You are on page 1of 3

Introduksyon

Napakahalaga ng cellphone sa pang araw-araw na buhay. Naging parte na ito ng buhay ng mga

tao sa isang paraan na naging mahirap ng lumayo o itigil kahit sa loob lamang ng ilang minuto.

Nagsisilbi itong guro at kaibigan dahil nakatutulong ito sa pag gawa ng mga takdang aralin at mga

proyekto sa pamamagitan ng pag-browse sa net, maari ring makapagpadala ng mga mensahe,

kumuha ng litrato, maglaro, manood at makinig sa musika. Ngunit unti unti, ang mga cellphones

ay nagiging problema at ngayon ay nag dudulot ng masamang impluwensya lalo na sa mga mag-

aaral. Isa sa mga pangunahing problema ng mga guro sa loob ng silid-aralan ngayon ay ang mga

mag-aaral na madalas gumamit ng cellphone sa klase nang walang pahintulot. Ang mga

pangyayari na ito ay hindi maiiwasan. Madalas ang mga cellphone ay ginagamit sa pandaraya ng

mga mag-aaral. Nagiging sanhi ito ng pagkagambala ng klase at pagkawala ng interes ng mga

mag-aaral para sa klase.

Dahil sa mga gawing ito, ang mga magulang at guro ay napagplanuhan at nagpasyahang isuko

ng mga mag aaral ang lahat ng mga cellphone bago simulan ang klase at ilalagay sa isang kahon

o drawer bilang pag-iingat.

Ang hindi susunod ay magkakaroon ng record sa anecdotal bilang parusa. Kapag nahuli ang

mga itong gumagamit ng cellphone sa ikatlong (3) beses, ang kanilang cellphone ay kokolektahin

at ibabalik sa may-ari sa katapusan ng linggo.

Ang pangongolekta ng cellphone ng mga guro bago simulan ang klase ay napaka epektibo, ang

problema lamang ay ang ilang mga mag-aaral na matitigas ang ulo at hindi isinusuko ang kanilang

mga cellphone, dahil hindi makatarungan para sa mga mag aaral na sumusunod naman sa

alituntunin. Sa pangyayaring ito ang nag mulan ng “Pause Phone Project” kung saan ang bawat

klase ay mabibigyan ng lalagyan ng cellphone. Sa paggawa nit, upang mapaniguradong ligtas ang
mga telepono , ito ay ginawa gamit ang makapal na tela. Dahil madalas ang mga mag-aaral sa

bawat silid-aralan ng ika-labing dalawang baiting sa Jones Rural School-Senior High ay mayroong

45 estudyante, ang mga lalagyan ng cellphone na ginawa ay may 49 na bulsa. Para naman sa silid-

aralan na lumampas sa 50 ang mga mag-aaral, isang hiwalay na lalagyan ng cellphone ang

nakalaan para sa kanila. Ang mga ito ay isasabit sa isang lugar ng silid aralan kung saan makikita

ito ng lahat.

Importante para sa ng mga mag-aaral ang kanilang pagdalo sa klase dahil sa "Perfect

Attendance Award”, ang gawad na ito ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga mahina

sa usaping pang akademya. Ang proyektong ito ay magbibigay ng malaking tulong para sa mga

guro. Upang makontrol ang mga mag-aaral sa hindi pagtangging gamitin ang lalagyan ng

cellphone sa kanilang itinalagang bulsa, ang pagkilos na ito ay maaaring magsilbing attendance sa

klase ng mga mag-aaral.

Ang Proyekto na ito ang pinakamahusay na sagot para sa problema mga magulang at ng mga

guro.

You might also like