You are on page 1of 6

Publications

EDUKASYON: SUSI SA TAGUMPAY


by Joan M. Dueñas, Master Teacher I
Magsaysay Integrated School
Dinalupihan, Bataan

Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang tayo ay alam na natin na ito ay

pinakamahalagang bahagi ng ating buhay. Bakit nga ba? Mula sa pang-araw-araw nating gawain ay

kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng ating pamumuhay. Habang tayo ay lumalaki,

nadaragdagan at lumalawak ang ating isipan at kaalaman. Mula dito, nag-uumpisa tayong

makihalubilo sa ibang tao o kapwa na ating makikilala sa paaaralan. Ang ating guro ang nagsisilbing

pangalawang magulang at mga kamag-aral ay intinutring din na ating pamilya.

Malaking kasiyahan para sa ating mga magulang ang makapagtapos. Kayamanan ito para

sa kanila dahil ito lang ang maipamamana nila sa atin. Ito ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang

kinabukasan ng bawat tao at para magkaroon ng magandang hinaharap. Hindi hadlang ang

kahirapan para sa pagtatagumpay. Kung mahirap ka man, maraming paraan para makamit mo

ang iyong tagumpay. Kailangan mo lang ipakita ang iyong katatagan, pagiging maabilidad at

pagkakaroon ng lakas ng loob upang makaisip ng paraan upang ikaw ay makapagtapos ng pag-

aaral. Ipakita ang pagtitiyaga, pagsusumikap at pagtitiwala natin sa ating Panginoon para

makamit natin ang ating tagumpay.

Sa mundong ito, hindi ganoon kadaling mamuhay lalo na kung wala kang sapat na

kaalaman. Habang tumatagal, nagiging kumplikado ang lahat. Nagkakaroon ng problemang

hindi madaling solusyunan. Ngunit kung mayroon kang mabisang sandata, malalampasan mo ito.

Pangalawa sa Diyos, Edukasyon ang mabisang panlaban sa problema at pagsubok.


3 May 2017
Publications
Ayon kay Enriquez (2012), ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa

marami pang bagay. Ang kaalamang natututunan natin sa paaralan ang nagbubukas at

nagmumulat sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at

nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan

tayo nararapat na magbanat ng buto. Edukasyon din ang magbubukas ng daan upang ating

malaman ang ating mga karapatan at ang kaakibat na mga pananagutan.

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang

mabago ang takbo ng ating buhay. Matibay ang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan

at pag-unawa bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa iba’t ibang asignaturang tinuturo sa

atin ng mga guro at ng ating mga magulang.

Ang edukasyon ay katumbas ng isang imbisibol na susi, tulay, hagdan, at sandatang

panghabambuhay na bitbit ng bawat isang tao na magagamit nila sa kani-kanilang paglalakbay at

mga hakbang na dadaanan sa buhay. Kung wala ito, mahihirapan ang tao na abutin ang kanilang

mga pangarap at mithiin sa mundong ito.

Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Kung tayo ay mayroon nito,

magagawa nating buksan ang ating puso at isipan na pagsikapan ang tagumpay na gustong

makamtan. Ito ay tulay upang malalagpasan natin ang lahat ng bagay na humahadlang sa atin na

maabot ang ating kapalaran. Isa itong hagdan upang maakyat natin ang mga bundok na

humaharang sa ating pagkatagumpay. At ito ay isang sandata laban sa lahat ng kahirapan na

mararanasan sa pagkamit ng pangarap.


3 May 2017
Publications
Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang ugat ng maginhawang buhay. Gaya ng lagi nating

naririnig sa ating mga magulang na edukasyon lamang ang kanilang maipamamana sa atin. Ito

ang dahilan kung bakit sila ay nagpapakahirap magtrabaho para mabigyan lamang tayo ng

magandang edukasyon o pag-aaral. Kaya naman, huwag natin sayangin ang kanilang paghihirap,

mag-aral nang mabuti at pagsikapang makamit ang minimithi.

Tunay ngang napakalaking papel ang ginagampanan ng edukasyon sa buhay ng tao.

Subalit ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay hindi sapat upang maituring na edukado ang

isang tao kaya’t nararapat na de kalidad ang edukasyon na natatanggap ng mga Pilipino.

Pinagkunan:

Enriquez, Myrna M. “Edukasyon, Susi sa Tagumpay” www.hermosa.gov.ph/index.php/.../662


Magtanong, Joan T. “Edukasyon, Susi sa Tagumpay” BPC Koop Vision,( June 13-19, 2009): 5

https://education643.wordpress.com/.../edukasyon-susi-tulay-hagdan

udyong.net/teachers-corner/969-edukasyon-susi-sa-tagumpay
3 May 2017

You might also like