You are on page 1of 5

PAMAGAT:

“Panukala para sa tamang pagtapon at paghihiwalay ng mga basura sa pasukan 2020 ng Ilocos
Norte College of Arts and Trades”

PROPONENT:

Dan Arvie Balantac                               Angelica Guira


Hans Euriel Factores                             Erica Ramos
Francis Roldan Salivio                          Rodessa Mae Tomas
Jedd Santos                                           (Grade 11-HUMSS Carino)
Aaron Clark Tabieza
 Ken Clyde Valente

KATEGORYA: Seminar at Patimpalak

PETSA:  Ipapadala ang proposal sa tanggapan ng Punongguro ng Ilocos Norte College of Arts
Trades at kapag ito’y naaprubahan ay magsisimula ang proposal sa susunod na pasukan sa
Hunyo taong 2020.

I. PANIMULA
RASYUNAL

Hindi maayos na paghihiwalay ng mga basura at kawalan minsan ng disiplina sa mga estudyante
ang pinakaproblema ng INCAT. Nananatili itong problema sapagkat ito’y nagdadala ng sakit
dahil pinapamahayan ng mga lamok  ang mga tambakan na nagiging sanhi ng dengue.

              Nahihirapan din ang mga estudyante na maging aktibo sa klase sapagkat hindi
maaliwalas ang kapaligiran na kanilang nakikita. Bagama’t may mga basurahan sa paaralan,
kakulangan ng disiplina sa mga estudyante ang minsa’y nagiging suliranin. Hindi nila
mapaghiwa-hiwalay ang mga basura sa tama nitong lalagyan.

  Sa kadahilanang ito, layunin ng project proposal na ito na mabigyang kaalaman ang mga
estudyante ng INCAT sa pamamagitan ng isang seminar patungkol sa tamang paghihiwalay ng
mga basura at pagrecycle sa mga ito. Dahil dito, mas maiintindihan ng bawat estudyante na kung
may sapat silang kaalaman ay maiiwasan ang mga sakit at magiging kapaki-pakinabang ang mga
kakayahan nila sa pagrerecycle ng mga basura. Maisasagawa ang project proposal na ito sa oras
na ito’y maaprubahan sa Hunyo taong 2020.Sa oras na maipatupad ang panukalang ito ay mas
magiging maaliwalas na ang kapaligiran ng INCAT at mas magiging responsable na ang mga 
estudyante.

Isang pandaigdigang alalahanin ang problema sa basura. Ito ay walang hangganan maging sa
paaralan, kung kayat pagsisikap ay kailangan upang ang bawat estudyante ay magkaroon ng
kamalayan tungkol sa pagkasira ng kapaligiran dahil sa hindi tamang paglalagay ng basura na
naayon sa lalagyan.     Ito ay isang pangunahing sanhi ng polusyon at pinagmumulan ng mga
karaniwang sakit. Ang isa sa mga magagawa ng mga estudyante ay ang bawasan at kontrolin ang
basura sa pamamagitan ng tamang kamalayan at pagsasanay. Ang tamang pamamahala ng basura
ay isa sa pinakamahalaga sa paaralan. Kung kayat layunin ng proposal na ito na mamulat ang
mga estudyante sa tamang paghihiwalay ng mga basura at pagpapahalaga sa kalikasan.

Kinakailangan ng moral na suporta mula sa mga estudyante at mga empleyado sa Ilocos Norte
College of Arts and Trades upang mas madaling maisakatuparan ang panukalang proyekto
tungkol sa wastong pagtapon ng basura sa loob ng paaralan, Ang pagiging disiplinado sa sarili
ang pangunahing kinakailangang maisapuso ng bawat estudyante at empleyado upang mas
maging epektibo ang panukalang ito. Ang kahalagahan ng proyektong ito ay hindi lamang
masulosyunan ang problema sa basura ngunit makatutulong din itong mas maging kaayaa-aya at
malinis  ang kapaligaran sa loob ng institusyon upang mas maging komportable ang mga mag-
aaral sa INCAT.

 DESKRIPSYON

Ang deskripsyon ng proyektong ito ay makabili at maisagawa ang tatlong basurahan na


mayroong label na “nabubulok” “hindi-nabubulok” at “nareresiklo”. Nang sa gayon ay
makatulong sa bawat isa gayundin sa paaralan.

Maisasagawa ang proyektong ito sa taong 2020 sa susunod na pasukan sapagkat hindi lingid sa
ating kaalaman na ang ating paaralan ay dumadaan sa prosesong kailangan ng sapat at wastong
malinis na kapaligiran. Bilang tulong sa ganitong problema ng ating paaralan, ang mga
basurahan sa bawat sulok ng campus ay madadagdagan, maging ang mga classroom upang
maiwasan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.

Magkakaroon din ng seminar patungkol sa tamang pagtatapon at paghihiwalay ng mga basura.


