You are on page 1of 11

MGA MAY KARANGALAN

UNANG MARKAHAN
PANURUANG TAON 2017-18

Baitang 8 – Amethyst Baitang 8 – Beryl

Camille Albiso 91.000 Jayson Balbiran 92.875


Arlene Yunson 90.000 John Lloyd Dominguiz 92.750
Luwelyn Allosada 90.875

Baitang 9 – Acacia Baitang 10 - Aphrodite

Karen Mae Cervantes 90.563 Michael Jhon Mamities 91.750


Camila Calamba 90.531 Damsyl Dango 90.375
Lyca Alcosero 90,125
Lathalain

Ang Nanay kong Vice Ganda

‘Walang kasarian ang pinipili sa pagiging Nanay’, ang linyang pinaghuhugutan ng


lakas ng aking ina. Rampa doon, rampa dito. Raket doon, raket dito. Ang mga labing
pulang-pula at daig pa ang bibi kung kuminding. Ito ang Nanay ko, hindi siya ordinary,
malayo sa mga nanay ninyo.

Nagtataka ba kayo kung bakit ganito ang nanay ko? Siya si momshie Francin. Sa
umaga ay Francisco ngunit sa gabi ay Francisca. Maraming kayang gawin ang momshie
ko. Mga gawaing panlalaki tulad ng pagwi-welding at pagka-karpentero. Kayod kalabaw
siya sa pagtatrabaho. Sa umaga, sa parlor siya aarangkada. Sa tanghali naman rehas ng
bintana ang wini-welding niya. At sa gabi, ang ganda niya ay sa entablado rumarampa.

Minsan sumagi sa isipan ko, napakapalad ko at nagkaroon ako ng nanay na ganito.


Siya ang dahilan kung bakit ako muling nabuhayan ng pag-asa at nagsisilbing inspirasyon
ko sa pag-aaral. Ang inakala kong madilim na bukas na pinagkaitan ng liwanag at pag-asa
ay mag-iiba pala sa pagdating ni momshie Francin na gumabay sa akin sa landas ng
buhay.

Tuwing sumasapit ang ika 14 ng Mayo, itinatanghal natin ang araw ng mga ina. At
sa munti kong makakaya, pumpon ng bulaklak ang ibibigay bilang pagpupugay sa aking
pinakamamahal na ina.

Bakla, bading, girlalou, yours, besh, bayot, shokla at iba pa. Mga salita pwede mong
itawag na Nanay ko. O, di ba? Ang dami niyang pangalan. Ang nanay n’yo ba, kagaya
niya? The best talaga ang momshie ko dahil nanay na, tatay ko pa. Sa’n ka pa? Wala ka ng
hahanapin pang iba.
Undas: Noon at Ngayon
Takot ang nangunguna tuwing sumasapit ang Nobyembre. Maraming
kababalaghan ang nangyayari kung saan-saan. Babaing nakaputi at may mahabang buhok
ang iyong masisilayan, patay na bumabangon sa sementeryo ang iyong masasaksihan. Mga
kuwento ni Lola Basyang na nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan. Ngunit ito
ba’y sa nakalipas na panahon o hanggang sa kasalukuyan.

Ginugunita natin ang undas upang alalahanin ang mga mahal nating pumanaw na
sa kabilang buhay. Pumupunta tayo sa mga sementeryo upang bisitahin ang kanilang mga
puntod, mag-alay ng mga bulaklak at pagkain. Taimtim na panalangin sa Panginoon para
sa kanilang kaluluwa ay tauo-pusong alay natin. Ika nga, bahagi ng ating tradisyon ang
ganitong mga gawain.

Sa pagdalaw natin noon sa libingan ng mga patay upang magdasal, ramdam natin
ang tahimik na paligid, kasaliw ang awit ng mga ibon at pagaspas ng hangin. Sapagkat
nererespeto natin ang mga nakahimlang, kaya ayaw nating gumawa ng kahit na anong
ingay.

