You are on page 1of 12

Saint Louis College

City of San Fernando, La Union


Basic Education Schools
Senior High School

PAKINABANBENEPISYOG NG KAPE

SA MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO

NG SAN LUIS

Isang Pananaliksik
na iniharap sa Basic Education School
Kolehiyo ng San Luis, Lungsod ng San Fernando,
Lalawigan ng La Union

Bilang pagtupad sa pangangailangan


Sa asignaturang Filipino 11

nina:

ABAT, Jan Andrei V.


ESTIMO, Cristina Marie P.
MARZO, Angel Cyrelle S.
OPLE, Elijah Joy
RIMANDO, Amethys

Mayo, 2019
KABANATA I

INTRODUKSYON

Panimula

Marami sa mga estudyante, lalo na sa hmga kolehiyo, ang umaasa sa kape,

lalo na kapag sila’y gumagawa ng kanilang mga takdang aralin, performance task, at sa

pagrereview. Naniniwala silang makakatulong ito sa kanilang mga kinakailangang gawin,

partikular sa paglaban ng antok at pagnanais na magkaroon ng maayos na pahinga.

Kaya’t hinding-hindi mawawalan ng posisyon ang kape sa mga pangangailangan ng ilang

mga mag-aaral na nasa kolehiyo.

Aabot sa 54% ang mga Amerikanong nasa edad 18 pataas ang umiinom ng

kape araw-araw. Pinakita sa isang pag-aaral sa Unibersisdad ng Kentucky na 78% na

nasa unang taon ng kolehiyo ang umiinom ng mahigit sa inirekomendang halaga ng

kapeina bawat araw (200 mg). Ayon sa Consumer Reports, walo sa 10 sampung

nakakatanda sa Pilipinas ay umiinom ng kape sa average na 2.5 araw-araw (Tacio, 2018).

Isa ang kape sa mga bagay na unang pumapasok sa isip ng mga

estudyantemag-aaral sa mga situasyon kung saan ninanaisnais man nilang manatiling

gising. Kaya naman sinamantala nito ng mga balak magpatayo ng negosyo na nagbebenta

ng kape o tinatawag na kapihan. Alam nilang mataas ang demand ng kape pagdating sa
mga estudyante kung kaya’t malaki ang magiging benepisyo nila kung sila’y

magpapatayo malapit sa isang paaralan.

Mayroong isang kapihan dito sa Kolehiyo ng San Luis na nangangalang Café

Louisiano. ni

Ethiopia ang kinikilalang tinubuang-bayan ng butil ng kape. Ngunit ang

pinakaunang napatunayan na ebidensya ng alinman sa pag-inom ng kape o kaalaman sa

puno ng kape ay mula sa unang bahagi ng ika-15 siglo, sa mga monasteryo ng Sufi ng

Yemen, na mabilis ring kumalat sa Mecca at Cairo (Wikipedia contributors "History of

coffee", 2020). Ang mga butil ng kape ay bunga ng Coffea plant na ang uri ay umaabot

sa mahigit 100, Coffea Arabica at Coffea Canephora ang dalawang madalas na ginagamit

sa paggawa ng kape at ang mabenta (Pabari, 2014).

Kastila ang nagpakilala sa mga isla ng Pilipinas ang tungkol sa kape noong

1740, doon nagsimula ang produksiyon ng kape sa Pilipinas at ito ang naging

pangunahing industriya dati (Wikipedia contributors "Produksiyon ng kape sa Pilipinas",

2019). Lungsod ng Lipa sa Batangas ang kilalang kapital ng kape ng Pilipinas noon. Dito

ipinakilala ng isang mongha na Spanish Franciscan ang unang puno ng kape noong 1740.

Noong 1860, Batangas mismo ang nagluluwas ng kape sa Amerika sa pamamagitan ng

San Francisco. At noong 1880, Pilipinas ang pang-apat sa pinakamalaking tagaluwas ng

mga buto ng kape, at nung tumama ang coffee rust sa Brazil, Africa, at Java, ito ang

natirang tanging mapagkukunan ng mga buto ng kape sa buong mundo. Hindi naiwasan

ng Pilipinas ang coffee rust sapagkat noong 1889 ay natamaan nito ang baybayin nito.

