You are on page 1of 5

Hindi maikakaila na naging parte na ng umaga ng bawat Pilipino ang kape

sapagkat ang inuming ito ay hindi lamang kilala sa malakas nitong aroma
at natatanging lasa ngunit maging sa nakapag papasiglang epekto nito sa
katawan.na siyang kumukumpleto sa ating mga umaga.

Ang kape ay matagal nang kilala sa merkado, lalo na sa bansang Pilipinas,


dulot na rin ng tradisyon nanaka-innkorpora sa pag-inom nito.

Ilan sa mga kapeng matagal nang subok at naka sanayan ng masa ay ang
mga kapeng barako, kapeng bigas, at syempre ang patuloy na umuusbong
na sintetikong kape.

Ang mga nabanggit na uri ng mga kape ay patuloy na lumalago, nakikilala,


at kinukunsumo ng mga tao kung kaya’t dumarami ang mga namamahagi
ng mga ito sa merkado.

Tunay ngang makabuluhan ang katagang “Coffee is Life” sapagkat ayon sa


pag aaral na isinagawa ni (Torre,2018), 78% porsyento ng populasyon sa
buong mundo ay hindi kayang simulan ang araw ng hindi kumukunsumo
nito.

Gayunpaman, ang karaniwang pagkonsumo ng kape ay limitado sa tatlong


tasa bawat araw dahil sa mga sangkap nitong nakapag dudulot ng iba't
ibang mga sakit. Isa sa mga sangkap nito na may mataas na banta sa
kalusugan ay ang Caffeine, na siyang pangunahing salarin sa pag-usbong
ng mga sakit na naidudulot ng pag inom ng kape, dahil sa taglay nitong
teratogenikong epekto sa kalusugan ng tao.

Bunsod nito, ang mga indibidwal na sensitibo sa caffeine ay mas pinipiling


tangkilikin ang mga organikong inumin bilang kapalit. Ang kapeng bigas ay
isa sa mga natural na pamalit sa kape na madalas na tinatangkilik at
inirerekumenda, isaalang-alang ang marami nitong benepisyo sa nutrisyon
at kalusugan; ito ay isang organiko at tradisyunal na kapeng inumin na
hindi naglalaman ng caffeine kung kaya't ito ay walang masamang epekto
sa kalusugan ng mga tao.

Sa pagsisikap na maresolba ang mga nasabing epekto ng mga


nakasanayang sintetikong kape, ang mga tagataguyod ng pananaliksik ay
nag-isip ng paraan upang mabigyan ng barayti ang tradisyunal na
organikong kapeng bigas.
Ang pananaliksik ay naglalayong ipakita ang bago at mas malusog na
bersyon ng kape na angkop sa panlasa ng henerasyon ngayon. Nilalayon
din nitong mabigyang tulay ang puwang sa pagitan ng supply at demand
ng kapeng bigas sa Dagupan City, isinasaalang-alang na wala pang mga
tindahan na nag-aalok ng kapeng bigas sa lungsod.

Ang negosyo ng kapeng bigas na tatawaging “Rice-fee” ay itatayo sa


kahabaan ng Galvan St. Downtown District, Dagupan City. Ang kapeng
bigas ng Rice-Fee ay lalakipan ng iba’t-ibang lasa upang mabigyan ng
barayti ang produkto at upang mas mahikayat ang mga mamimimili.
Dalawa sa mga lasang ito ay ang Klasik at Tsokolate na siyang ipakikilala
sa unang buwan ng operasyon ng negosyo, at daragdagan ng iba pang
mga barayti ng lasa sa pag lago at pag tagal ng negosyo sa industriya.

Layunin ng Pag-aaral
Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang kakayahang magpatuloy ng
isang negosong patungkol sa produksyon at distribusyo ng Kapeng Bigas
sa Galvan St. Downtown District, Dagupan City, Pangasinan.

Partikular, hiniling ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na


katanungan:

Sasang-ayon ba ang mga mamimili sa aspeto ng:

a. Lasa;

b. Tekstura;

c. Presyo;

d. Presentasyon; at

e. Aroma.

Saklaw at Limitasyon

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang posibilidad na mabuo ang


isang negosyo sa pagmamanupaktura ng Kapeng Bigas sa Downtown
District, Dagupan City sa mga aspeto ng: Lasa, tekstura, presyo,
presentasyon, at aroma ng produkto alinsunod sa hangaring makagawa ng
isang mas mura at mas malusog na opsiyon ng kape.
Ang pangunahing target na merkado ng ipinanukalang negosyo ay ang
mga establisimiyento na nag-aalok ng kape (ie. Coffee Shop at Milk Tea
House) pati na rin ang mga sari-sari store, groseriya, at convenience stores
na matatagpuan sa Dagupan City at mga kalapit na bayan. Kasama sa
mga tagatugon sa pag-aaral na ito ang mga lokal na residente ng lungsod
ng Dagupan at mga residente ng mga karatig bayan at munisipalidad nito,
tulad ng Calasiao, Santa Barbara, Manaoag, at Binmaley.

Ang pag-aaral na ito ay nililimitahan sa mga consumer ng kape at sa mga


may-ari ng mga coffee shop, mini-mart, grocery store, at sari-sari store na
matatagpuan sa Dagupan City.

Kahalagahan ng Pag-Aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa


mga sumusunod:

Mga Nagnanais Magnegosyo ng Kape sa Hinaharap, Mga Mamimili,


Kapaligiran at mga Ang Mga Mananaliksik sa Hinaharap.

Para sa huling parte ng SWOT Analysis, ating talakayin ang patungkol sa


Mga Banta na maaring maka-apekto sa Negosyo

Una sa mga bantang ito ay ang Implasyon o ang Pagtaas ng Presyo Ng


Mga Hilaw na Materyales

Ang implasyon ay hindi nakokontrol nino man, kung kaya’t ito ay nakikita
bilang isang banta sa kumpanya sa kadahilanang ang presyo ng mga hilaw
na materyales ay maaaring tumaas nang higit sa limitasyon ng kapital na
mayroon ang mga tagataguyod sa pag buo ng mga produkto ng negosyo.
Ang implasyon ay maaari makaapekto sa negosyo ng produksyon at
distribusyon ng kapeng bigas sapagkat may kakayahan itong mapababa
ang badyet at kita ng kumpanya.

Nariyan din ang banta ng mga Natural na Kalamidad

Ang mga likas na kalamidad ay hindi maikakailang maituturing na


pinakamalaking banta sa anumang negosyo. Ang mga kalamidad tulad ng
baha, lindol, sunog, maging ng isang pandemya, partikular na Covid na
kinakaharap ng mundo sa kasalukuyan ay maaring humantong sa
pagsasara at pagkalugi ng maraming mga negosyo.

Ang mga nabanggit na banta ay hindi makontrol at hindi maiiwasan


kung kaya’t dapat isagawa ang mga wastong hakbang nang hindi na
humantong pa sa pag sasara ng negosyo. Ang isang paraan upang
masolusyunan ang epekto ng mga hindi makontrol na mga banta ay ang
pagpapanatili ng sapat na mga supply ng mga hilaw na materyales.

kung saan pagsasaka ang pangunahing uri ng pamumuhay, kung k

You might also like