You are on page 1of 2

SINOPSIS

Sulating Akademik #3
“Ang Mahiyaing Manok”
Ma. Denica R. Delmendo
Si Onyok, ang bunsong manok ni Mang Oca, ay hindi pa rin makatilaok. Siya’y
nahihiya sa kaniyang kapwa at sa bawat subok niyang tumilaok tila’y ubo lang ang tunog na
kaniyang naibubuga. Akala tuloy ni Onyok siya’y pinagtatawanan ngunit sagot ng kalarong si
Kokok na mabait sila at nais lang nila ang makatilaok na siya. Payo ng kaibigan na siya’y
mag-ensayo at huwag matakot sa kaniyang pagtilaok na sinagot niya ng tila’y wala na siyang
pag-asa pa. Ito’y narinig ni Mang Oca at binigyan ng payo si Onyok. Sa pagsunod ni Onyok
sa payo ng kaniyang ina siya’y nakatilaok na. Mula noon siya’y hindi na mapigilan sa
kaniyang pagtilaok at sa kaniyang paglaki siya naman ang magtuturo sa mga mahiyaing
batang manok kung paano tumilaok.

You might also like