Kaya hindi nagtagal, bumalik ang posisyon ng Brazil bilang pangunahing tagagawa ng
kape sa buong mundo. Ilan sa mga hindi naapektuhan na kape sa Batangas ay inilipat sa

Cavite, na kung saan sila ay yumabong. Naging miyembro ng International Coffee

Organization (ICO) ang Pilipinas noong 1980 (PCBI, 2002). Sa kasalukuyan, Amadeo,

Cavite ang tinuturing kapital ng kape ng Pilipinas sapagkat mahigit 80 porsiyento o 3,913

ektarya sa 4,790 ektaryang lupain ng Amadeo ay nataniman ng kape ("Amadeo ‘Coffee

Capital of the Philippines’", 2011).

Maraming proseso ang dapat pagdaanan upang makagawa ng isang tasang kape

mula sa pagpapalaki ng halaman na pinagmulan nito. Simulan natin sa pagtatanim.

Kinakailangan ng isang malawak na ektarya ng lupain sa pagtatanim ng mga halamang

kape. Dapat lagi itong naaarawan, nadidiligan, at nakatanim sa malusog na lupa.

Pangalawa ay ang pag-aani, kada-taon ay pwedeng mag-ani ng bunga ng kape. Ngunit sa

mga bagong tanim na kape ay aabot sa tatlo hanggang apat na taon. Ang pangatlo ay ang

pagpo-proseso ng bunga nito. May dalawa itong paraan; Dry Method at Wet Method. Sa

Dry Method, ibibilad ang naaning bunga sa matinding sinag ng araw upang matanggal

ang balat nito. Habang sa Wet Method, kailangang paghiwalayin ang balat sa laman sa

pamamagitan ng tubig. Ang pang-apat na proseso ay ang pagpapatuyo ng kape, kailangan

na namang patuyuin ito kung ginamit natin ang Wet Method. Susunod ang Milling, dito

tatangalin ang mga natirang balat at kailangan ding paghiwa-hiwalayin ang buto ng kape

sa laki, bigat, at kulay. Pang-anim, dito na kikilatisin ang kape. May tatlong klase ang

pagkikilatis; ang pagsuri sa pamamagitan ng ating mga mata, ang pagsuri sa

pamamagitan ng pag-amoy nito, at ang huli ay titikman kung ano ang lasa. Pam-pito sa

pagpo-proseso ng kape ay ang Roasting. Dito na magiging kaaya-aya ang amoy at


magiging kayumanggi na ang kulay ng kape. Pang-walo ay ang Grinding, kung saan

durog na ang kape at kailangan dito ang tubig. Pang-siyam ay ang pagtitimpla ng isang

napakasarap na kape (NCA, n.d.).

Ang iba't ibang klase ng kape ay naaayon sa mga naisasalin dito. Maaaring naiiba

sa ilang shots ng Espresso na nailagay dito. Ang Espresso ay isang malakas at mapait na

uri ng kape, isang shot lang nito ay sapat na upang mapalakas ang iyong enerhiya at

gawing alerto ang iyong kaisipan. Ang Cappucino ay nangangailangan ng dalawang shots

ng Espresso at dinadagdagan ito ng gatas. Ang pinagkaiba ng Mocha sa Cappucino,

nalagyan ito ng Chocolate Syrup kaya angkop lang ito sa mga chocoholics. Mayroon din

ang Irish Coffee na kung saan inihahanda sa mga taong hindi makapili kung kape ba o

alak ang kanilang iinumin. Espresso, Irish Whiskey, at krema ang mga sangkap na

kinakailangan upang ito'y magawa (Kashyap, n.d.). Sa Pilipinas, Marami pang ibang

klase ng kape ang maaaring matuklasan sa simpleng paghahalo-halo lamang ng mga

sangkap, na hindi tinatanggal sa isip na bawat sangkap ay may limitasyon upang

maiwasan ang hindi kanais-nais na mga epekto.

