You are on page 1of 3

Panukala sa Pagpapagawa ng “Courtesy Booth” Para sa mga Mag-aaralng

Unibersidad ng Cebu

Mula sa Grade 12- STEM 2P Wisdom

Pangkat 1

University of Cebu – Pri

J. Alcantara St., Sambag 1, Cebu City

Ika – 17 ngHulyo 2019

Haba ng panahong gugulin: Isang lingo

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Likas sa isang espisipikong lugar ang pagkakaroon ng patakaran. Ang patakaran


ay isang hanay ng mga ideya na ginagamit bilang gabay sa paggawa ng desisyon.Ito ay
isang pangunahing prinsipyo na gumagabay at nagpapanatiling kapayapaan at
kaayusan sa isang lugar.

Ang paaralan ay hindi kataliwasan sapagkakaroon ng patakaran.


Pinapahalagahan nito ang karapatan ng bawat isa at ang kanilang pagmamay-ari.
Halimbawa ay pagkokompiskang mga de color na damit ng mga guwardiya. Mabuti ang
layunin nito, gayunpaman, hindi pa maayos at kulangangpasilidad. Nagkakagulo ang
mga estudyante sa “guard house” dahil walang maayos nalalagyan ang mga
nakompiskang gamit. Ngunit, di lahat ng sisi ay dapat ibato sa nagpatupad. May
pagkakataong nawawalan ng disiplina ang mga estudyante kung kaya't nagiging
magulo ito. Sa dahilang iyon, ang isang lugar ay hindi kalian man magiging progresibo
kung ang mga gumagawa ng batas lamang ang nagsisikap na gawin ito ng mapayapa.
II. Layunin

Ang patakaran ay patakaran at kung sino man ang magtangkang lumabag ay


may kaakibat na parusa. Dito sa aming paaralan, isa sa kanilang ipinagbabawal ang
pagdala at pagsusuot ng mga de kolor na damit. Kapag ikaw ay nakitaan ng may dala
nito, ito ay kukunin ng mga guwardiya at ilalagay sa kanilang guard house. Sa oras ng
pagsasauli sa gamit ay napakabagal dahil maliban sa hindi organisado ang paglalagay,
wala rin itong maayos at tamang lalagyan para sa mga nakompiskang gamit.

Katulad ng mga malls ay naisipan naming gumawa ng proyektong "courtesy


booth". Dito nilalagay ang nga nakuhang gamit upang sa oras ng pagsasauli ay madali
nalang dahil organisado ang mga gamit. Sa ganitong paraan maititiyak namin na ang
mga personal na ari-arian ng bawat estudyante ay maibabalik sa mismong may ari nito
dahil sa bawat gamit na nakompiska ay may ibibigay na numero sa may-ari na
kapareho sa numero ng bawat lalagyan. Para sa oras na sila’y pinahihintulutan nang
makuha ang kanilang mga gamit ay masisiguradong naisa-uli ang mga ito ng wasto at
maayos.Layunin ng proyektong itong ang mga sumusunod:
a. Para mapadali ang pagkuha at pagsasauli ng mga nakumpiskang gamit
b. Para organisado ang proseso ng pagkuha at pagsauli ng mga gamit
c. Para maisigurado na ang naibalik na gamit ay sa kanila
d. Para iwas abala sa mga estudyante at mga guwardiya.

III. Plano ng Dapat Gawain

Sa pagsasakatuparan ng proyekto ito ang hakbang na kinakailangang gawin:

1. Gumawa ng liham na papaprubahan sa punong-guro ng unibersisad kung


saan iimplementa ang proyektong " courtesy booth". Inaasahang matatapos ito sa loob
ng dalawa hanggang tatlong araw.

2. Pagkatapos maaprubahan ng nasabing proyekto, bibili ang grupo ng mga


materyales na kakailanganin sa pagbuo ng proyekto.
3. Pagkatapos makompleto ang mga materyales, sisimulan na ang paggawa sa
proyekto. Ito ay inaasahang matatapos sa loob ng tatlo hanggang anim na araw.

4. Pagkatapos mabuo ng "courtesy booth", ilalagay na ito malapit sa guard


house, upang maging kapakipakinabang na sa mga estudyante ng unibersidad.

IV. Budyet

DAMI KAGAMITAN PRESYO KABUUAN


3piraso Plywood (8’x4’) 1000/piraso 3000
1/2 kilo Tornilyo (numero 1) 60/kilo 30
50 piraso Hook 2/piraso 100

3130

V. Pakinabang/ Kahalagahan

Ang kahalagahan ng pagpapagawa ng " Courtesy Booth" sa Unibersidad ng


Cebu ay may malaking pakinabang sa bawat estudyante lalo na sa mga Guwardiya
upang may malagyan ng mga nakompiskang gamit galing sa mag-aaral.Napapadali din
nito ang pag sauli ng gamit sa may-ari at nakakatulong rin ito upang maiwasan ang
pagkawala ng mga gamit ng mga mag-aaral. Pagkatapos ang mga gamit na
nakumpiska ay dito ilalagay at bibigyan ng numero upang mapadaling mahanap at
maisauli agad ang napiskang gamit.

Malaki ang naitulong ng pag-implementa ng " Courtesy booth" upang maiwasan


ang kaguluhan at upang maging matiwasay ang daloy ng pag- inspika ng mga gamit ng
mga mag-aaral. Maiiwasan din nito ang puwersiyo sa mga guwardiya at mag-aaral.

You might also like