Sa pamamagitan ng seminar na ito maikikintal sa isipan ng mga estudyante ang kahalagahan ng
tamang pagsasaayos ng mga basura. Magaganap ito sa susunod na pasukan (Hunyo 15, 2020) sa
quadrangle ng INCAT.
II. KATAWAN
A. LAYUNIN:

Hangad ng panukalang ito na mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang kapaligiran sa


Ilocos Norte College of Arts and Trades. Paghihiwa-hiwalayin ang mga basura sa bawat sulok ng
paaralan upang maisaayos ang kasalukuyang sistema sa pagtatapon ng basura at mapigilan ang
polusyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kagamitan sa pagbabasura (pagkakaron nang
hindi bababa sa tatlong basurahan sa bawat silid-paaralan na may kalakip na tatak ng
pagkakakilanlan sa kung saan nararapat ang isang basura).

              Ninanais din ng panukalang ito na maituro sa bawat estudyante ang kahalagahan ng
pagre-recycle ng mga basura. Sa patimpalak na gagawin ay mas magiging kooperatibo ang mga
magkaklase sa isang classroom upang madagdagan ang pondo nila. Matututunan din ng bawat
estudyante ang pagsisikap, pagsisikap upang maparami ang basura na kanilang makokolekta at
dahil dito ay mas magiging malinis na ang kapaligiran ng INCAT.

B. TALA NG GAWAIN

Dagdag basura sa bawat classroom.


-Pagpasa, pag-aapruba, at paglabas ng badyet (7 araw)
– Pagbili ng mga naturang basura na kakailanganin para sa pagdaragdag ng basurahan sa 
bawat silid-aralan
– Pagpapagawa ng mga “label” sa mga basurahan. (nabubulok, di-nabubulok, papel, at plastic
bottles).
-Pamamahagi ng  apat na basurahan sa bawat silid. 
Paggawa ng poster na nanghihikayat para magbasura nang tama at wasto.
– Pagpasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (5 araw).
– Pagbili ng mga materyales na gagamitin sa paggawa ng poster.
– Paggawa ng mga poster
– Pagsabit ng mga ginawang poster sa mga mahahalagang parte ng paaralan.
Pagsagawa ng seminar sa mga mag-aaral
– Pagpasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw).
– Pagtakda kung saan at kailan gaganapin ang seminar.
– Paghanap ng mga speakers na may kinalaman sa naturang panukala.
– Paghahanda sa lugar kung saan idadaos ang seminar sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga
upuan, sound system at iba pang mga kakailangan sa seminar.
Timpalak para sa cleanest at greenest rooms 
– Pagpasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)
– pagbibigay-alam sa lahat ng mga kasapi sa paaralan ang gaganaping patimpalak na may
kinalaman sa panukala.
– Paghahanda ng bawat kasapi sa pagpapanatiling maayos at malinis ang bawat pasilidad, at
wasto ang paggamit ng mga naipamigay na basurahan na sinusunod ang proper waste disposal.
– Pagsuri at pag-ebalweyt sa mga silid-aralan na pinagbabasehan ang mga criteria sa pagpili ng
mga mananalo sa patimpalak.
– Pagdesisyon at pagproklama sa mga nanalo at pag bibigay gantimpala sa kanila na gagamitin
sa pagpapanatiling maayos at malinis parin ang kanilang silid aralan.

C. BADYET

Mga Gastusin Halaga


Mga halaga sa pagpapagawa ng basurahan (plastic na
16 rooms x 8 building x 125/basurahan =Php.
drum) sa bawat classroom. Kasama na rito ang lahat ng
16,000.00
materyales sa paggawa.
Gastusin para sa pagpapagawa ng tarpaulin na nagsasaad
na dapat itapon ang mga basura sa tamang basurahan
80 pesos/tarpaulin x 20 pcs. =Php. 1,600.00
katulad ng tammang basurahan para sa mga plastic,
papel, atbp.
3 na representative sa bawat seksyon mapa-junior
Ang halaga ng pagkain na ipapameryenda sa seminar na high at senior high school x 73 sections x 20
magaganap. pesos sandwich, 10 pesos na tubig) =Php.
4,380.00
Php. 1,000.00 na manggaggaling sa malilikom na
Halaga ng pondo na ibibigay sa mananalong seksyon sa
halaga mula sa mga basurang nakolekta na siyang
patimpalak.
maibebenta.
III. KONGKLUSYON
A. PAKINABANG

              Ang pagsasaayos at paghihiwalay ng mga basura sa paaralan ng INCAT ay magiging


kapakipakinabang sa lahat ng estudyante, maging ng mga guro at bisita. Dahil sa hindi maayos
na paghihiwalay ng mga basura, ito’y nagiging sanhi ng dengue.

Kaya naman kapag nabigyan ng tamang seminar ang bawat estudyante ay mamumulat sila sa
katotohanan na dapat ay marunong magtapon ng basura sa naayon na paglayan nito. Magiging
maaliwalas ang kapaligiran sa oras na maipatupad ang proposal. Magkakaroon din ng patimpalak
sa bawat classroom na kung sino ang may pinakamaraming nakolektang basura ay siyang
madadagdagan ang pondo.s
Hindi lamang ang kooperasyon at disiplina ng mga estudyante ang nahahasa kundi ang pagiging
matiyaga rin. Mababawasan din ang mga trabaho ng mga janitor at mas matututo ang mga
estudyante na  mag-organisa na maaaring ilapat sa tunay na buhay.

Kung kaya’t nararapat lang na maaprobahan na ang proyektong ito upang sa susunod na
pasukan  ay nakahanda na ang mga silid-aralan kasama ang mga basura na maihahatid sa bawat
classroom.

You might also like