Maraming pag-aaral ang nagpakita na ang mga madalas uminom ng kape ay

nabubuhay ng matagal, na may pinakamainam na halaga na apat hanggang limang tasang

kape bawat araw (Gunnars, 2015). Ngunit may isang pag-aaral na nagsasabing ang apat

at mahigit na tasa ng kape ay may kinalaman sa pagdagdag ng panganib ng kamatayan,

hindi sa pagbawas ng posibilidad nito, sa mga taong wala pa sa 55 taong gulang (Liu et

al., 2013).
Kailangang makasigruado ng mga mag-aaral kung makakatulong nga ba

talaga ang kape sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-alam ng mga naging karanasan ng

mga mag-aaral ng Kolehiyo ng San Luis ukol dito, maaaring maging gabay sa aming mga

susunod na henerasyon sa pag-tukoy kung ano ang nararapat naaming limitasyon sa pag-

iinom ng kape at kung gaano kadalas ang dapat na pag-inom dito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pamanahong papel na ito ay ginawa upang malaman kung paano nga ba

talaga nakatutulong ang kape sa mga estudyante ng Kolehiyo sa San Luis at kung

nagkakaroon ba sila ng problema sa pag-iinom nito.

Sinasagot nito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ano ang mga positibong naidudulot ng pag-inom ng kape sa mga mag-

aaral, guro, o tao?Sa edad ng mga mag-aaral ng kolehiyo, ilan ang

rekomenda nilang bilang ng tasa ng kape na makakaiwas sa mga hindi

kanais-nais na epekto ng kape?

2.

Posible kaya ang pagkamit ng matataas na grado kung wala ang presensya
ng mga kape?
3. Ano ano ang mga negatibong naidudulot ng pag-inom ng kape sa mga mag-

aaral?
4.

5. Ano ano ang maaaring maging alternatibo sa kape na magdudulot ng mga

benipisyo na naibibigay ng kape?

1. Recommended serving size depending on age

2. Effects ng coffee pag nag aaral

3. Side effects pag nasobrahan

4. Ano ang pwedeng maging alternitibo ng kape

5. Bakit nga ba kape ang ginagamit madalas ng mga estudyante

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa mga benepisyo ng kape sa mga

mag-aaral ng San Luis. Ang layunin nito ay makatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, sa loob at labas ng Kolehiyo ni San Luis, maaaring

maging malaking tulonggabay ito sa kanila sa pag-alam kung paano ba ang wastong pag-

inom ng kape. Ito ay paraang, kung ilang baso o tasa ang dapat nilang iinom sa loob ng

isang araw na isinasaalang-alang ang kanilang edad..


Sa mga guro, malamanMalaman ng mga guro nila ang sitwasyon ng mga

mag-aaral. Halimbawa ay ang kakulangan sa pagiging alerto o inaantok sa klase. Maaari

ring halimbawa ang kabaliktaran, tulad ng kakulangan sa tulog o hindi makatulog. Dito

kakailanganin ang gabay ng mga guro na mayroong kaalaman ukol sa pinagdadaanan ng

mga mag-aaral at sa tamang paggabay, maaaring mabigyang control ang sitwasyong ito.

at maaaring mabigyan sila ng gabay sa pagkontrol sa kanilang pag-inom ng kape.

Layuning mabigyang pansin ng Sa mga nagbebenta ng kape ang, layuning

mabigyang pansin ang pagkonsumo ng mga estudyante mag-aaral sa mga kape at maingat

na pagbigay ng serving size na aayon sa edad o pangaingailangan , ipaalala ang mga

maaaring epekto ng isang partikular na kape sa kanila, halimbawa ang Espresso na isang

shot lamang ay masasabi na itong malakas, at kung maaari, sila mismo ang

magrekomenda ng kape na naaayon sa pangangailan, at lasa, ng mag-aaral o konsumer.ng

estudyante.

Sa mga magsasaka, ang pag-aaral na ito ay maaring magpatunay ng kahalagahan

ng pagsasaka ng kape

Mabigyang kaalaman ang mga mambabasa at mga mananaliksik sa hinaharap

sa kung ano ano ang mga maaaring alternatibo na maaaring gamitin o iinom bukod sa

kape na mas ligtas inumin o mas kaunti ang mga hindi kanais-nais na epekto na posibleng

mangyari sa uminom o gumamit.