Sa kasalukuyang panahon, unti-unti ng nagbabago ang nakasanayan natin noon.


Tila nakalimutan na natinang ating nakagawiang tradisyon. Ang dati’y tahimik na
pagdiriwang ng undas, ngayo’y para ng pista ng puno ng kasiyahan, inuman at kantahan.
Halos wala na ang payapang pagdiriwang, bagkus napalitan ito ng videoke at halakhakan.

Sa paglipas ng panahon, nagbabago rin ang paraan ng pamumuhay ng tao. Nawa’y


maging handa tayo sa pagtahak sa bagong milenyo.
PANULAAN
Noon at Ngayon
Jayson Balbiran

Ang bukirin noon,


Tahimik at masagana;
Puno at mga halaman,
Ay nang-aakit ninuman.

Ang bukirin ngayon,


Sinira at kinalbo;
At ang mga puno,
Pinuputol at inabuso.

Tumakbo papalayo ang mga hayop,


Sa takot nila sa tao at lagare nito;
Dahil dito ang bukirin,
Ngayon ay parang sementeryo.

Pamilya
Marielle Panerio

Masaya, maganda at masagana,


Iyan dapat ang katangian ng isang pamilya;
Katulad ng sa akin, nag-aaruga,
Di man perpekto tulad ng inaasam mo;
Ngunit sasaya ka dito.

Kami’y may magkagulo-gulo,


Isang pamilya pa rin kami sa dulo;
Watak-watakin man kami ng mundo,
Kasabay ang problema at pagsubok ng tao;
Buong pamilya pa rin ito.

Ilang bagyo man ang harapin,


Heto kami walang pinagbago;
Ama, Ina, at mga Anak na biyaya,
Dahil nagsusumikap kumapit sa isa’t-isa;
Sa pananalig sa Poon, kami’y buong-buo.
Ilaw ng Tahanan
Michael Jhon Mamities

Mama, Inay, Nanay, ito ang tawag sa kanya,


Sa mga gawang bahay siya’y nangunguna;
Paglilinis, pagluluto at paglalaba,
Ito ang mga gawing;
Pinagkakaabalahan niya.

Siya ang aking unang guro,


Sa pagbibilang at pagbabasa;
Siya ang nagturo.

Lahat kinakaya niya,


Para sa aming pamilya;
Kaya para sa iyo inay,
Pag-aaral sa ko’y inaalay;
Upang iyong paghihirap,
Ay aking mapagaan.

Tunay ngang ikaw ang ilaw ng tahanan,


Binigyan mo ng liwanag
Ang buhay kung muntik ng malaglag,
Sa kabiguan man o tagumpay
Ikaw ang aking kaagapay.

Sa pinakamamahal kong inay


Maraming salamat sa buhay,
Na sa aki’y ibinigay;
Mga pangaral at huwaran mo,
Ay aking iingatan sa buhay.
Guro
Luwelyn Allosada

Salamat aking guro


Na sa akin ay nagturo
Kahit sa murang eded
Hinasa ang aking abilidad
Ikaw ay nagsakripisyo at pagpakasakit
Ngunit hindi ka kalian man humingi ng kapalit
Dahil ang gusto mo lang ay ang nakakabuti
Simula pa man noon nang kami’y batang munti
Kaya hindi kita malilimutan
At mga alaala mo’y aking iingatan
Upang ang mga turo mo ay aking magamit
Upang pangarap ko ay makamit.

Note: Sir Rodel pwede publish usab ang last year ubang tula, pls….
Sibol Patrol

Libreng Edukasyon sa Kolehiyo

Libreng edukasyon sa kolehiyo tuloy na tuloy na nga ba?

Isa sa mga isinusulong ng kasalukuyang administrasyon ng Pangulong Rodgrigo Roa


Duterte ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na estudyante sa kolehiyo sa
buong bansa. Upang maisakatuparan ito, nilagdaan ni PRRD ang Reapublic Act No. 10931 o
Free Education in All State Colleges and Universities sa ilalim ng Universal Access to Quality
Tertiary Education Act.

