kape at cake sa almusal, ayon sa pag-uulat ng mga
usong pagkain ng Grab – ang nangungunang superapp sa Southeast Asia.

Mahigit na 20 taon na nakalilipas, nagsimulang umusbong sa Pilipinas ang uso sa mas


kakaibang mga kape at baked goods. Sa panahon ngayon, ang lahat ay tungkol sa aesthetic,
at modernong teknolohiya. Nagsimulang bumili ang mga tao ng mga espresso machine para
sa kanilang mga tahanan at opisina. Sa panahon ngayon, 3 bahay palang kapag lumabas ka,
laging may coffee shop, bakery shop, o pareho – Café Bakery, tulad ng Café Films.

Ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit sobrang sikat ang mga ito sa nakalipas na
dekada ay ang pakiramdam ng kaginhawaan, at kapayapaan na maibibigay nila – ang
maaliwalas na kapaligiran, makukulay na pintura, musika, internet, pagbabasa, o para
lamang makapagpalipas sa oras.

Ang katanyagan ng mga photobooth ay mabilis na naging uso noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig habang ang mga sundalo na lalaban at ang kanilang mga mahal sa buhay ay
kumukuha ng mga larawan upang ipadala sa isa’t isa. Sa panahon ngayon, bihira kang
makakita ng kasal o event na walang photobooth sapagkat ito ay isang mahuasay na

Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)


anyo ng libangan mas lalo na sa mga kabataan kung kaya’t hinihikayat naming maipatayo
ang Café Films malapit sa mga paaralan o malls.

Product Strategy

Ang Café Films ay magbibigay sa mga mamimili nito ng pinakamahusay at kalidad na mga
inuming kape. Sasanayin ang aming mga tauhan sa pinong sining sa paggawa ng serbesa,
paghahalo, at paghahatid ng de-kalidad ng maiinit at malalamig na inumin, at baked goods at
pastry, na may masusing atensyol sa detalye

Future Products
Habang nagbabago ang panahon, ang Café Films ay mag-aalok ng mga produkto na
magpapalakas ng benta at makatutugon sa mga mamimili. Sa mga buwan ng tag-araw, mag-
aalok kami ng higit pang mga dessert at malalamig na inumin. Magkakaroon din kami
“limited specials” sa mga holiday events tulad ng pasko.

Promotion Strategy
Magkakaroon ng ilang mga estratehiya sa pagbebenta, isang halimbawa ay ang pagbibigay
ng mga kupon sa regular na kliyente – ang Café Films ay magbibigay ng mga libreng inumin
sa mga kliyente na bumili ng higit sa 10 iba’t ibang o parehong mga inumin sa loob ng isang
buwan. Bibigyan ng 5% na diskwento ang mga magdidiriwang ng kanilang kaarawan, at 5%
diskwento rin sa mga kliyenteneng makapagdadala ng sarili nilang mga tasa.

Pricing
Ang pagprepresyo sa mga inumin at baked goods ay maihahambing sa kumpetisyon, ngunit
may karagdagang halagang features ng agarang serbisyo at kombenyente. Ang recipe
costing at listahan ng presyo ay ipinapakita sa susunod na pahina.

Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)


Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)
T
Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)
ools and Equipment
Narito ang listahan ng mga kasangkapan at kagamitan na kailangan upang makumpleto ang
proyektong ito. Ang kabuuang halaga ng mga kasangkapan at kagamitan na may sari-saring
mga bagay ay umabot sa ₱53,825.00. Ang pinakamahal na kagamitan ay ang refrigerator na
nagkakahalaga ng ₱12,000.00. Kabuuang 15 aytem ang nakatala sa talahanayan na gagamitin
sa mga operasyon ng produksyon at serbisyo.

Bibilhin ng Café Films ang mga inumin at baked goods nito mula sa Melbean Coffee
Manufacturing, All About Baking, at Bread Talk.

Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)


Hierarchy Organizational Chart

Ang Café Films ay nasa direktang pamamahala ng General Manager. Ang mga tungkulin ng
Marketing, Pananalapi, at Administratibo ay panghahawakan ng Marketing at Finance
Director. Susuriin ng mga punong barista at server ang katayuan ng pagganap ng mga
pansamantala sa pamamagitan ng pangangasiwa sa pang araw-araw na operasyon at
feedback mula sa mga mamimili. Magbubukas ang Café Films tuwing weekdays mula 8am-
10pm.