Sa mga mambabasa at mga mananaliksik sa hinaharap, mabigyan ng kaalaman

kung ano-ano ang mga maaaring alternatibo na pwede gamitin bukod sa kape.

Depenisyon ng mga Terminolohiya

Alternatibo.

Kape. Puwedeng pamalit sa isang serbisyo o produkto kung saan hindi nawawala

ang nabibigay nitong benipisyo.

Kape. Ito ay Ito ay isang inumin na isa sa mga isinasaalang-alang mga malalaking salik

sa buhay ng mga estudyante sapagkat napapanatili nitong gising ang mga ito na tila ba

nanglalaban ng antok.
Kapihan. Lugar na kung saan madalas pumunta ang mga tao kung gusto nilang

makatamo ng pahinga, o ang lugar na madalas pinupuntahan ng mga estudyanteng balak

gumawa ng mga Gawain sa eskwelahan.

Coffee Rust. Antas na dapat seryosohin sapagkat ang mga natutunan dito ay magiging

malaking salik sa kung anumang balak mong gawin sa labas ng eskwelahan.Isang

disease ng mga halaman ng kape na kung saan maaaring maging dahilan ng pagkawala

ng dahon nila, maging ang kanilang kakayahang magbunga ng butil ng kape.

Komplikasyon. Mga negatibong o hindi sinasadyang epekto ng isang produkto.

BIBLIYOGRAPIYA

Dyornal

Ben Kissam. (2019). College Students and Coffee. Coffee

Consumption Among College Students: StatsCollege Students and Coffee- Should You

Use It To Study?. College 101. Retrieved from:

https://www.thecoachkshow.com/college-students-and-coffee/.
Henrylito D. Tacio. (2018). Have a cup of coffee. Lifestyle. Retrieved from:

https://philippinesgraphic.net/have-a-cup-of-coffee/

Wikipedia contributors. (2020). "History of Coffee". Wikipedia, The Free

Encyclopedia. Retrieved from: https://en.wikipedia.org/wiki/History_of_coffee#cite_ref-

Bennett_1-0

Suneal Pabari. (2014). 10 Differences Between Robusta and Arabica Coffee. The

Roaster Pack News. Retrieved from: https://theroasterspack.com/blogs/news/15409365-

10-differences-between-robusta-arabica-coffee

Wikipedia contributors. (2019). "Produksiyon ng kape sa Pilipinas". Wikipediang

Tagalog, ang malayang ensiklopedya. Retrieved from:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Produksiyon_ng_kape_sa_Pilipinas#cite_ref-rich_history_2-

Philippine Coffee Board Inc. (PCBI). (2002). Our Coffee Heritage: Coffee’s Rich

History in the Philippines. Philippine Coffee. Retrieved from:

https://philcoffeeboard.com/philippine-coffee/

"Amadeo ‘Coffee Capital of the Philippines’". (2011). Lakbay Pilipinas.

Retrieved from: http://lakbaypilipinas.com/amadeo-%E2%80%9Ccoffee-capital-of-the-

philippines%E2%80%9D/
National Coffee Association USA (NCA). (n.d.). 10 Steps from Seed to Cup.

About Coffee. Retrieved from: http://www.ncausa.org/About-Coffee/10-Steps-from-

Seed-to-Cup

Shubhangi Kashyap. (n.d.). How to Differentiate Amongst Different Kinds of

Coffee. How To. Retrieved from: https://spoonuniversity.com/how-to/how-to-

differentiate-amongst-different-kinds-of-coffee

Kris Gunnars. (2015). How Much Coffee Can You Safely Drink?. Business

Insider. Retrieved from: https://www.businessinsider.com/is-too-much-coffee-bad-for-

you-2015-1?

fbclid=IwAR2JAumn1BRi3gy_wzAjrDnYieeWGHaCubapfWbE5nZSTHDcxZYAoX2R

gGA

Liu et al. (2013). Association of Coffee Consumption With All-Cause and

Cardiovascular Disease Mortality. Retrieved from:

https://www.mayoclinicproceedings.org/article/S0025-6196(13)00578-8/fulltext

You might also like