Sa pagpapatupad ng batas na ito, hindi lamang ang mahihirap ang uunlad, kasama na rito
ang paglago ng ekonomiya ng bansa. Ngunit ayon kay budget secretary Benjamin Diokno,
kailangan magkaroon ng malinaw na polisiya upang maging maayos ang paggamit ng pondong
aabot sa isang-daang bilyong piso.

Sa batas na ito walang sinuman ang hindi sasang-ayon dahilan narin sa mas lumalalang
Dagdag pasanin ng dumating ang
k-12 sa bansa. Ito ang magigimg susi sa lahat ng estudyante sa pag-tupad ng mga pangarap.

Ang libreng edukasyon sa kolehiyo ang tulay sa pagkamit ng bawat Pilipino ng katuparan
ng kanilang mga pangarap sa buhay tungo sa maunlad na bansa. Wala ng dahilan ang mga
estudyante na hindi magpatuloy sa pag-aaral. Unti-unti ng liliit ang porsyento ng walang
pinagtapos, uunlad ang tao, uunlad ang bansa, uunlad ang lahat.
OASIS NG DIWA

KABATAAN: SAAN KA PATUTUNGO?

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ito ang isa sa mga pinakapopular na linya na
namutawi sa labi ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal daang taon na ang
lumipas. Subalit ano pa ang saysay ng mga salitang ito kung ang kabataan na tinitukoy dito ang
siyang laman ng mga balita sa mga pahayagan, radio at telebisyon na nasasangkot sa mga krimen
at pagkakasala? Paano na ang kinabukasan ng ating bayan?

Ang mga ganitong pangyayari sa araw-araw ay nagdudulot ng takot at pangamba sa


buhay at ari-arian ng sinuman. Hindi natin matitiyak ang ating kaligtasan kahit nasa loob pa
tayo ng ating tahanan. Sino ang magtatanggol sa atin kung may mga massamang-loob na nais
manggulo sa atin? Makakaya ba nating ipangtanggol ang ating mga sarili? Paano ba natin
mapigilan ang ganitong kaganapan?

Responsibilidad ng magulang at ng estado ang mabigyan ng maayos at payapang


pamumuhay ang kabataan. Mga magulang ang unang magtuturo sa kanilang mga anak ng
tamang pag-uugali at pagkilos. Kaagapay ang pamahalaan, kailangan masiguro ang disente at
marangal na pamumuhay ng mga tagapagmana ng ating bansa. Pero nagagawa ban g mga
magulang at ng estado ang kanilang tungkulin?

Di naman siguro nagpabaya ang mga magulang sa paggabay at pangangaral sa kanilang


mga anak? May mga magulang na ginagawang gabi ang araw sa pagtatrabaho maibigay lamang
sa kanilang mga anak ang masaganang kinabukasan. Patuloy din naman ang ating pamahalaan sa
pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan at pagpapatupad ng mga batas upang matiyak ang
kaayusan ng ating lipunan? Ngunit bakit napapariwara pa rin ang karamihan sa mga kabataan?

Pag-aabuso sa paggamit ng bawal na gamot, masamang impluwensya ng social media,


pagkaadik sa on-line games, sigarilyo at pag-inom ng alak ang pinagkakaabalahan ng maraming
teenager ngayon. Nagiging karaniwan na lang sa kanila ang mga ganito gawain sa araw-araw.
Hindi na nila naiisip kung ano ang magiging epekto nito sa kanila kalusugan at pagkatao. Para
silang nawawala sa kanilang ulirat kapag kapiling na nila ang mga katropa sa paggawa ng
bisyo. Kung pababayaan na lang natin sila sa ganitong buhay, paano sila makawala sa
kasamaan? Sino ang tutulong sa kanila? Paano na ang kanilang kinabukasan?