Job and Functions

•General Manager - Ang General Manager ay may pananagutan sa pamamahala sa mga


pangkalahatang operasyon ng Café Films. Siya ang namamahala sa buong operasyon ng Café
Films na kinabibilangan ng pagpaplano ng mga benta at marketing, pagtiyak na ang negosyo
ay nakatugon sa kalidad at mga kinakailangan sa regulasyon ng serbisyo sa mga produkto, at
pagtiyak na ang mga mamimili ay bibigyan ng de-kalidad na serbisyo. Sa aspetong pang-
administratibo, sinusuri ng General Manager ang imbentaryo ng mga supply, pinipirmahan
ang mga importanteng papeles at dokyumento, at sinusuri ang pang araw-araw na benta sa
paghahanda ng pananalapi sa buwanang batayan. Ang kwalipikasyon para sa posisyong ito
ay dapat nakapagtapos ng kolehiyo na may tatlong-taong karanasan sa paghawak ng mga
benta, marketing, at pananalapi sa industriya ng pagkain at inumin.
•Marketing Director – Ang Marketing Director ay may tungkuling magbigay ng
impormasyon tungkol sa mga badyet at pang araw-araw na pamamaraan at pangangasiwa sa

Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)


promosyon ng mga produkto at serbisyo ng Café Films. Tinitiyak ng Marketing Director ang
pagpapatupad ng epektibong estratehiya sa marketing.
•Finance Director – Tungkulin ng Finance Director na bumuo at kontrolin ang buwanang
hanggang taunang badyet sa pagpapatakbo ng Café Films upang matiyak na ang lahat ng
mga pinansyal target ay natutugunan, at ang mga regulasyon sa pananalapi ayon sa batas ay
nasusunod.
•Head Barista – Ang mga Punong Barista ay magkakaroon ng responsibilidad na
pangasiwaan ang mga barista interns at suriin ang kalidad ng mga produktong inumin, ang
pang araw-araw na imbentaryo, at ang serbisyong ibinibigay sa mga kliyente at ipasa ang
araw-araw na listahan ng benta sa General Manager.
•Head Server – Ang responsibilidad ng Head Servers ay ang magbigay serbisyo sa mga
mamimili, at sanayin ang mga bagong servers. Tinitiyak nila ang napapanahong paghahatid
ng mga pagkain at inumin sa pamamagitan ng pana-panahong psuri sa kanilang mga mesa sa
lahat ng oras.

Projected Income and Cash Flow Statement

Ang talahanayan sa susunod na pahina ay nagpapakita ng Projected Income Statement at


Projected Cash Flow Statement ng Café Films sa loob ng 5 taon. Ang income statement sa
unang taon sa Gross Sales ay inaasahang nasa ₱200,000.00. Ang mga inaasahang gastusin
lang ay ang renta, mga supply at materyales, suweldo at sahod, kuryente at tubig, mga
kasangkapan at kagamitan, at miscellaneous. Sa kabuuan, umabot ang gastusin sa
₱216,973.00. Sa pagkalkula ng Netong Kita (Net Income) kinailangang hanapin muna ang
Netong Benta (Net Sales). Ang pormula sa mga ito ay ang sumusunod:

Gross Sales – Cost of Goods Sold = Net Sales


₱200,000.00 - ₱105,448.00 = ₱94,552.00

Total Operating Expenses – Net Sales = Net Income


₱111,525.00 - ₱94,552.00 = ₱16,973.00

Ang pangkalahatang kita para sa unang taon ay inaasahang mababa dahil ang negosyo ay
bago pa rin at mangangailangan ng malaking benta upang masakop ang lahat ng gastos sa
pagpapatakbo. Para sa 2 taon, ang kabuuang benta ay inaasahang lalago sa ₱400,000.00, sa
pangatlong taon ₱700,000.00, pang-apat na taon ₱1,600,000.00, at ang pang-limang taon
₱3,000,000.00.

Ang kapital para sa Café Films ay mula sa sariling puhunan na ₱500,000.00.

Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)


Para sa unang taon, ang Return on Investment (ROI) ay may halagang 3.3946%. Ang
pormula ay ang sumusunod:

Net Income ₱16,973.00


ROI = x 100 ROI = x 100 =
Capital ₱500,000.00

Gamit ang parehas na pormula, ang ROI sa mga sumusunod na taon ay tataas ng 26.4%,
45.24%, 117.88%, at 208.16%.

Ang resulta ng Projected Income Statement at Projected Cash Flow Statement ay


nagpapakita na ang proyekto ay magagawa at makukumpleto ng maayos. Ito ay batay sa
positibong Net Present Value at Return on Investment na mas malaki kaysa sa halaga ng
kapital.

Financial Risks & Benefits

Ang mga panganib at benepisyo sa pananalapi ng Café Films ay ang pagkakaroon nito ng

Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)


potensyal na makaakit ng malaking customer base at makabuo ng malaking kita. Sa kabilang
banda, maaring mahirapan ang Café Films na itatag ang sarili nito sa isang
mapagkumpitensyang industriya habang hinaharap ng kompetisyon mula sa mga sikat na
tatak tulad ng Starbuks.

Gayunpaman, batay sa resulta ng Projected Income Statement at Projected Cash Flow


Statement, ang katatagan ng pananalapi ng Café Films ay itinuturing mababa sa panganib na
may mataas na pagpapanatili ng merkado at posibleng paglago.

Conclusion (SWOT)

PROJECT TITLE/NAME OF THE BUSINESS: Café Films


TEAM Leader’s Name: TRINIDAD, Amanda Claye R.
DOMINGO, Rachelle Abigail, D. LEGASPI, John Michael, L.
SANTOS, Julia Arabela, C. DELA CRUZ, Sebastian, B.
GARROTE, Bernadette Marie, C. KAMEI, Miyu, G.

Feasibility Written Report of Café Films (Group 3)

You might also like