Isang malaking hamon sa mga magulang at ng estado kung paano maitama ang
kinasaklakan ng mga kabataan ngayon. Walang pinakamabisang gawin , kundi ang magtulungan
ang magulang, mamamayan at pamahalaan upang magapi ang kasamaan na patuloy na sumisira
sa kabataan, ang pag-asa ng bayan.
Sa Porma, Kuhang-kuha, Siyang-siya

Makulimlim pa ang araw nang lumabas ka ng bahay. Nang biglang umaraw, ano
ang gagawin mo?
Hindi ba talagang kwelang-kwela ang linyang ito mula sa isang patalastas ng
softdrink? Para bang sinadya upang patamaan ang mga masyadong maporma at
mayabang.
Minsan nakasakay ako sa isang dyip nang may pumara ring parang si Daniel
Padilla kung pumorma. Iyong tipong kahit sino ang mapalingon, bata man o matanda ay
tiyak mapatulala.
Nakasuot siya ng longsleeve na kulay itim at may disenyong puro tuldok, kapares
ang jacket na kulay brown at pantalong fit na tabas-tabas o ripped jeans sa Ingles na may
katerno pang kapeng sunglasses.
Akalain mo’y isang eskimong naligaw sa Pinas at syempre pa atensyon ng lahat ay
nakasentro sa kanya. May nagbubulungan at kinikilig sa paghanga. Ang iba ay
nakanganga sa pagkatulala. Mayroon naming tahimik at pasulyap-sulyap lang na pa-
Maria Clara epek ang drama. At ako iyon.
Ito naming si feeling Daniel Padilla, panay pa-cute na parang artista kung umasta.
Taas-noo at nakadekwatro pa. Talagang aliw to the max kami sa kanya.
Ang siste, biglang nagkabuhol-buhol ang trapiko. Saka umiba ng daan ang mamang
drayber nang malusutan ang mga kay daming sasakyan. Napadpad kami sa di-
sementadong daan na ang lubak ay daig pa sa kanal. Si feeling Daniel Padilla ay may
patakip-takip pang nalalaman upang alikabok ay harangan. Nang biglang umalog ang
sasakyan dahil sa kadiliman, inatake tuloy ng hika, ubo at may kasamang silbato na
parang pulis. Nagulat ang lahat hanggang mapagtanto naming silbato’y mula sa kanyang
puwit.
Nagtanong siya sa amin, may utot bang basa? Tumawa ako at sumagot, malamang
wala. Pabulong niyang sinabi, hala! Ipot ito. Akala niya di naming narinig kaya
naghagalpakan ng tawa ang mga pasahero at kamuntik pa matanggalan ang drayber ng
postiso. Ang pagka-Maria Clara epek ko ay biglang nawala. Saka mabilis na pumara si
feeling Daniel Padilla at bumaba ng dyip sa isang iglap.
Kaya para sa mga GGSS o gayang-gaya, siyang-siya, ayusin ang panggagaya upang
idolo niyo di mapahiya. Siguraduhin lamang ang diatabs sa bulsa upang tahasang masabi
ang linyang “Everyday okey!”
Centerfold ibutang if pwede sir… (ikalat lng nato ang text sa mga pictures sir… pero
imoha pa gihapon ang final dicision sir)

Ang Del Franco Inland Resort ay matatagpuan sa dulong bahagi na sakop ng


Barangay Consolacion, Panabo City.

Ipinagmamalaki sa lugar ang kanilang malawak na swimming pool na pambata at


pangmatanda na may mahahabang slides

Napapalibutan ang lugar ng mga punong-kahoy, halaman at ibat-ibang uri ng


bilaklak.

Umabot sa 200 ang mga Cottages at 2 Function Halls na maaring magamit


ninuman.
Ang Del Franco Inland Resort ay bukas mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-6 ng
gabi.

You might also like